"Lady A, maawa ka sa akin! Ipadala mo na lang ako sa mahihirap na misyon sa ibang bansa. Huwag na kay Mace!" hindi na ako nahiya pa na lumuhod sa boss namin nang makita ko siyang padaan sa lobby. Nakaupo ako kanina at nag-iisip. Tamang nakita ko ito. "Claudia, what the heck?" ani nito. Lumuhod kasi ako sa harap n'ya. "Lady A, nagmamakaawa na ako sa harap mo. Bigyan mo na lang ako ng ibang trabaho." "Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Tiyak kong mapatitino mo ang batang iyon?" "No! No! Hindi ko iyon mapapatino. Unang kita ko pa lang sa kanya, alam kong may tagas na ang utak niya. Ipasa mo na lang sa iba, ayaw kong mag-alaga." "Kailan pa ako nagpasa ng misyon? Kung kanino ko ibinigay ang task ay sa kanya na iyon hanggang matapos. Claudia, ano bang nangyayari sa 'yo?" seryosong tanong