Chapter Four

1487 Words
"Pogi, ang sarap nitong hotdog mo." Puri ko sa lalaki. "Mamula-mula tapos juicy pa. Yum!" "Itigil mo nga iyang pagde-describe nang kinakain mo. It's not funny." Masungit na ani nito sa akin. "Bakit naman itong kwek-kwek n'yo, medyo brown? Baka naman iyong itlog n'yo sa loob, brown na rin." "Stop." Nakukunsuming saway ni Pogi sa akin. "Okay lang din kahit hindi orange. Masarap kapag sinasawsaw sa malapot-lapot na sauce. Si manang din ba ang gumawa nito?" "Yeah!" umirap pa ito. "Sabi mo marami kang pagkain, pang poorita lang naman pala ang afford n'yo." "Dahil ni-request mo!" pinandilatan pa ako nito ng mata. "Oh, bakit galit ka? Expected ko kasi magpapakitang gilas ka. Like roon sa house ni Kuya L.A ko. Tinalo pa iyong five-star restaurant and hotel, laging puno ang table nang masasarap na pagkain." "Damn, kung sinabi mo sanang gano'n, eh 'di iyon sana ang kinakain mo ngayon." Napahilot pa ito sa kanyang sintido. Tinusok ko ng tinidor ang kwek-kwek at isinawsaw ko sa suka. Saka iniumang sa poging lalaki na may katandaan na. "Kain ka, ako lang ang pinapakain mo eh." Tinanggap naman nito. "Ang sarap kong magsubo 'no?" nakangising ani ko rito. "Para iyon lang, bilib ka na sa sarili mo?" "Syempre naman. Mauna kang mabilib sa iyong sarili, ipagmalaki mo. Tapos bibilib na rin ang iba sa 'yo." "Mace, kahambugan ang tawag doon." "Grabe naman, at least magandang hambog. Iyon ang mahalaga." "Mace, GGSS naman iyon." "Ano?" napipikong ani ko rito. "Gandang-ganda sa sarili." "Maganda naman ako, ah!" tumitig ang lalaki na waring hinahanap sa mukha ko kung saan banda ang gandang ipinagmamalaki. Bumuntonghininga pa ito na waring biglang napagod sa paghahanap. "W-alang ganda?" lungkot-lungkutang ani ko rito. Nalulungkot ako, dahil na realize ko na matanda na nga talaga ito. Malabo na ang mata. "Nauunawaan ko kung hindi mo makita. Gano'n talaga kapag matanda na. Hindi na makita ang mga bagay na may tunay na ganda. Magpasuri ka ng mata. Mayaman ka naman. Kailangan mo nang magpasalamin, kuyang!" kunwari'y punong-puno ang tinig nang pakikisimpatya sa lalaki. Pero kusa ring napangisi. Na-build up ang confidence ko bata pa lang ako pagdating sa mukha ko. Itinanim sa isipan namin ni Ate Jas na maganda kami. Kaya nga pareho kaming ambisyosa no'n eh. S'ya nga gustong maging artista, tapos ako gusto kong maging inspiration ng mga tao para magpaganda pa sila lalo. Maka-inspire pa sa lahat na iyong gandang mayroon sila ay hindi pa enough para maka-level ko. Gano'n kataas ang confidence ko. "Hindi ako matanda, Mace. Sadyang nene ka pa lang. Mababaw pa ang depinisyon mo ng ganda." Pinalo ko ang mesa nito. Pero napangiwi rin dahil nasaktan ko ang sarili kong kamay. "Maganda sabi ako, eh!" "Oo na! Baka bigla kang umiyak, mailunod pa kita sa aquarium ko." Sinimangutan ko ito. Mas pinili kong lantakan na lang ang pa-merienda nito sa akin. Baka kasi palayasin na ako nito. Sayang naman ang mga pagkain. "Hatid mo ako bukas sa school, ha? Ang pogi kasi ng car mo. For sure ingit na ingit ang mga pangit sa school namin kapag nakita nilang bumaba ako sa isang sports car." "I'm busy." Umirap pa ito. Busy raw, pero nakuha naman ako nitong sunduin kanina. "Kuyang pogi, kapag hindi mo ako inihatid bukas tiyak kong mami-miss mo ako. Wala kang makikitang maganda na tulad ko." "Maraming maganda rito sa The Alpha's Town. Pati na sa office ko, marami rin." "Pero iyong quality beauty." Sabay turo sa sarili kong mukha. "Limited edition lang ito. Ikaw rin, kapag na realize mo iyan, baka too late na." Natawa na ito saka pinisil ang pisngi ko. "You're so funny. Kumain ka na nga lang d'yan." "Pwede bang dito ako maki-dinner? Ano bang ulam ang kaya mong i-offer? Pwede bang sinabawang Oscar fish?" "Oh come on! Hindi kami nagluluto ng Oscar fish dito. Mahal na mahal ko ang mga alaga ko, Mace." "Tsk. Doon na lang pala ako mag-dinner sa bahay ni Kuya L.A, for sure masarap ang ulam doon." "Ikaw na ang mag-request kay Manang kung ano ang gusto mong ulam. Dito ka na kumain. Maiwan muna kita saglit, may kukunin lang ako." Iniwan nga talaga n'ya ako. Naubos ko na iyong merienda hindi pa rin bumalik. Nakalimutan yata n'ya ako. Nang mainip ay tumayo na ako. Saka muling pinagtuunan nang tingin ang mga aquarium. Iyong paboritong Oscar fish ni Pogi ang agaw eksena talaga. Maliksi ito, or sadyang parang hindi lang mapakali. Nang manawa ako roon ay lumabas na ako, narating ko ang living room na mas nakaka-relax dahil sa mas malaking fish tank na nasa wall. Naupo muna ako sa couch. Ni-relax ang katawan. Pero hindi pa rin bumalik si Kuya Mec. Kaya naman nagpasya na lang akong umuwi. Paglabas ko'y napasimangot ako nang makita ang daang kailangan kong tahakin palabas ng gate. Ang layo naman. Ang sama rin talaga pala ng ugali ni Kuya Mec. Kasi hindi man lang naalalang ihatid ako. Pero sanay naman ako sa lakaran. Magta-taxi na lang ako paglabas ng gate. Hindi ko nga lang sure kung may taxi ba paglabas. Medyo malayo ang gate. Required ba ang ganitong kalayong gate sa mayayaman? Baka... gano'n din kasi iyong kay Kuya L.A eh. Dahil basic lang ang lakad sa akin, nakarating ako sa gate na hindi man lang pinagpawisan. "Miss, saan ang punta mo?" harang ng guard sa akin. "Uuwi na po ako. Pakibukas po no'ng gate." Mabait namang pagkakasabi ko. Baka kasi hindi ako palabasin, tapos pabalikin ako sa mansion ni Pogi. Eh 'di nasapak ko itong Mamang bantay kapag nangyari iyon. "Alam po ba ni Sir?" "Oo!" sagot ko. Ayaw kong magpapigil, baka kasi palakarin na naman ako pabalik. Ang layo no'n. "Pinayagan po ba n'ya kayo?" "Oo nga! Saka hinihintay na ako ni Kuya L.A ko." "Kuya L.A po? Si Sir L.A po ba ang tinutukoy n'yo?" "Opo. Buksan n'yo na po ang gate." "Sige po." Susunod din pala ang dami pang tanong eh. Nakuha ko pang magba-bye rito. Pero nang makalabas na ako at maisara na ang gate, saka ko pinagsisihan ang naging desisyon ko. Tinititigan ko pa lang iyong kalsada, parang gusto ko na lang pumasok sa school kaysa umuwi sa bahay ni Kuya L.A at Ate Jas. Parang mas kaya ko pang lumakad patungo sa eskwelahan kaysa umuwi. Inilabas ko ang cellphone ko. Baka may taxi, or baka available si Kuya L.A para sunduin ako. Kaya naman tinawagan ko s'ya. Sa pagkakaalam ko nagpunta sila kina Mamang at Papang para kausapin ang mga ito. Hindi ko lang sure kung nakauwi na sila. Ilang ring din ang ginawa ko, pero hindi sinagot ang tawag ko. Pero after kong sumuko sa pagtawag, si Kuya L.A naman ang tumawag sa akin. "Mace, nasaan ka? Kasama mo pa ba si Mec?" may urgency sa tinig nito nang tanungin ako nito no'n. Kapag sinabi kong hindi ko kasama si Kuya Mec, baka hindi n'ya sabihin ang kung ano mang kailangan n'yang sabihin. Kaya mas pinili kong magsinungaling na lang. "Opo, Kuya! Kasama ko po s'ya. Nakauwi na po kayo?" "Makinig ka sa akin, magpahatid ka kay Mec dito sa bahay. Ngayon na, Mace. Nawawala ang ate mo." Para iyong bomba sa pandinig ko. Paanong nawala? Marunong namang umuwi ang isang iyon, naligaw ba? Hindi ko namalayan na tumatakbo na ako. Tumatakbo sa napakahabang kalsada. Natapos na ang tawag, pinutol ko na. Daig ko pa ang nakikipagkarera sa sarili kong hininga. Naiiyak na ako, hindi dahil sinabi ni Kuya L.A na nawawala ang Ate ko, kung 'di dahil masakit na ang paa ko, sira na rin ang sapatos ko. Tapos feeling ko hulas na ang ganda ko sa layo nang tinakbo ko. Hindi ko na bati si Kuya Mec. Bakit ba kasi kinalimutan n'ya akong ihatid? Saka ayaw ko na ring tumira sa The Alpha's Town. Mayaman nga mga tao rito, wala namang masakyan ang dukhang tulad ko kapag may emergency. "Mace! Mace!" sunod-sunod na busina ang nagpahinto sa pagtakbo ko. Nang tignan ko ang lalaking sakay ng sports car, nakita ko roon si Kuya Mec. Agad itong bumaba ng sasakyan at patakbong lumapit sa akin. "Bakit ka umalis?" stress na tanong nito. S'ya pa itong stress, samantalang pinaghintay n'ya lang ako tapos tumakbo pa ako nang napakalayo. "Kasalanan mo." "Bakit kasalanan ko?" "Kasi plano mo pala akong gawing gwardya sa bahay mo, hindi mo naman ako in-inform." "What?" "What-what ka pa d'yan. Pagod na akong tumakbo, kasalanan mo ito. Sira na rin ang sapatos ko. Pati na iyong freshness ko wala na. Kasalanan mo. Tapos ngayon, gutom na rin ako. Gutom na naman ako." Napangawa na ako nang iyak sa labis na frustration. Iyong ate ko pa, nasaan ba iyon? Nakalimutan n'ya bang magdala ng mapa? Sabi ko na nga ba, dapat kinaibigan namin iyong batang palaging may suot na bag. Iyong batang may bangs na gala nang gala sa ilog at bundok. Tatanungin pa no'ng kung nakita ba namin iyong gamit na kailangan n'ya. Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD