Chapter Three

2518 Words
"Ay, puta!" malutong na mura ni Theresa nang matisod ito. Patungo na kami sa room namin nang masabit ang paa nito sa batong pahara-hara. Nang tignan namin ang bato ay parehong napasinghap kaming dalawa. Iyong bato na iniwan namin sa labas ng gate ni Sir, nakabalik! "Wow, amazing!" exaggerated na anas ko. Hinaplos ko pa iyon, baka may magic. "Nakabalik nga, ang galing! Papahirapan na naman akong mag-ayos." Biglang himutok ni Theresa. Dinampot n'ya iyon kahit mabigat at ibinalik sa pwesto. Saka n'ya ako niyayang pumasok na sa classroom. Nandoon na iyong sir namin at nagbabalak nang magsimulang mag-check ng attendance. Hindi naman ako katalinuhan, pero gusto kong palaging nasa school. Nae-stress ako sa love life ng Ate Jas ko. Alam ko iyong secret ni Kuya L.A pero hindi ko mai-chika sa kapatid ko kasi nga secret nga lang iyon, 'di ba? Alam kong matabil ang dila ko, kaya naman ingat na ingat ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ko sa takot na makasira nang diskarte. "Mace, may pagkain na naman tayo." Napukaw ni Theresa ang atensyon ko. Ngayon ko lang napansin ang pagkain na nakapatong sa upuan ko. May bulaklak pa nga na halatang kinupit lang naman doon sa tanim sa labas ng school. Kinuha ko ang bulaklak, hindi ako iyong tipo ng dalagita na natutuwa sa bulaklak, pero natutuwa ako sa pagkain. Humakbang ako palapit sa trashcan at itinapon doon ang bulaklak. Hindi ko alam kung sino na naman sa mga depunggol ang nagbigay. Sa ganda ko kasing ito ay marami, hindi na mabilang sa mga daliri ko kung ilan sila. May mga textmate pa nga ako, na dahil binigyan ako ng load ay nire-reply-an ko. Mayroon mga textmate na parang ang gwapo-gwapo kapag ka-text. Pero kapag personal na halatang kulang sa ligo at kulang sa acceptance na pangit sila. Pagbalik ko sa upuan ay iniabot ko kay Theresa ang baon naming dalawa. Iyong inabutan naming pagkain sa upuan ko, share your blessings ika nga. Anim na puto iyon. Pwede pang mai-share sa ibang tropa na kanina pa senyas nang senyas na isa raw sa kanila. Nag-okay sign naman ako. "Luwalhati?" "Sa ama o sa anak, sir?" tanong ko sa guro. Nagtawanan ang mga classmate ko sa biro ko. "Sa ispiritu santo, hija. Dahil d'yan absent ka." "Grabe naman, ito namang si Sir hindi mabiro. Syempre sa anak, sir! Present po ako. Baka kapag iyong sa ama na, Sir, mapatakbo ka sa takot. Gusto mo bang makilala iyong ama ko, Sir?" "Hindi na." Masungit na ani nito. Saka nagpatuloy sa pag-check ng attendance. "Hindi mo ba t-atanungin kung sino ang nagbigay sa 'yo nang bulaklak?" tanong ng top 1 kong kaklase. S'ya si Calvin, pogi naman. Kaso mas pogi pa rin ang mga tropa ko. "Bakit? Sa 'yo ba galing?" curious na tanong ko rito. "Ah, Hindi! Sino ka para bigyan ng bulaklak at puto?" biglang pagsusungit nito. "Sungit. Hindi naman gwapo." "Arte, bobo naman." "Hoy!" biglang hampas ko sa table ko. Napatayo pa ako at nanlalaki ang butas ng ilong. "Luwalhati!" sita ng guro namin dahil sa biglang pa eksena ko. "Ito kasing si Calvin, Sir, sinabihan ba naman akong bobo." Reklamo ko. "Sige nga, 1 + 1?" singit ni Ben. Isa sa kaibigan ko. "11." Mabilis na sagot ko rito. "Bobo nga." Padabog na naupo ako. Si Calvin ang nagsabi no'n. "Bakit mali ba? Wala namang equals eh." Inirapan ko pang muli ito bago itinapon ang tingin sa harap. Who you itong Calvin na ito kapag na fall s'ya sa akin. Ang magagandang tulad ko ay hindi dapat sinasabihan ng bobo. So kung sinagot ko ba s'ya kapag nanligaw s'ya, matalino na ako? Nah, wala s'yang pag-asa sa diyosang tulad ko. "Kung iniisip mong manliligaw ako sa 'yo, huwag ka nang umasa. Hindi mababa ang standard ko sa babae. Mas bet ko pa iyong Ate mo, kumpara sa 'yo." Mahinang ani ni Calvin. Sadyang sa akin lang ipinarinig. "Talaga lang ha? Hindi mo ako bet? Nakita mo ba itong mukhang ito?" turo ko sa mukha ko. "Ito iyong younger version ng mukha ng ate ko. Kapag nasa edad na ako na tulad ng sa kanya, tiyak na kasing ganda ko s'ya. Hindi talaga kita bibigyan ng chance kapag dumating iyong time na namukadkad na ang kagandahan ko." "In your dreams, Luwalhati." Masungit na ani nito. Hihirit pa sana ako pero nakuha na ng guro namin ang atensyon naming lahat. Bobo raw ako. Baka kapag ginalingan ko umiyak s'ya dahil naagaw ko na ang pwesto n'ya, eh. "Ilan ang score ni Calvin?" pagkatapos ng lecture ay nagpa-quiz ang guro. Hindi ko alam kung nasaan na ang papel ko. Dahil pinakolekta, tapos labo-labo na ang palitan. "24, Sir!" may angas na sagot ng lalaking tropa nito. Tumingin pa sa akin si Calvin pagkatapos marinig ang score n'ya na waring nanghahamon. Narinig ko nang tinawag ang pangalan ni Ben Thong, 13 lang s'ya. Tapos si Theresa 14. Nang ako na, naiiling na si Calvin. Mga 10 lang siguro ako, kasi hindi ko naman masyadong ginalingan eh. "Luwalhati, ilan ang score mo?" "30, Sir!" ako yata ang may malakas na singhap. Gulat yarn? Hinanap ko kung sino iyong nagsabi ng score ko. Iyong top 2 na si Clarisse. "Patingin." Utos ng guro. Aba'y bakit sa iba walang kwestiyon. Tapos sa akin gusto n'ya i-double check? "Kanino ka nangopya?" napasimangot ako sa tanong ng guro. "Sir, wala namang alam itong mga katabi ko." Sabay tingin kay Calvin. "Pinatunayan ko lang, Sir, na hindi ako bobo." Sabay ngisi, nakuha pang pagpagan ang palda na akala mo naman ay may marumi roon. Sa totoo lang, 3/4 ng klase ay nag-doubt rin sa result. Pero dahil iyong top 2 ang nag-check, wala na rin silang magawa kung 'di tanggapin ang katotohanan na perfect ako sa edukasyon sa pagpapakatao. Pagkatapos ng klase, sabay-sabay pa rin kaming umuwi ng mga kaibigan ko. Tropa ko na iyong kapitbahay namin na asawa ni Ate Jas. Kaya naman kapag wala pa ang ate ko'y roon ako sa bahay n'ya tumatambay. May libreng gadgets kasi roon. May internet pa. Nandito na ako sa bahay ni Kuya L.A nang marinig ko ang tinig ni Ate sa kabilang bahay. Dahil may ginagawa pa ako sa cellphone ay hindi muna agad ako nagtungo roon. Dumating din naman si Kuya L.A pero agad ding nagsabi na kakausapin ang asawa n'ya. Kaya sumama ako sa kanya. Number 1 fan ako ng love team nila, kailangan support. Kaso pagpasok sa loob ay may bisita kami, si Kuya Mauro. Ang hirap maki-marites sa love life ng iba. Kaya talagang wala pa sa isip ko iyong love life ko eh, kasi wala naman akong gano'n. Medyo mahaba ang issues nila. Halos hindi ako maka-catch up. Kaya talagang mas magandang nasa school eh. At least pwede mong iwan ang mga issues at problems sa bahay kapag pupunta ka ng school. Ang kaibahan naman kapag may problems ka sa school, pwede mong i-uwi sa bahay. "Ayos ka lang ba, Mace?" worried na tanong ni Theresa sa akin. "Oo naman. Mukha naman akong okay, 'di ba?" "Hindi eh! Hindi ka mukhang okay, kapag may problema ka hindi ka kasi makakain. Tignan mo, ako lang ang umubos ng pagkain natin." "Naku! Huwag mo na akong pansinin. Busog pa ako." Dahilan ko rito. Wala akong mapagsabihan ng problema ko. Umalis si Kuya L.A at Ate Jas, tapos bumalik na may malaking pasabog. Iyong stress ko sa bahay gusto ko munang takasan kaya kahit wala sa kundisyon ang isipan ko ay pumasok pa rin talaga ako. Nasampal pa ako ni Papang dahil lang sinabihan ko na pangit iyong tunay ko raw na kapatid. Tapos sinabunutan ko pa. Kaya bumingo talaga ako kay Papang. Ayaw kong umuwi, magpapasundo ako ako sa Kuya L.A ko mamaya. Kaya nang mag-uwian ay mas nauna pa akong lumabas kaysa sa guro namin. Nagdahilan pa nga ako sa mga kaklase ko na masakit ang ulo ko. Konting arte lang ay na dala na sila. Sinundo ako no'ng poging driver Mec ang pangalan. Hindi s'ya gaanong ma-appeal sa paningin ko. Papasang gwapo, pero ang pangit namang pagpantasyahan ang matanda na, 'di ba? Inihatid ako nito sa bahay ni Kuya L.A kung saan nasa loob iyon ng The Alpha's Town. Rich sugar daddy ang peg ng brother-in-law ko. Pati kasi bahay nito ay sobrang laki, tapos may walastik na system ang bahay nito kung saan magbibigay ka lang ng command kay Pamela ay susundin na n'ya. Iyong pagtatalo ni Mamang at Papang no'ng nakaraan about gestational surrogacy ay patungkol pala sa akin. Hindi nila ako anak, tapos sinampal pa ako ni Papang. Oo, iyong isinulat ko sa notebook ko na salita ay gestational surrogacy. Nalinawan ako sa ibig no'ng sabihin no'ng tanungin ko iyong matalinong system ng bahay ni Kuya L.A. Kaya lutang ako eh, bukod sa sampal ni Papang ay na windang din ako sa pagkatao ko. Kaya kung ipipilit man ni Mamang at Papang na sumama ako sa kanila, neknek nila. Tinaboy nila si Ate Jas dahil lang hindi pala nila tunay na anak tapos winelcome nila iyong kamukha ni Papang na si Esmera. Hindi rin nila ako anak, kaya rito lang ako kay Ate Jas ko. Kahit magmakaawa silang bumalik ako sa kanila. Selfish sila. Hindi ko sila bati. Nang pumasok ako sa school may bodyguard na ako. Hindi nga makapaniwala iyong mga kaklase namin na may mga nakatayong bantay sa labas dahil sa akin eh. "Mace, nalaman mo bang anak ka ng prisidente? Mayaman ba kayo?" pangungulit ni Theresa sa akin. "Nalaman ko na hindi ako anak ni Mamang at Papang, gano'n din si Ate Jas ko. Mayaman ang biological parents namin ni Ate, iyong mga nang-api dahil mahirap lang kami, who you sila sa akin." Pagbibida ko. Kasi nga bida-bida ako. "Hoy, baka namannnn! Ikaw na ang bahalang magpaaral sa akin." Hirit pa ni Theresa. "Don't worry, kapag nakuha ko na iyong mana ko, isha-share ko sa 'yo." Biro ko rito. "Gusto ko iyan." Tapos na ang klase. Inaayos ko na iyong mga gamit ko nang lumapit si Calvin sa akin. "Bakit?" baka sabihan na naman ako nito ng bobo. Medyo lang naman. "May aaminin ako sa 'yo. Naisip ko kasi ngayong mayaman ka na baka lumipat ka na ng school." "Talaga!" "Ako iyong nagbigay ng bulaklak at puto. Gusto kita, Mace." Isinara ko iyong zipper ng bag ko. "Hindi naman nakakagulat. Maganda kasi ako, pero hindi kita gusto. Hanap ka na lang ng iba." Confident na pamba-basted ko rito. "Mataas kasi ang pangarap ko, kung magbo-boyfriend man ako. Dapat iyong gwapo na mayaman pa. Tiyak ko namang hindi ka mayaman. Kaya bagsak ka agad sa standard ng lalaking hinahanap ko. Bye!" tinapik ko pa ang balikat nito. Sinalubong ako ng bodyguard na inutusan ng tunay kong Nanay na magbantay sa akin. Baka kasi puntahan ako ni Papang at Mamang dito sa school eh. "Miss Mace, nasa labas po si Sir Mec." "Si pogi? Anong ginagawa n'ya rito?" takang ani ko. Si Mec na kaibigan ni Kuya L.A na napagkamalan kong driver iyon. Si Pogi, kaso oldie eh. "S'ya raw po ang mag-uuwi sa inyo." "Okay." Nakasunod ang mga ito sa akin. Nahahawi nga ang mga estudyante sa dinaraanan ko eh. Feeling famous tuloy ako. "Pogi!" excited na tawag ko kay Kuya Mec. Nakasandal ito sa sasakyan n'ya. Mas famous ang isang ito, ang pogi rin kasi ng kotse nito. Halatang mamahalin. "Ako na ang mag-uuwi sa 'yo." "Sa bahay mo? Grabe ka naman, hindi mo man lang sinabing type mo ako." Umiling-iling pa ako rito. Ang tangkad nito, parang hanggang kili-kili lang n'ya ako. "Tsk. Magtigil kang bata ka sa mga banat mo. Sakay na." Utos nito sa akin. Pinagbuksan pa n'ya ako ng pinto ng passenger seat. "Pogi, ipakita mo naman iyong bahay mo. Sabi mo maganda rin iyong house mo hindi lang iyong kay Kuya L.A ko. Patunayan mo nga." "Tsk. Mag-seatbelt ka na." Ginawa ko naman ang sinabi nito. Nang umusad na ang sasakyan ay nakuha ko pang buksan ang bintana saka kinawayan ang mga kaibigan ko. Halatang gulat na gulat ang mga ito, si Theresa lang iyong mukhang hindi. Oo nga pala, nabangit ko naman na rito kung ano ang nangyayari sa buhay ko eh. "May swimming pool ba roon sa bahay mo?" "Meron." "May bubong ba iyong bahay n'yo?" "But of course!" "May tao ba roon?" napasimangot na ang lalaki na tinignan ako. "May pagkain?" "Marami, Mace!" "Iyon, iyon talaga ang gusto ko." "May request ka bang pagkain? Ipahahanda ko." "Kwek-kwek? Isaw at hotdog." "Okay." Habang nagmamaneho ito'y may tinawagan na ito. Para malibang sa byahe ay inilabas ko ang bubble gum ko. Nakuha ko pang palubohin iyon. May pagkakataong pinalolobo pa talaga tapos pumuputok at dumidikit sa palibot ng nguso. Medyo may lasa pa naman iyon hanggang makarating kami sa bahay ni Pogi. Papasok pa lang kami pansin ko na ang malaking fountain. Tapos iyong parang plant box pero may tubig may halaman at fish. Pagdating namin sa loob, bumungad agad sa akin isang malaking aquarium. Wall-mounted fish tank na agaw eksena sa buong living room ni Pogi. Napatakbo ako palapit doon. "Wow! Rich ka nga talaga, ang daming isda." Tuwang-tuwa ako. Nasa aquarium din nito si Nemo. "Manang, naihanda mo ba iyong sinabi ko?" tanong ni Pogi sa matandang lumabas sa isang silid. "Oo, mabuti na lang at may stock sa The Alpha's Foodie ng gano'n. Saan ba kayo pupwesto--- teka, anak mo?" turo ng matanda sa akin. Malakas akong natawa. Baby face talaga ako. Imbes pagkamalang shota, anak pa ang nasabi ng matanda. "Manang!" gulat na saway ni Mec. "Opo, manang! Anak nga ako ni Pogi. Huwag n'yo pong ipagkakalat na maaga s'yang naglandi at ngayon may teenager na s'yang anak." "Mace, stop! Baka maniwala nga talaga s'ya. Halika na at kumain muna tayo." Hinawakan ako nito sa braso saka iginiya patungo sa kusina. Mayroon pa ring mga fish tank doon. Nakadikit sa wall katulad no'ng sa sala. Nakaka-relax ang itsura. "Iyan ang paborito kong isda." Turo ni Mec sa isda sa isang tank. "Parang tilapia lang naman iyan, eh!" "Of course not! Oscar fish iyan." Habang nakikinig dito ay patuloy ako sa pagnguya sa bubble gum ko. Wala na iyong lasa, para kaming nagkatitigan ng paborito nitong isda. Naiingit yata sa bubble gum ko. Nang tumalikod si Mec para lapitan ang mesa ay mabilis kong iniluwa iyon. Kabilin-bilinan ni Mamang noon, bawal ilunok ang bubble gum. Wala rin naman akong pagtatapunan kaya pasimple kong inihulog sa aquarium. Pigil hininga ko pang pinanood ang pagbaba no'n. Pwedeng mag-share ang mga fish, medyo malaki naman iyon eh. Nakita kong iniikutan na ng mga isda ang bubble gum. "Sharing is caring, guys." Mahinang ani ko. "Ay putangina!" gulat na anas ko nang makitang sinolo lang iyon no'ng paborito ni Mec na isda. Gagi, ang damot naman. Hindi man lang shinare. "Mace, mag-merienda ka muna." Tawag na sa akin ni Pogi. Nakahinga ako nang maluwag. Hindi n'ya napansin ang ginawa ko, saan ko naman kasi itatapon iyong bubble gum ko, mabuti na lang marunong maglinis ng evidence ang isda nito. Pero mas masaya sana kung shinare n'ya, eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD