Ang hirap pagsabayin ng pag-aaral at misyon. Pero kinakaya ko naman. Hindi rin naman ako pinapabayaan ng mga kasama ko. Ngayon, nakakuha ako nang pagkakataon para makaalis ng bahay. May meeting si pogi, kahit sabado. Inihatid ako nito sa The Alpha's Town, tapos si Mommy naman na umuwi na kasama si Daddy ay tinulungan akong makagawa nang dahilan para makalabas. Buong akala ni Ate Jas ay kasama ako ng magulang namin. Pero ang totoo, umuwi na sila sa bahay na nabili nila. Balak na kasi nilang dito sa Pilipinas manatili. Suportado naman naming magkapatid iyon. Nandito ako sa bahay ni Ate Tatti. Halos magkakapitbahay lang pala iyong mga dating miyembro ng kulto ni Lady A. Iyong mga anak nila, inaalagaan daw ng mga asawa nila. Kaya naman ang mga girls ay narito ngayon. "Sabi ni Claudia