Kung gaano ako kabilis na umalis nang university, gano'n din ako kabilis na nakabalik. Nagpalit lang ako ng damit, iyong hinubad ko kanina ay ibinalik ko lang. Iniwan ko na rin iyong motor sa bahay na itinuro sa akin kanina. Ngayon daig ko pa ang nakikipagpaligsahan. Makarating lang sa gate ng university. Pawis na pawis na ako. Mabilis naman akong hinarang ng mga kaibigan ko na bakas ang labis na pag-aalala. "Diyos ko, Mace! Saan ka ba galing?" agad na kompronta ni Theresa sa akin. Yumakap pa nga ito sa akin nang makalapit na ako sa kanila. Tapos sinipat-sipat kung ayos lang ba ako. "Bakit? Anong nangyari sa inyo?" nakatawang tanong ko. Inisa-isa ko pa silang tinignan. Lahat nakaguhit sa kanilang mga mukha ang pag-aalala. "Nilibot na namin ang buong university para lang hanapin k