Niyaya naming sila Ate Romie na mag-inom, pero tumanggi sila. Kaya kami lang ni pogi ngayon ang may hawak ng tag-isang beer. Tiyak na basic lang dito ang beer, baka nga walang effect dito ang gano'ng klase nang inumin. Pero sa akin... tiyak na ilang beer pa lang ay tatamaan na ako. Gusto ko lang namang i-try ang malasing. Hindi naman ako pababayaan ng lalaking kasama ko ngayon dito sa sala. "Kung hindi mo gusto ang lasa, huwag mo nang pilitin." Panay ang bilin nito. Samantalang nakadalawang can naman na ako. "Ayos lang naman." Sagot ko rito. Saka nagsimulang ilipat-lipat ang chanel ng TV. Nang mapunta ako sa Old Filipino movies ay nakontento na ako. Action kung action si The King. Ewan ko lang kung ma-enjoy ni pogi ang ganitong palabas. Ako kasi oo, nag-e-enjoy ako sa mga ganit