"Makikipagkita ang Kuya Mec mo roon sa babaeng katatagpuin sana n'ya no'ng nakaraan." Busy akong mag-aral, pero heto at may text si Ate Garette sa akin. Naka-monitor ang cellphone ni pogi, 24/7. Kaya ang simpleng impormasyon na ito'y napakadali lang makuha. Siguro kung nasa misyon ang atensyon ko isang daang porsiyento, baka natapos ko na. Pero mas focus kasi ako sa pag-aaral ko. Iyon ang gusto ng magulang ko, gano'n din ni Lady A. Bantay-bantayan si pogi, at saka lang unti-untiin ang trabaho. "Mace, inom ka muna." Ipinatong ni Patrick ang bottled water sa mesa ko. Kinausap n'ya ako kaninang papasok pa lang, instant bati na agad, sabay kami ngayon nagpunta rito sa For-me Cafeteria para mananghalian. Walang klase mamayang hapon. Nagbigay lang ng mga activity ang mga prof namin. Kaya ng