Kanina pa ako tinatawanan ni Claudia. Claudia raw ang pangalan n'ya. Kaya gano'n ang itsura n'ya ay dahil katatapos lang daw n'ya sa isang misyon. Hindi nakakatuwa iyong biro n'ya kanina, na akala mo siga. Nasabi ko pang luma ako, samantalang fresh na fresh pa ako. "Saan ka pupunta, Mace?" curious na tanong ni Claudia sa akin. "Sa office ni Lady A." "Oh? Tamang-tama doon din ako pupunta. Kailangan kong mag-report sa kanya. Ipinatawag ka n'ya?" "Hindi." Nagsalubong ang kilay ng babae. "Are you sure na pupunta ka sa kanya kahit hindi ka n'ya ipinatawag?" pagkamangha ang lumarawan sa mukha nito. "Oo! Baka kasi miss na n'ya ako." "Wow! Kakaiba ka. Parang ngayon pa lang ako naka-meet ng babae rito na malakas ang apog na magtungo roon, kahit hindi ipinatawag." "Amazing pala ako."