Tawang-tawa pa rin ako habang sinusundan si Mace. Nabilinan ko naman na iyong guard na huwag itong palabasin, gamit ang system ng mansion. Kaya chill lang na nakasunod ako rito. "Pagod ka na?" aliw na tanong ko rito nang huminto ito, humarap sa akin na inabutan nitong nakangisi pa. "Kuya Mec naman eh!" reklamo nito. "Fine! Akin na si Cece. Ikukuha ko na lang ng dagdag na yaya para 24/7 ay mabantayan s'ya." Mahinahong ani ko rito. Hindi ko rin naman kayang umalis ito na may sama ng loob sa akin. Nang maipasa nito si Cece ay nakangiti na ito. Iyong ngiti na akala mo'y nagwagi ito sa gustong mangyari. Yes, she did! Nagwagi naman talaga s'ya. "Uuwi ka na?" tanong ko rito. Tumango naman ito. "Ihatid mo ako, pogi! Hindi ko kayang maglakad nang malayo." "Okay, hintayin natin ang sas