Tulog si Kuya Mec sa couch. Busy ako mag-cellphone. Kahit na sinabi n'yang magpahinga ako'y hindi ko ginawa. Nanonood ako ng bold--- I mean nanonood ako ng tutorial sa english. Naka-bold letters naman sila eh. Tamang plano ko nang manood ng tunay na bold, may marahang nagbukas ng pinto. Mukhang wrong room ang isang ito. Maganda naman s'ya, pero parang nakakatakot s'ya. "Maling kwarto po." Mahinang ani ko. "Mace?" "Ay, tama pala! Sino po kayo?" ani ko. Kasi wala naman akong expected na bisita. Humakbang ito palapit sa akin. "Gusto kitang makausap." "Nag-uusap na po tayo." Ngiting-ngiti na ani ko rito. Pasimpleng sinulyapan si pogi. Baka kasi maistorbo ito. "Pwede bang sumama ka saglit sa akin?" "Hala! Last time na may nakipag-usap sa akin na kidnap ako eh. Dito lang ako. Tapo