"Ako na ang magbubuhat ng bag mo." Prisinta ni Ben Thong. Uwian na, sa aming pito, si Theresa at Ben Thong ang kasama ko sa classroom, tapos si Tom at Pan naman ang magkaklase. Si Cesar at Von ay sa magkaibang section din. Dati naman kaming pito na magkakasama sa classroom, kaso nagkaroon nang pagpupulong ang mga guro na hindi na raw kayang i-handle ang pitong kabataan na magkakaibigan na magkakasama sa isang classroom. Feeling mafia ang mga depunggol. Dahil maganda, ako raw ang Queen nila. So, sino ang king ko? Napalinga ako sa mga kaibigan ko na nasa likuran. Kami ni Theresa ang nauuna, tapos mukhang bodyguard lang namin ang limang lalaki.
Nang dumako kay Ben ang tingin ko, kusa akong napa-yuck. Mga gwapo naman sila, kung ikukumpara sa ibang estudyante sa eskwelahan na pinapasukan namin. Pero mataas kasi ang standard ko. Parang iyong secret husband ng ate ko. Ang pogi no'n, mayaman din. Pero secret lang.
"Akin na sabi." Ulit ni Ben Thong at kinuha na ang bag ko.
"Ako na rin ang magbuhat ng bag mo, Asereth." Prisinta ni Cesar. Napangisi naman ang babaeng kasabay ko sa paglalakad na kanina ko pa pansin na hirap na hirap sa bag n'ya.
"Talaga ba? Sure!" sagot naman nito.
"Tangina, ang bigat naman. Inilagay mo na yata sa bag mo iyong upuan sa classroom."
"Hindi ah!" umiling pa ito. Inangatan ko s'ya ng kilay. Hindi ako kumbinsido na notebook, books and ballpen lang ang laman no'n. Mukhang mabigat, kaya pasimple ko s'yang siniko. Nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Anong laman? Wala sa lahi natin ang magnanakaw, Theresa." Paalala ko rito.
"Wala naman akong ninakaw. Inilagay ko lang sa bag ko iyong malaking bato na palagi na lang pinapaayos ni Sir sa tuwing natatanggal sa gilid ng plant box n'ya." Alam ko iyong batong tinutukoy nito. Dahil sa tabi ng pinto nakaupo ang kaibigan kong ito ay madalas itong mautusan na ayusin ang batong iyon.
"Gagi, 'di nga?" gulat na ani ko. Hindi ko naman napansin na ikinarga nito sa bag n'ya iyon.
"Mamaya, check mo kung gusto mo. Napapagod na akong ayusin eh. Tama naman sigurong alisin na ang bagay na sagabal sa buhay ko." Natawang tumango-tango ako.
"Tama! Tama ka d'yan." Nag-high five pa kami nito. "Madadaanan natin iyong bahay ni Sir mamaya kung maglalakad lang tayo pauwi. Iwan natin sa gate." Suggestion ko rito.
"Nadali mo, Mace. Iyon nga ang gawin natin later."
"Ano na namang pinag-uusapan n'yo?" sumingit sa pagitan namin ni Theresa si Pan. Umakbay pa nga ito.
"Wala. Sabi ni Theresa gusto raw n'ya ng kwek-kwek. Make libre naman, kuyang." Maarteng ani ko sa kaibigan. Napasimangot naman si Pan, pero tumango ito. Ayaw lang n'yang inaartehan namin s'ya, lalo na sa pagsasalita. Pero hindi madamot ang isang ito.
"Hala! Bakit mo sinabi? Eh, 'di nalaman na n'ya?" inarte rin itong isa. Pero gusto rin naman.
"Tara na!" tinuro nito ang paborito naming turo-turo stall na nasa kabilang kalsada lang.
Kilala na ang grupo namin ni Manong turo-turo. Paborito nga rin kami nito, may extra suka kapag kami bumibili sa kanya.
"Tag-sampu lang ha." Paalala ni Pan.
"Oo, sampu sa akin. Dalawa." Ngiting-ngiti na ani ko. Sakto na iyong sampu lang, pero tiyak na walang ulam sa bahay pagdating ko. Kaya naman iuuwi ko iyon para mamahaw ako later.
Magrereklamo pa sana si Pan pero sumingit si Cesar.
"Sige na, ako na bahala sa dagdag ni Mace."
"Ayon! The best ka talaga." Nauna kaming nanguha ni Theresa.
"Suka lang ang kaya kong i-offer na dagdagan ninyo. Hindi iyong fishball." Paalala ni Manong turo-turo sa amin.
"Oho naman po. Medyo patsy gutom lang kami, pero hindi kami madaya." Sagot ng kaibigan ko. Sabay subo ng isang fishball. Sa talas ng mata ko, nabilang ko agad na ang nailagay nito sa baso nito ay sampu na. Gago talaga.
"Dalawang sampu sa akin, Manong. I-plastic mo iyong isang baso kasi ita-take out ko iyan."
"Maka-take out ka naman, nasa labas naman tayo eh." Kontra ni Von.
"Oo nga, Mace. Madalas kang nag-e-english. Take out lang hindi mo pa magamit ng tama, sabihin mo kay Manong ita-take in mo. Kasi sa ipapasok mo naman iyan sa loob ng bahay n'yo." Gatong ni Theresa.
Ginawa pa akong bobo ng mga ito. Pero sige na nga, may point naman sila.
"Paki-plastic po, Manong. Ita-take in ko kasi iyan. Mag-plastic ka rin po ng suka. Para may sawsawak ako ng tuyo mamaya."
"Tuyo na naman? Lagi bang tuyo ang ulam n'yo?"
"Hindi naman po. Kapag nakakatiyempo si Papang ay madalas manok ang ulam namin."
"Tsk, kaya stress iyong kapitbahay ninyo eh."
"Binabayaran naman namin." Depensa ko.
Mas maayos naman na ang buhay namin kumpara noon. Laking tulong no'ng secret husband ng kapatid ko. Galante ang isang iyon.
"Ito na, dinagdagan ko pa iyong sibuyas at sili n'yan."
"Salamat po." Masayang ani ko sa matanda. Sa aming pito ako lang ang maingay na kumakain habang naglalakad. Hindi rin namin nakalimutan iwan iyong bato sa gate nila Sir, habang tawang-tawa. Hindi ko ma-imagine ang mukha no'ng sir namin na iyon kapag nakita n'ya iyong bato. May pintura pa iyon dahil nga ginawa n'yang palamuti roon sa plant box n'ya.
Iisipin no'n kung paano sumunod iyong bato sa kanya.
Ako ang pinakaunang naihatid. Sunod si Theresa tapos iyong limang itlog, nagkanya-kanya uwi na sila.
Kapapasok ko pa lang ng gate naririnig ko na iyong sermon ni Mamang kay Papang.
Wala pa si Ate Jas. Luma-love life na iyong isang iyon.
Iyong sermon ni Mamang kay Papang pangmatalino. Dahil hindi naman ako super talino, naisipan kong isulat sa papel ko iyong mga katagang pinagtatalunan nila. Tiyak kapag kalmado na ang lahat, tatanungin ako ni Papang kung ano iyong mga sinabi ni Mamang.
Rich fam naman iyong sa side ni Mamang, na fall lang kay Papang.
Si Papang iyong tipo ng bad boy, hindi katulad sa mga palabas na gwapo ang bad boy leading man ha, iyong nasungkit ni Mamang na bad boy, iyong tipong nanunusok ng icepick sa tagiliran.
Pero kahit gano'n naman si Papang, love na love ko iyon.
Hinihintay ko lang silang matapos sa pagtatalo bago ako pumasok sa bahay namin.
Hindi nila napansin iyong pagdating ko, umakyat agad ako sa kwarto ko. Saka nagbihis nang pambahay. Nang matapos ay bumaba na ako para tunguhin ang kusina. Pagdating ko roon ay bati na sila, nilalambing na ni Papang si Mamang. Kilig na kilig naman ang aking ina.
"Nandyan ka na pala, anak! Anak kong maganda na nagmana sa kanyang ina."
"That--- dapat talaga tayong magpasalamat sa bagay na iyan. Thank God! Amen! Hallelujah!" muntik tuloy akong batukan ni Papang.
Kung naging kamukha ko si Papang, kawawa naman ako, 'di ba?
"Maka-amen ka naman, relief na relief ka naman." Parungit nito.
"Baka kung naging kamukha kita, Pang, baka kahit ikaw na ama ko ay maawa rin sa akin." Nakangising ani ko rito.
"Tsk." Umirap pa ang aking ama.
Dali-dali na akong nagsandok ng kanin ko. May ulam na ako, eh.
"Mace, kamusta ang eskwela?" tanong ni Papang sa akin.
"Mabuti naman po ang school namin, Pang. Buo naman po ang mga ding-ding. Safe na safe po, student friendly." Tugon ko rito.
"Itong batang ito talaga, ang ibig kong sabihin ay kung kamusta ka sa eskwela. Pasado ba ang mga marka?"
"Pang, si Sir po ang tanungin n'yo sa bagay na iyan. S'ya lang po ang makasagot n'yan."
"At, Ikaw? Hindi?"
"Hindi po ako guro, pang."
"Lintik kang bata ka. Pilosopo ka talaga."
"Pang, pero may pahapyaw naman si Sir. Sabi n'ya, 8.66 x 8.66, kung ano ang lalabas doon possible na iyon ang grade ko. Sabi ni Sir, kung gusto ko raw i-round off i-push ko lang. Sa tingin ko mukha namang mataas. 'Di ba?"
"Hindi ba ibinigay iyong sagot? Hindi pa n'ya na compute? Aba'y math iyan, anak! Paghusayan mo na lang sa susunod." Sagot ni Papang sa akin.
Nang sulyapan ko si Mamang ay nakasimangot na ito.
"Hindi ko na yata pupuntahan ang card mo kapag kuhanan na, Maria Centisia."
"Okay lang iyon, Mang. Lilipas naman ang mga araw na pare-pareho nating matatanggap iyon. Basta mahal tayong lahat ng Diyos." Nakangising ani ko sa ina.