Chapter Nine

3047 Words
Dumating kagabi iyong mga kaibigan ni Kuya L.A. Nag-usap sila regarding sa sitwasyon ni Ate Jas. Hindi ko alam ang susunod nilang hakbang, hiling ko lang naman ay makauwi nang ligtas ang kapatid ko. Oo nga pala, nabangit kagabi ni Kuya Mec iyong tungkol sa isda n'ya na namatay dahil sa bubble gum ko. Kaya habang bumabyahe kami patungo sa school ay hindi ko napigil na magtanong. "Paano mo nalaman na nakakain s'ya ng bubble gum?" curious na ani ko. "Pina-check ko ang CCTV." "May CCTV?" gulat na ani ko. May CCTV sa aquarium? "Kuhang-kuha sa angle ng CCTV ang paghulog mo no'ng bubble gum at pagkain ng oscar fish ko." Napasimangot ito. "Galit ka?" "Kung magagalit ako sa 'yo, baka buong taon ang galit ko. Remember iyong isdang inilagay mo sa bathtub?" napasinghap ako. Alam din n'ya? "Oh, kumusta s'ya?" nag-iwas na ako nang tingin. "Hindi napansin ng kasambahay na may isda roon. In-drain n'ya iyong tubig doon." "Patay iyong isda?" mabilis na tanong ko. "Yes." "Ah, condiments pala." Pinalungkot ko pa ang tinig ko. "Anong condiments, baka naman condolences?" nangingiting ani nito. "Magkaiba ba? Same-same, same sounds." "Tsk! Maaga akong maghihintay sa labas ng school. Hindi ka pwedeng lumabas hanggat wala ako. Sa akin ka ibinilin ng Kuya L.A mo. Kaya hintayin mo ako." Mariing bilin nito sa akin. Okay, hindi s'ya galit. "Okay." "May pera ka?" parang Tatay kung magtanong. "Meron! Sinabi ko kay Mommy na nawala ang wallet ko. Binigyan n'ya ako ng cash at card. In case na hindi na naman gumana iyong card mo, kaya ko nang magbayad." Pagyayabang ko rito. "Tsk! Kunin mo iyan." Nginuso nito ang wallet na nasa harap lang. Dinampot ko naman iyon at sinipat. Ang daming pera. Tapos mga cards. "Kumuha ka d'yan kung kailangan mo pa." Wow! Mukhang pinapatunayan talaga n'ya na hindi s'ya kuripot. Dahil sinabi n'ya, kinuha ko lahat. Takang napatitig ito sa akin. Pero mabilis ding ibinalik ang tingin sa daan. "Char lang! 5k pwede?" ani ko. Sabay bilang ng limang libo. "Aanhin mo?" "Pambibili ko ng napkin. Feeling ko kasi malapit na akong magkaroon." Walang kahiya-hiya na ani ko. "Sapat ba ang 5k? Double it." Bumilang pa ako ng limang libo. Double it daw eh. Bibili siguro ako ng gold na napkin, mukha kasing iniisip ng lalaki na hindi pa sapat ang 5k eh. Nang makuha ko'y ibinalik ko na rin ang wallet sa pinaglagyan nito. Nakarating kami sa school na may mga bilin pa ito. Hindi rin ito pumayag na hintayin ko s'yang umalis. Kaya no choice kung 'di pumasok na muna. Hinihintay ko muna itong makaalis nang tuluyan bago ako lumabas. Bitbit ko pa iyong paper bag, kung saan nakalagay iyong ipinangako kong sapatos para kay Theresa. "Ang aga mo, ineng!" ani ni Manang Choleng. Tindera rito sa karinderya na nakapwesto sa harap ng school. Dito ako madalas bumili ng kanin, tapos matic na ang isang mangkok ng sabaw. Kahit naman kasi nakaluluwag-luwag kami noon ay hindi ko pa rin maatim na basta na lang waldasin ang perang ibinibigay nila mama sa akin. Lalo't alam kong sa asawa ni ate galing. Pero siyempre no'ng nakilala ko na si Kuya L.A ay magaan na sa loob kong ubusin, char. "Magandang umaga, Manang Choleng. Maaga po kasing nagpunta iyong 'driver' ko sa bahay." "Aba! Boyfriend?" ani nito. Napahinto pa sa pagsasalin ng ulam sa lagayan. "Manang, driver nga." "May driver ka na?" "Opo! Pogi po iyong driver ko. Iyon pong sports car na palaging humihinto rito sa tapat n'yo, iyon po ang hatid sundo ko." "Mukhang nakabingwit ka ng afam." "Si Manang naman... bata pa po ako. Saka po Pinoy iyong poging driver ko." "Boyfriend mo nga?" "Driver po, tapos as a friend. Walang halong malisya." "Sige na nga! Kunwari'y naniwala na lang ako. Gusto mo bang mag-almusal?" "Hindi po. Nag-almusal po ako sa bahay. May baon din po ako." "Oh s'ya, diyan ka lang muna. Napaaga ka ng pasok. Diyan mo na hintayin iyong mga kaibigan mo." Agad naman akong tumango. Nag-cellphone na lang muna ako. Ewan ko ba, kung bakit naisipan kong kabisahin ang number ni pogi. Nagbilin din kasi s'ya na tandaan ko raw, in case of emergency. Tamang tumawag si Theresa Asereth. Agad kong sinagot ang tawag nito. "Oh, nasa school ka na?" kita naman sa background ko ang arko ng eskwelahan. Pero sumagot pa rin ako. "Nandito na ako. Saan ka na?" sinipat kong mabuti ang background nito. "Dito sa classroom." Ay, bobo rin. May gulat pa itong expression kanina. "Manang Choleng, papasok na po ako. Nasa classroom na po iyong kaibigan ko." Paalam ko sa matanda. "Oh s'ya, ingat sa pagtawid." Nagmadali na ako sa pag-alis. Nakarating ako sa classroom na medyo hinihingal pa. "Ang aga, ah!" ani ko rito. "Baka kasi harangin ako sa gate. Ito oh!" iniangat nito ang paa. Nakatsinelas lang ito. Bawal na bawal pa naman iyon, at hindi pinapapasok ang mga estudyante na nakatsinelas lang. "Alam mong bawal iyan. Bakit kasi hindi ka nagsapatos? Alam mo naman takot sa kalyo iyong guard ng eskwelahan." "Ito na nga, naglaba ako ng sapatos kahapon." "Oh?" "Tapos pinatuyo ko roon sa sampayan namin." "Hindi natuyo?" "Tanggap ko pa kung hindi natuyo. Kaso nawala sa sampayan. Isa lang iyong hinala ko. Iyong kapitbahay namin." "Masama ang mambintang." Saway ko rito. Pero feeling ko rin, iyong malditang kapitbahay nila na palaging naka-eyeliner iyong nanguha. Ang sama naman ng ugali no'n. "Malakas ang kutob ko." Himutok nito. Nahampas pa nito ang desk n'ya. Kaya iniabot ko na ang dala ko. "Madami akong sapatos sa bahay. Ito sa 'yo na ito." "Hoy! Legit ba?" excited na binuksan nito iyon. "Oo! Sa 'yo na iyan. Para kahit saan ka pumunta na suot iyan ay maalala mo ako." "Grabe! Bigla akong na lungkot. Aalis ka ba? Porke ba mayaman ka na ay iiwan mo na itong school na ito?" "Hindi ah! Saka hindi naman kasi sa lahat ng oras ay magkasama tayo." "Mace, nabalitaan mo na ba iyong usapan sa lugar natin?" "Alin?" wala naman na akong balita. Dahil nga sa The Alpha's Town kami ngayon tumutuloy. "Bali-balita na kidnapper daw si Papang Bruno mo." Natigilan ako. "Kanino mo nakalap iyan?" "Sa mga tsismosa roon sa atin. Kaya raw biglang gumanda ang bahay at buhay ninyo ay dahil kidnapper daw si Tito Bruno. Sabi ko sa kanila ay hindi iyon totoo. Pero pinaggigiitan nila. Nainis nga ako eh." "Huwag mo na silang pansinin. Totoo naman." Narinig ko ang pagsinghap nito. "Seryoso?" "Oo, kaya kung marinig mong kami ang topic ng mga tsismosa sa barangay natin, hayaan mo na. Hindi naman namin ikamamatay ang mga basurang sinasabi nila about sa family namin. Saka kapiling na namin ni Ate Jas iyong tunay naming magulang. Sila Papang at Mamang naman ay kapiling na iyong tunay nilang anak." "Grabe! Tiyak na miss mo pa rin sila." Komento nito habang sinusukat ang sapatos. "Oo, pero gano'n talaga ang buhay. Nagkamali sila na nakaapekto sa buhay naming lahat. Kaya naman kailangan ko ring tikisin ang sarili ko. Masama ang loob ko sa kanila, tiyak gano'n din si ate. Kaya mas okay na muna talagang hindi magtagpo ang landas namin. Maraming adjustment, pero gano'n talaga." Nalingunan ko ito na tumayo na at tumalon-talon. "Kasya?" tanong ko. Agad itong nag-tumbs up. "Kasyang-kasya. Pi-picture-an ko ito at ipo-post sa social media accounts ko. Para in case na mawala ay may proof ako na akin talaga ito." Nagdatingan na ang ibang kaklase namin. Sina Tom Bong at Pan Knott ay dumaan pa muna at tumambay sa classroom namin. Si Cesar Ian at Von Bay ay gano'n din. Pero nang dumating ang guro namin ay umalis na rin sila. Absent si Ben Thong. Sinubukan kong makinig. Kapag focus naman ako'y walang problema. Pati sa quizzes ay okay rin. Kaso ang problema sa ilang guro rito, kapag nakaka-perfect ako ng mga quiz ay nagtataka. Kagaya ngayon. "Kanino ka na naman nangopya, Maria Centisia? Nakapagpasalamat ka na ba?" sarcastic na tanong ng guro. "Hindi po ako nangopya." "Ang hirap maniwala. Baka naman may kodigo ka?" napairap ako dahil sa sinabi nito. "Paano ako mangongodigo kung halos tumabi ka na ng upo sa akin, Sir?" sarcastic na ani ko. Dahilan para hampasin nito gamit ang stick ang table. "Pinagloloko mo ba ako? Sumasagot ka pa? Tayo!" sa lakas ng boses nito ay tiyak kong abot sa kabilang classroom. Kaya hindi na kataka-takang sumilip pa mula sa bintana ang guro sa kabilang classroom. Type talaga ako nitong si sir. Sobrang init kasi ng dugo sa akin. "Tayo na, Mace." Kabadong ani ni Theresa. Hindi nag-iisip iyong guro namin, paano ako mangongopya? 20/20 ang score ko. Ang sumunod sa akin ay 10/20, kanino ko kokopyahin iyong iba? "Nagagalit ka po ba dahil iyong expected mong makaka-perfect ay six lang ang nakuha? Oh, nagagalit ka dahil ako iyong naka-perfect?" "Young lady, kapag sinabi kong tayo, tumayo ka." No choice, tumayo na lang ako at nagtungo sa likuran. "Kayong mga may balak mangodigo o mangopya. Tignan n'yo si Maria Centisia, ganyan ang sasapitin n'yo kapag pinairal n'yo ang katigas ng ulo n'yo." "Gaganda kayo." Pabulong na ani ko. Bumalik sa klase ang guro. Nakita ko pang itinapon ni Sir Vamos ang quiz ko. Pero okay lang naman iyon. Maganda pa rin naman ako. Nang matapos ang klase, agad akong nilapitan ni Sir. "Magpunta ka sa office ko." Mariing bilin nito. Ulol ba s'ya? Bakit naman ako susunod sa kanya? Kahit guro ko s'ya, hindi naman lingid sa aking kaalaman ang issue nito. May pagkamanyakis 'daw' ito. Kaya naman kung pupunta ako, tiyak na bitbit ko ang tropa ko. Or, hindi na lang ako pupunta. Gano'n lang iyon eh. Nang makaalis s'ya ay umupo ako sa upuan ko. Agad tinapik ni Theresa ang balikat ko. Hindi naman ako bastos sa mga guro ko. Pero sa isang ito... paano ko irerespeto kung hindi rin n'ya kayang irespeto ang mga estudyante n'ya. Porke matigas ang ulo ko at makulit, ay hindi na ba pwedeng galingan sa quiz at maka-perfect? "Pupunta ka ba? Yayain natin iyong tropa. Para makatiyak tayong safe ka." "Pag-iisipan ko muna." Saka ako sumandal sa upuan. Kalmado lang naman. Tumayo si Theresa at kinuha sa basurahan ang itinapong papel ko. Sinubukan nitong ayusin iyon. "Baka pwedeng ipa-record mo pa iyan." "Hayaan mo na. Akin na, ipapa-frame ko na lang." Nakuha ko pang magbiro. Saka inipit ko iyon sa notebook ko. "Gigil talaga ako ng gurong iyon." "Oks na! Normal na lang ito." Humagikgik pa ako. Pero sa loob-loob ko, bwisit na bwisit ako. Sayang pa iyong effort ko kaninang mag-review kahit last minute na. Tapos hindi naman pala ire-record. Bigla tuloy sumakit ang puson ko. Mukhang magkakaroon pa yata ako. "Theresa, may napkin ka ba d'yan?" mahinang tanong ko rito. "Ha? Katatapos ko lang, eh. Kaya iyong extra ko iniwan ko na sa bahay. Bakit? Mayroon ka ba?" tanong nito sa akin. Bumuntonghininga ako't nagkibitbalikat. "Sumakit kasi ang puson ko. Wait nga! Kapag dumating iyong teacher sabihin mo nag-CR lang ako." Paalam ko rito. Binitbit ko na lang ang bag ko at dali-daling lumabas. Nadaanan ko pa sa pinto ng kabilang silid ang mga tropa. Tinanguan ko lang ang mga ito at nagmadali na sa pagtungo sa banyo. Pumasok agad ako sa bakanteng cubicle. Saka isinabit ko muna ang bag. Dali-daling in-check kung mayroon ako. Meron nga. Wrong timing naman itong regla ko. Tiyak na matatagusan ako kung mamaya pa ako magna-napkin. Mukhang nagsimula na ang klase dahil hindi na nag-reply ang tropa sa GC namin no'ng nag-chat ako roon. Sino bang pwede kong pakiusapan? Subok lang. Mabilis akong tumipa. "Pogi, may regla ako. Bili mo naman ako ng 1 balot napkin." In-send ko agad. Hoping na mag-reply ito. Tumipa ulit ako. "Baka kasi matagusan ako. Pagtatawanan ako ng mga tao." With sad and cry emoji pa, para effective. "Nasaan ka?" nanlaki pa ang mata ko nang mag-pop up ang reply nito. "Nandito ako sa CR." "Okay. Hintayin mo." Savior itong poging ito. Medyo matagal nga lang Bago ako may narinig na katok. "Sino iyan?" "Ako ito." Dinig kong ani ni Theresa. Medyo binuksan ko ang pinto. "May dumating sa classroom. Tauhan daw ni Kuya Mec mo. Pinabibigay n'ya itong napkin at balut." "Ha? Bakit may balut?" takang ani ko rito. "Ewan ko." "Hawakan mo muna, pahingi lang ako ng isang napkin." Nang iabot nito iyon sa akin ay agad ko nang inayos. Kaya nang lumabas ako'y komportable na ako. "May klase na tayo?" tanong ko rito. "Oo, Tara na. Ilagay mo muna sa bag mo itong napkin at balut." Tinanggap ko iyon at nagpasalamat dito. Hindi ko rin nakalimutan magpasalamat kay Kuya Mec. Bumalik kami sa classroom at sinubukan makahabol sa lesson ni Ma'am. Kauupo ko pa nga lang kanina ay natawag na ako nito. Buti na lang kahit papaano ay may alam ako sa lesson namin ngayon. May pinasulat si ma'am sa blackboard kaya naman busy na kami. Tamang patapos na ako nang may narinig kaming 'excuse me' mula sa pinto. Agad akong nag-angat nang tingin. Nagtama agad ang tingin namin ni Papang. Anong ginagawa n'ya rito? Biglang tumahip ang dibdib ko sa kaba. Sasaktan ba n'ya ako? "Ma'am, pwede ko po bang makausap ang anak ko?" tanong ni Papang sa gusto namin. "Sino po ang anak ninyo?" "Si Maria Centisia po, Ma'am." Lahat ay napatingin sa akin. Tanda ko ang bilin ni Mommy, umiwas muna ako kung pwede lang sa mga kinalakihan kong magulang. Lalo't napakalaki ng kasalanan ni Papang sa mga ito, lalo na sa ate ko. Sinulyapan ko si Theresa. Sa tingin pa lang ay alam kong gets na nito ang ibig kong sabihin. Kaya naman tumayo ito at iniharang nito ang sarili sa akin. "What are you doing, Theresa?" sita ni Ma'am Kayabyab. "Pasensya na po. Kabilin-bilinan po kasi na hindi pwedeng lumapit si Papang Bruno ni Mace sa kanya." "Theresa, huwag namang ganyan. Tiyak kong maipaaabot ko sa inyo ang asta mo ngayon." Masungit na ani ni Papang. Ginagap ko ang kamay ni Theresa. Alam kong naramdaman nito ang panlalamig ng kamay ko. Kaya naman pinisil nito iyon. Kahit hindi pinapasok si Papang ay pumasok pa rin ito. Humakbang palapit sa pwesto ko, pero ang ilan sa kaklase kong lalaki ay tumayo at humarang. "Heay! Mr. Bruno, lumabas muna po kayo." Natarantang ani ng guro. Agad tinapik nito ang isang kaklase namin para tumawag ng guard. Nang tumakbo ang isa't sumigaw pa ito sa kabilang classroom at tinawag ang tropa. Kaya wala pang tatlong minuto ay narito na ang mga kaibigan ko. Humarang din sila para hindi makalapit si Papang. "Kukunin ko lang ang anak ko. Makikipag-usap lang ako sa kanya." Nakikiusap na ani ko. "Mr. Bruno, ayaw no'ng bata na makipag-usap. Anak mo naman s'ya, kaya sa bahay n'yo na lang kayo mag-usap. Ginugulo mo na ang klase namin." "Hindi ko po s'ya t-atay." Seryosong ani ko. Alam kong nasaktan si Papang sa sinabi ko. Pero kailangan kong sabihin iyon dahil iyon naman talaga ang totoo. "What? Mr. Bruno, hindi mo naman pala anak si Mace. Kaya pwede na po kayong lumabas." "Tito Bruno, alis na po kayo." Nakikiusap na ani ni Theresa. "Natatakot po si Mace sa ginagawa n'yo." Pakiusap pa nito. "Hindi. Kailangan naming mag-usap. Anak, halika na! May gusto lang din namang sabihin ang Kuya Mauro mo sa 'yo." Si Kuya Mauro ang kasama ni Ate. Tiyak na s'ya ring pumipigil dito na makauwi sa amin. Anong balak ni Papang? Ibigay rin ba ako kay Kuya Mauro? Mas lalo akong natakot. Napahikbi na nga dahil sa idea na iyon. Hindi ko napansin na na-dial ko na ang number ni Kuya Mec. "Hello? Need me?" dinig kong ani ni Pogi. "Y-es, please..." napahikbi pang ani ko. Dumating ang mga guard. Sapilitan nilang inilabas si Papang. Ang guro ay inutusan akong pansamantalang magtungo sa principal's office, hindi naman pumayag ang mga kaibigan ko na mag-isa akong magtungo. Kaya naman kasama ko sila papunta roon. "Mace, parang magulo na ang sitwasyon sa family mo." Komento ni Pan. "Magulo talaga. Kaya nga kung pwede lang iwasan ko si Papang at Mamang ay gagawin ko talaga." "Oh, anong ginagawa n'yo rito?" takang ani ni Sir Vamos. "Aamin ka na ba sa akin, Mace, na nangodigo ka?" utak talangka. Isusumbong ko ito sa mommy at daddy ko. Tignan ko lang kung makahirit pa s'ya ng gano'n. "Sir, hindi po nangodigo ang kaibigan namin." Dependa ni Von. "Von, wala ka sa classroom kanina. Hindi mo nakita ang mga pangyayari." Umirap pa si Sir Vamos. Saka ipinatong ang books n'ya sa table. "So, Mace, anong parusa ang gusto mo?" "Sir, ayaw ko nang parusa. Papupuntahin ko na lang ang parents ko. Isusumbong kita sa kanila." "Lintik kang bata ka! Anong magagawa ng parents mo? Tiyak na kapag sinabi kong nangodigo ka ay maniniwala sila sa akin." "Hindi, Sir! Tiyak kong lagot ka sa kanila." Umirap pa ako rito. Ang dami nang lumipat na estudyante dahil sa gurong ito. Malakas ang kapit, kahit na marami na ang reklamo laban dito ay patuloy pa rin ito sa pagtuturo--- ay, pagbabasa pala ng libro. Oo, kaya naman naming basahin iyong mga libro. Pero binabasa pa rin nito, binabasa lang nito. "Ang pangit ng ugali mo, hija. Tama lang na narito ka sa office, ihaharap kita sa principal." Hindi na ako kinabahan. Lalo't sanay naman na ako. Baka nga sa sobrang sanay na ay umay na umay na ang principal sa mukha ko. Hinarap kami ng principal. Nandito kami dahil sa nangyari sa classroom na panggugulo ni Papang. Pero heto, iyong issue ni Sir Vamos ang pinag-uusapan. "Ma'am Principal, ayaw na ayaw ko lang talaga na may nandaraya sa klase ko." "Of course! Hindi maganda sa pakiramdam ng isang guro na may estudyante na mandaraya. Ginawa mo ba iyon, hija?" tanong ng principal. "Hindi po." Magalang kong tugon. "Ma'am, tiyak na itatangi n'ya dahil narito tayong lahat. Pero nandaya po talaga si Mace. Ano ba namang alam ng batang iyan? Kilala n'yo po iyan. Puro kalokohan ang alam. Tapos makaka-perfect sa quiz. Nagkakalokohan na po tayo rito." "Ganito mo ba i-address ang achievement ng estudyante mo?" sabay-sabay pa kaming lumingon nang marinig namin ang tinig ni Pogi. Gusto kong maiyak. Bakit nga ba ito pa ang natawagan ko? Baka mamaya ay dagdagan na naman nito ang lesson ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD