Chapter 4: A Ghost of the Past (Ang Multo ng Nakaraan)

4641 Words
Chapter 4: A Ghost of the Past (Ang Multo ng Nakaraan)   “Napakatamis ng tubig at naiinom, bagaman lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay sa apoy. Nagiging singaw ito kapag pinainitan; kapag naligalig, nagiging karagatan na minsan nang pumuksa sa sangkatauhan at yumanig sa dibdib ng mundo.” -Jose Rizal   "Edward?" wika ni Johan. Muling lumitaw ang liwanag sa buong kwarto dahil sa kidlat mula sa labas. Nakita ng mga bata ang isang lalaking nakangiti nang nakakatakot. Agad silang nagtago sa likod ng binata. Si Johan naman ay napangiti na lamang. "Pasesiya na pero, tingin ko kailangan na nating kumilos, kamahalan," sambit naman ni Edward. Agad tumayo si Johan mula sa pagkakasalampak sa carpet. Alam niyang importante ang balitang dapat niyang malaman. "Dito muna kayo ah?" paalala niya sa mga bata. Lumabas siya ng kwartong iyon at naglakad patungo sa command center kasama si Edward. Nagkakagulo sa command center. Dahil sa limitadong supply ng kuryente ay nakapatay ang ilang mga ilaw ngunit nakabukas ang napakaraming mga hologram device at computer. "Anong nangyayari?" tanong niya. Agad namang lumapit si Helena sa kanya, kinapitan ang likod niya at itinuro ang main hologram screen. "...the European Union has unleashed its forces in the borders of Turkey, General Linford ordered an attack on North Korea. This is to protect their lands from their enemies. The attack will be effective within the week, signed by the European Prime Minister himself, Mr. James Wellington." Mangiyak-ngiyak ang mga staff ng techno hub command center dahil sa kanilang nakikita. Isang batalyon ng halos sampung libong mga sundalo ang nakalatag sa isang base ng European Army at nakapila ang mga ito habang sumasakay sa mga heli ship. Sa isang banda naman ng headquarters ay makikita ang napakarami ring mga prototype. Nasa harapan nila ang isang kulay itim at asul na prototype. "Mark Dimitri...and Subject 4," wika naman ni Layla. Nag-iba naman ang mukha ni Edward habang nakatingin sa hologram screen na iyon. Tila siya’y natatakot, napayuko na lamang siya at ipinaling ang tingin sa iba. "S-subject 4?" tanong ni Helena.   "Hindi namin nasabi sa inyo dati. Siya si Mark, ang Subject 4 ng MEMO. Iyan na ang katawan niya ngayon. Isa na siyang prototype," paliwanag ni Layla. "Ang memory gene niya ay nasa prototype tama ba?" tanong ni Johan. "Oo, mas pinili niyang mabuhay sa ganyang estado para lang makapaghiganti," sagot ni Layla. Agad namang tumalikod si Edward at lumayo sa kanila. Napatingin na lamang si Johan sa kanya at sa loob-loob niya ay mukhang alam na niya kung sino ang balak niyang paghigantihan. "Ihanda ang buong pwersa. Itatago nila ang pag-atake sa atin. Uunahin nila ang North Korea at ang sunod ay tayo naman. O kung pinaglalaruan lang nila tayo, malaki ang posibilidad na mauna silang umatake dito," wika ni Johan. Nanlaki naman ang mga mata ng mga staff at maging sina Layla at Helena. "P-pero sir, kakaunti na lang po ang pwersa ng air force at ng marines. Pati po ang mga sundalo natin, i-imposibleng matapatan natin ang pwersa nila," wika naman ng isang lalaki. "Magiging imposible ang labang ito," sagot ng binata. Napatingin lalo ang mga staff sa kanya at nagtaka. "Pero hindi ako papayag. Ihanda ang lahat. Ikalat ang marines sa border ng Pilipinas. Ayoko nang may makakalusot na mga sasakyang pandagat o panghimpapawid, maliwanag?" utos niya. "Opo!" sagot naman ng mga heneral mula sa panel ng hologram screen. "So General Linford has decided." Bumukas naman ang isang hologram screen at nakita nila doon ang mukha ng North Korean President na si Kyon Lin Il. "A-ang presidente ng North Korea?! Bakit?" pagtataka naman ng ilang mga staff. Nagsimula ang bulong-bulungan at ang manaka-nakang pag-uusap. Itinaas naman ni Johan ang kanyang kanang kamay at nanahimik ang mga ito. "So what's the plan, Commander?" tanong ng North Korean President sa binata. "Your forces should be on your aircraft carriers by now," sagot naman ni Johan. "Ahaha, And then what? Watch them all die in the middle of the ocean?! Is this your brilliant plan? I didn't accept your request just for this! Where are your troops?! Aren’t they supposed to be here battling with us?" Tila nagpupuyos na sa galit ang North Korean president habang nakatitig sa hologram screen. Nakakaramdam na rin siya ng takot. Marahil ay nakikita rin niya ang balita sa kanilang command center. "No...I will not deploy my troops. There is a possibility that they might attack us from behind. I will not let them die in my command." Naningkit naman ang mga mata ni Johan habang nakatingin sa hologram screen na iyon. "This is war! Are you expecting that no one will die?!” "No. I'm expecting death, but not now." Ngumiti ang binata habang nakatingin sa hologram screen. "W-what are you trying to say?" "You will lessen their forces and hide your troops in your carriers. When the time is right, we will attack their remaining forces...in our own land." Napatigil naman ang North Korean president. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa binata. Nagulat naman ang mga tao sa command center maging sina Layla at Helena. "J-Johan?" pag-aalala naman ni Helena. "Gusto ko iyan hahahaha! Mga pagsabog! Mga pagsabog!" Tila nagsasayaw naman si Edward sa likod nang marinig ang sinabi ng binata. "Th-this is suicide?! You will sacrifice your own land just to win this game?" tanong naman ng North Korean President. "This is my game, Mr. President. And in order to win this game, I must manipulate every edge and turns," wika ng binata. Lumabas muli sa kanyang mga mata ang talim ng liwanag. Tila nagpipigil siya ng galit sa kanyang mga kalaban. Mas pinili ni Johan na pag-isipan ang kanyang mga galaw kaysa ilabas ang galit na iyon. Napapikit naman ang North Korean president. Unti-unti ay naiintindihan na niya ang gustong mangyari ng binata. "So be it, I will prepare my forces," sagot naman ng kanyang kausap. Agad namang tumalikod si Johan at lumapit sa main computer ng command center. "And Johan..." pahabol ng North Korean president. "May we feast in the middle of a round table with wine and steak, after this war." Itinaas niya ang isang baso ng wine. Ngumiti naman si Johan. Inilagay niya ang kanyang kanang kamao sa kaliwang dibdib at yumuko nang marahan. ***** Nagkakagulo sa bawat headquarters at mga base ng militar, marines, at air force. Alam nilang sasabak muli sila sa isang napakalaking gulo. Kitang-kita ang lungkot at pag-aalala sa mukha ng bawat isa habang isinusuot ang kanilang mga uniporme. Natakpan na lamang ang kalungkutan na iyon ng kanilang mga helmet na fiber glass at tila gas mask sa kanilang mga bibig. Nilagyan nila ng pangalan ang kanilang mga baril. Marahil ay iniisip nila na kung sakaling mamatay man sila ay makikita ng mga taong namatay sila upang ipaglaban ang kanilang bansa. Nagdala na ng blue liquid compound ang pwersa ng Malakanyang upang magsilbi nilang mga gamot. Abala naman si Professor Marco dela Paz sa pamimigay ng mga gamot na iyon. Itinuturok ng bawat doktor ang heringgilya na naglalaman ng compound sa mga braso ng mga sundalo. Ito ay upang maghilom nang bahagya ang kanilang mga sugat kung sakali mang magkaroon ng matinding sagupaan. Nagdasal naman ang ibang mga sundalo. Ito rin ang kanilang pananggalang. Kahit natatakot sila ay wala silang magagawa kundi ipagtanggol ang dapat ay sa kanila. Nagkalat na ang pwersa ng Pilipinas sa West Philippine Sea at sa ilang parte ng Dagat Pasipiko. Ito ay upang harangan ang sinumang papasok sa bansa mula sa puwersa ng Europa. Nagdeploy na ng apat na aircraft carrier sa iba't ibang sulok ng karagatang nakapalibot sa Pilipinas. Ito na lamang ang natitirang aircraft carrier sa bansa at sa bawat aircraft carrier na iyon ay mayroon lamang limang mga jet fighter planes ang nakadestino. Kakaunti kung tutuusin at bilang na bilang sa bawat daliri ng mga paa at kamay. "Napakakaunti natin. Kakayanin kaya natin ang labang ito, Johan?" tanong ni Helena. "Naalala mo pa ‘yong sinabi ko noon, Helena? Ayokong mapabilang sa isang grupo. Ang kaunting pwersa ay sapat na sa akin para matutukan sila," wika naman ng binate. Ngunit sa guhit ng kanyang mukha ay mababakas pa rin ang pag-aalala. "Naniniwala ako sa ‘yo," sagot ni Helena. Hinawakan niya ang kamay ng binata habang nakatingin sa ilang mga balita sa hologram screen ng command center. *****   Isang salu-salo ang nagaganap sa isang magarbong gusali sa London. Matataas na tao ang naroroon, mula sa Santo Papa ng Vatican hanggang sa mga pulitiko at mga heneral ng bawat bansa sa Europa. Isa itong pagtitipong hinanda ng European Prime Minister upang ipakita sa kanilang nasasakupan na kahit sa kalagitnaan ng gulo ay masasabing malakas at matiwasay ang pamumuhay sa Europa. Isa rin itong pagtitipon upang itaas muli ang makabagong MEMO at ang muling pag-ahon ng European Union mula sa pambabatikos ng ibang bansa ukol sa memory gene. Napakagarbo ng okasyong iyon. Magagarang hover cars ang pumaparada sa harap ng mataas na gusali. Napakarami ring heli ship ang nagla-landing sa platform sa bawat gilid ng mataas na gusali. Pawang mayayaman at makapangyarihan lamang ang nakakapunta sa pagtitipong iyon. Kapansin-pansin naman ang pagra-rally ng ilang mga bid sa malayong perimeter na hinarangan ng mga sundalo. Tila kinukundina nila ang pagtitipong iyon. Marami na rin ang may ayaw sa sinumpang aparato na memory gene ngunit ang kanila mismong gobyerno na ang nagtatag na muli itong buhayin. Mula sa isang puting heli ship ay bumaba si General Vash Linford kasama niya ang Subject 4 sa isang platform sa gilid ng gusaling iyon. Napakaganda ng puting dress na napapalibutan ng mga mamahaling bato sa bandang tiyan hanggang sa palda nito. Inalalayan naman siya ni Mark habang dahan-dahang bumababa sa platform. Hawak niya ang kanyang kamay at nang siya’y makababa na ay sinabayan siya ng mga sundalo sa paglalakad. "You should've left your sword on my office. It makes you look...terrible," wika naman ni General Linford habang sila'y naglalakad papasok ng gusaling iyon. Isang kulay berdeng carpet ang sumalubong sa kanila at dalawa pang guwardiya ang nag-escort sa kanila papasok. Naiwan naman sa pinto ang dalawang sundalo na naghatid sa kanila. "I don't like taking any chances, General. It's better to be prepared for any attack," sagot naman ng Subject 4. "Hahaha. You don't have to worry about it. Our enemies are too far from here. They might as well save their remaining soldiers before they die," sagot naman ni General Linford. "Mademoiselle, the Prime Minister is waiting for you." Isang tagasilbi namang naka-uniporme ng pang-butler ang bahagyang lumuhod sa kanilang harapan nang makarating sa hallway ang dalawa. Huminto naman ang mga sundalo at nagbantay sa hallway na kanilang nilakaran. "Thank you," wika ng babaeng heneral. Agad bumaba ang dalawa sa isang malawak na hagdan. Nagpalakpakan naman ang mga bisita galing sa iba't ibang bansa mula sa Europa nang makita si General Vash Linford. "And now she's here, the Secretary of Defense of the European Union..." wika naman ng Prime Minister na nakaabang sa baba ng hagdan. Magagara ang bihis ng mga bisitang iyon, dahan-dahan namang bumababa si General  Linford habang tumutugtog ang tila classical music sa masaya nitong tono. Nakatingin lamang si Mark sa mga bisita. Iba ang tingin nila sa kanya. Marahil ay nagtataka sila kung bakit naroroon ang isang prototype. Bumagal na lamang ng lakad ang Subject 4 at tila nahiya sa kanilang lahat. Nang malapit na sa baba ang babaeng heneral ay agad na iniabot ng prime minister ang kanyang kamay at hinalikan. "It's an honor that you are here, General," sambit ng Prime Minister. "The pleasure is mine. So, how's the exhibit?" tanong niya. Nakasunod lamang sa kanila si Mark. Diretso lamang ang tingin niya sa kanila ngunit mayamaya ay lumilingon siya sa paligid upang makita lamang ang reaksyon ng mga tao. "The exhibit is astounding, as always. There are representatives from the Australian government that had conducted a tour around the exhibit. They want the new memory gene." Mahina lamang ang pag-uusap ng dalawa. Tila umiiwas na marinig pa ito ng mga taong nagsasaya sa pagtitipon. Naglakad sila sa malawak na hall na iyon kung saan makikita sa gitna ang mga nagsasayawang mga bidder habang patuloy sa pagtugtog ang live na classical orchestra. Dinala siya ng prime minister sa isa pang hall na hindi naman ganoon kalaki ngunit napakaraming tao doon. Tinitingnan nila ang isang bagong disenyo ng memory gene na nakalagay sa loob ng isang salaming lalagyan. May pulang kordon doon at hindi ito pwedeng hawakan ng kahit na sino. Tanging litrato lamang ang pwede nilang kunan mula sa bagong disenyo ng memory gene. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsisiksikan makita lamang ang bagong memory gene. Sa bawat sulok naman ng kwartong iyon ay makikita ang ilan pang mga artikulo ukol sa MEMO. May mga litrato din doon kung saan makikita ang ilang mga pagbabago sa memory gene. Napansin ni Mark ang ilang mga litrato ng subject experiments ng MEMO. Nakita niya ang kanyang litrato. Napatigil siya at tinitigan nang maigi ang litratong iyon. "Four, is there a problem?" Napansin ni General Linford ang pagkatuliro ni Mark. Napatingin naman ang prototype sa kanya. "No, nothing," usal niya ngunit muli siyang tumingin sa litrato. Sa isip niya ay muling nagbalik ang alaala noong siya ay tao pa. Nakita naman niya ang ilan pang mga litrato ng iba pang subject at ni Johan Klein. Maging ang litrato ni Helena ay naroon din. Bahagyang umilaw ang kanyang mga mata nang makita iyon at lalo na nang makita si Edward Vitore. Pinagmasdan lamang siya ng prime minister at ng heneral at pagkatapos ay muli nang sumabay sa paglalakad. Tila napakunot naman ng noo si General Linford dahil sa kakaibang ipinapakita ni Mark. "What were you thinking back there, Four?" tanong naman ng heneral nang sila ay lumipat sa isa pang kuwarto kung saan naroon ang ilan pang mga artikulo tungkol sa memory gene. Sa gitna nila ay makikita ang isang hologram show kung saan itinatampok dito kung paano nagiging epektibo at accurate ang memory gene sa utak ng tao. "Nothing. Just...nothing. Nevermind," sagot naman ni Mark. "Your decisions within yourself will affect your battle. I need to know what you are thinking." Is that why you created Subject 1? So that you can have access to the thoughts of everyone?" tanong ni Mark. "What Dr. Welder Freuch told you is true. Subject 1 is a complete failure. Though he has the telepath project, it clouded his mind. He became so eager to know everything and to invert every confidential file of the company," sagot naman ng babaeng heneral. "But I remember what Subject 1 told me. That the time will come, and everyone who is using a memory gene will be controlled by one subject experiment. And that is Johan, the program that he is telling us back then is the Memory Control Maneuver Program. And it's still locked in a 17 fire-walled network relay. Everything that Subject 1 told me was true." Napatingin na lamang si Mark sa babaeng heneral. Matalas naman ang pagkakatitig ni General Linford sa kanya. Bahagya niyang inilagay ang kanyang kanang kamay sa kanyang likuran sa slit ng kanyang palda. Doon ay nakasukbit ang isang maliit na baril. Handa siya sa kung anuman ang puwedeng gawin ni Mark. "So you believe in everything that Subject 1 told you?" tanong naman ni General Linford. "Whether he is telling the truth or not. He's still the one who killed thousands of innocent people back in Paris, including three...and my fiancée. The death of him will be the only answer." Binitiwan naman ni General Linford ang maliit na baril na nakasukbit sa kanyang hita nang marinig niya iyon. Tila nakahinga siya nang maluwag sa tugon ng prototype. Napatingin na lamang si Mark sa hologram show na nasa kanilang harapan. Agad namang nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Nakipalakpak na lamang din siya maging ang heneral at ang prime minister ngunit pinakiramdaman pa rin ng babaeng heneral ang ikinikilos ni Mark. "General Linford?" Isang sundalo naman ang lumapit sa heneral at siya’y binulungan. Napatingin naman ang prime minister at ang Subject 4. "I'll be back. I just need to work on something," wika naman ng heneral. Agad siyang naglakad palayo at in-escort-an ng mga sundalo. Sa isang tagong lugar sa gusaling iyon dinala si General Linford ng kanyang mga sundalo. Inabot niya ang isang hologram tablet at pinapakita doon ang kanilang command center. Isang babaeng mayroong maliit na mic at communicator ang nakita niya sa hologram screen. "Where are they?" tanong ni General Linford. "Their location is now unknown. The last location was West Philippine Sea. They switched their devices off for their safety," sagot naman ng babaeng iyon. "Good. Everything is settled then." Napangiti ang babaeng heneral habang nakatingin sa hologram screen. Agad niya itong pinatay at napatingin sa isang pader na gawa sa salamin. Napakaliwanag ng buong siyudad nang gabing iyon. "You will soon face your ending, fallen hero," wika niya. Nakikita sa repleksyon ng salaming iyon ang kanyang ngiti. Tila natutuwa siya sa mga susunod na mangyayari. ***** Nakaupo lamang si Johan sa kanyang madilim na kwarto. Blackout pa rin sa buong paligid at malakas pa rin ang bugso ng ulan sa labas. Gumuguhit pa rin ang tubig mula sa salamin ng bintana ng kanyang kwarto papunta sa kanyang mukha dahil sa liwanag ng mga kidlat. Isang baso ng wine ang inangat niya mula sa mesang nasa kanyang tabi. Nasa likod naman ng bote ng wine ang isang hand gun. Ininom niya ang laman ng basong iyon at pagkatapos ay muli itong ibinaba sa mesa. Kinuha niya ang kanyang baril at pinagmasdan niya lamang ito habang hawak niya sa kanyang kanang kamay. Isang putok ng baril ang narinig niya sa kanyang isipan. Naalala niya ang pagkakataong hinigit niya ang gatilyo ng kanyang baril upang paslangin ang kanyang sariling ama. Napapikit siya at sa kanyang isipan ay nakita niya ang pagbagsak ng kanyang ama sa sahig ngunit nang imulat niya ang kanyang mga mata ay galit lamang ang gumuhit sa kanyang mukha. Isang putok pa ng baril ang kanyang narinig mula sa kanyang isipan. Naalala niya ang kanyang itinuring na kapatid na si Jonas Klein. Naalala niya rin ang paghigit niya ng gatilyo ng kanyang baril sa ulo ng kanyang itinuring na kuyang ‘di kalauna'y nalaman niyang isa palang eksperimento rin ng MEMO na ipinaglalaban ang kompanya at gagawin ang lahat para lang maisulong ang paghihiwalay ng sangkatauhan. Muli siyang nainis ngunit hindi niya maintindihan kung bakit siya nakakaramdam ng lungkot sa pagkakataong iyon. Isang putok pa ng baril ang umalingawngaw. Nakita niya ang lahat ng mga taong kanyang pinaslang, ang mga taong nagtaguyod ng MEMO at ang doktor na nag-imbento ng sinumpang aparato. Lahat sila ay nakikita ni Johan, nahihirapan at unti-unting namamatay. Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata. Naiisip niya ang apat na magkakapatid mula sa Antipolo. Alam niya sa sarili na hindi niya puwedeng pabayaan ang mga batang iyon. Sinasalamin nila ang lipunan na siyang pinanghahawakan niya. Iminulat niyang muli ang kanyang mata at ngumiti; ngiti na alanganing nalulungkot at nagagalit. Tiningnan niyang muli ang kanyang hawak na baril. Ang naiisip niya lamang ay ang kanyang pag-iisa. Nasaan na ba ako ngayon? Sino na ba ako? Isa na akong halimaw, pero ito ang pinili kong landas. Para lang ipagtanggol ang mga taong ito. Isa na akong halimaw...kagaya nila, wika niya sa kanyang sarili. Tila naging blangko ang kanyang ekspresyon. Inangat niya ang kanyang hawak na baril, itinutok niya ito sa kanyang  bibig at siya'y pumikit. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nakakapit sa baril na iyon. Inilagay niya ang kanyang daliri sa gatilyo ng baril. Hihigitin niya na sana ito ngunit isang ingay ang kanyang narinig sa kanyang harapan. Hangin lamang iyon ngunit nakita niya sa repleksyon ng salamin ang isang anino sa kanyang likod. Naramdaman niya ang pagdampi ng isang baril sa likod ng kanyang ulo. Unti-unti niyang tinanggal ang kanyang baril na hawak sa kanyang bibig at muli itong ibinaba. "Dito na ba matatapos ang ipinaglalaban mo, Johan? Binuhay mo ang sarili mo para sa wala lang. Gusto mo na bang mamatay?" Isang boses ng babae ang kanyang narinig. Pumikit na lamang ang binata at ngumiti. Sa kanyang pagdilat ay muling sumiklab ang nakasisilaw na liwanag sa kanyang harapan. Nakita niya sa repleksyon ng salamin ang isang dalaga na may tattoo sa kanyang mukha. Bakal na ang kanyang mga braso at hawak niya ang isang baril na nakatutok sa kanyang ulo. "Ganito ka na ba kadilim mag-isip, Johan? Matapos mong ibigay ang liwanag sa ibang tao ay kakainin mo ang dilim at magsisilbi kang halimaw sa kanila. Iyon ba ang gusto mong ipakita?" "Matagal na akong nananahan sa dilim, Maria. Matagal na, bago pa mabuksan ang isip mo sa nangyayari dito sa mundo. Itinago na nila sa akin ang liwanag at pinaniwalang isa akong normal na tao. Hindi ako normal dahil isa ako sa kanila. Isa ako sa mga pinaslang ko rin noon," wika ng binata. "Siguro nga ay dapat ka na ring mawala kasama nila kung ganyan lang din ang iniisip mo. Nawalan ka na ng pag-asa matapos mong ibigay ang liwanag na pinanghahawakan mo," sagot naman ni Maria. Isang anino naman ang naaninag ni Johan mula sa labas ng kanyang kuwarto. Isang kaluskos pa ang kanyang narinig mula sa gilid. "Nandito ka ba para paslangin ako...Maria. Dahil kung sa mga kamay mo lang din naman ako mamamatay ay tatanggapin ko." Tila naningkit ang mga mata ni Johan habang nakikiramdam sa paligid. Hinawakan niya nang maigi ang kanyang baril. Marahil ay alam na niya kung bakit naroon si Maria sa mga oras na iyon. "Hindi ako ang gagawa noon sa 'yo Johan. Pero pwedeng ibang tao sa paligid ang gumawa noon kung hindi ako dumating," wika ni Maria. Agad niyang tinanggal ang kanyang hawak na baril sa ulo ni Johan. Iginilid niya ito at ipinutok sa salaming pader. Nabasag ito at agad namang dumapa si Johan at itinutok ang kanyang baril sa kanyang kaliwa. Tinamaan ang isang sundalong naka-itim na tights at goggles na kulay pula. Nanlaban naman ang sundalong nagtatago sa kanan na pinutukan ni Maria. Gamit ang kanyang braso ay sinangga niya ang balang iyon. "Buwisit! Edward!" wika ni Maria. Mayroon siyang memory gene. Alam niyang masasagap ni Edward ang kanyang iniisip. Gumulong naman si Johan sa gilid kung saan naroon ang isang mas malaki pang mesa. Itinumba niya iyon at ginawang pangharang upang hindi siya makita ng mga kalaban. Dalawang sundalo naman ang nagrappel pababa at binasag nang tuluyan ang salaming nasa bintana. Pumasok ang mga ito at nakipagpalitan ng putok kay Maria. Hindi dinig ang putok ng mga baril ng mga sundalong nakaitim na lumusob dahil may mga silencer ang kanilang mga baril. Kinapitan ni Maria ang ilalim ng kama ni Johan at ibinalibag ito sa harapan upang gawin ding pangharang. "Maria?" Narinig naman ni Edward ang tawag na iyon. "Bakit anong problema?" tanong ni Helena. "S-si Johan, nilusob ng mga kalaban," wika ng binata. Napatayo naman si Layla mula sa pagkakaupo sa harap ng hologram computer. Agad namang tumakbo si Helena at Edward palabas ng command center na iyon. Saka lamang nila narinig ang mga putok ng baril mula kay Maria. Humiwalay naman ng daan ang dalaga. Palabas siya ng palasyo habang si Edward naman ay paakyat sa elevator, emergency power lamang ang pinapagana nito kaya't napakabagal ng andar ng elevator na iyon.   "JOHAN!" sigaw ni Helena nang makita niya mula sa labas ang liwanag dahil sa mga putok ng baril. Muling kumidlat at nakita niya ang limang mga sundalong nakasuot ng pulang goggles. Ang iba ay nagra-rappel pa pababa. Iisa lamang ang kanilang hangarin sa pagpunta sa lugar na iyon. Ang patayin si Johan. Agad niyang nilundag ang palapag na iyon. Kumapit siya sa ilang mga kongkretong naka-usli at nang maabutan niya ang dalawa pang nagra-rappel patungo sa kwarto ni Johan ay agad niyang kinapitan ang mga ito at hinila pababa. Siniko niya ang isa at ang isa naman ay sinipa niya sa tagiliran. Pareho niyang ipinasok sa kwarto ang mga iyon. Nagulat naman ang dalawa pang mga sundalong nakikipagpalitan ng putok kay Maria nang sumulpot na ang dalaga sa kanilang likuran. Agad nilang tinutukan ng baril si Helena. Saka lamang kumilos si Maria nang malingat ang mga kalaban. Nagliwanag ang kanang augmented arm ng dalaga at hinawakan sa leeg ang isang sundalo. Nangisay ito at nawalan ng malay. Agad namang hinablot ni Helena ang isa pang sundalo. Sinakal niya ito at itinaas. Hihigpitan pa sana niya ang pagkakakapit sa kanyang leeg ngunit pinigilan siya ni Johan. "Helena, hayaan mong mabuhay ang isang yan," utos ng binata. Isang maliit na baril naman ang nakatago sa braso ng sundalong sakal ni Helena. Itinutok niya iyon kay Johan. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Johan nang makita ang baril na iyon. Hinigit ito ng sundalo at tinamaan sa dibdib ang binata. Agad namang diniinan ni Helena ang pagkakasakal sa sundalong iyon hanggang sa mapiga na niya ang leeg nito. Sumuka ng dugo ang sundalong iyon at nawalan ng malay. "JOHAN!" bulyaw ni Helena. Napaupo na lamang si Johan sa sahig. Bumukas naman ang pinto at doon ay pumasok si Edward. Agad lumapit si Helena sa binata at tiningnan kung siya’y maayos ba. "J-Johan!?" sambit ng dalaga. Pinunit ni Johan  ang kanyang damit na nabutasan dahil sa bala. Walang tumulong dugo doon dahil sa bakal na nasa kanyang dibdib tumama ang balang iyon. Nakabaon pa ito at umuusok pa sa kanyang dibdib. "Ayos lang ako," wika niya. Tumayo siya at nakita niyang buhay pa ang isang sundalong kinuryente ni Maria. Lumapit siya dito at tinanggal ang goggles na nakakabit sa kanyang ulo. Agad namang nagbantay si Maria sa sundalong iyon. Iniisip niyang may gagawin pa ang sundalong iyon para lang mapaslang si Johan at hindi nga siya nagkamali. Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay. Mayroon itong kutsilyong nakakabit sa ilalim ng kanyang braso. Sasaksakin sana niya si Johan ngunit agad niyang inapakan ang braso ng sundalong iyon. "You don't need to tell me who you work for. I know exactly who's the one behind this." Ngumiti si Johan at tinitigan nang masama ang sundalong iyon. "Y-you will die...whatever you do, wherever you are...the European Union will hunt you down!" sagot naman ng sundalong nakaitim na uniporme. "Then tell them that I am not hiding. I will welcome death as I welcomed it before, and I will always rise just to make them kneel before me." Ngumiti ang binata habang nakatingin sa sundalong iyon. Saka lamang nagdatingan ang mga sundalo mula sa pwersa ni Johan at pinaligiran ang buong palasyo. "You don't fear death. So do they. You will soon face darkness within your country. A legion of men are waiting to burn your people! And they are almost here. General Linford will show you no mercy. They will hunt and break every family, and we will treat you as a bid country!" Tila nainis naman si Johan sa kanyang narinig. Inangat niya ang kanyang paa at inapakan ang ulo ng sundalong iyon. Dinikdik niya ito sa sahig at patuloy na inikot-ikot ang kanyang paa. Nagsisigaw naman ang sundalong iyon at tila nagmamakaawa. Ngumiti naman ang binata habang nanlalaki ang mga mata at patuloy na dinidikdik sa sahig ang sundalo. "Luluhod kayong lahat sa harapan ko! Isinusumpa ko yan! HAHAHA!" wika ni Johan. Napangiti naman si Edward sa kanyang nakikita. Hindi man magustuhan ni Maria ang kanyang natutunghayan ay ayaw pa rin niyang magpakita ng awa dahil hindi dapat kaawaan ang sundalong iyon. Si Helena naman ay napatingin na lamang sa mga mata ng binata. Kakaibang Johan ang kanyang natutunghayan. Kadiliman na ang bumabalot sa kanya ngunit paunti-unti ay naiintindihan din niya kung bakit nag-iba na siya nang tuluyan. Gaya niya ay galit din ang kanyang nararamdaman sa sundalong iyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD