bc

Philippines: Year 2303 - A Game of War

book_age16+
81
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
reincarnation/transmigration
body exchange
decisive
bxg
no-couple
heavy
serious
high-tech world
like
intro-logo
Blurb

Ikinagulat ng buong mundo ang muling pagbabalik ni Johan. Ang inakala nilang bayaning nag-alay ng buhay para sa pagkakaisa at kapayapaan ay muling gumising mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ito ay sa kadahilanang isang gyera na naman ng buong mundo ang muling nagbabadya. Hindi nagustuhan ng karamihan ang kanyang pagbabalik. Ang iba naman ay humanga na lamang sa kanyang talino sa pagdedesisyon at pagpaplano.

Ngunit paano nya mapoprotektahan ang bansa laban sa mapanirang imperyo ng Europa kung kakaunti na lamang ang pwersa ng Pilipinas laban sa kanila? May magagawa pa kaya ang isang tulad niya kung muling ibinabalik ng European Union ang MEMO© at ang memory gene upang hatiin muli ang sangkatauhan; mabuhay lamang ang mga mayayaman at patuloy lamang na maghirap ang mga bid? Magagawa niya kayang wasakin nang tuluyan ang sistemang ito ngayong muli siyang nagbalik? Mababago nya kaya ang lahat kahit na napahina ng nakaraang gulo ang pananaw ng mga Pilipino pagdating sa kanilang kakayahan upang lumaban?

chap-preview
Free preview
Philippines: Year 2303 - A Game of War
Ikinagulat ng buong mundo ang muling pagbabalik ni Johan. Ang inakala nilang bayaning nag-alay ng buhay para sa pagkakaisa at kapayapaan ay muling gumising mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ito ay sa kadahilanang isang gyera na naman ng buong mundo ang muling nagbabadya. Hindi nagustuhan ng karamihan ang kanyang pagbabalik. Ang iba naman ay humanga na lamang sa kanyang talino sa pagdedesisyon at pagpaplano. Ang lahat ng pangyayari isang taon na ang nakakaraan ay inasahan na ni Johan simula pa lang noong una kaya't nakapagplano siya ng isang palabas na sinundan naman ng buong mundo upang tanggalin ang mga tabing na nakatapis sa totoong kalaban ng buong sangkatauhan. Ginamit ng European Union ang Pilipinas upang maabswelto sila sa mga kasalanan ng kompanyang MEMO©. Ngayon ay nagbabadya ang muling pagtindig ng kompanya na mismong ang bansang Europa ang nasa likod. Muli nilang binuksan ang MEMO© at sinusubukang ibalik ang pagkakahati ng sangkatauhan. Saglit na nagkaroon ng cease fire sa pagitan ng Pilipinas, North Korea, America at Europe. Nagkaroon ng kasunduan ang mga bansa at estadong ito upang magkaroon ng maayos na pag-uusap at magkaroon ng paghahanda para sa depensa ng bawat bansa. Tila isang kumplikado at delikadong laro ang ginawa ng mga bansang ito upang maprotektahan ang kani-kanilang mga mamamayan. Muli namang naging banta sa buong mundo si Johan Klein, inaakala nila na buhay pa ang Memory Control Maneuver Program ng MEMO© na siya lamang ang maaaring makagamit dahil sa kanyang buhay na DNA. Lingid sa kanilang kaalaman na isa na lamang haka-haka ang program na iyon ngunit hindi pumayag si Johan na ilabas sa media ang katotohanan. Mas pinili niyang mapuno ng takot ang bawat isa upang hindi kalabanin ng iba pang mga bansa ang Pilipinas.   Nasira na rin ang kasunduan ng United Nations, nagsilbi na lamang referee ang iba pang bansa na gusto ng kaayusan ngunit hindi na nila mapipigilan ang pagsiklab ng gyera. Ang magagawa na lamang nila ay pabagalin ito.   Hindi naman mapipigilan ang mga natitirang makapangyarihang mga tao na tapat sa MEMO© na muling isulong ang kompanya para sa pagbabago. Sinubukan nilang muling ipakalat ang pagkakahati ng mga tao sa mismo nilang bansa. Muling pinagana ang mga gusali ng MEMO© sa Europa, ang mga naghahangad ng mas mahabang buhay ay dumagsa sa mga center ng MEMO© Hindi naman ito nagustuhan ng America, sa pagkakataong iyon ay alam na nila kung sino ang tunay na dapat pigilan. Lingid din sa kaalaman ng buong mundo na may kasunduan ang Pilipinas at ang North Korea dahil kay Johan. Hanggang kailan magiging epektibo ang kasunduang ito? Si Johan lamang ang nakakaalam at makakasagot.   Naging agresibo na ang European Union na muling palaganapin ang memory gene sa buong bansa. Hindi nila alintana ang kawalan ng MCM program kahit wala na ito sa buong system ng web. May ibang binubuo ang MEMO© isang bagong disenyo ng memory gene kung saan walang program pattern ng MCM Program ang mga ito kaya't dinagsa ng mga tao sa Europa at maging sa iba't-ibang panig ng buong mundo ang MEMO© upang ipalagay ang bagong memory gene. Marami pa rin ang tumangkilik. Bagay na kinainis ni Johan at ng iba pa. Gusto nilang gawing bid country ang Pilipinas. Pinipilit hikayatin ng European Government ang iba pang mga bansa, ngunit hindi makapapayag si Johan na muling sumiklab ang malaking harang na kanya nang tinibag noon pa. Gagawin niya ang lahat upang tuluyan nang sirain ang sistema na sana ay noon nya pa ginawa.   Magagawa niya kaya ito kahit kakaunti na lamang ang pwersa ng Pilipinas laban sa mapanirang imperyo? Mababago nya kaya ang lahat kahit na napahina ng nakaraang gulo ang pananaw ng mga Pilipino na walang magagawa ang ating pwersa laban sa iba pang mga bansa?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.3K
bc

His Obsession

read
90.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook