Chapter 5: Trust and Betrayal (Tiwala at Pagkakanulo)

4702 Words
Chapter 5: Trust and Betrayal (Tiwala at Pagkakanulo)   “We have to distrust each other. It is our only defense against betrayal.” -Tennessee Williams   Ikinagulat ng buong bansa ang pag-atakeng ginawa ng European Union. Nagpadala si General Linford ng kanyang mga tauhan upang ipapatay si Johan Klein ngunit hindi sila nagtagumpay. "I have received your wonderful gift...General Linford," wika ni Johan habang nakaharap sa isang hologram screen sa loob ng command center. Naningkit naman ang mga mata ni General Linford, ang Secretary of Defense ng European Union. Mayamaya pa’y napangiti siya habang nakaharap pa rin sa binata. Kinapitan naman ni Johan ang sundalo sa kanyang gilid at lalong iniyuko ang ulo nito. Tinitigan niya iyon nang nakangiti at parang napapraning. "So how was it? Aren't you glad? In spite of the hatred of the world to you, I have managed to give you a present," wika ng babaeng heneral. "You can't kill me by just sending your toys here. They are useless to you. Is that why you betrayed them and sent them here?" tanong naman ng binata. Napatingin naman sa kawalan ang sundalong iyon na nakatali ang bibig at mga kamay. Tila alam na niya ang ibig sabihin ng binata. Sa isip niya ay tila wala siyang silbi kaya't ipinadala siya sa Pilipinas upang patayin si Johan Klein. Ngunit siya ay nabigo. "If I were you general, I would send my elite team to kill the greatest enemy of the world." Hinawakang muli ni Johan ang ulo ng sundalong iyon. Mariin ang pagkakahawak niya. Puno ng poot at galit ang kanyang nararamdaman. Sa inis ay binitiwan niya na lamang ito. Ayaw niyang makagawa pa ng hindi kaaya-ayang hakbang lalo na't nakapaligid sa kanya ang mga staff ng command center. Maging sina Helena, Albert, ang propesor at ang iba pa ay nakapaligid din sa kanya. Galit din sila habang nakatingin sa hologram screen na iyon ngunit mahahalata naman kay Helena na mas nag-aalala pa siya sa mga ikinikilos ni Johan. "You don't like it? Then send them back to me," wika naman ng babaeng heneral sa hologram screen.     "Filipinos are very hospitable people. We welcome every gift with open hands. I will take your gift. Don't worry, I will use them wisely." Tumingin nang matalim si Johan sa kanyang kausap. Tila napangiti naman ang heneral ngunit nababahiran na rin iyon ng labis na pagkainis. Agad namatay ang hologram screen matapos ng pag-uusap na iyon. "DAMN IT!" Nanginig ang mga kamao ni General Vash Linford. Binalibag niya ang kanyang kamao sa armrest ng kanyang upuan. Nanginginig siya habang nakatitig sa kawalan. Napatingin naman ang kanyang mga sundalo sa kanya. "Rally our forces. Prepare for invasion. We'll see what your arrogance can endure," galit na sambit ng babaeng heneral. "Right away, General," sagot naman ng isang sundalo. Tila bumilis naman ang kilos ng mga sundalong iyon sa loob ng isang saradong kuwarto. Nagsimula namang magsilabasan sa mga kampo ang daan-daang sundalo. Nakapila ang mga ito sa hiwa-hiwalay na kampo sa Europa. Naghanda na rin ang daan-daang mga heli ship para sa pagsugod. "Seems like the European government is ready to attack anytime. General Linford ordered a preparation for the offensive attack in the Philippines. Is this the end of them? Will they soon face their consequence against MEMO?" "Military forces from different parts of Europe prepared for an attack in the Philippines. It was ordered by the Secretary of Defense herself, General Vash Linford." "Sir, handa na po ang lahat," wika ni Layla kay Johan habang nakatingin sa harap ng hologram screen at nakaupo. Naka-de-kwatro pa siya habang nagngingitngit sa galit ang kanyang ekspresyon dahil sa mga balitang napapanood. "Ilikas ang lahat. Sasalubungin natin sila sa hilagang parte ng bansa," utos ni Johan. "Ang Cavalier po ang carrier na naghihintay sa atin sa hilaga. Kailangan na nating umalis," sagot ni Layla. Naningkit naman ang mga mata ng binata at tumingin sa kanya. "Hindi natin maililigtas ang mga sibilyan. Tama ba?" tanong ng binata. "Wala po tayong magagawa. Ang Europa na mismo ang nagdesisyon ng pag-atake. Baka hindi natin sila mailigtas. "Dalhin sila sa Philippine Arena. Hindi ko alam kung magiging sapat ang lugar na iyon para sa mga sibilyan. Pero iyon na lang ang tanging paraan."   Napapikit na lamang si Johan habang nakaupo sa kanyang silya. Naging malungkot ang ekspresyon ni Layla habang tinitingnan ang binata. Napakagat naman sa labi si Johan, marahil ay dahil sa inis. "M-masusunod po, Sir," tugon na lamang ni Layla. Magulo sa buong bansa nang hapong iyon. Pwersahang ipinalabas ng kanilang mga bahay ang mga tao upang ilikas ng mga militar. Hindi naman ganoon kahirap pasunurin ang mga taong iyon dahil napanood na rin nila ang balita ukol sa paglusob ng Europa sa Pilipinas. Ang hindi lamang nila nagustuhan ay ang desisyon ni Johan na dalhin sila sa Philippine Arena, ang pinakamalaking dome sa buong bansa na nakapwesto sa Bocaue, Bulacan. Kung tutuusin ay halos 55,000 na katao lamang ang pwedeng ilaman nito. Hindi ito sapat para sa kaligtasan ng lahat. Pero wala silang magagawa kundi magsisiksikan sa loob ng malaking dome na iyon, kaligtasan lamang ng mga tao ang iniisip ni Johan. Wala ring magagawa ang mga sundalong iyon kundi sumunod. Naniniwala sila sa tapang at dignidad ng binata, alam nila na alam ni Johan ang kanyang ginagawa. "Propesor. Patawad pero hindi ko kayo puwedeng isama sa carrier." Nagulat si Professor Marco Dela Paz sa kanyang narinig mula kay Johan. Naglalakad sila patungo sa isang heli ship na magdadala sa kanila sa Cavalier--- ang air craft carrier na nagbabantay sa hilagang parte ng bansa. Malakas pa rin ang ulan noon habang sila ay mabilis na naglalakad. Napatigil na lamang ang propesor habang nakatitig sa mga mata ng binata. Maging sina Maria at Helena ay nagulat din. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Maria. "Ikaw din Maria at Albert. Sasama kayo sa pwersa na magbabantay sa Philippine Arena. Pasensiya na pero...may gusto akong ipagawa sa inyo," wika ni Johan. "Ganoon na lang ba kami sa iyo, Johan? Kapag hindi mo na kailangan ay ipapatapon na lang?" bulyaw ni Albert. "Hindi ko kayo iiwan, Albert. Maniwala kayo sa akin. Hindi ito ang oras para magsumbatan. Kailangan ko ang propesor doon para mag-establish ng communication sa command center. Magsisilbi kayong alalay ng propesor. Sana maintindihan niyo ako," paliwanag naman ng binata. Naghihintay na ang ilang mga sundalo sa paligid. Nagkakagulo na rin dahil sa paglikas na nangyayari. Isang heli ship na ang lumipad patungo sa Cavalier. Ang ilan pang mga sibilyan ay nakapila naman sa isang heli ship. Hindi magkasya ang mga iyon sa iisang heli ship kaya't lumipad na rin ito kaagad. Halos madapa pa ang ilang mga tao sa paghabol ng heli ship na iyon. Inalalayan na lamang sila ng mga sundalo sa paligid. "Kailangan na po nating umalis," sabat ng isang sundalong nakatayo lamang sa likod ng propesor. Tila malungkot ang mukha ng propesor habang nakatingin sa sundalong iyon. Mayamaya pa’y inilagay na niya ang kanyang kamay sa balikat ni Johan. "Kung iyon ang gusto mo, Johan," sagot ng matanda. Napangiti naman si Johan at inilagay din ang kanyang kamay sa balikat ng matanda. Agad namang pinandungan ng sundalong iyon ang propesor ng isang kulay itim na tela upang maging pananggalang sa ulan. Nagsimula naman silang maglakad at maghiwalay ng landas. "Propesor!" bulyaw ni Johan. Muling humarap si Maria, Albert, at ang propesor sa kanya. "Mag-iingat po kayo," dagdag pa niya. Tumungo naman si Professor Marco at nagsimula nang maglakad. Ngumiti naman si Maria at Albert sa kanila. Pinauna ni Johan na sumakay si Helena, Layla, Edward at ang iba pa sa kanilang heli ship. Kahit nababasa dahil sa ulan ay pinanood niya ang pag-alis ng heli ship ng kanyang mga kasama. Hinintay niya ang paglipad nito at nang umangat na ito mula sa platform ng tila malaking air base ng Malakanyang ay saka siya yumuko. "Tayo na kamahalan," wika ni Edward na tila nakangiti pa na parang pusa. Inaabot niya ang kamay niya para sumakay na ang binata. Umaandar na ang engine ng kanilang heli ship at sa pagkakataong iyon ay kinapitan niya ang kamay ng kaibigan at sumakay sa heli ship. Umupo siya sa bandang pinto at automatic naman itong sumara. Si Edward lamang ang nakangiti sa loob ng heli ship na iyon. May pag-aalala sa mukha ni Layla lalo na si Helena. Tiningnan siya ni Johan sa mata ngunit umiwas naman sa pagtingin ang dalaga. Sinubukang hawakan ni Johan ang kanyang kamay ngunit iniwas niya pa rin ito. Napayuko na lamang si Johan at tila nalungkot. Napatingin na lang siya sa bintana kung saan makikita ang napakalakas na bugso ng ulan habang sila ay lumilipad.   ***** Mapait ang guhit sa mukha ni Albert habang sila ay nakasakay sa loob ng heli ship. Tahimik naman si Maria na nakatitig lamang sa bintana. Malungkot naman ang mukha ng propesor habang nakatingin sa kanyang hologram tablet. "Balak niya tayong iwan sa ere." Napatingin sila kay Albert sa pagkakataong iyon. "Huwag kang mag-isip ng ganyan, Albert. Manalig na lang tayo kay Johan. Alam kong may binabalak siya." "Oo, binabalak niyang ipadala tayo doon. Kapag nakarating na ang pwersa ng Europa sa atin, siguradong hahanapin nila si Johan. Aakalain nilang nasa atin siya habang sila naman ay ligtas sa carrier na iyon. Binabalak niyang linlangin ang kalaban at gawin tayong pain. Ganoon naman siya mag-isip 'di ba?!" galit na tugon ni Albert. Natahimik na lamang ang propesor sa kanyang narinig. Si Maria naman ay napaluha habang nakatitig sa kawalan. Muli niyang tiningnan ang kanyang mga kamay na gawa na sa bakal, isinara niya ito at tila pinanggigilan. "Iyon ba talaga ang gusto niyang mangyari? Ang iwan tayo sa ere?" tanong rin ni Maria. "M-Maria, pati ba naman ikaw?" tanong ng propesor. Galit ang ekspresyon ng mukha ni Maria at napatingin na lamang siya sa propesor. Ibinaba niya ang kanyang braso at muli siyang napatingin sa bintana ng heli ship. "Kapahamakan, iyon lang ang naghihintay sa atin doon. Mamamatay tayong lumalaban, gaya ng dati. Mas mabuti pang iwan niya na lang tayo sa ere kasama ang mga taong ito kaysa traydurin ang isa't isa. Lalaban tayo," sagot ni Albert. Napayuko na lamang ang propesor. Hindi niya alam kung paano kukumbinsihin ang mga kasama na mali ang kanilang iniisip ngunit kahit siya ay nag-iisip na rin ng mali tungkol kay Johan. Napailing na lamang siya at napatingin kay Albert.   ***** Mula sa isang mataas na gusali sa command center ng militar ay makikita ang puwersa ni General Linford. Nakahanay ang bawat puwersa ng mga kadarating lamang na sundalo mula sa iba't ibang parte ng Europa. Nagbababaan na rin ang ilang mga heli ship sa kanilang landing pad. Napakarami namang heli ship ng media ang nagco-cover sa mga pangyayari doon. Mayamaya pa’y bumukas ang salamin na pader kung saan nakasilip si General Linford. Isang lumulutang na platform ang kanyang inapakan. Sumunod naman sa kanya ang prototype na si Subject 4. Isang maliwanag na sinag ng araw ang tumama sa bakal na katawan ng prototype. Nakita naman iyon ng mga sundalo mula sa ibaba. Agad nilang inilipat ang kanilang mga baril sa kanilang kanang kamay bilang paghahanda. Dahan-dahang bumaba ang platform na tinutungtungan ng heneral at ng Subject 4. Napawi na lamang ang sinag ng araw nang maharangan ito ng nagtataasang mga gusali mula sa malayong parte ng siyudad. Tumindig nang tuwid si General Vash Linford habang nakatingin sa libo-libong mga sundalong iyon. "Today, we gather here only for one aim!" panimulang salita ng babaeng heneral. Nakatingin ang lahat ng sundalong iyon sa kanya. Lahat ay naka-helmet na itim na tila gas mask. May mga bakal sa mga dibdib ng kanilang uniporme at kitang-kita sa tikas at tindig nila na handa na sila para sa giyerang magaganap. "We are gathered here to show the world that we are united. America will soon face the eternal glory of our mother, Europe. North Korea will bow down to us and the Philippines. The proud country of arrogance. They will face their own agony and we will make them a country of bids. We will show them no mercy." Umaalingawngaw ang boses ng babaeng heneral sa malaking tila air base na iyon ng militar. May mga camera ng media sa paligid at kinukuhanan ang kanyang pagsasalaysay. "In the name of our countries, our continent! We shall rise, and we will destroy the enemy of our mother Europe." Itinaas ni General Linford ang isang espada na nakasukbit sa kanyang tagiliran. Tila nabuhayan naman ng loob ang mga sundalong iyon. Itinaas nila ang kanilang mga kamay at sumaludo. Napangiti naman si General Vash Linford dahil sa ipinakita nilang lakas ng loob. "Rise, my brothers! Today the enemy will fall in our hands! Today is the day of redemption! Rise! For victory will be ours!" bulyaw niya habang nakaangat ang kanyang espada. Mayamaya pa ay ibinaba niya ito nang biglaan. Agad na umandar ang mga engine ng mga heli ship sa paligid. Nagsimulang gumalaw ang bawat pila ng bata-batalyong mga sundalong iyon. Maayos silang nagsisakay sa heli ship kung saan sila nakadestino. Isang puting heli ship naman ang naghihintay kay General Linford. Umandar ang platform na iyon patungo sa lupa at saka sila bumaba. "You will control the legion of prototypes, Four. By the time we landed that forsaken country, you will show everyone no mercy," utos ng babaeng heneral. Halata sa mukha niya ang labis na pagkapoot at galit. "I will do my best," sagot naman ni Mark. "Let them taste this war with bitterness. Let them swim in their own blood," pagpapatuloy pa niya. Agad silang naglakad patungo sa puting heli ship. Patuloy ang pagkilos ng mga sundalo sa paligid. Maayos at organisado ang lahat habang sumasakay sa kanilang mga heli ship. Ang iba namang mga sasakyang panghimpapawid ay umangat na sa ere at hinihintay na mapuno ang iba pa. Tila nakakaramdam naman si Mark ng pagkamangha dahil sa nakikita. Ito na marahil ang pinakamalaking giyerang inorganisa ni General Linford. Tiyak ay hindi ito magiging madali para kay Johan.   ***** Lumapag ang itim na heli ship na sinasakyan nina Johan. Madilim sa paligid at malakas pa rin ang ulan. Maalon sa paligid ng aircraft carrier na iyon habang sinasalubong sila ng grupo ng natitirang mga sundalong nakadestino sa Cavalier. Agad bumukas ang pintuan ng heli ship pagkalapag nito. Naunang bumaba si Johan at nang makita siya ng mga sundalo ay agad silang sumaludo. Nilagay nila ang kanilang kanang kamao sa kanilang kaliwang dibdib. Kahit malakas ang ulan ay nagawa pa ring tumigil ni Johan para sumaludo sa kanila. Ganoon din ang kanyang ginawa. Pagkatapos noon ay lumapit naman ang kapitan sa kanila. "Sir, hinihintay na po kayo ng buong command center," wika ng kapitan ng barkong iyon. Tuwid siyang naglakad patungo sa loob. Si Helena, Edward at Layla naman ay sumunod sa kanya. Nang makapasok sa loob ay agad silang pinatungan ng ilang mga sundalo ng kulay itim na balabal na may nakaprint sa gilid ng watawat ng Pilipinas. Hindi nila alintana ang lamig at pagkabasa ng kanilang mga suot basta't makarating lamang sa loob. Sa isang bakal na pintuan ng carrier tumigil ang kapitan. Binuksan niya iyon gamit ang isang retinal scanner. Agad iyon bumukas at bumungad sa kanila ang isang malawak na espasyo. Maraming mga hologram computer at radar sa paligid, makikita rin ang ilang mga 3D hologram imaging system sa paligid at sa gitna ay makikita ang upuan. Nakakabit na iyon mismo doon at hinihintay na lamang ang uupo dito. Nang makita ng mga tauhan sa barkong iyon si Johan ay agad silang nagtayuan. Matalas ang tingin ng mga ito sa kanilang leader. Hindi sila nagpapakita ng takot kahit na alam nilang lugi sila sa kanilang kalaban. Agad din silang sumaludo kay Johan. Inilagay nila ang kanilang kanang kamao sa kanilang kaliwang dibdbi. Napangiti naman nang matalim ang binata at sumaludo din sa kanila. "Sir, hinihintay po nila ang iyong pagdating. Maaari niyo na pong kunin ang puwesto ko." Bahagyang yumuko ang kapitan ng carrier at itinuro ang upuang gawa sa bakal sa gitna. "Maraming salamat, Kapitan," wika naman ni Johan. Lalo siyang napangiti sa nakita. Naglakad siya patungo doon nang dahan-dahan habang ang lahat ay nakatingin sa kanya. Sumunod naman sina Helena at Edward. Agad namang nangialam si Layla sa isang bakanteng hologram computer at nagsimulang magtrabaho. Umupo si Johan sa upuang iyon. Ang lahat ay kita niya mula rito. Napangiti si Johan at tila napapangisi. Naningkit naman ang mga mata ni Helena habang nakatitig sa kanya. Hindi niya na gusto ang inaasta ng binata sa pagkakataong iyon. Inilagay na lamang ni Johan ang kanyang kamay sa kanyang ulo habang napapangisi. Si Edward naman ay hindi magkamayaw sa tuwa dahil sa mga ilaw na nakikita. Madilim kasi nang bahagya sa kwartong iyon. Tanging ang mga hologram technology lamang ang nagpapaliwanag sa loob ng command center. "Commander, anong unang hakbang natin?" tanong ni Layla na nakapwesto sa kanyang harapan. "Gusto kong ayusin mo ang komunikasyon sa Philippine Arena. Kailangan kong makausap ang propesor," utos ni Johan habang nakangiti. "Iniwan mo ba sila doon para mamatay lang?"   Napatigil ang lahat sa sinabi ni Helena. "Hindi. Hindi ko sila iniwan doon para mamatay. Hindi ako traydor sa sariling kong bansa para gawin ‘yan, Helena," sagot naman ng binata. "Pero bakit mo sila iniwan doon?!" "Manood ka na lang, Helena." Ngumiti ang binate. May talim pa rin sa kanyang mga mata habang nakatitig sa dalaga. Nangulubot naman ang ilong ng dalaga. Lumabas siya ng command center dahil sa sobrang inis. Nagkibit-balikat naman si Edward at humanap ng kanyang pwesto. Isang upuan ang kanyang nakita sa gilid at doon ay umupo siya. Pinagulong niya pa ito sa loob habang pinapanood ang ilang mga tauhang nagtatrabaho. "Magsisimula ang lahat dito," wika ng binata. Patuloy naman sa pag-establish ng network si Layla upang makausap ang propesor mula sa malayong lugar. *****   Napakahaba ng pila at halos magkagulo na sa labas ng Philippine Arena. Nag-landing na ang sinasakyan nina Albert, Maria at ang propesor. Mabigat ang pakiramdam ni Albert habang pinapanood ang mga taong iyon na nagkakagulo sa ibaba. Inaalalayan lamang sila ng mga sundalo sa paligid upang makapasok nang maayos sa loob ng napakalaking dome na iyon. "Para din itong pila sa mga auction noon," bulong ni Albert. "’Wag naman sana nating masamain ang ginagawa ni Johan," wika naman ni Professor Marco. "Magising na kayo Propesor. Iniwan niya tayo dito para mamatay. Hindi siya gagawa ng paraan para iligtas ang kahit na isang hibla ng buhok ng mga taong naririto," wika naman ni Maria. Blangko na ang ekspresyon niya habang nakatingin sa labas ng heli ship. Dahan-dahan itong lumapag sa loob ng napakalaking arena na iyon. Napakaraming mga taong nakapwesto lamang sa paligid. May ilang mga heli ship din ang lumalapag kasama nila. Malakas pa rin ang ulan sa pagkakataong iyon na unti-unti namang naiibsan dahil sa pagsara ng bubong ng dome. Bumaba si Professor Marco na para bang ang bigat din ng pakiramdam dahil sa kanyang nakikita. Napakadungis na ng mga tao at hindi magkamayaw sa kung saan sila pupwesto. Malawak pa naman ang dome na iyon para sa kanila ngunit hindi pa rin masisi ang ilang mga tao sa pag-aagawan ng puwesto.       "Sir, nakahanda na po ang komunikasyon natin. Kaso lang hindi ito gumagana, kulang sa supply ng kuryente ang network," wika ng isang sundalong lumapit sa kanila. "K-kailangan ko iyong tingnan," wika ng propfessor na dali-daling naglakad kasama ang kanyang tungkod. Hindi naman sumunod sina Albert at Maria sa kanya. "A-ano pang ginagawa niyo?" tanong ng propesor. "Dito lang kami, Propesor. Tutulungan namin ang mga taong 'to," wika ni Maria. Napatingin naman ang propesor sa kanila na may halong pag-aalala at pagkadismaya, pero wala siyang magagawa kung buo na ang kanilang mga loob. Ang alam niya lang ay kailangan niyang maayos ang network upang makausap si Johan. Dali-dali siyang naglakad nang paika-ika at sumunod sa sundalong sumundo sa kanya. "Maria, ipunin mo ang natitirang pwersa ng New Order. Kailangan nating maghanda. Hindi natin mapagkakatiwalaan ang mga sundalong ito. Lahat sila ay sumusunod lang sa utos ni Johan. Hindi natin alam kung bigla nila tayong iwan dito," wika ni Albert. Agad namang naglakad si Maria at itinulak palayo si Albert. Galit parin si Maria sa kanya ngunit gusto niya ring maniwala na iniwan nga talaga sila ni Johan sa lugar na iyon para mamatay. Ilang mga malalaki at mahahabang bakal naman ang napansin nilang ibinababa ng ilan sa mga heli ship. Hindi nila alam kung para saan iyon ngunit iba pa rin ang kutob ni Albert sa kanyang nakikita. Ipinupwesto ng ilang mga prototype ang mga bakal na iyon sa labas ng dome at sa nasasakupan pa nitong mga gusali. ****   'Re-establishing network.' 'Loading 15%' 'Network failed.' "Asar!" wika ni Layla. Muli siyang nagpipindot sa kanyang hologram computer. Isang mapa naman ang tinitingnan ni Johan, inaasahan niya na rin ang pagdating ng mga kalaban ano mang oras. Sinadya niyang maging agresibo sa kanyang mga kilos dahil gusto niyang maunang sumugod ang puwersa ng Europa, at matuloy ang kanyang mga plano. "P-propesor? Propesor!"   Matapos ang ilang minuto ay nakontak din ng command center ang lugar kung saan naroroon si Professor Marco. "Lay...med..." Napuputol nga lang ang koneksyon sa kanila, marahil ay dahil sa malakas na ulan. "Propesor, naririnig niyo ba ako?" "Oo, kaso medyo...inaayos ko pa ang koneksyon. Kumusta kayo diyan?" tanong ng propesor. Agad namang tumingin si Layla kay Johan na sa pagkakataong iyon ay nakatingin na sa hologram screen sa kanyang harapan. "Propesor, naalala niyo ba ang shield na ginamit sa Circle?" tanong ni Johan. "A-ano?" tanong ng propesor. Mula sa loob ng isang gusali ng conference hall malapit sa Philippine Arena ay nakikita ni Professor Marco ang mga itinatayong matataas na tila toreng bakal. Nagmamadali ang mga sundalong iyon sa pag-control sa mga prototype upang maitayo at maidugtong pa ang mga bakal na iyon. "A-anong ibig mong sabihin?" tanong niyang muli. Ngumiti naman si Johan sa kanya. Nakikita na niya ng malinaw ang propesor. Naisip naman ni Professor Marco ang binabalak ni Johan. Napahawak siya sa kanyang bibig at maluha-luhang tumugon. "Sabi na nga ba. Hindi mo kami pababayaan dito. Sabi na nga ba, Johan," wika niya. "Gusto kong paganahin ang mga natitirang pirasong iyan at gawing shield para maprotektahan ang lahat. Maaari po ba iyon? Propesor?" Tila lalong napaluha ang propesor sa kanyang naririnig. "Ahh. Oo naman. Gagawin ko ang lahat para lang mapagana ito. Kaso may problema tayo. Hindi sapat ang kuryente para paganahin ang shield na sinasabi mo. Lalo na sa ganito kalaking espasyo. Kuryente na higit pa sa libo-libong boltahe ang kailangan natin." Napangiti na lamang si Johan sa kanyang narinig. "Hindi problema ang kuryente, Propesor. Hindi ko pinagamit ng sobrang kuryente ang buong siyudad at ang lahat ay para lang dito. Ang dahilan ng malawakang blackout. Ako ang may dahilan noon. Iyon ang kuryente na kinakailangan mo. Tama ba?" Lalong napangiti at napaluha si Professor Marco dahil sa tugon na iyon ng binata. "Gusto kong sisihin ang malakas na pag-ulan at kidlat sa malawakang black-out. Matagal mo na pala itong pinlano," wika niya habang nakangiti. "Ang gusto ko lang ay maiayos ang lahat. Ikaw na ang bahala," utos ng binata. "Makakaasa ka, Johan," sagot ni Professor Marco. **** "Philippine Arena. May kapasidad na makapagpasok ng halos limampu't limang libong tao sa loob. Ang arena pa lang yun. Mayroon pa tayong stadium at conference hall. Kung susumahin, maaari nating mailigtas ang ilang tao sa buong Luzon pa lang. Pero may problema tayo, masyadong mabagal ang transportasyon. Malakas ang ulan. Mahihirapan tayong makuha ang iba pa sa mga karatig syudad," wika ni Layla habang nakatingin sa monitor ng hologram computer. "Sir, may problema tayo. Nagpupumiglas ang ilan sa mga evacuees. Ayaw nilang sumama sa evacuation," wika naman ng isang lalaking nakaupo din sa harap ng isang hologram computer. "Hindi pwede. Kailangan nilang sumama sa evacuation. Lahat sila ay mapapahamak!" bulyaw naman ng binata. "Sir, mukhang mahihirapan tayo sa kanila. Pero..." Napatingin naman si Johan sa kanya. Galit ang kanyang ekspresyon habang nakatingin sa kanya at alam niyang ayaw niyang pumalya ang kanyang mga plano. "J-Johan..." Nanginginig naman si Layla habang nakatingin sa mapa at radar. Napatingin din si Edward doo. Nanlaki ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang 3D image ng radar. Napakaraming mga heli ship ang paparating. Dumadami pa ito habang pumapasok sa bilog na tila mapa ng radar. Napangiti naman si Johan habang nakatitig doon. "Nagsimula na pala," bulong niya. "Ihanda ang lahat! Hangga’t kaya, huwag silang hayaang makapasok sa border natin!  Pababagalin natin ang pwersa nila," agad niyang utos. Agad namang kumilos ang ilang mga sundalo. Pinatunog na ang alarma sa buong carrier at naghanda na ang mga sundalo. Nagtakbuhan ang mga ito sa kanilang battle station, mga jet fighter at mga heli ship. "Ate, ano ‘yon?" tanong ni Cherry. Nakatingin siya sa paligid habang pinapanood ang mga sundalong nagtatakbuhan palabas ng kanilang mga kwarto. Naalerto naman si Helena habang yakap ang mga bata sa kanyang bisig. "Dito lang kayo, ah? Walang lalabas," wika ni Helena. Patakbo siyang lumabas ng kwartong iyon. Nagyakapan naman ang magkakapatid habang pinapanood sa bintana nila ang nagtatkbuhang mga sundalo. Patuloy pa rin ang malakas na ulan at gumuguhit pa rin sa salamin ng bintanang iyon ang tubig. "Anong nangyayari?" tanong ni Helena nang makapasok siya sa loob ng command center. "Sumugod na ang pwersa Europa," sagot ni Layla na abala pa rin sa pagpindot sa kanyang hologram computer Nanlaki naman ang mga mata ni Helena nang makita ang radar. Halos mapuno ng hitsurang maliliit na heli ship ang hologram image na iyon. Sa isang banda ay nakita niya ang isang hologram screen. Isang live video coverage ang nakikita niya kung saan ang mga prototype ay nagtatayo pa rin ng mga nagtataasang bakal sa paligid ng Philippine Arena. "Ano ang mga iyan, Johan?" tanong ng dalaga. Nakakapit naman sa kanyang noo ang binata habang nakapikit. Tila naghihintay pa siya ng mga pwedeng mangyari. "Sir magsisimula na ang countdown. Malapit na sila sa border natin," wika ng isang lalaking nakaupo sa harap ng hologram screen. Bigla siyang tumayo upang pumunta sa isa pang hologram computer. "Ang iba sa inyo, sa battle stations ngayon na!" utos ng binata. "Yes, Sir!" Agad nagtayuan ang iba sa kanila at nagsilipatan ng mga hologram computer. Umikot naman ang upuan ni Johan sa likod kung saan naroon ang mga controls para sa battle station ng buong carrier. "One minute to impact," wika ng computer generated na boses sa loob ng command center. "Johan, ano bang nangyayari sa arena?!" tanong muli ni Helena. Tiningnan na lamang siya ni Johan at saka muling humarap sa mga hologram screen sa kanyang harapan. "Ang ginamit na shield sa Circle noon. Balak ulit iyon paganahin ni Johan. Kaya't pinaiwan niya ang propesor at ang iba pa, para mapagana iyon nang maayos," sagot naman ni Layla. "J-Johan?" Tila naantig naman si Helena sa kanyang narinig. Kaligtasan pa rin pala ng mga tao roon ang iniisip ng binata. Noon niya na lamang naintindihan ang lahat, kahit na nagdidilim na ang kanyang pananaw ay maliwanag pa rin ang kanyang pag-iisip. Agad siyang lumapit sa kinauupuan ng binata at siya’y niyakap. "S-sorry, Johan. Mali ako ng iniisip. Akala ko kasi pababayaan mo na sila doon," wika ng dalaga. "Hindi, kahit kailan ay hindi ko sila puwedeng pabayaan. Kahit gaano kahirap, gagawan ko ng paraan," sagot naman ni Johan. Lalo namang yumakap si Helena sa kanya dahil sa kanyang mga narinig. "Haay, ‘wag nga kayo gumanyan sa harap ko! Naiinggit ako eh!" sabat naman ni Edward. Napangiti na lang si Johan sa kanya maging si Helena. Agad namang tumayo si Edward at lumapit kay Layla. "Layla, my loves, payakap nga! Hmmm..." Niyakap ni Edward si Layla. Tila nainis naman ang dalaga sa kanya dahil masyado itong abala. "Tigilan mo nga ako!" Isang suntok ang natanggap niya mula sa dalaga. "AAH!" Napahiyaw naman si Edward sa sakit na naramdaman. "Hindi ito ang oras ng biruan, Edward. Kailangan ko ang kakayahan mo," utos naman ni Johan. "Ah hehe. Naiintindihan ko. Masusunod kamahalan!" Agad siyang lumabas ng command center na iyon upang tumungo sa heli pad ng carrier. *****  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD