Chapter 9: A Game Intended to be Played (Ang Larong Nakalaan Upang Laruin)
You...you just couldn't let me go could you? This is what happens when an unstoppable force meets an immovable object. You are truly incorruptible aren't you. You won't kill me because of some misplaced sense of self-righteousness. And I won't kill you because...you're just too much fun. I get the feeling that you and I are destined to do this forever.
-Joker, The Dark Knight
"If this world is really meant to be destroyed, how would we protect what is remaining amongst us? Our people will suffer our own consequences. Should we wait for that to happen?!" bulyaw ng US president na si Robert Nixon.
Kausap niyang muli ang mga leaders ng United Nations at ng iba pang bansa sa isang hologram conference. Nakaupo siya sa malaking pabilog na salamin na upuan. Ang kanya namang mga ka-meeting ay mga hologram image lamang na nakaupo sa mga upuang bakal sa gilid ng mesang iyon.
"I thought we've talked about this Mr. President. This war is not ours to be fought. Our protocols hampers us from helping those countries who started this war," sagot ng isang representative mula sa Australia.
"Then we should change these protocols..."
"Are you listening to yourself Mr. President? Didn't you forget what the Philippines did? Johan planted a threat to this world by using that Memory Control Maneuver Program. He threatens to use it anytime if he wanted to!" bulyaw naman ng Israeli president.
"Well in that case, he should be using it by now! If he is using that program then I too should be controlled, because I am using an old memory gene!" bulyaw ng US president.
Napatayo pa siya sa kanyang kinauupuan at nahampas ang salaming mesa. Nagkatinginan na lamang ang mga pinuno at ang iba pang mga representatives. Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa malawak at maliwanag na kwartong iyon.
"He's right." Isang boses ng babae ang sumulpot mula sa kawalan. Lumitaw ang kanyang hologram image malapit sa salamin na mesa. Nakatayo siya at nakatalikod sa kanila. Nakasuot siya ng isang puting uniporme ng heneral.
"G-General Vash Linford?! What do you think you're doing?!" bulyaw ng US president. Humarap naman ang hologram image ng babaeng heneral sa kanila.
"I can see clearly that James Wellington is not here. You excluded European Union in this matter. But why should I bother asking?" natatawang tugon ng babaeng heneral. Napakunot naman ng noo ang mga pinuno ng iba't-ibang bansa.
"Okay let's not get too excited about what is happening. I'm here to inform everyone that your president is right. The MCM program has been terminated, not just this year...but two years ago," wika ng babaeng heneral.
"W-What?!" tanong ni US president Robert Nixon.
"Yeah. You heard it right. Our intel shows what is left in the MCM program. A program pattern...left in those 17 firewalls. Like a dust in an empty box."
Isang hologram screen ang lumitaw sa kanyang itaas. Umiikot ito na animo'y 3D at pinapakita ang bawat graph at ilan pang mga numero. Makikita rin ang ilang impormasyon ukol sa mga firewall na iyon, kung kailan ito nabuksan at kung ano lamang ang nakita nila.
"You've been deceived, for the 2nd time." Ngumiti ang heneral sa kanila habang naglalakad sa paligid ang kanyang hologram image.
"He did that to protect his people! Not to scare the world," wika naman ni Reuben Stalin. Ang Russian president.
"And what of the world? For a such a small country, would you sacrifice your people’s judgment for that country's protection? Your people feared that program to be activated yet here you are. Trying to find a way to stop this war. I made this war because Johan wanted it. What I only did is doing him a favor. Nothing more."
"Then what are you expecting us to do?" pinagpapawisan na noon si Robert Nixon habang nakatitig nang masama sa hologram image ni General Linford. Alam niya marahil ang gusto niyang iparating sa mga pinuno ng iba't-ibang bansa, siguradong hindi niya iyon magugustuhan.
"I expect an act of justice. A response from all of you. Join me in this war and we will retain peace once and for all," tusong tugon ng babaeng heneral.
"Hahaha. You said it already. This war is not for us. This battle is just for you to begin with. What Johan asked you to do, can't be disregarded. Are you afraid of losing his game...General Linford?" sagot naman ni Reuben Stalin na tila natatawa pa habang nakaharap sa kanya. Bahagya namang naging seryoso ang mukha ng babaeng heneral at tumingin ng masama sa kanya at pagkatapos ay ngumiti.
"I'm not afraid of losing Mr. Stalin. What I'm afraid of is fighting your battle if this ends," tugon ng babaeng heneral.
"Are you threatening every leader of this world, general?" tanong ng isa pang lalaking leader. Nakasimangot na siya at hindi na nagugustuhan ang sinasabi ng kanyang kausap.
"No, it's just a wishful thinking I guess. How many times will you ignore these consequences? How many times will you be deceived and be tricked by his plans? He's no more than a terrorist for the European Union. Him, and all of his people."
Naglakad palayo ang hologram image ni General Linford. Patuloy pa rin sa pag-ikot ang 3D hologram screen sa kanilang harapan. Patuloy niyang pinapakita ang ilang mga numero at impormasyon ng MCM program. Napa-isip naman ang ilang mga pinuno. Nagkakatinginan na lamang sila, animo'y nagpapakiramdaman sa bawat isa.
"We've been tricked and deceived by his ideas General Linford. But let's not forget why he's doing this. He's doing this for the greater good of mankind. No matter how tragic and aggressive his actions are, he believes that it will result into a better world that everyone wishes to see. He is Johan Klein no matter what!" wika ng US president.
Bahagyang nagulo ang reception ng hologram image ni General Linford. Napatingin na lamang siya ng masama sa US president. Ngumiti muna siya bago tuluyang mag-log out. Napayuko naman ang US president matapos ng komprontasyon na iyon. Patuloy naman sa pagkabalisa ang ilan pang mga pinunohabang nakatingin sa kanya.
"What should we do now?" tanong ng isang pinuno mula sa middle east.
"Wait...and see what happens next," matamlay na sagot naman ni Reuben Stalin.
"I say we should act on this one. I can't let violence and terror reign over the hearts of our people? What if the European Union listed us as their next target?" tanong ng US president.
"What if the Philippines targeted us as next?" tanong ng Australian representative.
Nagkatinginan naman ang ilan sa kanila. Nagulat naman si President Robert Nixon sa kanyang narinig. Alam niya nang mangyayari ito at kung ano man ang maging desisyon ng bawat isa ay maglalayon lamang na palawigin ang gyera sa buong mundo.
"Wait. Let's not take sides too quickly," awat ng US president.
"Then why are you choosing the side of the Philippines?" tanong naman ng Australian representative.
"B-because..." hindi naman makapagsalita ng tuwid si Robert Nixon.
"Because I know. That they're the victim here. For a small country, they cannot win this war," mahinahon niyang tugon. Naningkit naman ang mata ng kanyang kausap at tila hindi pabor sa kanyang sinasabi.
"Let's not forget the root of this disaster. This will not happen if Johan didn't insist this war."
"And then what? Kill him again? Mark him as the enemy of this world until endless murder happens? We will not resolve this conflict if you think that the European Union is the answer to all of our problems. Memory gene was never an option; we have lived long enough to see this world be destroyed. Let's not waste our remaining time. Too much blood has been shed. Let's re-shape this world into a better one...at least before we die!" wika ng US president. Nakahawak pa rin ang kanyang mga kamay sa salamin na mesa na iyon. Nanginginig siya at tila pinagpapawisan ng malamig.
"I believe in you Mr. President. But please, let us wait for the perfect timing. It's too early to say that Johan is losing his own battle. Let him be. Because I know he can win." Ngumiti si Reuben Stalin, maging ang iba pa ay ngumiti rin ngunit makikita ang matinding pagtutol ng representative mula sa Australia. Hindi siya pabor sa pag-uusap na iyon. Agad nawala ang hologram image niya sa upuan ng pabilog na mesa. Napakunot na lamang ang noo ng US president at tila nagtaka sa inasal nito.
_________________________________
"Para na lang tayong nagtatago sa mga kalaban sa sarili nating lungga. Para tayong mga ibon na nawalan ng tahanan, hanggang kelan tayo lilipad sa kawalan?" tanong ni Edward kay Johan. Nakatayo siya sa likod na parte ng carrier at pinagmamasdan ang dumidilim na kalangitan. Tila nagbabadya ang muling pagdating ng masamang panahon. Napatingin din sa himpapawid si Johan at napangiti. Naningkit ang kanyang mga mata at muling humarap sa kausap.
"Malapit na tayong dumapo sa sarili nating pugad Edward. At ikaw ang may pinakamalaking parte sa pagbabalik natin," wika ng binata.
Napatingin na lamang si Edward sa kanya. Nagtataka siya ngunit siya'y napangiti na lamang at umiwas ng tingin. Tumingin siya sa malayong parte ng karagatan habang umaandar ang aircraft carrier na iyon. Dahan-dahang nagbabago ang alon ng karagatan. Mula sa pagiging kalmado nito ay napapalitan ito ng nagngangalit na mga alon. Tila alon na nakulayan ng dugo at humihingi ng hustisya at paghihiganti.
"Ang alon na iyan ang magdadala sa'tin pabalik. Ang alon na yan ang magdidikta ng damdamin ng bawat buhay ng taong winakasan nila. Tatapusin ko ang labang sinimulan ko at wala akong ititira sa kanilang buhay. Lahat sila ay gagapang papunta sa akin at magmamakaawa," galit na sambit ni Johan.
Mapait ang bahid ng mga linya sa kanyang mukha. Nakakunot ang kanyang noo habang sinasara ng madiin ang kanyang mga kamao. Isang kidlat ang gumihit malapit sa kanilang kinaroroonan. Nagliwanag ang mukha ni Johan, nakakatakot ngunit napupuno pa rin ng kalungkutan, animo'y isang halimaw na hindi mag-aatubiling umatake sa kanyang kaaway.
"Johan? Handa na ang North Korea sa pag-atake. Utos mo na lang ang hinihintay," wika ni Layla mula sa communicator na nakasuot sa tenga ng binata. Agad naman iyong hinawakan ni Johan upang makausap ang dalaga.
"Gawin nila kung ano ang gusto nila. Basta walang magtitira ng kahit sinong buhay," utos ng binata.
"R-Roger..." nauutal na tugon naman ni Layla.
"Ngayon nila tanggapin ang kadiliman na ipinaranas nila sa akin."
Tumalikod ang binata, gumuhit naman sa kanyang likuran ang nagliliwanag na kidlat. Ngumiti siya na tila walang pagsisisihan sa kanyang iniutos.
_______________________________
"General Linford," wika ng isang boses. Humarap ang babaeng heneral sa kanyang kaliwa. Kasalukuyan siyang nakaupo sa loob ng heli ship na kanyang sinasakyan habang mino-monitor ang sitwasyon sa iba't-ibang panig ng mundo.
"Presidnet Kyon Lin Il. It's good to see you," wika ng babaeng heneral habang nakatingin ng masama at nakangiti sa kanya.
"I should tell you something. Everything will be destroyed in the borders of Turkey, Belarus, Ukraine and Bulgaria. There's nothing personal. Just pure business and revenge. Haha," wika ng North Korean President. Nanlaki na lamang ng mga mata ni General Linford sa kanyang narinig.
"So, you have become one of the pawns of Johan Klein. Impressive. For a communist country who believes in himself, you learned to trust him. Why Mr. President? Why have you betrayed me? I've given you enough power. I improved your army, given you what you want, artilleries, weapons, ships...and this is how you repay me. Why?"
"Maybe it's time to learn a lesson General Linford. You can't buy the life of everyone. You can't buy our freedom to satisfy your own haven, it's because we have our own lives. We are not puppets to be controlled with," sagot ng North Korean President.
"You! You will pay for this!!" bulyaw ng babaeng heneral.
"Someday I will, but not in your hands. I will live, grow old and die. I will see this world as it change without you, without memory gene. I will catch a glimpse of what Johan wishes this world to be - a better place for everyone."
"NO! This world is better before Johan ruined it all! We made a change, a better world. Not him!" sigaw niya.
"No...you made this world rely on you. You made them believe that they will not live without you. That's what you did. Now I can clearly see that you are wrong. Johan lived despite of everything that happened, and I can say that he will still be alive. Because he knew that this world will never depend on you once you are gone. Everyone will live, even the bids," nakangiti lamang ang North Korean President habang kinakausap ang heneral sa hologram screen. Natutuliro naman si Genral Linford, malakas ang kabog sa kanyang dibdib habang nagngingitngit sa galit.
"Do you think that I forgot what happened back then? You made us your bid country like the Philippines. It will never happen again general. Never again," huling sambit ng North Korean President.
Namatay ang panel ng hologram screen na iyon at pagkatapos ay naglabasan ang napakarming mga hologram screen sa paligid ng command center. Pinapakita dito ang pagsisimula ng pag-atake ng North Korea sa mga bansa na nakapaligid sa Europa. Nagpaulan ng mga missile ang ilang carrier mula sa Arabian Sea. Ang mga heli ship naman ay agad na naglabasan ng mga guttling gun sa ilalim nito at binabaril ang anumang makita nilang buhay. Walang palag ang mga sundalo at prototype na naroroon. Nilulundag nila ang mga heli ship at napapabagsak naman nila iyon ngunit naglabas din ng mga prototype ang pwersa ng North Korea. Kulay puti ang mga uniporme ng mga iyon, may leather sheet din sila sa katawan. Nadudungisan na lamang ng pulang dugo ang kanilang uniporme habang pinupunit at pinagpipira-piraso ang ilang mga sundalo mula sa pwersa ng European Union. Nagbababaan naman ang mga sundalo ng European Union na nakaputi din at tinatadtad ng bala ang mga katawan ng kanilang mga biktima. Isang missile naman na nagmula pa sa Arabian sea ang tumama sa malaking base ng mga sundalong iyon sa Turkey. Nagunaw ang lahat at naabo dahil sa pag-atakeng iyon.
"FALL BACK!" bulyaw ng isang sundalo mula sa European Union ngunit napatigil na lamang siya at nanginig nang makita ang isang prototype na unti-unting humaharap sa kanya. May hawak itong piraso ng spinal column na dumudugtong pa sa katawan ng isang sundalo. Maya-maya pa ay binitawan na nito ang hawak na katawan at lumundag sa kanya. Agad niyang dinakma ang kanyang mukha at saka dinurog.
Nanlalaki na lamang ang mga mata ni General Linford habang tinutunghayan ang madugong pag-atake ng North Korea. Napapaluha pa siya sa kanyang kinauupuan, maging ang kanyang mga kasama ay napapaluha rin.
_______________________________
Mula sa Cavalier air craft carrier ay nakaupo lamang si Johan sa gitna ng command center. Nakalabas ang hindi mabilang na mga hologram screen sa bawat sulok ng command center na iyon. Ang lahat ay nakasubaybay sa nangyayari sa Europe. Nakangiti lamang si Edward habang nanlalaki ang mga mata sa panonood ng palabas. Nanginginig naman ang mga mata ng mga staff ng command center. Hindi nila makayanang tingnan ang palabas na iyon habang walang habas sa pag-atake ang North Korea sa border ng Europa.
"Johan! Ito ba talaga ang gusto mo?!" bulyaw ni Helena na kapapasok lamang sa command center.
Nabalitaan niya marahil ang nangyayari mula sa sundalo sa labas at hindi nga siya nabigo. Natunghayan niya ang kaguluhan na nangyayari sa Europa, ang paghihiganti ni Johan sa mga buhay na kinuha mula sa pwersa ng European Union.
"Johan!" bulyaw niyang muli.
Maluha-luha na siya habang papalapit sa kanya. Nanginginig ang kanyang mga paa habang nilalapitan ang binata. Hindi naman humarap si Johan sa kanya na kasalukuyang nakatukod lamang ang gilid ng ulo sa kanyang kamay. Walang reaksyon ang kanyang mukha habang tinitingnan ang isang hologram screen kung saan isang sibilya mula sa Europa ang walang awang tinadtad ng bala. Wala siyang pakialam sa nangyayari sa kaguluhan na iyon.
Naglakad si Helena sa harapan ng binata. Blangko na ang kanyang mga mata. Animo'y isang malawak na kadiliman ang nakikita ni Helena sa kanyang mga mata. Nakita niya ang kanyang sarili sa binata sa tuwing siya ay mawawala sa sarili. Napaluha na lamang si Helena sa kanyang nakikita.
"Johan!"
Inangat niya ang kanyang kanang kamay, dumampi iyon sa pisngi ni Johan. Namula iyon ngunit hindi iyon pinansin ng binata. Wala pa ring reaksyon ang kanyang mukha sa pagkakataong iyon, sinalo niya lamang ang sakit. Ang sakit na unti-unting dumurog sa kanyang katauhan.
"Johan ano ba?!" naiiyak na sambit ng dalaga.
Inangat niya naman ang kanyang kaliwang kamay at sinampal siyang muli. Pumaling naman sa kabila ang mukha ng binata. Wala parin siyang emosyon, tinanggap niya lamang ang sakit mula sa sampal ni Helena. Napatingin na lamang ang ilang mga sundalo at staff sa paligid. Napapayuko na lamang. Hindi rin nila gusto ang pag-atakeng iyon. Tanging si Johan lamang ang may gusto na gumanti sa pamamagitan ng pagkitil din ng mga inosenteng tao sa Europa. Hindi rin nila mapipigilan ang galit ng binata, iyon ang gusto niya, iyon ang masusunod at walang makapipigil sa kanya sa paghihiganti.
"JOHAN!" sigaw ni Helena. Sinampal niyang muli ang binata, wala pa ring emosyon ang kanyang mukha, ngunit isang butil ng mainit na tubig ang gumuhit sa kanyang kaliwang mata.
"Johan...Johan gumising ka...parang awa mo na."
Napahagulgol na lamang si Helena sa kanyang harapan. Napayuko naman ang binata at pumikit. Isang mainit na yakap ang ibinigay ni Helena sa kanya. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang dibdib, yumuko siya habang yakap ang binata sa kanyang parehong bisig. Napuno naman ng emosyon ang buong command center. Napaiyak ang ilan sa kanila. Napaupo naman si Layla sa kanyang kinauupuan at pinangtakip ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang mukha. Lumapit naman si Edward sa kanya, Niyakap niya si Layla gamit ang kanyang kaliwang kamay ngunit nakatingin pa rin sa mga hologram screen. Nanlalaki pa rin ang kanyang mga mata at nakangiti, ngunit dumadaloy na rin ang mainit na tubig sa kanyang pisngi. Napapikit siya at naaalala niya ang mga pangyayari ilang taon na ang nakakaraan, ang pagsabog na naganap sa France, ang daan-daang tao na nagsisigawan sa kanyang isipan habang gumuguho ang mataas na gusali.
Muli niyang tinakpan ang kanyang tenga dahil sa isipan niya ay naririnig pa rin niya ang mga sigawan. Napatingin na lamang si Layla sa kanya at hinimas ang kanyang likuran at ulo.
"Johan...hindi ka isang halimaw. Huwag kang gumaya sa kanila...hindi ikaw ito. Hindi..."
Patuloy sa pag-iyak si Helena habang niyayakap ang kanyang mahal. Hindi naman nagsasalita si Johan na patuloy lamang sa pagluha. Tanging ang paghihiganti lamang ang nasa isipan ng binata sa pagkakataong iyon, tuluyan nang nagdilim ang kanyang pananaw. Ang masamang nilalang sa kanyang isipan ay dinidiktahan siya upang ipag-utos ang bagay na iyon ngunit siya'y lumuluha. Hindi niya gusto ang mga nangyayari ngunit para sa kanya ay wala nang ibang paraan. Tanging galit lamang niya ang nangingibabaw sa pagkakataong iyon.
"Johan...Johan mababago mo pa itong lahat...makinig ka sa'kin," wika ng dalaga.
Sa pagkakataong iyon ay inangat na niya ang ulo ng binata. Lumuhod siya sa kanyang harapan at tiningnan ang kanyang mukha. Lumuluha siya ngunit wala pa ring emosyon, animo'y nakatitig lamang sa kawalan at parang may ibang nakikita. Nakikita niya ang anino ng mga taong walang-awang pinaslang. Humihingi sila ng tulong, sumisigaw, lumuluha at ginagapos ang kanilang mga sarili.
"JOHAN!" bulyaw ni Helena.
Niyakap niya ang ulo ng binata at dinikit ang kanyang mainit na pisngi sa kanyang mukha. Tiningnan ni Johan ang mga hologram screen, sa kanyang paningin ay napapalitan lamang ito ng kadiliman. Inaatake na ng mga sundalo mula sa North Korea ang mga inosenteng tao. Nagtatakbuhan na lamang ang mga ito habang patuloy na nasusunog at nagugunaw ang paligid.
"Makinig ka sa 'kin...Johan...huwag mong gawin 'to," sambit muli ni Helena ngunit sadyang naging matigas ang puso ng binata, lumilitaw sa isip niya ang unti-unting pagkagunaw at pagkamatay ng kanyang nasasakupan. Hindi niya iyon matanggap kaya't hindi niya pinapatigil ang pag-atake.
"Johan hindi...hindi...pakiusap. Pakiusap itigil mo na 'to..." sambit muli ng dalaga na nalulunod na sa pag-iyak. Napapikit na lamang si Johan at sumandal sa balikat ni Helena. Huminga siya nang malalim at sa hingang iyon ay unti-unting nabuksan ang kanyang isipan.
"I-itigil ang pag-atake..." nanghihina niyang tugon.
Agad namang nagpipindot si Layla mula sa kanyang hologram computer. Kinausap niya ng pribado ang North Korean president. Tila nadismaya naman ang presidente ngunit-unti-unti ay naintindihan niya na rin ang sitwasyon.
"I-I understand," tanging tugon ng North Korean President.
Patuloy pa rin sa pag-iyak si Helena habang niyayakap ang binata. Hinihimas niya ang kanyang likuran at pinapaamo siya sa kanyang mainit na bisig.
Wala pa ring emosyon si Johan sa pagkakataong iyon, nakatitig pa rin siya sa kawalan ngunit nagawa niyang labanan ang kadiliman na nasa kanyang katauhan. Niyakap niya na lamang nang mahigpit si Helena. Alam niyang tanging siya lang ang makakagising sa totoo niyang katauhan.
________________________________
Mula sa pagsasanay ay napatingin na lamang sa kalangitan si Maria. Animo'y nakarinig siya ng kulog at hindi maganda ang kanyang kutob. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at hinilot iyon.
"May problema ba Maria?" tanong ni Professor Marco, napatingin din siya sa tinitingnan ng dalaga. Nag-alala din siya nang bahagya dahil sa pinapakitang emosyon nito.
"W-wala po propesor. Guni-guni ko lang siguro.," wika ni Maria.
Napatingin siyang muli sa kanyang harapan, isang piraso ng kahoy ang halos masira na ang nakatusok sa lupa sa kanyang harapan. Iyon ang pinagsasanayan niya. Muli siyang pumorma ngunit sa kanyang isipan ay hindi maalis ang pag-aalala. Hindi niya alam kung ano ang kanyang naramdaman. Basta ang alam niya ay may mali sa nangyayari. Sinubukan niyang sumuntok ngunit tumigil mag-isa ang kanyang kamao nang lumapat na ito sa kahoy. Isang dahon ang nilipad sa kanyang harapan. Tumingala siyang muli at nakita niya sa itaas na nagbabago na naman ang kulay ng shield. Nagiging mapusyaw na ang pagka-kulay asul nito. Napansin iyon ni Professor Marco at agad na tumayo mula sa kanyang kinauupuan.
Agad siyang naglakad nang mabilis gamit ang kanyang tungkod. Binabalak niyang pumunta sa parke na malapit kung saan makikita ang mga generator na nagpapagana sa shield. Unti-unti ay nakikita niya ang nagkakagulong mga sundalo.
"A-anong nangyayari?" tanong niya.
"Propesor pasensiya na po. Bumigay na ang dalawa nating generator. Wala na rin tayong gas para paganahin ang iba. Ang naka-embak na kuryente ay nagkukulang na," sagot ng isang sundalo. Humahangos siya sa pagtakbo upang subukang muling paganahin ang generator na iyon. Hinihila nila gamit ang isang lubid ang makina ng dalawang generator.
"Patayin niyo ang lahat ng kuryente sa stadium, arena, at sa hall. Tutal hindi naman tayo nakakagamit ng komunikasyon," wika naman ni Maria na kasalukuyang nagpupunas ng pawis gamit ang isang twalya.
"Pero paano po ang mga tao sa loob? Mamamatay din po ang airconditioning system."
"Ano bang mas importante? Ang maging kumportable ang lahat o ang buhay nila?!" bulyaw ni Maria.
"Hmm..masusunod po," sagot na lamang ng sundalong iyon.
"Iwan niyo lang ang kuryente sa clinic. Hindi puwedeng mawalan ng kuryente doon. Marami pa rin ang sugatan na ginagamot," salo naman ng propesor.
"Opo."
Tuluyan nang tumakbo ang sundalong iyon papasok ng arena upang sundin ang inutos ng dalawa. Labis na pag-aalala naman ang makikita sa mga sundalo na sinusubukang muling paganahin ang dalawang bumigay na generator.
"May dalawang araw na lang tayo Maria. Kakayanin ba nating lumaban?" bulong ni Professor Marco.
Hindi na lamang nakapagsalita si Maria. Muli siyang tumingin sa labas ng shield. Nakabantay pa rin ang mga sundalo ng European Union sa labas, batid nila na nauubos na ang power ng shield na iyon. Bitbit na nila ang kanilang mga baril sa kanilang kamay at tila handa nang magpaputok. Napailing na lamang si Maria at pumikit.
'Johan, nasaan na ba kayo?' wika niya sa kanyang sarili. Muli siyang napatingin sa kalangitan, kumakapal na ang ulap at muling nagbabadya ang isang bagyong paparating.
___________________________
Naiwang nakatitig si General Linford sa mga hologram screen sa kanyang harapan. Nasasaksihan niya ang paghupa ng kaguluhan sa kanyang lugar ngunit naiwan pa rin siyang tulala at maluha-luha sa mga pangyayari. Nag-iwan ng mga patay na katawan ang ilang minutong kaguluhan na iyon. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang magagawa ng galit ni Johan. Napapasimangot na lamang ang mga sundalo sa kanyang tabi habang nakatitig din sa mga berdeng screens na iyon.
*BAAG!*
Ibinagsak ni General Linford ang kanyang kamao sa arm rest ng kanyang upuan. Nagngingitngit siya sa galit at muling tumitig sa salamin na parte ng heli ship. Nakikita niya pa rin ang shield na bumabalot sa buong perimeter. Gusto niya iyong wasakin upang makaganti. Sa sobrang gigil ay nagdugo ang kanyang labi dahil sa pagkagat dito. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan, kinuha niya ang kanyang baril at bumaba ng heli ship.
"AAAAAHHHH!!" sigaw niya habang hinihigit ang gatilyo nang paulit-ulit.
Nakatutok iyon sa shield ngunit sinasalo lamang ng shield ang mga balang iyon. Tila tubig lamang itong umaalon sa bawat balang dumadampi dito. Napaiwas naman ang mga sundalo sa paligid, alam nilang galit ang kanilang heneral at hindi nila ito mapipigil hangga’t hindi nailalabas ang galit na iyon. Nakaupo lamang si Mark sa isang piraso ng kongkreto at nasa likod niya ang heneral. Nahahagip lamang niya ang mga balang pinapakawalan ni General Linford. Wala itong pakialam sa galit na nararamdaman ng kanyang pinuno ngunit ramdam niya ang matinding paghihinagpis nito. Nang maubos na ang bala sa magazine ay pumipitik na lamang ang gatilyo ng baril. Dahan-dahang humarap si Mark sa kanya at nakita ang kanyang pinuno na nakalugmok sa tigang na lupa. Dilat na dilat ang kanyang mga mata at nanginginig ang kanyang kalamnan at tila pinipiga ang lupa na kanyang nahahawakan.
"Rally our forces! We will meet them halfway," galit na sambit ng heneral.
"You wanted to leave these hotages?" tanong naman ng subject 4, tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa babaeng heneral.
"No. You and the prototypes will stay here. I will destroy Johan's fleet myself." Sinuntok niya ang lupa na kanyang kinalulugmukan. Bahagyang nagdugo ang kanyang kamao ngunit sa labis na galit ay hindi niya maramdaman ang sakit.
"Don't worry. I'll savor every moments with them," sagot naman ni Mark.
Muli siyang tumingin sa mga sundalo sa loob ng shield. Nakahanda na ang mga ito at nakalinya, alam nilang anumang oras ay maaaring bumigay ang shield at isang madugong labanan na naman ang magaganap.
________________________________
Italy - 4:40 PM - 10°C
"Are you sure you wanted to do this?" tanong ng isang babaeng doktor sa isang lalaki habang binubukas sara ang kanyang kamao na gawa sa bakal.
Nakahubad siya at makikita ang ilang parte na nasunog sa kanyang braso na nagdudugtong sa kanyang augmented arm. Maya-maya pa ay itinaas niya na rin ang isa pa niyang braso. Buo ito ngunit bahagya ring makikita ang nasunog na parte ng kanyang braso. Ang ilang detalye naman ay makikitaan ng plastic surgery upang kuminis ang kanyang balat.
"Silence will only break my conscience, there's no stopping me. I hope you understand...Cher," sagot ng binatang iyon.
Binuka niya ang kanyang augmented arm at sa palad niya ay lumalabas ang isang muzzle ng baril. Nakakabit na iyon sa kanyang augmented arm, muli niyang sinara ang kanyang palad at bumalik doon ang bunganga ng baril.
"I'm just concerned about you, when your counterpart knows that you are still alive. He will destroy you. Your way of thinking is the same as yours, because he is you. A copy of yourself," paliwanag ng babae. Kinuha naman ng binata ang isang puting t-shirt na nakapatong sa isang nakalutang na upuan. Sinuot niya iyon at tiningnan ang kanyang jacket na naghahalong asul at itim na nakasampay din sa upuan na iyon. Bumuntong hininga muna siya bago magsalita.
"I am the real Four. What was left is the remains of me. A soul waiting to be destroyed, a wrong decision that brought fear and hatred. He is my responsibility, and I must end his tormented life," wika ng binata. Napatalikod na lamang siya at kinuha ang kanyang jacket. Sinuot niya at pagkatapos ay kinuha ang kanyang backpack.
"Mark...if everything happens..."
"If everything happens, I got this."
Ngumiti ang binata at humarap sa kanya. Inangat niya ang kanyang pantalon at makikita rin doon ang parehong paa na gawa rin sa augmented limb. Bumuka pa ang ilang piraso ng stainless steel na augmented part na iyon at isang maliit na jet engine ang makikita sa likod ng kanyang binti. Napangiti na lamang ang doktor, lumapit siya sa kanya at yumakap.
"Whatever happens, just run. You are not as strong as before Mark. Your support comes from the augmented parts that I gave you. Not that I am really w-worried, but..."
"Ssshh...I can handle this sis." Lumayo ang binata at lumapit sa salamin na pintuan.
"By the way Cher. Thank you for taking care of me." Tumango na lamang ang babae at ngumiti. Tuluyan namang lumabas ng pintuan na iyon ang binata. May bakas pa rin ng pag-aalala sa babaeng iyon ngunit wala na siyang magagawa. Binuksan niya na lamang ang mga hologram screen at pinanood ang kung ano mang mapapanood niyang balita.