Chapter 10: Delirium (Pagkahibang)

4441 Words
Chapter 10: Delirium (Pagkahibang)   Fight and be remembered as a hero, or die and be remembered as a coward.   -Aatrox, League of Legends         November 20, 2300 - Paris France - 10:30 PM - -20°C       "Amazing. This is what I want," ang tanging narinig ni Cher mula kay subject 4.   Sa pagkakataong iyon ay naging matagumpay ang proseso ng paglilipat ng memorya sa isang pulang memory gene na nakakabit sa prototype na pinaghalong asul at itim. Napatingin na lamang ang doktor at ang isa pang lalaki na nakaluhod na lamang sa nasirang underground lab ng MEMO. Tinitigan lamang siya ng prototype na iyon at pagkatapos ay naglakad na nang tuluyan palabas.   "T-The procedure...it worked."   Napangiti ang lalaking kasama ni Cher. Dahan-dahan namang tumayo ang babaeng doktor mula sa pagkakasalampak habang nakatitig pa rin sa mausok at maalikabok na parte ng lab kung saan lumabas ang subject 4. Napangiti rin ang babaeng doktor at tila natuwa sa naging resulta ng kanilang pagod at masinsinang paglilipat ng memorya mula sa isang memory gene patungo sa isa pa. Napatayo rin ang lalaki sa pagkakaluhod at dahan-dahang naglakad, kinuha niya ang isang handgun sa sahig at isinukbit niya iyon sa kanyang tagiliran.       "Burn this place and leave. We should hide all our evidences, if the government knew what we did here, we’re screwed. MEMO is dead...for now," wika ni Cher.   Tumango naman ang lalaki at lumapit sa isang gumagana pang hologram computer. Patay-sindi na ang hologram imaging nito ngunit sinubukan pa rin niya iyong gamitin, palabas na sana ng lab na iyon ang babaeng doktor nang makarinig siya ng mahinang ungol.   "Uhhmmm...uhmm..."   Napatingin siya sa kanyang likuran, ang lalaki naman ay napatingin sa kanya at tila nagtataka rin sa kanyang narinig.     "Is that you?" tanong ng doktor.     "N-no ma'am..." sagot naman ng lalaki. Muli nilang narinig ang ungol at sa pagkakataong iyon ay tumingin na siya sa katawang tao na kinahihigaan ng subject 4. Nanlaki ang mga mata ni Cher nang makitang nakadilat ang mga mata ni Mark at tila humihingi ng tulong sa kanila.       "H-he's still alive. But why?!"       Pagtataka at pagkagulat ang nararamdaman ng babaeng doktor. Dahan-dahan siyang lumapit sa bakal na hinihigaan ng katawan ni Mark. Isang luha ang tumulo mula sa kanan niyang mata at iniabot ang kanyang kaliwang kamay na animo'y nagmamakaawa.   "Then who's the prototype?! It can't be. He's subject 4, the procedure is a success. He should be in a state of coma by now!" wika ng lalaki.   Lumapit din siya sa nakahigang katawan ni Mark at tiningnan siya nang maigi. Nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa mga mata ng binata. Napapikit naman ang babaeng doktor, awa ang nararamdaman niya at panlulumo kapag tinitingnan niya ang sunog na katawan ni Mark. Ang nangulubot na niyang balat, ang kanyang labi na dumikit na sa kanyang baba at ang halos putol na niyang mga paa at kanang kamay dahil sa malubhang pagkasunog. Hindi niya ninais na makita ang ganoong kalagayan ng binata ngunit higit sa panlulumo ay nakadagdag pa ang pagtataka kung bakit buhay pa siya gayong nailipat ang memorya niya sa prototype.   "This is not him. We should kill it!" wika naman ng lalaki habang kinukuha ang baril sa kanyang tagiliran. Itinutok niya iyon sa ulo ng nanghihinang binata at akmang ipuputok. Napatitig na lamang ng masama ang binatang nakahiga sa bakal, takot at galit ang ipinakita niya sa lalaking may hawak na baril.       "NOO!" bulyaw naman ng babaeng doktor. Tinapik niya ang kamay ng lalaki at naiputok naman nito ang baril ngunit hindi iyon nakatutok sa ulo ng binata.       "What are you doing doctor? Did you see what we did?! We transferred his memories to the prototype, this is not him."       "Did I tell you to dictate my every move?! This is my lab! I have a total control and you are just following my rules, I am the only one who is responsible for every mistake of our procedures!" bulyaw ng doktor.       "B-but this is a mistake doctor! If the government finds this out, we will be hunted for a life time. A memory transferred failure. This...this can't be true. This is not him."       Tila natatakot na ang lalaking iyon habang tinititigan ang buhay pang katawan ng subject 4, kinamot na lang niya ang kanyang ulo at tumalikod.       "No...this is not a failure. This is the truth. Huh. Haha. Now I know...all these years, everything is a lie..." natatawang tugon ng babaeng doktor. Napapailing pa siya at tila nadidismaya.       "Lie? What do you mean?!" tanong naman ng lalaki.       "Memories transferred into a hard drive device. Why did I haven't thought of that?" tanong ng doktor sa sarili.       "I say we should kill it doctor. Just like any other subject experiments. This is a failure," wika ng lalaki.   Dahan-dahan namang lumapit ang doktor sa isang mesa sa gilid niya. Hinawi niya ang kanyang kamay sa isang hand scanner at bumukas ang isang drawer sa ilalim nito. Isang maliit na handgun ang tumambad sa kanya, alam niyang naroon iyon at pasimple niya iyong kinuha.   "You're right. This thing should be killed."   Tinutok niya ang baril kay Mark. Natakot naman si Mark sa ginawa ng babaeng doktor.   "N-no...no please..." tugon naman ng binata, nahihirapan pa rin siyang magsalita hindi lang dahil sa kanyang kalagayan ngunit dahil na rin sa panghihina. Mula naman sa pagkakatutok ng baril sa kanya ay ipinaling ito ni Cher sa lalaki.   "W-what are you doing?!"   *BAANG!*   Isang bala ang tumama sa kanyang ulo. Lumapit ang babaeng doktor sa kanya at kinapitan pa ang katawan niya upang patalikurin at siguruhing tinamaan ang kanyang memory gene. Tinamaan nga iyon at nakaumbok pa ang bala na kanyang pinakawalan sa memory gene ng lalaki. Pagtataka naman ang bumalot sa isipan ni Mark kung bakit iyon ginawa ng doktor sa kanyang kasama.       "I have to get you out of here, this place will be swarming with prototypes in just minutes," wika ng doktor. Gamit ang isang hologram computer ay kinalagan niya ang mga bakal na gumagapos sa natitirang kamay at mga paa ng subject 4. Kinuha niya ang isang lab gown mula sa walang malay niyang kasama at isinuot kay Mark. Dali-dali niya itong inakay at binuhat kahit na nabibigatan.   "W-why did you do that?" tanong naman ni Mark.   "You wouldn’t leave a live evidence would you? That is what we did to those who interfere us," wika ng babaeng doktor. Humakbang siya sa ilang mga parte ng bakal na nagkapira-piraso. Lumingon siya sa kaliwa at sa kanan at kahit na nabibigatan ay pinilit pa rin niyang buhatin si Mark.   "Then, you should kill me," tugon naman ng binata. Napatigil naman sa pagtakbo ang babaeng doktor.   "I was blinded...I was blinded by the memory gene, yet I kept thinking about it since I had it. We cling into a device that could extend our lifespan for almost...forever. Little did we know know, that everything was just a copy of ourselves. We don't have souls anymore," paliwanag ng doktor.   Nanlaki naman ang mga mata ni Mark at tila naiintindihan na ang lahat. Naisip niya ang sinabi ni Edward Vitore, ang mga kasinungalingan sa likod ng MEMO at ng lahat ng kanilang proyekto. Kung bakit ginawa ang S.W.I.M. at kung bakit din ginawa ang subject 1. Higit sa lahat, naaalala niya ang pagsabog na nangyari, ang pagkamatay ng kanyang kaibigan at ng kanyang mahal. Napaluha siya habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Hindi rin niya alam kung mapagkakatiwalaan nga ba ang taong nagtatakas sa kanya mula sa gusali ng MEMO.   "B-but you're still a part of MEMO...aren't you going to kill me?" tanong ng binata.   "Yes I am...I am a part of MEMO. Until today. The truth lies in you Mark. You are a living proof that memory gene is a lie. That is the only reason why should I keep you from our government, from this world," wika ng babaeng doktor.   Sa pagkakataong iyon ay inalpasan niya ang isang hallway dahil narinig niya ang ilang mga yabag ng paparating na mga sundalo at prototype. Sa isang lumang kwarto sila napadpad at sa sahig ay makikita ang isa pabilog na kalawaning takip. Yumuko nang bahagya si Cher at hiniga sa sahig si Mark. Napapilipit na lamang sa sakit na nararamdaman ang binata habang nakahiga sa maruming sahig na iyon. Dahan-dahan namang tinanggal ng babaeng doktor ang takip ng manhole na iyon at pinagulong ito sa gilid. Sa ilalim ay makikita ang napakadilim na lagusan, muli niyang kinapitan si Mark at ipinasan sa kanyang likuran. Nagkasiya sila sa butas na iyon habang bumababa gamit ang isang bakal na hagdan. Bago tuluyang bumaba ay kinuha muna ng babaeng doktor ang takip mula sa itaas at muli itong itinakip sa malaking butas.   Pawis na noon si Cher habang naglalakad at binubuhat si Mark sa madilim, malamig at mabahong drainage na iyon. Nagyelo na rin ang tubig sa gitna dulot ng matinding lamig. Bahagya ring umuusok ang bawat hinga niya dahil sa lamig, lamig na nakakapanghina at dahil na rin sa kanyang buhat kaya't siya'y nahihirapan.   "Stop it..." wika ni Mark.   "W-what?" tanong ni Cher habang naghahabol ng hininga at patuloy pa rin sa paglalakad.       "J-just leave me. I'm just a burden. You can go on by yourself," nanghihina niyang tugon.       "No...I will not leave you here. Not in this place."       "You'll get caught! L-listen to me..." wika ni Mark.       "Ssshh..."       Ilang ingay naman ang narinig ni Cher, nagtago siya sa isang kanto ng madilim na drainage na iyon na naiilawan lamang ng mga aandap-andap na mga lumang bumbilya. Sumilip siya at nakikita niya sa dulo ang mga naglalarong ilaw ng mga flashlight na gamit ng mga sundalo na humahabol sa kanila.       "Save yourself. I'm just a burden to you," bulong ni Mark.       "No. I need you. I need to understand the memory gene, more than any common man can understand it. So just save your breath, I'll get you out of here," wika ng babaeng doktor.   Muli siyang naglakad nang tahimik patungo sa isang maliwanag na parte ng drainage. Doon marahil ang lagusan palabas ng gusali ng MEMO, hindi siya nagkamali. Nang maabot nila ang dulo ng drainage ay nakita nila ang maliwanag na siyudad dulot ng mga ilaw at hologram billboard sa paligid. Napupuno na rin ng malamig na snow ang paligid kaya't lalong nanghina ang babaeng doktor. Paika-ika na siyang naglalakad sa malamig na yelo. Suot pa niya ang isang pares ng takong lamang kaya't nilalamig din ang kanyang mga paa. Patuloy ang pagbuga nila ng usok mula sa kanilang mga bibig hanggang sa maabot nila ang isang dilaw na hover car. Kinuha ng doktor ang isang tila maliit na remote at pinindot ang isang boton doon. Agad namang umilaw ang hover car at lumutang, bumukas din ang pinto nito at sa kabila ay hiniga niya si Mark. Tumungo siya sa driver's seat at sinara ang pinto.       "Activate heater system," wika niya.       "Heater system activated," sagot naman ng computer generated audio ng kanyang kotse. Uminit nang bahagya ang loob ng kotseng iyon. Nakita naman ng babaeng doktor na wala nang malay si Mark kaya't agad niyang pinaharurot ang kanyang hover car.        ________________________________       "Why?" tanong ni Mark.   Nakahiga siya sa isang kama at bahagyang naka-elevate ang kanyang katawan, alanganin siyang nakaupo at nakahiga habang nakatingin sa babaeng doktor. Nakatayo naman ang babaeng doktor at ngsusuot ng gwantes na puti sa kanyang kamay. Tinanggal na niya ang kanyang lab gown at nagpipindot sa kanyang hologram computer.       "I-I should be dead. Why am I still breathing."       "There are things our mind cannot understand, we have our limits but how we respond to our stimulus is unending. It is our truth, it's amazing how our mind can play our own thoughts and actions," wika naman ni Cher. Lumapit siya sa kanya dala ang isang rolling tray. Sa ibabaw ay nakalagay ang ilang kable. Sinimulan niyang ilagay ang mga kable sa memory gene ni Mark at binuksan ang screen ng isang hologram stick.       "You are alive subject 4. And you should be thankful for that."       "B-but I saw myself..." wika ni Mark.   Naalala niya na tinitingnan niya ang kanyang sariling kamay na naging bakal nang maging kumpleto ang proseso ng paglilipat ng memorya niya sa prototype. Nakita niya rin ang ginawa niyang pagsuntok sa sundalo na nanutok ng baril sa babaeng doktor na iyon ngunit bigla na lang itong nawala sa kanyang paningin nang mahugot ang mga kable sa pulang memory gene ng prototype.       "What you saw...is just a memory," sagot ng babaeng doktor.   Tapos na niyang ikabit ang dalawang kable sa memory gene ng binata. Nagpipindot naman siya sa kanyang hologram stick at tila mga numero lamang ang lumalabas sa screen ng aparatong iyon.       "Memory? What do you mean."   "Do you believe that our memories are like files stored in a container? Files that can be deleted or worse, be changed," wika ni Cher.   Dahan-dahan namang napalingon si Mark sa babaeng doktor at muling naisip ang mga sinabi ng subject 1 sa kanya noon. Isang subject experiment ang tatayong pinuno ng lahat upang mamuno gamit ang isang program. Para kontrolin ang lahat.   "A-a program. A program that could control the world...through memory gene," sambtit ng binata. Napalingon naman ang babaeng doktor sa kanya at nagtaka.   "Subject 1 once told me that another subject will rise, to control mankind. Do you know anything about it?" tila naging interesado naman ang babaeng doktor sa narinig at dahan-dahang lumapit sa kanya.   "N-no. It can't be. Memories can only be erased, how could they create such program that could control humanity?"   "You are the scientist, doctor. I thought you knew anything about that. You and I, we're part of MEMO. But we didn't see what's coming. Until we're dead," sagot naman ni Mark.   Patuloy siya sa malalim na paghinga, muli siyang tumingin sa kisame upang kalmahin ang kanyang sarili. Pagtataka at labis na pagkadismaya, iyon lamang ang nararamdaman ni Mark sa pagkakataong iyon habang nakatulala.   "So the prototype subject 4 is alive. I didn't see that when I woke up. Does it mean..."       "Yes. He is you. A copy of your own personality, identity, and your will."   "How did that happen?" tanong ni Mark. Napabuntong hininga naman si Cher at napalingon sa kanya.   "I-I don't know. But after I saw you respond as you yourself, ideas started to fill me again. Memory gene is just a container of memories. A storage of what we are and who we are. What is left when our bodies die, are only memories. Not us, not our self-awareness," nanlaki naman ang mga mata ni Mark at napatingin sa doktor.   "Y-you mean, memory gene is a lie?" tanong ng binata. Nanginig naman ang mga kamay ng babaeng doktor. Nalaglag pa ang hawak niyang herenggilya at isang maliit na botelya na kinukuhanan niya ng likido.   "This is just my theory. If a memory gene is like a hard drive and our memories were just files transferred to it, then what is left in our physical brain, was still our self-awareness. It means that our memories in the memory gene were only copies of ourselves." Muli niyang kinuha ang herenggilya at nilapag sa rolling tray.   "Y-you mean, we're still dead, when our bodies die. Is that what you are saying?"   "I believe it's a yes."   "N-No! Then if we are using the bodies of the bids to be a container of our memories..."       "The memory gene wipes the memory of the host, and then transfers your memory to that body. A soulless personality will emerge from that body, using that body's soul, but not its own free will." Tila nanginig lalo ang katawan ng babaeng doktor at natakot dahil sa sariling natuklasan.   "Then memory gene, is just a f*****g lie! People believe that they will live longer if they will use it and transfer it to another body, yet their awareness is dead once their physical body is dead! How can they not see that?!" galit na tugon ni Mark. Tila napaluha naman ang babaeng doktor at lalong nanginig sa mga haka-haka na nasa kanyang isipan.   "N-no...no...I should not exist by now!" sagot naman ng babaeng doktor.   "W-why? You are dead, you transferred your memory gene to that body. Is that right?" tanong ni Mark. Tumango na lamang nang bahagya ang babaeng doktor at pagkatapos ay naglakad palayo sa binata. Pinahid niya ang kanyang luha ngunit nanginginig pa rin ang kanyang kalamnan.   "Hey...HEY!" bulyaw naman ni Mark, ininda niya ang sakit ng kanyang sunog na katawan, bahagya pang nagdugo ang kanyang ibabang labi dahil sa labis na pagkakabanat nito.       _______________________________       Tila isang malamig na hangin ang naramdaman ni Mark na dumampi sa kanyang likuran. Nakapikit lamang siya sa pagkakataong iyon ngunit nang siya ay dumilat ay nakita niya sa kanyang harapan ang asul at itim na prototype. Nakatayo ito at nakatitig nang masama. Nakasukbit ang espada niya sa kanyang likuran at nakatigil lamang sa malawak na kawalan na iyon ang prototype. Sinubukuang tingnan ni Mark ang kanyang mga kamay. Nagtaka siya dahil wala siyang bahid ng sugat o lapnos man lang ngunit napasin niya ang pag-gaya sa kanya ng prototype. Tiningan din niya ang kanyang mga kamay at animo'y nagtataka. Sunod niyang hinaplos ang kanyang dibdib, wala siyang damit sa pagkakataong iyon, natuwa siya dahil wala ring bahid ng sunog ang katawag iyon ngunit muli siyang nagtaka nang gayahin ito ng prototype. Napakunot siya ng noo at sa labis na pagtataka ay lumapit siya. Tila tubig lamang ang kanyang inaapakan dahil sa bawat hakbang niya ay umaalon ito nang bahagya. Dahan-dahan ding lumapit ang prototype na iyon at nang malapit na siya ay sinubukan niyang itaas ang kanyang kamay. Itinaas naman ng prototype na iyon ang kanyang kaliwang kamay. Animo'y isang salamin ang nasa gitna nilang dalawa ngunit nang ilapat na niya ang kanyang kamay sa kamay ng prototype ay agad umilaw ang mga mata nito. Kinuha niya ang kanyang espada sa kanyang likod at akmang hahatawin ang leeg ni Mark.       "NOO!" nagising na lamang si Mark mula sa isang masamang panaginip.   Madilim sa paligid at kaunting ilaw lamang ang makikita sa loob ng lab na iyon. Nakadikit sa kanyang dibdib ang ilang sensor ng heart rate monitor, pumaling naman siya ng tingin sa kanyang kanan at doon ay nakita ang babaeng doktor. Nakayuko siya sa isang mesa at animo'y natutulog. Saglit siyang naalimpungatan dahil sa tunog ng hologram computer. Sa pagkakataong iyon ay nagising na siya at nagsimulang magpipindot sa computer. Sinilip naman ni Mark ang hologram screen ng computer na iyon. Nakikita niya ang ilang detalye ng bakal na parte ng katawan ng isang prototype, nagtaka siya at saglit na naguluhan ngunit muli siyang pumikit nang makita niyang lilingon na ang doktor sa kanya. Nakiramdam siyang muli at nang makatyempo ay tiningnan niyang muli ang ilang detalye sa hologram computer. Sa pagkakataong iyon ay masama na ang kanyang kutob ngunit sa kalagayan niyang iyon ay wala siyang magagawa. Ang naisip na lamang niyang gawin ay ang maghintay.       ________________________________       "You have to get out of here Mark," sariling boses niya ang narinig bago niya muling imulat ang kanyang mga mata. Nababalot muli ng kadiliman ang kwarto kung saan siya nakalagak, lumingon siya sa paligid ngunit hindi niya nakikita ang babaeng doktor doon. Sinubukan niyang iangat ang kanyang kaliwang kamay upang tanggalin ang mga kable sa kanyang dibdib at memory gene. Natanggal nga ito ngunit isang matinis na tunog lamang ng heart rate monitor ang narinig sa kwartong iyon. Lalo siyang nagmadali at sinubukang ihiga ang kanyang mabigat na katawan. Pinilit niya kahit nahihirapan siya hanggang sa mapaupo niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang nag-iisang kamay.   "Now what?!" wika niya sa kanyang sarili.   Tinanggal niya ang kumot na nakatapis sa kanyang paanan. Nadismaya lamang siya at napaluha nang makitang wala na talagang silbi ang mga paang iyon. Ayaw niya iyong tingnan, nakakadiri, karimarimarim at hindi niya masikmura ang kanyang nakikita. Kung iaapak niya ang mga paang iyon sa sahig ay siguradong matinding sakit ang kanyang iindahin. Ngunit gusto niyang tumakas. Gusto niyang umalis sa lugar na iyon upang maiwasan ang kung ano mang masamang binabalak ng babaeng doktor sa kanya. Itinalon niya ang kanyang sarili sa kama na kanyang hinihigaan. Gamit pa rin ang nag-iisang parte na gumagana sa kanya, ang kanyang kaliwang kamay, pinilit niyang pagalawin ang kanyang sarili patungo sa dulo ng kanyang higaan at nang makarating na siya doon:   "AAAAHHHH!!!" Napasigaw siya sa labis na sakit na naramdaman. Umagos sa sahig ang dugo mula sa kanyang nabaling mga paa. Napaluha siya sa sakit at pilit na iginapang ang kanyang sarili sa sahig gamit ang kanyang kaliwang braso.       "HMMFF! HHUUNHH!" Napapaungol siya sa sakit ngunit ayaw niyang magbigay pansin sa kanyang nararamdaman. Ang tanging nais niya lamang ay makatakas sa lugar na iyon ngunit mukhang mabibigo siya.   "Mark? MARK! What the hell are you doing?!"  Bumukas ang ilaw at pumasok sa kwartong iyon ang babaeng doktor. Bitbit pa niya ang ilang pinamili na mga prutas, gulay at ilang mahahabang tinapay na kung tawagin ay baguette. Nagkandalaglagan ang kanyang mga bitbit nang makitang naliligo na sa sariling dugo ang binata. Agad siyang lumapit sa binata at sinubukan siyang akayin.       "Get off of me!" bulyaw ng binata.   "Why are you doing this?! You'll die!" Sinubukang niyang muling kapitan ang katawan ng binata ngunit muling pumalag si Mark.   "That is what you're going to do to me right? You will create another copy of myself and put it to another prototype! Or maybe a legion of prototypes!"   "N-no, what makes you think that I would do that? Come on four, you’re losing a lot of blood!" Tumayo ang babaeng doktor at nagmadaling abutin ang herengilya sa isang rolling tray.     "I might as well die than to live in a world full of lies!" wika ni Mark habang napapaluha. Muli niyang iginapang ang kanyang mabigat na katawan sa sahig. Agad namang itinurok ni Cher ang herenggilya sa braso ng binata.       "I will not harm you four. Please, trust me. This is the only way for you to live. Now that we both know that the memory gene is just a lie. I guess this will be the best option," wika ng babaeng doktor.       "Wha-what are you trying to do to me? Wha...what..." Unti-unti ay napapapikit si Mark dahil sa gamot na itinurok sa kanya ng doktor. Hinaplos naman ni Cher ang mga mata ng binata upang ito'y ipikit.       "Sleep...sleep, and soon you will rise again four. Trust me."   Napaluha na lamang si Cher habang binabanggit ang mga katagang iyon. Naaawa na siya sa kalagayan ng binata, gayun din sa kanyang sarili. Gulong-gulo siya sa pagkakataong iyon. Napahawak din siya sa kanyang ulo. Iniisip niya pa rin na ang kanyang memorya ay isa lamang kopya ng kung sino siya. Dahil iyon sa memory gene. Napaupo na lamang siya sa sahig na iyon habang umiiyak. Napapailing siya ngunit inisip niya pa rin ang kalagayan ng binatang nasa kanyang harapan. Muli siyang tumayo kahit lumuluha at inakay ang binatang iyon. Binendahan niya ang mga paa nito upang hindi na umagos pa ang maraming dugo.       ________________________________       "What you saw in my computer were augmented parts, not parts of a prototype. Well it is very much similar to prototype parts because it is composed of metal and wires but the augmented parts are different. They use tubes as a replacement for your veins and metal for your bones, this is the only way Mark....for you to live." Malungkot ang mukha ng babaeng doktor habang pinapaliwanag sa kanya ang gagawin sa katawan ng binata. Tulala lamang si Mark habang nakikinig sa paliwanag ng babaeng doktor.       "It was your extreme will to live, you haven't lost your fighting spirit just yet Mark. I saw how you struggle just to leave this safe house, and I realized that you don't want to die without anybody seeing what MEMO is really up to. I know how hard this is for you Mark. But then please, trust me. Because I am the only one who can help you," wika ng babaeng doktor. Hindi pa rin nagbigay ng reaksyon si Mark sa kanya kaya't tumalikod na lamang ang babaeng doktor. Nagulat na lamang siya nang hawakan siya ni Mark sa kanyang braso. Napalingon siyang muli at tumitig sa kanyang mga mata.       "I'm not a soldier anymore...Cher. I'm on nobody's side now, unless I chose to fight for what is true. But please...don't treat me as a soldier. Long have I lived my life in lies I almost believed in. I think this time, I will change what the world believes." Napangiti naman si Cher sa kanyang narinig. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa kamay ng binata at tumango. Naging matapang naman ang mukha ni Mark at muling tumingin sa kisame at napatulala.       "I will fix your remaining body in flesh with surgery, I'm sorry to say this but your legs and your right arm is no use for you anymore. I will replace it with augmented parts through surgery, but you should be nourished for your body to be ready for series of surgeries and operations. Are you willing to do this?" tanong ng doktor.       "A little pain is just a word to uncover those lies. My mind is ready for this, doctor," wika ni Mark. Napatango namang muli si Cher at muling lumapit sa hologram computer na nasa kanyang gilid.       Sa loob ng isang buwan ay walang ibang ginawa si Mark kundi magpalakas at kumain ng marami, kahit na nahihirapan siyang ngumuya ay pinilit niya pa rin. Sinusubuan lamang siya ng babaeng doktor habang nanonood ng mga balita sa hologram TV. Unti-unti nilang naintindihan ang katotohanan tungkol sa memory gene dahil sa mga balitang iyon, ang pagsasakrpisyo ni Johan at ang pagbangon ng Pilipinas mula sa pagkalugmok nito at dahil na rin sa pagtulong ng European Union sa Pilipinas, ngunit iba ang nakikita ni Mark sa mga pangyayari.       "Another hidden agenda. Europe pampers Philippines, and then what is their next move?" Napangiti naman si Cher na nakaupo lamang sa higaan niya at patuloy na sinusubuan ng ubas si Mark.   "You've figured it out. MEMO will not be shattered that easy, if only Johan knew this, he will not kill himself."   "B-but he did that...because he knew in the end that he will be the only one responsible in destroying mankind. He doesn't want that to happen, he also knew the truth. I think he will not leave his work unfinished. Not yet."   "Do you mean, everything is just a show?" tanong ng babaeng doktor. Napatingin na lamang si Mark sa kanya at sa pagkakataong iyon ay kinuha niya na ang isa pang ubas gamit ang kanyang kaliwang kamay at nginuya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD