Dumating ang oras ng operasyon, ang pagputol sa dalawang binti ni Mark at ang kanyang kanang kamay upang palitan ng augmented parts. Pinakita ni Cher ang mga augmented parts na iyon, mamahalin ito kung titingnan at kumikinang pa sa kintab. Silver ang kulay nito ngunit kung titingnang maigi ay stainless titanium steel ito. Naningkit ang mga mata ni Mark nang tingnan ang mga parts na iyon, natuwa siya sa kanyang nakikita. Kasinungalingan man ang paglipat ng kanyang memorya sa prototype na iyon, kahit papaano ay makukuha niya ang gusto niya sa pamamagitan ng augmented parts na nasa kanyang harapan.
"Are you ready?" tanong ng babaeng doktor. Tumango lamang si Mark at muling tumingin sa kisame. Tinurukan naman siya ng pampatulog ng babaeng doktor upang hindi niya maramdaman ang sakit habang siya'y inooperahan.
Tumagal ng halos isang araw ang operasyon na iyon dahil mag-isa lamang ang babaeng doktor na nag-opera sa kanya ngunit tatagal pa iyon ng ilan pang araw kung hindi dahil sa tulong ng halos limang mechanical arm na sabay-sabay gumagana gamit lamang ang dalawang hologram computer. Pinutol ng doktor ang dalawang paa ni Mark at masinsinang ikinabit ang mga ugat nito sa maliliit na tube ng augmented arm at limbs. Maging ang pagkabit ng screw sa buto ng binata ay tila naging delikado para sa kanya. Naging marupok kasi ang kanyang buto sa bahagi ng kanyang binti dahil sa sunog na tinamo nito kaya't kailangan niyang putulin pa ang kanyang binti hanggang sa mapagdesisyunan niyang tanggalin na mismo ang mahabang buto ng kanyang hita at ikabit na lamang ang augmented limbs sa mas maliit na parte ng pinutol na buto. Naging matagumpay naman ito at nalampasan ni Cher. Sinunod naman niyang ikabit ang augmented arm, umabot lamang ang pagkaputol ng braso ni Mark sa kanyang balikat. Lubha na rin kasing naging marupok ang buto. Gayunpaman ay naging matagumpay ang operasyon. Kinailangan nga lang niyang ipahinga ang kanyang pasyente ng ilang linggo upang maghilom ang kanyang mga sugat at sundan muli ng isa pang operasyon, ang plastic surgery.
Unti-unting sinanay ni Mark ang paggamit ng kanyang kamay at mga paa. Mula sa maliliit na paggalaw habang siya ay nakahiga hanggang sa tulungan na siyang makatayo ng babaeng doktor at maglakad. Sa una ay nanginginig din ang augmented parts ni Mark, senyales na hindi niya pa ito kontrolado ngunit hindi siya nagmadali, alam niya ang kanyang gagawin at alam niya kung kailan siya dapat lumabas sa publiko.
Naglakad si Mark sa paligid ng safe house kung saan siya tumutuloy, may kalakihan din pala iyon sa inaakala niya. Napakapit na lamang siya sa pader nang maramdaman niyang hindi na naman niya macontrol ang kanyang mga paa. Gamit ang kanyang kamay ay tinahak niya ang isa pang hallway at sa dulo noon ay nakita niya ang isang malaking salamin. Tingingnan niya ang kanyang sarili. Kumikintab ang kanyang augmented arm at limbs ngunit hindi niya pa rin maatim na makita ang natitira niyang katawan na sunog pa rin, nakadikit pa ang mga balat sa kanyang dibdib na animo'y natuyong lava, ang labi niya sa ibaba ay nakadikit pa rin sa kanyang baba. Pumikit na lamang siya at muling bumalik sa lab. Umupo siya sa kanyang higaan at napansin naman ni Cher ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
"Is there something wrong?" tanong niya habang hinahanda ang pagkain ng binata.
"I-I don't want to see myself anymore. Not in this image Cher." Huminga siya nang malalim at tumingin sa babaeng doktor.
"Do you want to proceed to the next stage?"
"How long is the procedure?" tanong ni Mark.
"It will take a week to reconstruct your entire remaining skin, including your hair and some details of your body," tugon naman ng babaeng doktor.
Tumango na lamang si Mark at hindi na nagsalita pa at pagkatapos ay yumuko. Napangiti na lamang ang babaeng doktor. Napatingin siya sa hologram TV at doon ay nakikita niyang nagsasalita sa isang press conference ang prime minister na si James Wellington. Naningkit na lamang ang mga mata ni Cher habang nakatitig sa TV.
________________________________
Hindi nga nagkamali sa pagtantya ang babaeng doktor na iyon. Inabot ang operasyon ng halos isang linggo upang maibalik ang orihinal na itsura ng katawan at mukha ni Mark. Gamit ang isang 3D imaging na lumalabas sa isang salamin na mesa, doon niya pinagbasehan ang dating itsura ng binata. Ang hubog ng kanyang mga mata, ang kanyang pisngi at ang normal na itsura ng kanyang kaliwang kamay, dibdib, tiyan at maging ang kanyang buhok.
Gamit naman ang laser na mula sa mga mechanical arms, tila nilililok nito ang bawat hulma ng katawan ng binata. Tinuklap ng laser na iyon ang nagdikit na labi at baba niya at unti-unti ay nahuhulma sa orihinal na porma. Bawat araw sa loob ng isang linggong iyon ay isang parte ng katawan ni Mark ang naaayos, Kailangang bendahan ang parte ng katawan na iyon upang hindi masira ang bagong hulma. Nahuling aayusin sa parte ng kanyang katawan ang kanyang likod.
Naging matagumpay naman ang operasyon na iyon ngunit kailangang magpagaling ni Mark ng isa pang linggo, nababalutan na lamang ng benda ang kanyang katawan hanggang sa maubos na ang isang linggong paghihintay.
______________________
Tinanggal ni Cher ang benda sa buong katawan ni Mark. Nakatayo lamang siya sa harapan ng binata habang si Mark naman ay nakaupo lamang sa kanyang higaan. Wala saplotng saplot o kung ano man, tanging benda lamang ang tumatakip sa kanyang katawan. Tinanggal iyon unti-unti ng babaeng doktor. Sinimulan niya iyon sa kaliwang braso at kamay ng binata. Nakikita na niya ang hubog ni Mark. Umuumbok ang muscles niya sa kanyang braso. Hinaplos naman ito ni Cher at tiningnan nang maigi kung naghilom na ng tuluyan ang mga sugat. May ilan pang naiwang bakas mula sa mga laser na humulma sa brasong iyon na kung titingnan ay animoy alon ng dagat at nagsisilbing palamuti sa kanyang braso. Sinunod niyang tanggalin ang benda sa ulo ng binata. Naging malago ang buhok nito dahil na rin sa laser surgery, bawat ikot naman ng benda sa mukha ni Mark ay namamangha ang doktor. Naibalik na nga ang dati niyang itsura. Sinunod niyang tanggalin ang benda sa kanyang leeg patungo sa kanyang dibdib pababa. Napatingin na lamang ang binata sa kanya habang ginagawa niya iyon. Nakita naman ni Cher ang porma ng abs ng binata. Tila perpekto na ito sa kanyang paningin, hinaplos niya iyon at tiningnan din kung may sugat pa. Nang ibababa na ng babaeng doktor ang kanyang kamay ay agad itong hinawakan ni Mark. Namula naman ang mukha ng doktor at binitawan ang benda na nasa kanyang kamay.
"Uhmm, you can take that off by yourself," wika ng doktor na tila nauutal-utal pa.
Nagmadali siyang umalis at lumabas ng lab. Automatic na bumukas ang salaming pintuan nito at dumeretso siya sa kusina. Napangiti naman ang binata at hinaplos din ang kanyang tiyan. Isang walang laman na tray ang kanyang nakita, tumayo siya at tiningnan ang kanyang repleksyon mula dito. Napangiti siya habang kaharap ang kanyang sariling repleksyon. Napailing siya at muli niyang ibinaba sa mesa ang tray.
"The same good looking guy that I saw, 10 years ago. Huh," wika niya sa kanyang sarili.
Napatingin naman siya sa kanyang repleksyon sa salamin na pintuan. Tumayo siya ng maayos at tiningnan ang kabuuan ng kanyang sarili. Itinaas niya ang kanyang kamay at binanat ito, animo'y nagpapakita siya ng muscle at pumoporma.
"I guess I'm back," wika niya habang nakangiti. Sinubukan niyang iangat ang kanyang kanang paa upang maglakad ngunit hindi niya iyon na-control.
"Oh s**t!" wika niya. Tuluyan siyang bumagsak at na-off balance.
"Well, so much for this narcissism. Damn that hurt!" tanging nasambit niya.
________________________________
'The only reason that you existed is to tell everyone the truth. It's either you will be an enemy to Johan or be an ally and fight in his side. It's your choice...Mark.' Iyon ang naalalang mga salita ni Mark habang tinititigan ang litrato ni Cher sa kanyang hologram tablet. Maya-maya pa ay pinatay niya ito at tuluyan nang sumakay sa isang maliit na heli ship.
"The question is, will Johan take me in his side, or just be an instrument to him and be used in his own convictions and plans."
Nakaramdam siya ng kakaunting kaba sa kanyang dibdib. Pinindot niya ang isang pulang boton sa kanyang harapan, agad namang umugong ang makina ng heli ship na iyon. Lumabas ang ilang mga hologram screens sa kanyang gilid at pinagpipindot din ang ilang mga boton na inilalabas nito. Muli niyang napansin ang kanyang braso na gawa sa kumikinang na bakal. Napasimangot siya at naalala niya ang itsura ng taong gumawa ng karumal-dumal na krimen ilang taon na ang nakakaraan. Naalala niya ang mukha ni Dr. Welder Freuch. Piniga niya ang kanyang kamay sa labis na galit. Hindi niya akalaing siya ang makakagawa ng lahat ng iyon. Ang lahat ng kasinungalingan na ipinakita nila sa buong mundo ay unti-unti ring mabubunyag. Kaunting panahon na lang ang kinakailangan upang sumabog ang lahat ng impormasyon at tuluyang maibagsak ang mapaminsala at naghaharing imperyo ng Europa.
Pinaangat ni Mark ang heli ship na iyon. Nakatitig na lamang sa malayo si Cher, nakatayo siya sa tuktok ng mataas na gusali ng kanyang condominium unit. Napatingin naman si Mark sa kanya at ngumiti. Ngumiti rin nang bahagya si Cher bago tuluyang umalis ang heli ship na lulan ng binata. Agad napawi ang mga ngiti sa pisngi ng babaeng doktor nang tuluyan nang lumayo ang sinasakyan ni Mark. Mula sa likuran niya ay hinugot niya ang isang maliit na baril. Tinitigan niya ito at napaluha na lamang. Isa lamang ang naiisip niya sa pagkakataong iyon, tapos na ang kanyang misyon. Makulimlim ang hapon na iyon at sumasabay sa kalungkutan ng panahon ang labis na kalungkutan na nadarama ng babaeng doktor. Itinutok niya ang maliit na baril na iyon sa kanyang ulo, hinigit ang gatilyo nito at umalingawngaw na lamang sa paligid ang maingay na putok ng baril na kanyang hawak.