"Ihanda ang mga kanyon at missile, tatlong minuto na lang ang hihintayin natin," wika naman ni Johan.
Agad lumabas ang mga numero sa hologram screen ni Layla. Ito ang countdown kung kailan sila aatake. May kalayuan pa rin ang aircraft carrier kung saan sila ay lulan, malakas pa rin ang ulan sa labas at alam nilang mahihirapan ang mga kalaban na makita sila sa pagkakataong iyon.
"Patayin ang mga ilaw. Humanda ang lahat sa pag-atake," utos ng binata nang malapit na ang countdown sa zero.
Agad namang pinatay ni Layla ang ilaw sa labas ng aircraft carrier, maging ang mga battleship na kasama nito at ang ilan pang natitirang nakaligtas mula sa kanluran ay nagpatay rin ng ilaw.
"Commencing attack, Sir," wika ng isang lalaki na naka-upo sa battle station sa harap ni Johan. Tinaas naman ng binata ang kanyang kamay, tila hinihintay rin niya na matapos ang countdown.
*****
Dahan-dahan namang nagbabaan ang mahigit sa limang heli ship sa baybayin ng Manila bay. Pinili nila ang isang tagong lugar kung saan nakaharang ang ilang kongkretong nawasak na dulot ng pagbagsak ng mga gusali, marahil ay dahil na rin sa mga pagsabog na naganap doon.
Humupa naman ang mga pagsabog at pagpapakawala ng missile sa malayong baybayin kung saan naroon ang pwersa ng European Union. Malakas pa rin ang ulan at maririnig ang maingay na patak nito sa labas ng kanilang mga heli ship.
"Okay. Makinig kayong lahat. Ang misyon na ito ay utos ng commander. I-cocover natin si Edward. Walang dapat makaalam mula sa pwersa ng Europa ang gagawin niya. Hindi rin siya dapat makita ng mga sundalo nila habang ginagawa ang misyon niya maliwanag ba?!"
Tila malakas ang pagkakasabi ng piloto ng heli ship na iyon dahil sa ingay na dulot ng ulan. Napatango na lamang ang mga sundalo na nakarinig sa sinabi niyang iyon.
"Snipers, wala kayong ibang gagawin kundi bantayan ang paligid ng daraanan ni Edward. Ang iba, humanda sa labanan," dagdag pa ng kanilang pinuno.
"Opo!" wika naman ng mga sundalo na agad nagsikilos nang tumalikod ang kanilang pinuno.
Si Edward naman ay nakatulala lamang habang nakangiti. Nakaupo siya sa gilid ng heli ship at nasa kanyang tabi ang dalawang bag na ang laman ay mga C4 bomb. Mababakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang mukha kahit na siya ay nakangiti.
Bumukas naman nang dahan-dahan ang hatch ng heli ship na iyon. Makikita naman sa labas na nagbababaan na ang ibang sundalo mula sa iba pang heli ship at naghahanda sa kanilang pakikipaglaban. Maayos namang naglabasan ang mga sundalo na may hawak na snipers at iba pang may matataas na kalibre ng baril.
"Sir. Tayo na po," wika naman ng isang sundalo.
Dahan-dahan namang tumayo si Edward, sinukbit niya ang isang bag at ang isa naman ay kanyang kinapitan. Pinasuot siya ng isang itim na kapote upang maging pananggalang sa ulan. Ang mga sundalo naman ay hindi na nagsuot ng kahit ano mang kapote. Suot lamang nila ang kulay itim na cammo na kanilang uniporme.
Nang makalabas si Edward ay nakita niyang nakapwesto na ang mga sundalo sa di kalayuan. Nakadapa ang ilan sa mga ito sa guho ng mga gusali at nakatutok ang kanilang mga sniper sa pwesto ng kanilang mga kalaban.
"A-ah sir. Tandaan niyo po ang sinabi ng commander. Pakinggan niyo lang po ang iniisip namin, sa ganoong paraan ay makikita niyo po kung saan kayo pwedeng dumaan," wika ng isang sundalo kay Edward.
"Yon naman talaga ang plano niya eh haay. Pasaway si kamahalan. O sige. Kayo na ang bahala sa 'kin ah?" wika ni Edward.
"Wag po kayong mag-alala. Ang pwesto po natin at ang lugar ng mga kalaban ay nakapaloob sa 500 meters. Kaya't mababasa niyo pa rin po ang iniisip namin wag lamang po sana kayong lalayo pa," dagdag ng sundalong iyon.
Ngumiti na lamang si Edward. Pinindot niya ang isang maliit na boton sa gilid ng kanyang salamin at inactivate nito ang night vision.
Madilim sa paligid, may kalamigan din dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas ulan. Huminga na lamang nang malalim ang mga sundalong iyon at tila kinakabahan sa kung ano mang magaganap na gulo.
"Haay. Heto na," wika ni Edward. Naglakad siya sa mga guhong iyon. Palundag-lundag siya upang makarating sa kanyang pakay. Nagtatago rin siya sa mga nakausling kongkreto ng mga nasirang gusali upang hindi siya makita ng mga sundalo mula sa European Union.
"Yan ganyan nga," wika ng isang sundalo na may hawak na sniper at tinitingnan ang mga dinaraanan ni Edward."
*****
"Limang segundo para umatake commander," wika naman ni Layla.
"Apat na segundo, tatlo, dalawa..." Ibinaba ni Johan ang kanyang kamay. Senyales ng pag-atake sa mga kalaban.
"Fire!"
"Launching missiles and cannons."
"Jet fighters, engaged," wika ng ilang sundalo ng command center na nakapwesto sa battle station.
Agad namang nagpaulan ng missile ang aircraft carrier na lulan ni Johan at ng iba pa. Maging ang mga battle ship na nakapanig sa kanila ay nagpakawala rin ng mga missile. Kapansin-pansin naman na umaatras lamang ang pitong natitirang battleship at hindi nagpapakawala ng mga missile.
Naningkit na lamang ang mga mata ni Johan. Tila may gumulo sa kanyang isipan at pakiramdam niya ay may mali sa nangyayari.
******
"WAAH!" sigaw naman ni Edward nang makita ang sunod-sunod na pagsabog sa baybayin ng Manila Bay. Napahinto siya at pinatay ang kanyang night vision upang hindi masilaw ng liwanag. May kalayuan ang mga pagsabog na iyon sa kanyang pakay.
Nasa likuran ng pagsabog na iyon ang mga heli ship na tataniman niya ang bomba kaya't nagpatuloy lamang siya sa pagtunton dito.
"Nagsimula na. I-clear nyo ang dadaanan ni Edward!" utos naman ng pinuno ng mga sundalo.
Agad namang tinutok ng mga sniper ang kanilang mga lente sa mga sundalong nagkakagulo at nagrereload ng kanilang mga missile. Tahimik na putok lamang ang ginawa ng mga sniper na iyon. Nakakabit ang mga silencer sa dulo ng kanilang mga baril upang hindi sila mapansin ng kanilang mga kalaban. Isa-isa namang nagsidapaan ang kanilang mga target at nawalan ng malay.
"Aba. Ganito lang pala kadali eh," wika ni Edward. Patuloy siyang naglakad at nagtago sa mga guho at maging sa mga sirang hover car. Nakita naman niya ang isang sundalo na papalapit sa kanyang pinagtaguan.
"Hi!" Ginulat niya ang sundalong iyon. Nagpakita siya at agad na tumayo.
"What the..."
Hindi na niya naituloy ang kanyang sinabi dahil sa balang tumama sa ulo nito. Agad namang tumingin si Edward at itinaas ang kanyang hinlalaki habang nakatingin sa pwesto ng mga sundalo mula sa kanyang pwersa at pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagtakbo patungo sa unang heli ship na kanyang tataniman ng C4.
Nagtago siya sa ilalim ng heli ship na at nang makitang hindi na magkamayaw ang mga sundalo ay agad niyang ikinabit ang isang bomba sa hangar ng heli ship. Itinago niya ito sa isang drawer at pagkatapos ay muli sanang lalabas sa heli ship, dumating ang isang sundalo at nakita siya sa may bakal na pinto.
"Hey! Who are you?!" tanong ng sundalong iyon.
"Bye!" wika naman ni Edward. Isang bala naman ang tumama sa dibdib ng sundalong iyon at agad naman itong nawalan ng malay. Napangiti naman si Edward at tuluyan nang lumabas ng heli ship.
*****
"Layla. Kumontak ka ba sa mga battle ships na nakaligtas?" tanong ni Johan.
"Opo," sagot naman ng dalaga.
"May video ba sila nang kumontak ka?"
"Uhmm. Wala po, sinabi lang nila na nasira ng bahagya ang kanilang satellite dish. Mahina rin po ang signal na nanggagaling doon," sagot ni Layla. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang naisip ni Johan ang lahat, kung bakit umaatras ang pito pang mga nakaligtas na battle ships mula sa pwersa ng Pilipinas.
"Cavalier battleships 7 to 13, sundan niyo ang mga natitirang battleships. Wag silang hayaang makalayo!" utos ni Johan.
"Pero Sir, bakit po?" tanong naman ng isang lalaki.
"Looks like you've figured it out?"
Isang imahe ang agad na lumabas sa hologram screen, nakangiti ang isang babaeng nakasuot ng pang heneral na uniporme at tila iniinis ang kanyang kausap. Napangiti na lamang si Johan habang nakatitig sa kanya.
"Yes I do, trying to escape are you? What a desperate move general," wika ng binata.
"No. I'm not trying . Let's just say, I am two steps ahead of you," sagot naman ng babaeng heneral. Napansin naman ni Johan mula sa mga hologram screen ang pagtutok ng mga kanyon mula sa pitong battleship sa kanila. Tila nabahala ang iba pa nang matunghayan iyon.
"Haha...HAHAHAHA!" Natawa na lamang ng malakas si Johan, napatingin na lamang ang kaniyang mga kasama sa kanya maging si Helena.
"That's right Johan, just laugh it out for maybe it would be your last. Your men are held hostages here, I wouldn't do anything stupid if I were you," wika naman ni General Linford.
Pinakita naman sa hologram screen na iyon ang mga sundalo na napapaligiran ng pwersa ni General Linford. Nakadapa lamang at nakayuko ang mga ito habang nakatutok ang mga baril mula sa pwersa ng European Union. Napakunot naman ng noo si Johan at tila muling nainis.
"What are you waiting for Johan? Are you just gonna sit there and let yourselves be killed or will you sacrifice your men here in order for you to win?"
Naging matalim ang pagtingin ni General Linford sa hologram screen. Napapikit naman si Johan at muling ngumiti pagkadilat. Kinumpas niya ang kanyang kamay, animo’y nagbibigay ng senyales sa kanyang mga kasama. Tinutok naman niya ang mga kanyon mula sa pwersa ng Cavalier aircraft carrier. Ang iba naman ay humahabol at tila umiikot upang sundan ang pitong battleship.
"So you have decided. Very well then," wika ni General Linford at agad namatay ang hologram screen kung saan naroon ang imahe ng babaeng heneral.
Nagsimula namang umilaw ang mga laser cannon mula sa pitong battle ship at ang lahat ito ay nakatutok sa pwersa ni Johan. Tila naging tensyonado naman ang lahat habang nakatingin sa kanilang pinuno at commander. Napapikit namang muli si Johan at tila hinimas-himas pa ang kanyang noo habang umiiling.