Chapter 12: Fire and Water (Apoy at Tubig)

3064 Words
Chapter 12: Fire and Water (Apoy at Tubig)   “Every life I've saved, every enemy I've faced, I always knew it was leading to something bigger.” -Spiderman/Peter Parker, The Amazing Spiderman 2       "This is how you will end Johan. What a pathetic move, you led yourself and your team into a trap. And now I will watch you perish," wika ni General Linford habang nakatitig sa harapan ng kanyang hologram screen. Makikita niya doon ang madilim na paligid dahil sa malakas na ulan ngunit naaaninag niya ang mga battleship at ang aircraft carrier kung saan lulan ang pwersa nina Johan dahil sa maliliit na pagkidlat. Dahan-dahan namang umangat ang boton sa gilid ng babaeng heneral. Isang pulang boton na tila naghihintay ng hudyat ng pagpapakawala ng laser beam na unti-unti nilang iniipon upang maitira ng mas malakas kaysa sa normal. Patuloy pa rin ang stand-off ng dalawang grupo. Tila napapangiti pa rin si Johan habang nakatingin sa hologram screen sa kanyang harapan. Sa pagkakataong iyon ay labis na ang pag-aalala ng kanyang mga kasama at maging si Helena. "W-wala ba tayong gagawin? Johan?" tanong ni Helena habang nanginginig ang kanyang boses. "Maghintay. Iyon ang gagawin natin," wika ng binata habang nakangiti. "Pero kapag sabay-sabay nilang pinakawalan ang mga beam na yan siguradong mabubura tayo dito!" bulyaw naman ni Layla. "Kalma lang Layla. Hindi ka mananalo sa larong ito kung hindi ka marunong maghintay ng mangyayari," marahang tugon ng binata. Mula sa mga hologram screen ay alalang-alala ang bawat isa habang naghihintay sa kanilang katapusan. Tila nagdasal pa ang iba at napapikit na lang. "Johan?" tanong ni Helena. Tila inaamo niya ang binata, kinakabahan siya sa pagkakataong iyon habang nakatitig sa ilang mga hologram screen. Patuloy ang paglakas ng liwanag na iyon na natutunghayan naman ng dalaga. Umiling-iling na lamang siya at muling tumingin sa nakatalikod na binata. "Kahit sabihin nating hindi tatama ang mga beam na yan sa atin, sigurado akong hahagipin tayo ng liwanag niyan. Tapos na tayo..." wika naman ng isang lalaki habang napapaatras sa kanyang kinatatayuan. "S-sir sigurado po ba kayong wala tayong gagawin?" tanong ng isa pa. Ngumiti lamang ang binata at umiling-iling. Tumitig siya nang matalim sa hologram screen na iyon at nang tama na ang pagkakataon ay nagpakawala ang kalangitan ng isang matalas na kidlat. Tinamaan nito ang isang laser cannon at agad namang suamabog ang gilid ng battleship na iyon. "Battleships 7 to 13, lumapit na kayo sa kanila. Ang ilang mga jetfighters puntiryahin ang mga kanyon. ‘Wag niyong patamaan ng direkta ang mga battleship!" utos ni Johan. "Roger!" sagot ng isang piloto ng jetfighter. Agad naman nilang pinabulusok ang kanilang mga engine patungo sa pitong battleship. "Laser energy reached 100%." wika ng isang computer generated audio. Inangat naman ni General Linford ang kanyang kamay at pinindot ang pulang boton sa kanyang gilid. Bago pa man magpakawala ng pulang ilaw ang mga kanyon na iyon ay agad na nasira ito ng mga jetfighter mula sa pwersa ng Pilipinas. "s**t!" napasigaw na lamang si General Linford dahil sa labis na pagkadismaya. Hindi tumira ng laser beam ang mga kanyon dahil wasak na ang mga ito. Mula naman sa malayo ay nagbarilan ang pwersa ni Johan at ng mga sundalo sa panig ng Europa na nakadestino sa labas ng mga battleship.  Agad namang gumamit ng glider ang ilang mga sundalo upang bumaba sa mga battleship na iyon kung saan lulan pa ang ilang mga bihag at mga sundalo. Nasa ere pa lamang ay agad na nilang pinapaputukan ang mga sundalong naka-uniporme ng itim at may watawat ng European Union sa kanilang kanang braso. Agad nagsilundagan ang ilang mga sundalo upang pasukin ang battleship ngunit laking gulat nila nang makitang wala ang babaeng heneral. Naroon ang ilang mga sundalo at ang mga bihag ngunit wala si General Linford. Napapanood na lamang ni Johan at ng iba pa ang video feed ng maaksyong raid na iyon sa mga battleship. "Sabi na nga ba," wika ni Johan sa kanyang sarili. Agad naman niyang pinaikot ang kanyang upuan upang tunghayan ang mga pangyayari sa hologram screen ni Layla. *****   Tatakbo na sana patungo sa isang malaki at puting heli ship si Edward ngunit napatigil siya at nagtago sa isang sirang kongkreto nang makita ang ilang mga sundalong lumalabas mula sa hatch. Nakapila nang maayos ang mga ito at sa likuran nila ay nakita niyang naglalakad ang babaeng heneral. Tumigil siya at tinunghayan ang mga pagsabog sa di kalayuan. Tila lukot ang kanyang mukha sa sobrang inis at pagkadismaya. Dinukot naman ni Edward ang baril sa kanyang likuran. Tinutukan niya ng baril ang babaeng heneral nang patago. Edward, ‘wag ka sanang gagawa ng ikakasira ng plano. Kailangan nilang bumalik sa Philippine Arena, iyon ang plano' Narinig niya sa kanyang isipan ang isang boses. Natigilan siya at naisip niyang nakikita siya ng mga sundalo mula sa pwersa ni Johan dahil sa mga sniper na dala ng mga ito. "Easy lang Edward. Easy," wika ni Edward sa kanyang sarili. Muli niyang ibinalik ang baril sa kanyang likuran. Nagtago siya sa isa pang malaking tipak ng kongkreto upang makalapit sa heli ship na iyon. Inakyat niya ang isang bakal na nagsisilbing stand ng heli ship at nang mapasok na niya ang hangar ng heli ship ay agad niyang hinanap ang isang drawer. Doon ay ipinatong niya ang isang C4 bomb at muling lumabas habang abala ang lahat sa pakikipagpalitan ng putok sa pwersa ni Johan mula sa mga battleship. Isang bomba na lamang ang nakalagay sa isang bag na bitbit ng binata sa pagkakataong iyon. Tinapon niya ang isang bag at hinanap ang kanyang huling target ngunit sa kapal ng usok, lakas ng ulan at pagsabog ng liwanag ay hindi niya ito makita. Sa likod mo! Narinig niya sa kanyang isipan. Nakatutok na pala ang baril ng isang sundalo sa kanya at malapit na sana niyang gamitin ang communicator na nakakabit sa kanyang tenga. Agad niyang sinuntok ang sundalong iyon. Ihiniga niya ito sa semento at sinakal hanggang sa mawalan na ito ng malay. Hindi niya napansin na nabitawan niya ang bag na nakasukbit sa kanyang balikat na naglalaman ng bomba. "Sorry," wika niya sabay lakad palayo, ngunit nang tumayo siya ay agad siyang tinutukan ng baril ng mahigit sa limang sundalo. "Oh no..." wika niya nang makita niya ang papalapit na Secretary of Defense ng European Union na si General Linford. Kinuha niya ang isang handgun sa holster ng isa sa kanyang mga sundalo at itinutok iyon sa binata. "Arms above your head now!" sigaw ng isang sundalo. "Buwisit! Nakuha nila si Edward!" bulyaw ng isang sundalo habang nakatutok ang kanyang sniper sa binata at sa mga sundalong dumadakip sa kanya. "Ano?!" Inagaw ng kanilang pinuno ang kanyang sniper at sinilip ang lente nito.   "H-hindi, hindi ito puwede," wika ng sundalong iyon habang tinatanggal ang kanyang pagkakatingin sa lente ng sniper. Mula naman sa malayo ay ngumiti na lamang si Edward sa kanila. Alam niyang nakikita siya ng mga ito at alam niyang wala na siyang magagawa. "Well, well, well. What do we have here? A mouse playing in the midst of my celebration," wika ng babaeng heneral. Agad namang kinuha ng isang sundalo ang baril na nakasukbit sa likurang holster ng binata at ibinigay ito sa isa pang sundalo. Nakatutok pa rin ang kanilang mga baril sa kanya, wala namang nagawa ang binata kundi ngumiti at tumingin sa mga mata ni General Linford. "Celebration? Looks like hell if you ask me," pang-asar na tugon naman ng binata. Agad namang lumapit sa kanya ang babaeng heneral at pinalo ang kanyang mukha ng baril na kanyang hawak. Napahiga na lamang sa bitak-bitak na semento si Edward. "AHAHAHAHA." Tanging nasambit na lamang niya habang idinudura ang dugo mula sa kanyang bibig. "Should we kill him here, General?" tanong ng isang sundalo. "No," wika ng babaeng heneral. "I think Mark will be happy to see my present for him. Bring him in," utos ng babaeng heneral. Agad namang kinapitan ng dalawang sundalo ang magkabila niyang braso at pinilit patayuin. Tila nanghina naman si Edward dahil sa lakas ng pagkakapalo ng baril sa kanyang mukha. Halos kaladkarin na siya ng mga sundalong iyon habang pinapasok sa loob ng heli ship. "Hindi...kailangan itong malaman ng, Commander!" wika ng isang sundalo na nakatingin pa rin sa malayo gamit ang kanyang sniper. "Pero paano? Putol ang komunikasyon natin! Malalaman lang nila ang lahat kapag bumalik tayo sa aircraft carrier. Buwisit! Sana umatake na tayo kanina pa!" sagot naman ng isa pa. "Kung umatake tayo kanina siguradong masisira ang plano natin. Siguradong mauubos tayo ngayon," wika naman ng kanilang pinuno. "Pero siguradong mananagot tayo sa commander," sagot ng isa pang sundalo. "Wala na tayong magagawa. Kailangan na nating umatras, naitanim ni Edward ang mga bomba. Kaya masasabi kong matagumpay pa rin ang misyon na ito," wika ng pinuno. Naging matagumpay man sila ay alam niya sa kanyang sarili na malaking kabawasan si Edward. Agad na lamang niyang sinuot ang kanyang itim na helmet at nagsimulang maglakad patungo sa mga heli ship. Ikinumpas niya ang kanyang kamay senyales na kailangan na nilang umatras. Dahan-dahan namang nagsitayuan ang mga sundalo at matamlay na tumungo sa kani-kanilang mga heli ship. Pinaandar ng mga piloto ang engine ng mga ito at unti-unting nag-angatan sa himpapawid ang mga sasakyang iyon. Patuloy naman sa pagpapalitan ng mga missile, rocket at maging ng mga bala ang dalawang pwersa. Nagpakawala naman ng marami pang mga missile ang pwersa ni Johan bilang huling pag-atake, senyales ng pagpapaatras ng mga kalaban. Unti-unti namang lumapit ang mga battleship at ang aircraft carrier sa baybayin ng Manila bay. Ang iba pang mga battleship at dinikitan naman ang natitira pang pito kung saan nagaganap ang pagpapakawala ng mga bihag ng European Union. Tila nabaliktad ang sitwasyon sa pagkakataong iyon. Ang mga natirang buhay mula sa pwersa ng Europa ay tinalian nila at tinutukan na lamang ng mga baril. Sa inis ng isang sundalong nabihag ay ipinalo niya ang isang mataas na kalibre ng baril sa ulo ng sundalo mula sa pwersa ni General Linford. Nawalan ng malay ang sundalong iyon at agad namang inawat ng isa pa ang kanilang kasama. "Dapat sa mga ‘yan pinapaulanan ng bala eh!" bulyaw ng sundalong nanghampas ng baril. Agad siyang naglakad palayo nang siya ay mahimasmasan. "Fall back. We are done here, for now," utos ni General Linford sa kanyang mga sundalo. Agad sumaludo ang mga ito at naglakad palayo. Tumango naman ang piloto ng puting heli ship at agad pinaangat ang kanilang sinasakyan. Sa hangar naman ng heli ship na iyon ay nakahiga lamang ng patagilid si Edward. Wala siyang malay, nakatali ang kanyang mga kamay at maging ang kanyang mga paa habang binabantayan ng mga nakaupong sundalo. Patuloy pa rin ang pag-agos ng pulang dugo sa kanyang ulo at maya't-maya siyang umuungol dahil sa labis na sakit na nararamdaman. Ang iba namang mga heli ships ay nagliparan na rin palayo, tila tinanggap na nila ang tuluyang pagkatalo sa pagkakataong iyon. Halos mawasak naman ang Manila bay sa halos ilang oras na pagpapaulan ng mga missile, hindi na mawarian kung maganda pa nga bang tanawin ang kanilang nakikita sa baybayin. Naghahalo na lamang ang apoy at tubig sa paligid, hindi maapula ng ulan ang apoy na bumabalot sa baybayin ng Maynila. Ang mga battleship naman ay dumaong sa ‘di kalayuan ng baybayin. Sa isang iglap ay naging tahimik ang lugar ngunit ramdam ng bawat isa ang tensyon na nangyari. Nag-iwan na lamang ng ilang mga patay ang baybayin na iyon, animo'y isang bangungot ngunit sila ay gising habang tinutunghayan ang lahat. Inipon na lamang ng ilang mga sundalo ang mga patay na katawan. Kahit umuulan ay ginawa nila iyon upang linisin ang lugar. Lumapag naman ang ilang mga heli ship sa baybayin upang tumulong, pilit nilang inapula ang apoy sa paligid. Awa lamang ang kanilang nararamdaman sa mga oras na iyon habang binubuhat ang mga patay na katawan, kalaban man o sariling kadugo. Hindi nila maiwasang manlumo sa kanilang nakikita. *****   "Sinabi ko bang iwan niyo siya doon?" tanong ni Johan sa pinuno ng mga sundalong ipinadala niya. Hindi naman makatingin nang diretso ang sundalo na kanyang kausap. "Sir, kapag lumaban po kami. Baka malaman nila ang plano natin," sagot naman ng sundalong iyon habang nakayuko. Patuloy naman ang pagtangis ni Layla habang nakaupo sa kanyang estastyon. Tahimik lamang siyang lumuluha habang hinihimas ni Helena ang kanyang likod upang amuhin. Napailing na lamang si Johan nang marinig ang sagot ng sundalo. Napatingin siya sa kanyang kaliwa, tila kawalan lamang ang kanyang tinatanaw. Alam niyang tama ang ginawa ng kanyang pwersa na hindi lumaban sa kanila, ngunit nagkamali siya ng kalkulasyon. Ang iniisip niyang ligtas na misyon ay nawalan ng saysay. Sa isang iglap ay nawalan agad ng kahulugan ang lahat ng iyon. Lungkot na lamang ang ipinakita ng bawat sundalo ng command center, tila nakikidalamhati rin ang mga ito dahil sa pagkakadakip kay Edward. "M-mamamatay siya doon, Johan. Hndi ko kakayanin...ayokong mawala siya," sagot naman ni Layla na sa pagkakataong iyon ay tumayo na. Napatingin na lamang ang binata sa kanya. Bakas rin sa kanyang mukha ang kalungkutan, nanginginig ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Layla. Alam niyang malaki ang atraso niya sa dalaga. Yumuko na lamang siya at ikinumpas ang kanyang kamay, animo'y pinapaalis sa kanyang harapan ang sundalo na kanyang kausap. Muli namang umupo si Layla sa kanyang pwesto, tinakpan na lamang niya ang kanyang mukha habang umiiyak. "Edwaaard! Ahuhu..." bulyaw niya. Napayuko na lamang ang ilang mga tao sa loob ng command center. Ang iba ay lumabas ng malaking kwartong iyon. Tila hindi nila kinaya ang tensyon at ang mga pangyayari. "C-commander. Gising na po siya," wika naman ng isang babae na nakasuot ng isang lab gown. Kakapasok lamang niya sa loob ng command center, napatingin na lamang ang lahat sa kanya. Dahan-dahan namang tumayo si Johan at tumungo sa kinaroroonan ng babaeng doktor. Naglakad siya na parang walang pakialam sa mga nangyari ngunit ramdam niya sa kanyang sarili ang bigat na kanyang nagawa. ***** "Nagamot na namin ang mga sugat niya. Naoperahan na rin ang mga bali niya sa katawan," wika ng doktor na iyon. Sa kanyang kaliwa ay naroon at nakatayo si Johan. Nakatingin lamang sila sa loob ng kwarto at tanging salamin lamang ang humaharang sa pagitan ng pasyenteng naka-upo sa kanyang puting kama at sa ilan pang mga doktor. Kapansin-pansin na tulala lamang ang binatang nakaupo sa kama. Putok pa rin ang kanan niyang mata na nababalutan na lamang ng puting tela, ang ibang parte ng kanyang katawan ay nababalutan na lang din ng tela. Kapansin-pansin pa rin ang bakas ng lubid sa kanyang leeg at ang ilang mga sugat sa mukha na tinahi na lamang ng mga doktor. "Nagconduct na po kami ng mga tests, psychological trauma ang inabot niya. Hindi siya gaanong nagrerespond sa mga tanong namin. Kapag tinatanong namin siya kung ano ang nangyari sa kanya, umiiyak lang siya at sumisigaw," dagdag pa ng doktor na iyon. "Sige, ako na ang bahala dito." Yumuko naman ang babaeng doktor at naglakad palayo. Maging ang ilang mga nurse ay lumabas na ng kwarto, dahan-dahan namang pumasok ng puting kwartong iyon si Johan. Nilagay niya ang kanyang daliri sa isang maliit na hologram screen na nakakabit sa gilid ng kwarto. Agad namatay ang ilaw ng silid na iyon, sunod siyang lumapit sa bintana upang hawiin ang isang cream na kurtina. Sa pagkakataong iyon ay nasilayan niya ang pagsikat ng araw sa kalangitan. Naaaninag niya na ang pagkawasak at pinsalang nangyari sa baybayin ng Maynila. Nakikita niya rin sa labas ang mga sundalong abala sa pag-aayos at paglilinis ng lugar. Ang iba ay nagbabantay naman sa paligid. Muling napatingin si Johan sa pasyente ng maliit na kwarto ng klinikang iyon. Tulala pa rin siya, animo'y iba ang kanyang naaaninag sa kawalan. Naglakad si Johan sa kanyang harap at kinuha ang isang bakal na upuan, inilagay niya ito sa harap ng kama ng pasyente at umupo. "K-kuya Johan..." ang unang nasambit ng binata. Dahan-dahang tumulo ang luha sa kanyang pisngi. Walang reaksyon ang kanyang mukha at hindi niya gaanong maigalaw ang kanyang bibig. "Anong pangalan mo?" tanong ni Johan. "D-Damian po..." pautal-utal na sagot ng binata. "Kapatid mo si Maria hindi ba? Nasaan na ang iba?" Katahimikan lamang ang naisagot ng binata habang nakatingin sa kawalan. Nanlaki na lamang ang kanyang mga mata habang patuloy ang pag-agos ng kanyang luha. Tila isang mabilis na takbo naman ng pangyayari ang dumaan sa kanyang isipan, ang brutal na pagpatay ng mga sundalo mula sa pwersa ng Europa, ang sapilitang pagkuha ng ilang mga kababaihan at ilang mga bata ng mga sundalo, ang pagpunit ng kanilang mga damit, pagpalo ng mga baril sa kanilang mga mukha, ang pagpapadapa sa labas ng kanilang mga bahay at paghigit ng mga matataas na kalibre ng baril ng mga sundalo. Sa isang iglap ay nawalan ng malay ang lahat. Ipinikit na lamang ng binatang iyon ang kanyang mga mata upang huwag nang maisip pa ang mga nangyari ngunit patuloy ang alingawngaw ng mga sigawan sa kanyang isipan. "AAAAAAHHH!!! HNNGGG!!" bulyaw ng binata. Ikinapit niya na lamang ang kanyang mga kamay sa kanyang ulo. Si Johan naman ay nakatitig lamang sa kanya at pinagmamasdan ang kanyang reaksyon. "Papatayin ko sila! Lahat sila! Uubusin ko sila! Pinatay nila ang mga kaibigan ko, ang lolo ko, ang lola at ang kapatid ko!" sigaw ng binata. Napakunot na lamang ng noo si Johan at tila naawa. Muli siyang tumayo at tumungo sa bintana sa gilid ng kama ng pasyente. Tuluyan nang sumilip ang araw sa kalangitan at bumalot ang liwanag sa puting kwartong iyon. Liwanag na nakasisilaw, itinaas pa ni Johan ang kanyang kamay upang hindi masilaw ng liwanag na iyon. Muli siyang tumingin sa binatang nakaupo sa kama. Nakababa na ang kanyang mga kamay ngunit patuloy pa rin ang kanyang pagtangis. Lumapit naman si Johan at kinapitan ang kanyang balikat. Humarap naman sa kanya ang sugatang binata, halos kumalat na sa kanyang mukha ang matinding paghihinagpis at galit. "Pupuntahan natin ang ate mo. Pangako," wika ng binata. Napalunok naman ng kaunting laway ang binata at napayuko. Naglakad naman palabas ng kwartong iyon si Johan. Automatic na bumukas ang bakal na pinto at bago ito tuluyang lumabas ay tiningnan muna niya ang kapatid ni Maria. Tumango na lamang siya, pinunasan naman ng binata ang kanyang luha at tumango rin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD