Chapter 13: Edward, The Brave (Edward, Ang Matapang)

4322 Words
Chapter 13: Edward, The Brave (Edward, Ang Matapang)   “If my survival caused another to perish, then death would be sweeter and more beloved.” -Khalil Gibran   "AAAAARGGHHHHH!" sigaw ni Edward nang gisingin siya ng kuryente na dumaloy sa kanyang memory gene. Nakapiring ang kanyang mga mata at ramdam niya ang mabigat na bakal na nakakabit sa kanyang magkabilang kamay. Hindi niya rin maikilos ang kanyang mga paa; animo'y nakatali ito sa upuang bakal. Ramdam nya naman ang patuloy na pag-agos ng dugo sakanyang bibig at noo at tumutulo iyon sa kanyang hita. Mayamaya pa’y nakarinig na siya ng mga yabag sa kanyang harapan. Tila naririnig niya ang takong nito na pumapalo sa sahig at sa pagkakataong iyon ay alam niya na agad kung sino ang taong iyon. "You can change your memory gene but you cannot change the way you walk...General Linford," wika ng binata sabay ngiti. Isang suntok naman sa kanyang mukha ang kanyang natanggap. "Pweh...phhuft..." Dumura naman agad ng dugo si Edward matapos tanggapin ang suntok na iyon. "Still defiant, aren't we? Perhaps you should pick the right words first before you talk," tugon naman ng babaeng heneral. "Ahahahaha..." Tumawa na lamang ang binata. "Why do you people always laugh when you are at the edge of losing and dying? Is this the way of enlightening yourselves?" tila pang-aasar naman ni General Linford. Kumuha siya ng isang upuan at ihinarap sa binata. "Because it's the only way to piss you off," sagot naman ni Edward. Ikinumpas naman ng babaeng heneral ang kanyang kamay. Tumango naman ang isang sundalong may hawak na electric rod at idinikit ang aparatong iyon sa memory gene ng binata.   "AAAAAHHHHH!!" Napasigaw naman at tila nangisay pa si Edward sa kanyang pagkakaupo. "I said be careful in picking your words, Victor. I'm not in the mood and if I wanted too, I might as well kill you myself.” "Only a coward kills a man who is helpless and cannot fight. Why are you so afraid of me general? Why won't you let me see my own death?" tanong naman ng binata. Agad namang tumayo ang babaeng henerl at tinanggal ang piring sa kanyang mata. Napangiti naman si Edward at tiningnan ng matalim ang mga mata ni General Linford. "You seek for your own death. So shall it be. But I am not worthy to take your life," wika ni General Linford. Ngumiti muna siya bago tuluyang umupo sa kanyang kinauupuan. Madilim ang kanilang paligid at tila isang liwanag lamang ang nakatutok sa kanilang pwesto. Tila bumukas naman ang hatch ng heli ship na iyon, isang nakakasilaw na liwanag ang dahilan kung bakit napapikit si Edward. Sa bakal na pintong iyon ay nakita niya ang anino ng isang prototype. Agad niyang napansin ang pagbabago ng itsura nito ngunit nakaukit pa rin sa kaliwang dibdib ng prototype na iyon ang numerong '4'. Agad tumigil ang prototype na iyon nang maaninag kung sino ang binatang nakaupo sa kanyang malayong harapan. Napangiti na lamang si Edward at yumuko.   Tila magkapareho naman ang naging kapalaran ni Edward at ni Cher Ronsteiner, ang doktor na nagkabit ng augmented parts sa tunay na Subject 4 upang mabuhay. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga sundalong dumukot sa kanya mula sa kanyang apartment. Tila nakikiramdam lamang siya sa paligid. Natatakpan din ang kanyang mga mata ng isang piring. Alam niyang nakaupo siya sa isang upuan ngunit kapansin-pansin ang pagiging malambot ng upuang iyon. Naaamoy niya rin ang paligid at alam niyang nasa malinis siyang lugar ngunit alam niya ang peligrong nagbabadya sa kanyang buhay kaya't hindi niya maiwasang matakot. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit nakatali ang kanyang mga paa sa upuan na iyon. Mayamaya pa’y isang lalaki ang nagtanggal ng kanyang piring. Nagulat siya nang makita ang napakaraming ilaw na nakatutok sa kanya. Maging sa kanyang likuran ay may mga nakatutok ding mga ilaw. Tanging kadiliman naman ang kanyang nakikita sa likod ng bawat liwanag na iyon ngunit alam niyang nakapaligid sa kanya ang ilang mga sundalo. Naaaninag niya ang hugis ng katawan ng mga ito. Hindi naman niya nakita ang mukha ng lalaking nagtanggal ng piring sa kanyang mata. "Do you know why you are here, Ms. Ronsteiner?" Isang malalim na boses naman ng lalaki ang tumawag ng kanyang atensyon. "No...NO! WHY ARE YOU DOING THIS TO ME?!" bulyaw naman ng babaeng doktor. Agad naman siyang tinutukan ng baril ng mga sundalo sa paligid. Hindi man niya nakikita ang itsura ng mga ito ay nakikita niya ang mga baril na agad na tumutok sa kanya. "You've been a threat to MEMO Ms. Ronsteiner. You let a failed test Subject to live with you in custody. You also managed to let him expose the truth. The law of the European Union is clear and should never be doubted Ms. Ronsteiner. The question is why did you do it?" tanong muli ng boses na iyon. Tila nagpapalag naman ang babaeng doktor. Sa pagkakataong iyon ay ikinasa na ng mga sundalo ang kanilang mga baril. Natigilan na lamang ang babaeng doktor at napaluha. "There is no use in trying to escape." "Why are you doing this? I haven't done anything!" sagot naman ni Cher. "A failed Subject experiment shouldn't live Ms. Ronsteiner. That is our rule, and you have broken it. You let him get away instead of killing him. Why Ms. Ronsteiner? Why did you left your job? Your life in MEMO is much sweeter than this. Why did you do it?" tanong muli ng boses. "It's none of your business now!" bulyaw naman ng babaeng doktor. Isang putok naman ng baril ang agad na gumulat sa kanya. Ang balang iyon ay tumama lamang sa sahig kung saan nakapwesto ang kanyang inuupuan. Agad siyang lumingon sa paligid, pinagpapawisan na ang kanyang mukha at tila labis na ang kanyang takot. "Look, we only need a simple answer. As simple as that. What is your purpose Ms. Ronsteiner? Why did you let Subject 4 escape?" tanong muli ng boses. "Because it is the law of our God! That is what we should be doing! Your MEMO is just a lie! You act like Gods! You thought that creating a piece of metal can cure us, can make us live for a lifetime! But no...we created a monster beneath us and we didn't think that it could devour us. This is the truth! We are dead before we even know it! We are dead! The start of MEMO is the end of humanity!" wika naman ni Dr. Cher Ronsteiner. Patuloy namang nakatutok ang mga baril ng mga sundalo sa paligid. Nagsimula ulit siyang magpapalag sa kanyang upuan ngunit tumabingi lamang ang upuan na iyon hanggang ito ay tuluyang bumagsak sa sahig. Pinangsangga na lamang ni Cher ang kanyang balikat at labis na sakit naman ang kanyang naramdaman. "So you believe in God Ms. Ronsteiner. You've denied the power of MEMO, the one who created you, the one who gave you life. Is this what you repay us from everything that we did to you?" "YES!" sigaw naman ni Cher. "I have a God! And I know that my soul is already in His side, because I know the truth now! I know everything. How about you? Do you know where your soul is? You are all dead! If you have lived a lifetime then I should say you are dead! You are holding a memory that isn't yours. We are just a copy of ourselves from the first place!" dahan-dahan namang ibinaba ng mga sundalong nasa paligid ang kanilang mga baril. Tila hindi sila makapaniwala sa sinasabi ng babaeng doktor. "Death is the only penalty for your treason Ms. Ronsteiner. MEMO will never expose that confidential information to the public. There is no easy way Ms. Ronsteiner. Submit to us again. Work for us, or die. What would you choose?" tanong muli ng lalaki. Napaluha na lamang ang babaeng doktor, gumuhit ang mapait na katotohanan sa kanyang mukha. Alam niyang kasinungalingan lamang din ang kanyang naririnig mula sa lalaking nagsasalita. Muli niyang inayos ang kanyang ekspresyon at tumingin sa paligid. Tila kumakalat ang liwanag na kanyang nakikita dahil sa luha sa kanyang mga mata ngunit pinilit niyang tingnan isa-isa ang mga sundalong iyon. "Like I have said, we are already dead before we even know it. We are children of lies now. There is no sense of living. I'd rather let this soul in my body be free. I'd rather die," wika ni Cher. Muli naman siyang tinutukan ng mga baril ng mga sundalo sa kanyang paligid. Pumikit na lamang ang babaeng doktor habang lumuluha. Ilang segundo rin siyang naghintay sa putok ng baril ng mga sundalong iyon ngunit ni isa ay walang nangahas. Muli niyang binuksan ang kanyang mga mata at laking gulat nang makita sa kanyang harapan ang lalaki na kanyang kausap. "N-no...this is impossible," wika niya habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Nakatitig lamang sa kanya ang lalaking iyon habang nakangiti. "You made it possible Cher. Now I know the truth. I'm sorry if I did this to you." wika ng lalaki na nasa kanyang harapan. "M-Mark...why? Why are you doing this to me?" tanong naman ni Cher. Agad lumapit si Mark sa kanya at gamit ang kanyang kanang augmented arm ay kinalagan niya ang babaeng doktor. Gamit ang isang matalim na blade na lumabas sa kanyang daliri ay pinutol niya ang tali sa kanyang mga kamay. "I did this, to know the truth. And now I know everything. You are true to me after all these years Cher. I'm sorry. I know this is too much but this is the only way to know if you are still working for MEMO." Isang malalim na hinga naman ang ginawa ng babaeng doktor at sa pagkakataong iyon ay bumuhos na ang kanyang emosyon. Umiyak siya habang nakaupo sa pulang carpet na iyon. Tumayo naman si Mark upang bigyan siya ng oras upang tanggapin ang lahat ng nangyari. "This...this is too much. This place...the soldiers...who are they? Where am I?!" tanong ng babaeng doktor. "They are mine, Ms. Ronsteiner." Isang lalaki pa ang sumagot at pumasok sa liwanag. Tila lalong nagulat si Cher nang makita kung sino ang lalaking iyon.   "P-President. Nixon. Robert Nixon..." mautal-utal naman na tugon ni Cher. "Yes. This is the only way Cher. We've recorded your confession, this will help us prove to the United Nations that MEMO is just a whole damn lie. We're sorry for this scenario Ms. Ronsteiner. There is no easy way than this. The United Nations didn't want this war to happen because they are also using memory genes. Now that they know the truth, I guess they will rethink their decisions," paliwanag ng US president. "B-but where are we? Are we in America?" tanong ni Cher. "No..." tugon naman ni Mark. Agad siyang lumabas sa liwanag. Tila may pinindot siyang switch at agad namang namatay ang mga ilaw sa paligid. Agad namang bumukas ang mga ilaw sa kwartong iyon at laking gulat niya nang makita ang paligid. "W-we are still in my apartment...ha...damn!" tugon ni Cher. Sa sobrang inis ay muli siyang napaiyak at tinakpan ang kanyang mukha. "I've been in contact with Mr. Nixon since I can walk. That is why I always do some stuff outside. I'm afraid that you might find out because I thought that you are still working for MEMO. I know that we cannot fight them alone Cher. I know that this is hard for us both, that's why we planned this." "But what if I'm still working for MEMO?! Will you kill me?! I think I deserve that Mark!" bulyaw naman ni Cher. Labis ang galit niya sa binata dahil inakala niyang katapusan na niya. "No...you helped me back there. You made understand what is true. All is clear now. We are free. All we need to do is to expose the truth to the public," wika ni Mark. Naglakad siya palapit sa babaeng doktor at inabot ang kanyang kamay upang itayo sana ang babaeng doktor ngunit iniwas niya ang kanyang mukha sa binata. "I didn't say that I didn't work for MEMO anymore..." mahinang sambit ni Cher. Tila napatigil naman si Mark at nagulat. Ang mga sundalo naman at maging ang US President ay napatingin naman sa kanya. Hinawakan ng mga sundalong iyon ang kanilang mga baril at ihinanda. "No. We don't need this anymore. Put your guns away," utos naman ng US president. Agad naman iyong sinunod ng mga sundalo. Tila nalungkot naman si Mark sa kanyang narinig at lumuhod sa harapan ng babaeng doktor. "I'm still working for MEMO. But they didn't know your still alive...Mark. They recruited me again before the declaration of New MEMO. They said that they needed my help to enhance a new code. But everything I said before was the truth," wika ni Cher habang nangingilid ang kanyang luha. Nagkatinginan naman si President Nixon at Mark. "I'm sick Mark. I'm sick of everything they've done. Everytime I see you, breathing, eating, doing everything you want like a normal person. It reminds me that MEMO is just as sick as I am. I am a murderer Mark. How many lives did I end? How many bids did I kill? How many lives will I still end for the bidders to live? I thought of killing myself. I thought of ending my life when you left. But I saw the sun...it's beautiful. Beautiful like I never saw it shine the brightest in the sky. I thought of hope. I know there is still hope. So I will live. I said to myself that I will live....to see that sunshine again and this time I will see it shine in the faces of every people who are free...free from every shackles of this dark world. They will hope for a better day...I know they are hoping that for just a day....they will be free." Sa mga salitang iyon lumabas ang katotohanan. Nakikita iyon ni Mark sa mga mata ni Cher.  Tila napukaw naman ng mga salitang iyon ang damdamin ng mga sundalo, tuluyan nilang ibinaba ang kanilang mga armas. Napangiti na lamang si Mark at hinawakan ang mukha ng babaeng doktor. Niyakap niya ito nang mahigpit. Isang mainit na yakap naman ang isinukli ni Cher sa kanya, napaluha siyang muli ngunit sa pagkakataong iyon ay tuwa na ang kanyang nararamdaman. Matapos ang ilang segundo ay bumitaw si Mark. "Let's go, Cher. Pack your things. We will go to the Philippines," wika naman ni Mark. "No Mark...I-I'm sorry," wika ni Cher. Muli namang humarap si President Nixon sa dalawa nang marinig niya ang sinabi ng babaeng doktor. "B-but why?" pagtataka ni Mark. "There is a new code for memory gene Mark. This time, it's more powerful. And I was one of the scientists who created it. I'm sorry," sagot ni Cher. "What?! More powerful than the MCM program?!" gulat na tugon naman ng US president. "Do you think MEMO will give up everything they have worked for? Nothing is free in MEMO. We created a project, a same pattern with the MCM program that could control and erase the memories of both new and old coded memory genes. They want world domination. They will build an army that could tear this world into pieces. They will erase every country that is against them." "W-what?!" ang tanging nasambit ni Mark. Dahan-dahan siyang lumakad palayo sa babaeng doktor, tila natatakot siyang isipin ang mga puwedeng mangyari. "This program is more powerful than the MCM. Because it can also manipulate the old code. And the holder of that program is no other than General Linford herself. That program will trigger a week. Only her DNA and her hand print will stop the countdown," paliwanag naman ni Cher. "s**t! That is the reason why she's still in the Philippines. She wants the program to activate itself when she's there," wika naman ni President Nixon.     "What will happen if the program is activated?" tanong ni Mark. "First...there will be a mass seizure. Everyone who has a memory gene will suffer the pain from the electric shock of their own device. It will erase all their memories...and after that. General Linford will control every one of them. Just like a new born killing machine, she will punish all those who oppose the European Union," paliwanag ni Cher. Tila nakatingin lamang siya sa kawalan habang nagsasalita. Sa pagkakataong iyon ay natatakot na siya sa sarili niyang nagawa. "N-no...this is not happening..." sagot naman ni Mark. Hindi siya napakali sa kanyang pwesto. Naglakad siya at isinandal ang kanyang bisig sa pader. Gamit naman ang kanyang kaliwang kamay ay sinuntok suntok niya ang pader na iyon. "You created this program. Does it mean that you also have the solution to stop it?" tanong naman ng US president. "After realizing that I've created a disaster, I should clean it. I will try. That is why I can't be with you Mark. I will try to stop MEMO. I know this will be a tough work for me, we are ten scientists who built that program. But I will try to stop it," wika ni Cher. "But what if you can't stop it?" tanong naman ni Mark na sa pagkakataong iyon ay lumingon na kay Cher. "Then let's just hope that Johan will win against General Linford. Easy just like that...well sorry but...it's easy to say, but hard to do. I mean, how can a small snake defeat a huge beast?" wika ni Cher na para bang nadidismaya. Tila napangiti naman ang US president na si Robert Nixon sa kanyang narinig. "Johan is the most poisonous snake I've ever known," sagot naman ng US president. Tila napangiti rin si Mark sa kanyang narinig at tumingin kay Cher. Hindi naman naintindihan ng doktor ang kanyang sinabi kaya't napakunot na lamang siya ng noo. *****     "Edward...Edward gising..." Isang boses ng babae ang naririnig ni Edward sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Ang alam niya lang ay nakahiga siya sa isang madilim at malamig na kwarto. Nakagapos pa rin ang kanyang mga kamay at paa at tila duguan na ang kanyang damit at maging ang kanyang mukha. Nararamdaman niya ang pag-agos ng kanyang dugo sa kanyang katawan. "L-Layla..." mahinang sambit niya. Ibinuka niya ang halos nakapikit niya nang mga mata at sa pagkakataong iyon ay naalala niyang muli kung nasaan siya at kung ano ang nangyari. Isang mabilis na alaala ang kanyang naisip, nakita niya ang pambubugbog na ginawa ng ilang mga sundalo sa kanya, nakatitig lamang ang Subject 4 na prototype sa kanya. Maya-maya pa ay hinugot na nito ang kanyang espada at akmang aatakihin ang kanyang nanghihinang katawan. "Stop," wika naman ni General Linford. Pinangharang niya ang kanyang kaliwang kamay upang pigilan ang pag-atake ng Subject 4. "Why?" Isang computer generated audio ang inilabas ng prototype na iyon. "We will show Johan how he dies. He will be filled with anger and rage, he will decide what to do with this world and if everyone sees how cruel he is, he will be hated," paliwanag ni General Linford, tila nakangiti pa siya kay Edward habang matalim ang kanyang pagkakatitig. Binaba naman ng Subject 4 ang kanyang balikat at tila kumalma. Muli niyang itinaas ang kanyang espada upang ilagay sa kanyang likuran. Tumalikod na lamang siya at naglakad palabas ng heli ship na iyon ngunit bago lumabas ay tumitig muna siya sa binata. Umilaw pa ang kulay pula niyang mata bago tuluyang maglakad palayo. "Kaya pala hindi pa ako patay. Ahaha. Mas okay pa palang makita niyo na patay na ako bago pa kayo makarating dito. Haay. Buhay ko nga naman..." Tila kinausap na lamang ni Edward ang kanyang sarili habang sinusubukang umupo sa gitna ng dilim. Nanghihina ang kanyang mga bisig na sinusubukan niyang gamitin upang makatayo ngunit hindi niya kinaya ang kanyang sariling bigat at bumagsak siyang muli sa malamig na bakal na kanyang hinihigaan. "AHH! Haha..." Napasigaw na lamang siya habang sinasabayan ng tawa dahil sa labis na sakit ngunit nang siya ay mahimasmasan ay tila naging seryoso na ang kanyang mukha. Kumalam ang kanyang sikmura at dahil sa tunog ng kanyang tyan ay muli siyang natawa. "Haha...haay. Nagugutom na ako. Ilang araw na ba ako dito?" tanong niya sa kanyang sarili. Napapikit na lamang siya sa sobrang sakit ng katawan at gutom. Tila nakaisip naman siya ng paraan upang maibsan ang kanyang gutom. Yumuko siya habang nakahiga sa malamig na bakal na iyon. Kinagat niya na lamang ang piraso ng tela ng kanyang t-shirt. Kinagat niya ito nang madiin at sinubukan niyang punitin ang kanyang damit. May bahid pa ng dugo at pawis ang t-shirt na iyon ngunit dahil sa labis na gutom ay nagawa niya itong nguyain. Pilit niya iyong nginuya habang nakapikit. Isang mainit na likido na lamang ang tumulo mula sa kanyang mga mata. Hindi niya lubos maisip na ginagawa niya ang bagay na iyon upang mabuhay lamang. Nginuya niya nang paulit-ulit ang piraso ng t-shirt na iyon at sinubukan niyang lunukin ngunit kahit ilang ulit pa niya itong lunukin ay hindi niya iyon magawang kainin. "Pweeh!" Idinura niya na lamang ang t-shirt na iyon at muling idinikit ang kanyang ulo sa malamig na bakal na sahig. Patuloy pa rin ang kanyang pagluha sa pagkakataong iyon. Pumikit na lamang siya at tiniis ang matinding gutom. "L-Layla...Layla..." sambit niya. Iniisip niya na lamang ang mukha ng kanyang mahal habang nakagapos sa malamig na kwartong iyon. Hindi na lamang siya gumalaw upang hindi maubos ang kanyang enerhiya. "Edward?" Narinig niyang muli ang boses ni Layla sa kanyang isipan. Napangiti na lamang siya ngunit agad ding napawi ang ngiting iyon matapos ang ilang segundo. Muli siyang napaluha habang iniisip ang nag-iisang babae na kanyang minamahal. "Edward? Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita. Gusto mo bang kumain? Magluluto ako ng omellete. 'Di ba paborito mo ‘yon?" Iniisip na lamang ng binata na kausap niya sa pagkakataong iyon si Layla. Iyon na lamang ang magagawa niya upang aliwin ang kanyang sarili. "Oo, Layla. Gustong-gusto ko ng omelette. Salamat...salamat..." wika niya. Patuloy naman sa pag-agos ang kanyang luha habang iniisip ang scenario na kanyang binubuo. "Sorry Layla...hindi ako makakakain ngayon. Sorry...miss na miss na kita..." Sa kanyang isipan ay unti-unting napapasimangot si Layla at tila nalulungkot. Nilapag nya na lamang ang hawak niyang omellete sa isang salamin na mesa. Niyakap niya ang binata, kasabay naman nito ang pagyakap ni Edward sa kanyang sarili. "A-ang...l-lamig..." wika niya. Tumingala na lamang siya at nakita ang isang cabinet na animo'y locker ng mga sundalo. Sinubukan niyang isandal ang kanyang sarili sa locker na iyon at nang siya ay makaupo ay kinagat niya ang handle nito upang mabuksan. Bahagya itong bumukas at napangiti siya nang makita niyang nakailaw na ang bomba na kanyang nilagay doon. Muli siyang sumandal at tumingala. Sa pagkakataong iyon ay nabigyan siya ng pag-asa. *****     "Sir...na-trace na ng network ang kinaroroonan ng mga heli ship," wika ng isang sundalo kay Johan na sa pagkakataong iyon ay nakatayo sa pangpang ng Manila Bay Pinagmamasdan niya ang naging Sira ng lugar. Napansin niya naman ang isang itim na bag sa di kalayuan. Lumapit siya doon at nakita ang laman ng bag na iyon nang kanyang binuklat. Ang nag-iisang C4 bomb na dapat ay ilalagay ni Edward sa isa pang heli ship. Nakailaw na ang tila kahon na nakakabit dito, senyales na nagbibigay na ito ng signal sa kanilang network. Agad niya iyong ibinalik sa bag at iniabot sa isa pang sundalo. "Sir?" tanong ng sundalong iyon. "Kung sakaling malaman nila na nagtanim tayo ng bomba at tracking device sa mga heli ship nila, ‘yan na lang ang magiging pag-asa natin para makipag-usap sa mga natitira pa sa Philippine Arena. Kaya't ingatan niyo ang isang yan," wika naman ni Johan. "Opo," sagot naman ng sundalong iyon. "Ihanda ang mga heli ship. Pupuntahan natin ang kinaroroonan nila," dagdag pa ng binata. Agad siyang naglakad patungo sa isang heli ship upang bumalik sa mga nakadaong na mga battle ship sa di kalayuan. Mula naman sa command center ay abala si Layla sa pagdetect sa mga C4 bomb na itinanim ni Edward. Makikita sa isang malaking hologram screen ang ilang mga pulang tuldok at ang radius nito mula sa kanilang battleship, ilang mga numero pa ang kanilang nakikita kung gaano ito kalayo sa kanila. Tila napapaluha pa si Layla habang mabilis siyang nagpipipindot sa hologram screens at hologram keyboard. Bumukas naman ang pintuan ng command center at doon ay pumasok ang dalawang sundalo kasama si Johan. Hindi siya pinansin ng dalaga na abala sa kanyang ginagawa. Ang tanging iniisip niya lang sa pagkakataong iyon ay si Edward. "Layla?" Ipinatong na lamang ni Johan ang kanyang kaliwang kamay sa balikat ng dalaga ngunit sinasadya ng dalaga na hindi pansinin si Johan. Napayuko na lamang ang binata dahil sa ipinakita ng kausap sa kanya. "Ihanda ang mga sundalo. Lulusob tayo," wika niya. Doon na lamang napatigil si Layla sa kanyang ginagawa at napatingin sa mga mata ng binata. Umiling na lamang ang binata at tumalikod sa kanya. Tila lungkot na lamang ang naipakita ni Layla. Muli niyang pinunasan ang kanyang luha at nagpipindot muli sa mga hologram screens. Naging aligaga naman ang mga sundalo at staff sa loob ng command center. Pinindot naman ni Layla ang pulang boton sa gilid ng kanyang mesa upang patunugin ang alarma sa buong lugar. Maging ang ilang mga battleship ay nagpatunog na rin ng alarma, senyales ito ng kanilang paglaban.   Agad namang pumila ang mga sundalo mula sa labas. Ang mga walang armas ay binigyan ng ilang mga sundalo. Pagkaabot ng kanilang mga baril ay nagsitakbuhan ang mga ito patungo sa baybayin ng Manila bay. Ang lahat ay nakapwesto at nakaharap sa malaking aircraft carrier sa di kalayuang pangpang. Ang mga sundalong handa na upang lumaban ay naghintay ng tamang oras. Ang iba naman ay hindi pa rin magkanda-ugaga sa kanilang mga ginagawa. *****  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD