Unti-unting humuhupa ang mga pagsabog sa paligid ng Philippine Arena. Ang lahat ay tensyonado sa loob ng command center ng air craft carrier kung saan naroon sina Johan at ang iba pa. Naputol na nang tuluyan ang komunikasyon ng command center sa Philippine Arena ngunit tuloy pa rin ang kanilang pagdepensa sa hilaga ng Pilipinas kahit nagpapakawala na lamang ang kaunting mga heli ships at jet fighter ng mga missile upang protektahan ang kanilang natitirang pwersa.
"General, our missiles and energy are getting low. Should we hold the attack?" tanong ng isang lalaking naka-uniporme ng puti sa harapan ng babaeng heneral.
"No one will survive in that kind of attack, hold your fire," sagot ng babaeng heneral habang nakangiti.
Tinigil ng sampung heli ship na lumilipad sa himpapawid ang kanilang pag-atake. Napalibutan naman ng makapal na usok ang lugar kung saan sila nagpaulan ng mga missile at tumira ng mga laser beam. Hinintay nilang humupa ang usok sa paligid. Maging ang US president ay kinakabahan sa kanyang opisina habang pinapanood ang mga pangyayari.
"Mayamaya pa’y isang kulay asul na ilaw ang lumitaw mula sa usok na iyon. Napangiti si Johan nang bahagya matapos iyong makita.
"Atras bilis!" utos niya.
"Masusunod po, Commander," sagot naman ng nagsisilbing piloto ng air craft carrier na kanilang sinasakyan.
"What?!"
Nagulat naman si General Linford nang makita ang unti-unting paglitaw ng asul na shield na iyon sa paligid. Hindi napuruhan ang mga nasa loob nito na nakatingin lamang sa kanilang mga heli ship at takot na takot. Tila nabuhayan naman ng loob ang US president na si Robert Nixon sa kanyang nakita.
"President Kyon Lin IL, I hope I made the right agreement," wika ni Johan. Napangiti siya ngunit nababakas pa rin sa kanyang mukha ang matinding galit.
"You've made the right decision my friend."
Lumabas ang mukha ng North Korean President sa hologram screen sa harapan ni Johan. Mula naman sa karagatan ay nag-angatan ang ilang mga heli ship mula sa North Korea. Naghihintay lamang sila ng tiyempo na tuluyang magsara ang malaking shield sa Philippine Arena.
Iyon lang din ang hinihintay ni Johan, ang maubos ang kanilang mga missile, bala at enerhiya sa pag-atake sa Pilipinas. Muntik nang mawalan ng pag-asa si Johan sa pagkakataong iyon. Inakala niyang hindi na gagana ang shield ngunit nagkamali siya sa kanyang kalkulasyon.
"J-Johan? Ano ang mga ito?" tanong ni Layla.
"M-may mga heli ship sa paligid. Galing sila sa ilalim ng dagat. Mga kalaban ba sila?" tanong ng isang sundalo sa command center.
"President Il. I will leave them in your hands," wika ni Johan, tumingin siya nang matalim sa hologram screen. Ngumiti naman ang North Korean president at pagkatapos ay nawala na ang video call nito.
"ATTACK THEM! DON'T LET THEM REACH THEIR LANDS!" sigaw naman ng North Korean president.
Agad umangat ang daan-daang heli ship mula sa hilaga ng karagatan ng Pilipinas. Nagpakawala sila ng mga missile sa mga paparating pang pwersa mula sa European Union. Sumasabog na lamang sa ere ang mga heli ship na iyon. Nagulat na lamang ang mga sundalo na lulan ng mga heli ship nang biglang magsulputan kung saan ang pwersa ng North Korea.
"Ma'am, we have a situation. Unknown crafts are firing at our forces in the North. They are...everywhere!"
Hindi naman makapaniwala ang babaeng heneral sa kanyang narinig.
"What?! Johan...he sacrificed some of his people just to set an ambush. He's waiting for this to happen." Nanginig sa galit ang babaeng heneral. Napapikit na lamang siya sa sobrang inis at pagkatapos ay napatitig sa mga hologram screen. Agad namang lumitaw doon ang imahe ni Johan Klein. Nakangiti siya at animo'y nang-iinis pa.
"Can't fire a missile, General? You've wasted them all, your energy, your army and your artilleries. Wasted!" wika ng binata.
"So you are waiting for this to happen. You can still play tricks even if you lost your people," sagot naman ng babaeng heneral.
"I thought I would lose them all, but my plan worked. You are smart general, and I almost forgot how you work on your own ways. I thought I wouldn't figure out your move. Now, it's my turn," sagot naman ni Johan.
"Hahaha!" Isang tawa ang isinukli ni General Linford sa kanyang kausap.
"HAHAHA!" Tumawa siya nang malakas habang nakatitig sa binata. Tila nainsulto naman si Johan sa ginagawa ni General Linford.
"Do you think that I would fall back in this battle? We are on your grounds. All we have to do is to wait. I will kill all these people inside this dome. Now, what is your next move?" tanong ng babaeng heneral.
Napakagat naman sa labi si Johan. Nagbababaan paunti-unti ang mga sundalo sa lumilipad na mga heli ship mula sa pwersa ni General Vash Linford. Nagra-rappel ang mga ito pababa at nakikita naman iyon mula sa satellite monitor ng air craft carrier kung saan lulan sina Johan. Tinututukan nila ang higanteng shield na iyon matapos silang makababa.
Isang pinaghalong asul at itim naman na prototype ang nagpatihulog mula sa heli ship kung saan naroroon si General Linford. May espada ito sa kanyang likod na hitsurang samurai.
Gumawa siya ng may kalakihang butas nang siya'y bumagsak sa lupa gamit ang kanyang mga paa. Agad siyang tumakbo patungo sa shield. Hinawakan niya ang kanyang espada at agad naman niyang inactivate ang heat optimizer nito. Naging kulay dilaw ang talim ng kanyang espada at makikita ang tila usok sa paligid nito. Nang malapit na siya sa shield ay agad niya iyon hinampas gamit ang kanyang espada. Tila tubig lamang na umalon ang shield na iyon. Hindi ito napuruhan kahit na simpleng gasgas.
"What kind of technology is this?!" tanong niya sa kanyang sarili.
Itinapat niya ang talim ng kanyang espada sa shield na iyon. Sinubukan niya itong sirain ulit ngunit wala pa ring nangyari. Tinitigan niya na lamang ang mga taong takot na takot sa loob ng shield na iyon. Umaatras sila mula sa gilid ng shield at pumupunta sa gitna.
"Hahaha..."
Muling tumawa si General Linford sa kanyang kinauupuan, inis naman ang nararamdaman ni Johan sa pagkakataong iyon. Tuluyan nang umaatras ang pwersa nila sa hilaga patungo sa West Philippine Sea. Hinayaan niya na lamang na ang pwersa ng North Korea ang magbantay doon.
"We will hold them as hostages until you return Johan. And when that happens, you will claim what is rightfully yours. Death and to all of your people!" matigas na sambit ng babaeng heneral.
Napatingin na lamang si Johan sa hologram screen sa kanyang harapan. Nagpupuyos pa rin siya sa galit ngunit sa pagkakataong iyon ay wala pa rin siyang nagawa. Nakapagplano siya nang maayos ngunit hindi niya akalaing hindi aatras ang pwersa ni General Linford. Napangiti na lamang si Johan pagkatapos, animo'y tinatanggap ang hamon ng babeng heneral sa kanya.