Chapter 2: The Rise of the Augmented (Ang Pagbangon ng Nadagdagan) (Part 2)

651 Words
"Albert?" sambit ni Johan. "J-Johan...anong ginagawa mo dito?" Gulat naman ang reaksyon ni Albert nang makita si Johan na naglalakad palapit sa kanya. Halata ang kanyang pagkatuliro at labis na pag-aalala para kay Maria. Umupo siya sa tabi ni Albert at ginaya ang posisyon niyang nakahawak ang dalawang kamay at nakapatong sa siko. "Hindi ko mapigilang mag-alala eh," sagot ni Johan. Napabuntonghininga naman si Albert at muling napatingin sa pinto ng operating room. "Magiging maayos din ang lahat, 'di ba Johan?" "Higit pa si Maria sa isang sundalo, Albert. Kung ibang tao siguro siya...siguro hinigit ko na ang gatilyo ng baril na iyon." Nagulat naman si Albert sa kanyang narinig. Napatingin siya kay Johan. Ngumiti lamang ang binata sa kanya. "Mahirap kapag ang isang taong buhay pa ay nawalan na ng pag-asa. Higit pa iyon sa kamatayan; ang araw-araw na mabuhay na ang pakiramdam mo ay wala ka nang silbi," dagdag ni Johan. "Iyon ba ang pakiramdam mo...simula nang bumalik ka, Johan?" "Pakiramdam ko ay isa na akong patay. Pero may dahilan ang lahat ng iyon, Albert. Ang dahilang iyon ang nagbibigay sa akin ng pakiramdam na buhay pa ako." "Pero kapag nagawa mo na ang dapat mong gawin Johan, ibig sabihin ba noon..." Nanlaki ang mga mata ni Albert habang nakatitig kay Johan. Bigla namang bumukas ang pinto ng operating room. Mula doon ay lumabas si Professor Marco. Pawis na pawis at tila namumutla. Nagpunas siya ng pawis habang hawak ang kanyang tungkod sa kabilang kamay. "Propesor? Kumusta ang operasyon?" Agad lumapit si Albert sa kanya. Tumayo naman nang mahinahon si Johan at lumapit din. "Maayos ang operasyon. Ngayon ay kailangan na lang nating malaman kung magre-respond nang maayos ang mga augmented niyang mga kamay at paa." "Ibig sabihin hindi pa tapos?" tanong ni Johan. "Ikinabit ko ang ilang wire sa mga ugat niya mula sa spinal column. Hindi natin alam kung makikilala ng kanyang katawan ang mga parteng iyon bilang natural niyang mga kamay at paa. Ang augmentation process kasi ay nagiging 100% success lang kapag naigalaw niya ito matapos ang isang buwan." Napayuko naman si Albert. Napakapit naman si Johan sa balikat nito. "Kung makikilala agad ng kanyang utak ang mga parteng iyon, sigurado akong mapapagalaw niya ito agad. Kung hindi niya ito mapagalaw, may isa pang paraan..." wika ni Professor Marco. "Anong paraan iyon, Propesor?" tanong naman ni Albert. "May memory gene si Maria. Maaaring ikabit ang augmented parts niya sa memory gene na iyon upang magdikta ng igagalaw niya. Tama ba ako, Propesor?" tanong ni Johan. Napangiti naman si Professor Marco at tumango. "Eh bakit hindi pa natin gawin?" tanong naman ni Albert. "Iyon na nga ang gagawin ko, pero kailangan din itong tanggalin matapos ang isang buwan. Dahil ayokong maging dependent ang augmented parts na iyon sa memory gene ni Maria. Gusto kong mapagalaw niya iyon nang hindi ginagamit ang sinumpang aparato." Napangiti na lamang si Johan sa sinabi ng propesor.   Mula sa pagkakahiga ay unti-unting iminulat ni Maria ang kanyang mga mata. May kadiliman sa kwartong iyon kung saan siya unang nakahiga. Nakataas ang blinds ng bintana kung saan siya nakaharap at makikita ang sinag ng papasikat na araw. Nakatutuok ang liwanag na iyon sa kanyang mukha kaya't inangat niya ang kanyang kamay upang takpan ito. Nagtaka siya kung bakit ganoon na ang hitsura ng kanyang kamay--- isang augmented na kamay na mayroong plate na bakal. Namangha siya dito habang nanlalaki ang mga mata. Mayamaya pa’y napatili siya. "AAAAAHHHHH!!!" Agad namang pumasok si Albert sa kwartong iyon. "Maria! Bakit?" Inangat din ni Maria ang isa pang augmented arm na nakakabit sa kanyang kanang braso. Napaluha siya at tila natakot. "Maria...huwag kang matakot." Agad lumapit si Albert sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Patuloy ang pagkagulat, takot at pagkamangha ni Maria sa kanyang mga braso. Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat maramdaman. Basta lamang siyang tumili dahil sa labis na pagkagulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD