Chapter 2: The Rise of the Augmented (Ang Pagbangon ng Nadagdagan)

4548 Words
Chapter 2: The Rise of the Augmented (Ang Pagbangon ng Nadagdagan)   “Everything is a choice. Nobody's born good. Nobody's born evil. It is always a choice.”   -          Loki, The God of Mischief (Thor)   Nakatitig lamang si Maria sa kisame ng kwarto kung saan siya nakahiga sa isang puting kama. Nakabenda pa rin ang mga kamay at ang kanyang kaliwang paa. Tumulo ang isang butil ng luha sa kanyang kanang mata at saka siya pumikit at humarap sa bintana kung saan maaaninag ang mga patak ng ulan sa salamin nito. Automatic namang bumukas ang may kalabuang salaming pinto ng kanyang kwarto at doon ay pumasok sina Johan, Helena at Albert. Nahuli sa kanila si Albert at tila tinatago niya ang kanyang pagsisisi sa nagawang kasalanan. Siya ang nag-utos ng pagpapakawala ng mga missile mula sa mga jet fighter ng sariling pwersa upang patamaan ang nagwawalang si Helena noong mangyari ang labanan sa Quezon City Circle. Naisip niya lamang ang desisyong iyon dahil sa pagpa-panic. Siya ang may kasalanan kung bakit nakaratay sa higaang iyon si Maria. Imbis na maprotektahan siya ay mas lalo pa siyang napahamak. "Maria?" mahinahong sambit ni Johan habang papalapit sa kanya. Agad namang humarap si Maria at tila lalong napaluha nang makita ang malungkot na mukha ng binata. Bahagya rin siyang nagulat at muli ring umiwas ng tingin sa binata. Tila lalong nalungkot ang ekspresyon ni Johan dahil sa kanyang ipinakita. "Maria, huwag ka namang mawalan ng pag-asa," wika ni Helena. "Madaling sabihin ‘yan para sa 'yo kasi hindi ikaw ako. Hindi ako katulad mo...hindi ka nasusugatan. Naghihilom lang ang lahat ng sugat mo. Hindi ako halimaw na kagaya mo." May diin ang mga salitang binitiwan ni Maria na dumurog naman sa pagkatao ni Helena. Magkasalubong ang mga kilay ni Maria na patuloy pa rin sa pagluha. "Hindi niya kasalanan ang nangyari, Maria. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi ako nag-utos na..." "Na ano?! Ano ba kami para sa 'yo, Albert? Collateral Damage? Na kapag hindi mo na kailangan sa giyera ay itatapon mo na lang basta-basta na parang basura?" bulyaw ni Maria. Natulala na lamang si Albert at maging si Helena. Lumapit naman si Johan sa gilid ng hinihigaan ng dalaga. Binunot niya ang isang hand gun mula sa holster ni Albert at tinutok ang baril na iyon kay Maria. "J-Johan? Anong ginagawa mo?" Hindi naman makapaniwala si Helena sa kanyang nakikita. Napatingin naman si Maria at tila nanlalaki ang mga mata habang patuloy na umaagos ang luha mula sa kanyang mga mata. "Johan! Ano 'to?" Nabigla rin si Albert at sinubukang agawin ang baril mula sa mga kamay ng binata. Ginamit naman ni Johan ang kanyang kaliwang kamay upang hawiin si Albert palayo. "Ito ba ang gusto mo? Maria?" tanong naman ni Johan. Bagama't mahinahon ito ay tila seryoso naman siya nang ilagay ang kanyang daliri sa gatilyo ng baril na iyon. "Hindi mo kailangang gawin ito, Johan!" bulyaw naman ni Helena. Tumingin naman nang masama ang binata kay Helena. Sa pagkakataong iyon ay tila alam na ni Helena ang nais niyang iparating sa kaibigan. Muli namang tumingin si Johan kay Maria, na gulat na gulat pa rin ang kanyang reaksyon. "Gusto mo na bang mamahinga nang tuluyan? Ang alam ko may gusto ka pang gawin bago ka mamatay, 'di ba? Ang tuluyang wakasan ang sistema ng memory gene. Pero tingin ko hindi mo na kailangang gawin iyon. Nawalan ka na ng pag-asa. Hindi ka na rin makakakilos para lumaban. Tapos na ang trabaho mo." Hihigitin na sana ni Johan ang gatilyo ng baril na kanyang hawak. "Sandali!" bulyaw ni Maria. Naging tensyonado naman sa loob ng kwartong iyon. Kitang-kita nina Albert at Helena ang paghigit sana ni Johan sa gatilyo ng hawak na baril. "K-kaya ko pang lumaban, Johan. Hindi ako puwedeng tumigil, alam ko. Nabuhay pa ako dahil may kailangan pa akong gawin." Napayuko naman si Maria at tila napakagat nang mariin sa kanyang labi. Dahan-dahan namang ibinaba ni Johan ang hawak niyang baril. Inilapag niya ito sa hinihigaan ng dalaga. Napatingin naman si Maria sa baril na iyon. Tumalikod naman si Johan at lalabas na sana ng kwarto nang biglang bumulalas si Maria. "Bakit ka ba bumalik, Johan? Para sirain ulit ang lahat?" tanong ni Maria. Tila inis siya sa binata at kung kaya niya lang hawakan ang baril na inilapag niya sa higaan niya ay siguradong itinutok niya na ito sa binata. Tumigil naman si Johan sa salaming pintuan sa kanyang harapan. "Bumalik ako para maghasik ng lagim. Sisirain ko ang lahat at muli ko iyon bubuuin. Gusto ko kasama ka doon, Maria. Mahalaga ka para sa akin. Kaya pahalagahan mo rin ang buhay na mayroon ka ngayon." Malungkot ngunit may bahid ng galit na tugon ng binata. Nanlaki naman ang mga mata ni Maria at napahinto ng mga salitang iyon ang luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang mga mata. Napayuko na lamang siya ulit at sinubukang maging matatag. Lumabas naman ng kwarto si Johan at naglakad palayo. *****   "How do you feel?" Isang babae ang nagtanong sa isang prototype na nakalapat sa isang bakal na chamber. Unti-unting bumukas ang mga bakal na nakakabit sa bawat pagitan ng mga pader ng chamber na iyon. Tila umusok pa ito at lumabas doon ang isang kulay asul at itim na prototype. May nakatatak sa dibdib nito na numerong “4” ngunit iba na ang porma nito. Tila nakatagilid ito sa mas bagong disenyo. Iba na rin ang disenyo ng prototype na iyon. Mas naging matibay pa ang mga parte ng katawan nito. Maging ang mukha ng prototype na iyon ay iba na rin ngunit makikita ang pulang memory gene na nasa likod ng kanyang ulo. "Is that a serious question? I am a prototype, I don't feel pain." Tila natuliro naman ang babaeng iyon at napangiti habang nagpipipindot lamang sa mga hologram computer na nasa kanyang harapan. "Your sword..." wika naman ng babae. Isang bakal na frame naman ang umangat sa harapan ng Subject 4 prototype. Mula dito ay makikita ang isang espadang samurai na nakaangat sa bakal na frame. Kapansin-pansin ang pagkakulay pula ng talim nito. "We enhanced your weapon as General Linford requested." "Enhancements?" Kinuha ni Mark ang espadang iyon at iwinasiwas sa ere na parang pinaglalaruan ito. "We added the heat optimization on your blade. You are the only one who can activate the heat optimization through your program. Well...you can try it." Inilagay naman ng babaeng iyon ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang mga braso at pinanood ang gagawin ni Mark. Pinagmasdan na lamang ni Mark ang espadang iyon at makikita sa kanyang screen ang pag-activate ng software upang mapainit ang kanyang espada. Ang pulang talim sa kanyang espada ay nagliwanag at unti-unting naging kulay dilaw. Hinataw niya ang chamber kung saan siya nakapwesto kanina. Nahati ito nang mabilis at tila natunaw naman ang pinaghiwaan nito. Nagulat naman ang babaeng doktor na nanood lamang sa kanyang ginawa. "What have you done?" sambit niya. "It's nice..." sagot naman ni Mark mula sa computer-generated audio nito. "Do you really think that what you did is nice?" bulyaw naman ng babae. Dahan-dahan namang naglakad ang Subject 4 papalapit sa kanya. "Hey...at least i didn't try it on you." Nabalot naman ng takot ang babaeng iyon at tumahimik na lamang. Agad ding lumabas si Mark sa lab at wala namang nagawa ang babaeng doktor kundi panoorin ang kanyang pag-alis. Nakarating si Mark sa isang elevating platform at doon ay sumakay siya kasabay ang ilan pang mga sundalo mula sa pwersa ng Europa. Hawak niya pa rin ang espada niya, na ginawa niyang tungkod upang hindi matamaan ang kanyang mga katabi. "It's good to see you, Sir," bati ng isang sundalo sa kanya habang umaangat ang elevating platform na kanilang sinasakyan. "It's good to see you too," sagot naman ng prototype. Ilang sandali pa ay tila nagkaroon naman ng view sa elevating platform na iyon. Makikita ang labas ng gusali. Isang pahapong araw ang nasilayan ng lahat. Sa ibaba ay makikita ang base ng militar. Nakapila nang maayos ang libu-libong mga sundalo. Naghahanda ang mga ito sa madugong labanang magaganap. Ilang segundo lang ay nawala ang view na iyon at bumukas ang salamin na pinto ng elevating platform. Nauna ang mga sundalo na lumabas upang alalayan ang Subject 4. Sa dulo ng opisinang iyon ay makikita ang iba pang mga sundalong nakakalat. Nakakasilaw na kulay puti ang kulay ng buong gusaling iyon na kitang-kita ang mga sundalong nakasuot ng itim na uniporme. Patuloy na naglakad si Mark at sinusundan niya lamang ang mga sundalong nasa kanyang harapan. Agad gumilid ang mga ito nang makarating sa isang kwarto na puro hologram screen at hologram computer. Sumaludo ang dalawang sundalo at mula sa pagkakatalikod ay humarap si General Vash Linford. Bumagay ang kanyang blonde na buhok sa kanyang puting uniporme ngunit sa pagkakataong iyon ay pinutulan niya na iyon nang kaunti. Maikli na lamang ang kanyang buhok na humahaba hanggang sa kanyang balikat. Agad ding sumaludo si Mark sa kanyang harapan. "Carry on," wika naman ng babaeng heneral. Agad ibinaba ng mga sundalo ang kanilang mga kamay at nagsimula nang maglakad patungo sa loob ng kwarto. "You look...different," wika naman ni Mark. "I have no a time for jokes, Subject 4." "I'm not joking. By the way, i like what you did to the sword." Hawak niya pa rin ang espadang iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamay upang ilagay ang espada sa kanyang likod. Inilapat niya ito at may mga bakal na umusli sa kanyang likod upang automatic na i-lock ang espada. "That sword has a purpose. You are to eliminate everything on your way. Everything," seryosong sagot naman ng heneral. Nakatitig siya sa mga mata ng prototype na kanyang kaharap na kumokorteng galit. May talim ng liwanag sa mga mata ng heneral. Nabigo siya noon, at sisiguraduhin niyang hindi na siya mabibigo ngayon. "You are to summon me to face the world. Then why are you wasting your time on your soldiers. I can handle them myself," sagot naman ni Mark. "Do you really think so?" Napangiti ang heneral at naglakad patungo sa salaming pader ng palapag na iyon. Makikita pa rin ang libu-libong mga sundalong hinanda ng pwersa ni General Linford. "Are you forgetting something? They are just like you. You shouldn't underestimate them," paliwanag ng babaeng heneral. "Especially Subject 1, Edward Vitore. You still have your old memory gene. It means he can still identify your thoughts." "I don't need a new one..." putol naman ni Mark. Nakaramdam na naman siya ng matinding galit kay Edward. "I don't need a new memory gene just to kill him. I am faster and stronger than Subject 1," sagot naman ni Mark. "Then in that case, you should be ready to face Helena. She is the ace of the Philippines pertaining to force and strength. I will deal with Johan myself. If he really wanted to play this game, then he should be aware of losing." Ngumiti na lamang si General Linford habang nakatingin pa rin sa malayo. "So when is the time? I would love to spill their blood on their own land!" tanong ng Subject 4. "Soon..." wika naman ni General Linford. Ngumiti na lamang siya at muling humarap kay Mark. *****   Isang hologram model ang tinitingnan nina Johan, Helena at Albert sa lab ng ospital kung saan nagpapagaling si Maria. Pinagmamasdan nila ang isang model ng augmented arm. Sa kabilang hologram imaging naman ay ang isang binti. "Ito ang iniisip kong proyekto, Johan. Ito lang ang pwede nating magawa para makakilos pa siya nang normal," wika naman ni Professor Marco Dela Paz. "Augmentation. Ipinagbawal na ito noon, 'di ba? Propesor?" tanong ni Johan. "P-pero ipinagbawal lang naman 'yan noon dahil sa MEMO. Sino nga ba ang bibili ng memory gene kung mayroong augmentation process? Noong lumabas sa merkado ang memory gene, wala nang tumangkilik ng augmentation. Ang kailangan na lang nilang gawin ay pumunta sa mga auction, bilihin ang katawan ng mga bid at ilagay ang memory gene nila sa katawan na gusto nila. Presto! May katawan na sila na hindi kulang-kulang," paliwanag ni Professor Marco habang tumatawa-tawa at lumalayo sa mga kausap. Kinuha niya ang isang sample ng augmented na braso. "Mayroon kang memory gene, Propesor. Pero naging proyekto mo rin pala ang augmentation. Bakit?" tanong ng binata. Humarap naman ang doktor at tila napangiwi. "Uhmm. Hindi naman habang buhay may memory gene. At hindi habang buhay may katawang lilipatan ang memory gene para masabing imortal ang mayroon nito." Napatango na lamang si Johan at ngumiti. "Matagal ka nang nabuhay sa iba't ibang katawan propesor. Pero kaya mo palang gumawa ng augmentation. Sana ito na lang ang tinangkilik mo," wika naman ni Johan. "Tumatanda ang katawan natin. Mas nabawasan pa ang mga taon para mabuhay tayo. Hindi siguro mapipigilan ng tao ang lahat. Kung hindi sumiklab ang giyera noon siguro walang memory gene. Pero heto tayo ngayon. Nasasadlak na naman sa isa pang giyera. Siguro ito na rin ang panahon para ibalik ang augmentation process na tinanggal ng MEMO sa buong mundo. Malas lang nila at may iba pa ring marunong gumawa ng katulad nito. Hindi lang ako." Ipinakita niya ang isang bakal na braso sa tatlo. Hawak niya ang brasong iyon gamit ang dalawa niyang mga kamay. May mga wire na nakakalat sa brasong iyon na nagsisilbing ugat nito. Ang bakal na parte naman ay nagsisilbing buto. Inilapit niya ito sa kanila at namangha naman si Albert sa kanyang nakita. Iniabot niya ito at sinubukang buhatin. May kabigatan din ang brasong iyon at kapansin-pansing luma ito at kinakalawang na. "Ito ba ang gagamitin kay Maria?" tanong ni Helena. Nakatitig siya rito at tila nakasimangot nang makita ang mga kalawang na iyon. "Hindi...ang isang ‘yan ay...ginamit ko na dati. Sa dati kong katawan. Sa bakal gawa ang isang ‘yan kaya kung mapapansin niyo ay may kabigatan. Isa pa, dahil nga sa bakal gawa ang augmented arm na 'yan, malaki ang tyansa na kalawangin. Balak kong gumamit ng titanium alloy kay Maria. Mas magaan iyon at hindi kakalawangin. Mas matibay pa ‘di gaya ng sa ordinaryong bakal," paliwanag naman ng propesor. Agad niyang kinuha ang augmented arm at inilapag ito sa magulong mesa kung saan nakakalat ang iba't ibang piraso ng bakal, mga pyesa at screw. "Pero hindi iyon ganoon kadali, 'di ba?" Muling lumapit si Johan sa hologram image ng isang augmented arm. Pinagmasdan niya ito, ang sukat, ang bigat at iba pang impormasyon ay nakalagay sa hologram image na iyon. "Ang isang artipisyal na kamay ay kailangang sakto din sa bigat ng dinadala niyang kamay...noon." Ngumiti si Johan at tumingin kay Professor Marco. "Tama ka. Sakto ang isang iyan para sa kanya." Ang tinutukoy ng propesor ay ang hologram image na tinitingnan ni Johan. "Magaling, Albert. Ikaw na ang bahala sa pag-alalay kay Maria," sambit ni Johan. "Teka...bakit ako?" Napatingin naman si Johan sa kanya at tila nainis. "Ikaw ang may kagagawan nito, 'di ba? Kung gusto mong bumawi sa kanya, ito na ang pagkakataon mo," sagot niya. Hindi naman maipinta ang mukha ni Albert na sa pagkakataong iyon ay napayuko na lamang. "Propesor, gusto kong makita ang proseso ng pagkabit at ang healing process ni Maria. Ibigay niyo ang report sa akin." "Masusunod po," sagot ni Professor Marco. Matapos ang araw na iyon ay agad sinimulan ni Professor Marco Dela Paz ang paggawa ng dalawang augmented arm at isang augmented limb. Mula sa isang laboratoryo sa loob ng ospital ay sinimulan niya munang gumawa ng maliliit na limb para sa daga. Marahil ay nakalimutan niya na ang iba pang impormasyon sa paggawa nito kaya't para makasiguro ay sinubukan niya na muna ito sa isang daga.  Bagama't matanda na ang katawan ni Professor Marco ay kaya pa rin niyang kumilos. Mag-isa lamang siyang kumakalikot ng ilang piraso ng mga bakal. Tinutunaw niya rin ito sa hulmahang gawa sa isang bakal na chamber upang pumorma. Ilang wire ang kinabit niya sa ugat ng dagang kanyang pinage-eksperimentuhan gamit ang mga mechanical arm at ang mga hologram computer. Nang magising ang dagang iyon ay naigalaw niya nang maayos ang augmented limb na nakakabit sa kanyang kaliwang unahang paa. Napangiti ang propesor ngunit nalukot din agad ang kanyang mukha nang makitang hindi nagagalaw ng ilang muscles ang iba pang wire na nakakabit. Inulit niya ito. Pinatulog niyang muli ang kanyang subject at ikinabit nang mas maayos ang augmented limb. Nang magising ito ay maayos na ang paglalakad ng dagang iyon. "Sakto na ang isang ito," wika ng propesor. Sinend niya agad ang video ng dagang iyon na mayroong augmented limb kay Johan. Napanood naman iyon ng binata sa command center ng Malakanyang. Tila namangha naman ang mga staff na nasa loob at nakapanood ng ginawa ng propesor. Napangiti lamang ang binata habang pinapanood ang video. Sumunod ay ang proseso ng paggawa ng augmented arms para kay Maria. Mula sa blueprint hologram image ng kamay ay hinulma ng propesor ang ilang piraso ng titanium alloy gamit ang mainit na chamber. Pinorma niya ang brasong iyon na parang buto at kinabitan ng mga wire. Sinubukan niya itong paganahin gamit ang hologram computer. Nakakabit ang mga wire noon sa system ng computer at doon ay napapagalaw niya ito nang maayos. "Makikita ninyo na ang hologram computer ang magsisilbing utak para sa augmented arms. Ganito rin ang paraang gagawin kay Maria. Ang kanyang utak ang magpapagalaw ng mga kamay at paang ito na parang walang nagbago. Ang magiging delikadong parte nga lang ay ang pagkabit ng mga wire na ito sa kanyang spinal column," paliwanag naman ni Propesor. Napapikit naman si Johan mula sa isang madilim na kwarto habang kausap niya ang propesor. "Kakayanin niya ba ang sakit?" tanong ng binata. "Kailangan niyang kayanin. Masakit oo, pero ito lang ang paraan." Kinapa ni Johan ang kanyang dibdib. Sa kasalukuyan ay bakal na ang dibdib ng binata. Naghilom nga ang sugat ng kanyang dibdib sa loob ngunit sa kaloob-looban ay butas ang dibdib nito at tila makina na lamang ang nagpapagana sa kanyang puso. Naisip niyang muli ang oxygenated blue liquid na inimbento ni Dr. Konning, ang ama ni Helena. "Huli na ang lahat para gamitin iyon, ‘di ba?" tanong ni Johan. "Ano ang tinutukoy mo?" tanong ng propesor mula sa hologram screen. "Ang gamitin ang oxygenated blue liquid compound na ginamit din sa akin." "Ang oxygenated blue liquid ay nagagamit lamang upang magregenerate ang sugatang parte ng katawan. Sa kaso ni Helena, parehong compound ang ginamit sa kanya pero dinagdagan ito ng kanyang ama para siya ay lumakas at gawing weapon." "Ang ginamit na blue liquid sa akin ay ang orihinal na compound na ginamit ni Dr. Konning. Hindi ako lumakas. Naghihilom lang din ang mga sugat ko. Iyon ay ang mga sugat matapos akong muling mabuhay," wika naman ni Johan. "Dahil ang blue liquid compound na iyon ay dumadaloy na sa inyong bloodstream ni Helena. Anumang sugat na mayroon kayo bago pa man kayo ma-expose sa compound na iyon ay hindi na kikilalanin ng inyong katawan. Sa kalagayan ni Maria ay hindi natin iyon magagamit. Isa pa, kailangan na ring putulin ang mga buto niya at hindi pa rin naman natin napapatunayang nagagawa pang pagalingin ng compound na iyon kahit na ang buto ng tao. Mukhang imposible pero...ang dugo kasi ng tao ay nanggagaling sa bone marrow. Kung iyon ang source ng dugo ng tao, maaaring hindi rin nito mabuo ang nasirang buto." "Parang isang bateryang ikinabit sa isang makina," wika naman ni Johan. "Tama ka. Magagamit natin ang regeneration process sa mga taong buo na, pero sa kaso ni Maria, hindi na pwede." Tila naging malikot naman ang isipan ni Johan sa pagkakataong iyon. Napatingin siya nang matalim sa hologram screen na nasa kanyang harapan at napangiti. Naalala niya ang mga panahong nasa loob pa siya ng isang tangke ng kulay asul na likidong iyon. Naaaninag niya sa kanyang harapan ang daan-daang mga patay na tao na binalak ipakontrol sa kanya ni Dr. Konning. "Alam ko kung ano ang iniisip mo, Johan," wika ng propesor habang nakangiti. "Ano ang nangyari sa mga katawang iyon?" tanong ng binata. "Ang mga patay kailanma'y hindi na nabubuhay. Pero ikaw, ginawa mong posible ang lahat. Naging teorya mo na rin ito noon kaya't nakapagplano ka nang maayos. Pero ang ibang mga taong sinubukang buhayin ni Dr. Konning, hindi na sila maaari pang mabuhay. Hindi nila desisyon ang mabuhay ulit, at kung mabubuhay sila, sigurado akong mas gugustuhin na lang nilang manahimik kaysa makita ang mundong napakagulo. Ikaw, ginusto mong mabuhay ulit dahil plano mo iyon," paliwanag ni Professor Marco. "Patay na nga pala ako. Pero ang iniisip ko ay ang mga taong nabubuhay pa. Paano kung gagamitin natin ang blue liquid compound na iyon sa mga sundalo natin?" Napatigil naman ang propesor at napatingin na lamang sa kawalan. "Gusto mo silang maging halimaw?" "Hindi...gusto kong gamitin ang compound na iyon upang pagalingin ang mga sugat nila. Sa ganoong paraan ay mabilis silang makaka-recover at muling makakalaban." "Pero...Johan. Ang iniisip mo ay..." "Propesor, alam ko ang ginagawa ko. Binabalak kong gawing gamot ang compound na iyon. Hindi ang paraan kung paano iyon ginamit sa akin at kay Helena," paliwanag ni Johan. Napangiti naman ang propesor at napayuko. "Sige. Kung iyon ang gusto mo." *****   Dumating ang araw ng operasyon ni Maria. Ipinaliwanag ng mga doktor at propesor ang gagawin sa kanya at naintindihan niya naman ang lahat ng iyon. Si Albert ang nagsilbing tagabantay niya. Hindi man siya pinapansin ng dalaga ay naroon pa rin siya upang umalalay. Galit pa rin siya kay Albert dahil sa pangyayari ngunit hindi niya na lamang ito pinansin Naghintay naman ang lahat sa magiging resulta ng operasyon. Mula sa command center ay nakabukas ang isang hologram screen na eksklusibo lamang ang live feed ng ospital. Hindi man ipinapakita dito ang operasyon ay makikita naman ang vital signs ni Maria.   Mula sa ospital ay ihiniga si Maria sa isang bakal na platform na nakalutang lamang gamit ang magnetic technology. May kalamigan ang kanyang hinihigaan at pinatungan naman iyon ni Albert ng isang puting kumot para hindi lamigin si Maria. Hindi pa rin siya pinansin ng dalaga. Isang oxygen mask naman ang ikinabit ng ilang mga doktor sa kanya. Tila nakakatulog na siya habang hinihila nila ang platform na iyon at tinanggal naman nila ang oxygen mask nang siya'y makatulog na nang tuluyan. Dinala siya sa isang kwarto na puro ilaw. Sa loob noon ay nag-aabang si Professor Marco. Sa tabi niya ay makikita ang mga augmented parts na nakapatong sa isang mesang kulay itim at nagniningning ang mga ito dahil sa kintab. May mga mechanical arm na gumagana sa paligid. Ito ang magsisilbing katulong ng propesor at ng mga doktor sa pag-oopera. "Albert, pasensiya na pero sa labas ka lang puwedeng maghintay," wika ng propesor. Kinakabahan naman si Albert sa mga mangyayari. Tumango na lamang siya at dahan-dahang naglakad palabas ng operating room na iyon. Sa labas ng hallway ay ang hilera ng mga upuan. Umupo siya dito, at tila gulong-gulo ang kanyang isipan na napahawak na lamang siya sa kanyang baba habang nakatingin sa pintuang iyon. Binuksan niya na lamang ang kanyang hologram stick at mula doon ay pinanood ang mga numero at vital signs ng dalaga. Normal pa ang mga ito ngunit ilang minuto lang ay nag-iba ang pintig ng mga numerong iyon. Napatingin na lamang si Helena sa hologram screen ng command center. Napakapit naman sa kanya si Layla, na nakatingin din sa mga vital signs ni Maria habang si Edward naman ay umupo sa isang office chair. May bitbit siyang pop corn at tila nilalamon niya iyon na para bang walang pakialam. Itinaas pa niya ang kanyang mga paa at ipinatong sa mesa na parang nagre-relax. Umalis naman si Johan nang makita ang pagbabago ng mga numero. Isang kulay pulang laser ang inilabas ng isang mechanical arm. Kinokontrol ito ni Professor Marco gamit ang isang hologram computer. Nakatutok ito sa kaliwang braso ni Maria. Kitang-kita naman ang usok mula sa nasusunog na balat ng dalaga. Pinagana naman ni Dr. Marco ang isa pang mechanical arm at naglabas din ito ng isang maliit na pulang laser beam na itinutok naman ng propesor sa kanan niyang braso. Kahit tulog ay tila nakakaramdam ng sakit si Maria. Napangiwi siya nang bahagya at nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Kaya mo ‘yan...Maria. Matapang ka, at iyan ang pagkakakilala ko sa iyo," bulong naman ng propesor. Naglagay naman ang isang doktor ng oxygen mask sa bibig ni Maria. Paunti-unti kasi ay naghahabol na ng hininga ang dalaga. Dinagdagan pa nila ito ng anesthesia upang hindi maramdaman ang sakit. Mayamaya pa’y pinagalaw na ni Professor Marco ang dalawang mechanical arm na iyon paikot sa dalawang braso ni Maria. Sinasalo na lamang ng isa pang bakal na platform ang magkabila niyang braso. Agad siyang sinalinan ng dugo gamit ang isang pump na nakakabit sa isang malaking cartridge sa gilid ng hinihigaan ng dalaga. Patuloy ang pag-ikot ng dalawang mechanical arm na iyon sa mga braso ni Maria. Mayamaya pa’y inangat na ng isang doktor ang kaliwa nitong paa at isinabit sa isang bakal na frame. Pinagana na rin ng propesor ang isa pang mechanical arm. Naglabas ito ng pulang laser beam na tumutunaw naman sa balat ng pasyente upang putulin ang kanyang paa. "H-hindi puwede. Kailangan ako ni Maria doon," wika ni Helena nang makita ang pagbaba ng vital signs ng kanyang kaibigan. "Pero Helena..." pigil naman ni Layla. Hinawakan niya ang braso ng dalaga. "Hayaan muna natin siya. Si Professor Marco na ang bahala sa lahat." Mula sa nahiwang balat ay sinunod niya ang buto ng dalaga. Nakikita sa x-ray imaging sa hologram screen ng propesor ang ilan pang impormasyon. Agad kinalas ng mga doktor ang nahiwang mga braso at sinunod na kinuha ang dalawang augmented arms. "Ito na ang mas mabusising stage. Ang pagkabit ng augmented pieces," wika ng propesor. Tumayo siya mula sa kinauupuan at nilapitan ang pasyente. Itinuro niya sa mga doktor ang tamang posisyon mula sa mga ugat ng pasyente at sa mga ikakabit na wire. Pinagpawisan nang malamig ang propesor. Hinarangan naman ng iba pa ang katawan ni Maria ng isang puting cover. Agad lumapit si Professor Marco at nagpipipndot sa kanyang hologram computer. Muli siyang lumapit sa isang pares ng augmented arm at tinanggal ang mga kable na nakakabit sa system. Sinunod niyang ikinabit ito sa mga ugat ng pasyente. Gamit ang mga mechanical arms bilang gabay ay ikinabit ng mga ito ang mga maliliit na wire sa mga ugat ni Maria. Binuksan nila ang mga ugat na iyon nang maikabit ang mga wire at doon ay dumaloy ang dugo ni Maria. Ginawa din ito sa isa pa niyang braso. Sunod naman ay ang paglagay ng screw sa buto ng dalaga at sa titanium alloy na magsisilbi nang buto ng dalaga. Ginawa na rin ito sa kanyang kaliwang paa. Ikinabit ang mga ugat sa mga wire at gumamit ng screw para maging parte ng kanyang buto ang augmented limb. "Tapos na ang pangalawang stage." Iyon ang nasambit ni Professor Marco matapos ang ilang oras na operasyon. Pawis na pawis at pagod na pagod ang propesor at ang mga doktor sa operasyong nagaganap. "Ngayon ay ang pangatlo naman." Lumapit ang propesor sa hologram computer at muling nagpipindot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD