CHAPTER 6
KAGAYA NG mga naunang pagtakas sa gabi ni Casey ay walang kaalam-alam ang mga magulang niya hanggang sa makauwi siya sa bahay kinabukasan. Wala na ang mga ito at pumasok na raw sabi ni Manong Ed. Malapad naman ang ngiti ng kaibigan na guard nang iabot niya rito ang isang galone ng ice cream.
“Thank you, Ma’am Casey. Pniguradong matutuwa ang mga anak ko sa iuuwi ko ngayon.” Malapad ang pagkakangiti nito sa labi habang tinitingnan ang laman ng plastic. “Aba at may mga biscuits pa po at apa!” bulalas nito na talagang baka sa mukha ang sobrang tuwa.
“Wala pong anuman. Gagayak na ako, Manong Ed at baka mamaya ay hanapin ako nila mommy sa office.”
“Sige po.”
Pumasok si Casey sa loob ng kabahayan at nginitiaan ang mga maids nilang nagtataka dahil galling siya sa labas. “Morning,” bati niya sa mga ito bago umakyat sa hagdanan. Nang makapasok siya sa loob ng sariling silid ay kaagad siyang naghanap ng maisusuot at nang makakita, diretso na siya kaagad sa loob ng banyo.
Ilang minute rin ang tinagal niya roon bago lumabas upang magbihis. Kasabay ng paglalagay ng make-up sa mukha ay nakatutok ang mga tainga niya sa telebisyon kung saan puro balita ang mapapanood. Tungkol sa pulitiko ang kasalukuyang binabalita.
Nang masiyahan si Casey sa make-up niya ay kaagad niyang dinampot ang brush sa buhok at sinimulang hagurin ang sariling buhok. Naupo muna siya sa gilid ng kama at tumingin sa malaking screen ng TV.
“Malapit na po ang elesksyon, Governor Rivas. Ang tanong po ng mga kababayan ninyo rito sa Bulacan, muli nga po ba kayong tatakbo?” tanong ng reporter sa gwapo kahit may edad ng goberador ng kanilang lalawigan. Ngunit kahit na halos perpekto ang mukha nito at hindi kababakasan ng pagkaabala sa pwesto ay hindi niya magawang humanga rito.
Tumigil siya sa pagsusuklay ng buhok saka tumayo. Lumapit siya sa tapat ng screen saka tinuon ang buong atensyon sa lalaking ngayon ay tila may nahihiyang ngiti sa mga labi.
“Sa totoo lang ay wala na sa plano ko ang tumakbo ngunit naririnig ko kasi ang mga boses ng aking mga kalalawigan. Gusto nila akong tumakbo kaya naman ang sagot ko sa tanong mo ay oo.” Tumingin ito sa camera. “Mga mahal kong kalalawigan ng Bulacan, tama po ang inyong narinig. Tatakbo po ako sa susunod na eleksyon kaya sana ay ako po ay inyong suportahan muli. Salamat nang marami sa inyong tiwala.”
Napalunok si Casey. Humugot siya ng malalim na hininga bago dinampot ang remote saka pinatay ang TV. Ilang sandal pa siyang nanatili sa kinatatayuan at napaisip. Paniguradnong nakarating na ito kay Zyra. Kaagad gumapang ang pag-aalala niya rito dahil ala niya na mabubuhay na naman ang galit sa puso nito.
Si Governor Rogelio Rivas kasi ang pinaghihinalaan ni Zyra na siyang may kasalanan kung bakit namatay ang mga magulang niya. Na-ambush ang mga magulang ni Zyra noong gabi na manggaling ito sa isang pagpupulong ng mga press kung saan nakasama ng mga ito ang magulang niya pero magkaiba ng sasakyan noong pauwi.
Nagulat na lang din ang mga magulang niya nang malaman kinabukasan na na-ambush ang mga kaibigan. Kaagad siyang nagtungo at dinamayan si Zyra na na tila sandaling nawala sa sarili. Alam niya kung gaano kamahal nito ang mga magulang. Parehas silang solong anak at ang mga ama nila ay matalik na magkaibigan.
Imbis na maging business partner sa iisang publication, nagpasya ang mga itong magat nagtayo ng sari-sariling kompanya at nagturingan na sister companies.
Nang ganap na alas otso nang umaga siya nakarating sa opisina. Sumenyas siya sa kaibigan na si Vivian na huwag maingay na kadarating lang niya. Bilang suhol dito ay inabot niya ang biniling kape na alam niyang tatalab ditto dahil paborito ni Vivian.
“Alam mo kung talagang walang kape, isusumbong talaga kita,” anito saka siya inirapan kasabay nang pagsimsim sa inumin.
Umayos siya ng upo sa harap ng kaniyang table saka ngumiti. “Kaya nga sinigurado ko talagang may kape akong madadala sa iyo.”
Natawa ito pero bahagyang bumulong, “pero, Casey. Kanina ay hinananap ka ng mga magulang mo. Akala ko nga mahuhuli ako pero buti na lang talaga nabasa ko ang text mo.”
“Thank you,” bulong din niya rito. “Anong sinabi mong alibi?”
“Sabi ko na lang nagpunta kang coffeeshop diyan sa baba whick is white lies naman kasi, di ba galling ka naman talaga roon.”
Tumango siya. “Oo, tama. Thank you ulit. Sige na inumin mo na iyang kape mo.” Nakahinga siya ng maluwag kahit paano. Minsan ay life savior din niya rin talaga itong si Vivian kahit na madalas siyang asarin na may secret boyfriend.
Wala naman kasi siyang nobyo mula noon. Hindi rin siya madaling ma-attract sa mga lalaki. Gwapo man iyan, mabango, mayaman o ano. Ewan niya. Siguro nga ay dahil hindi naman siya straight kagaya ng ibang mga kababaihan na kilala niya.
Mas gusto niyang manood ng mga girl to girl movie or series at talagang kinikilig siya sa mga ganoon. Pero nalulungkot din at naiinggit. Napapatanong din niya kung kalian ba siya makakahanap ng taong mamahalin siya.
Humugot siya nang malalim na hininga. Naalala niya si Zyra. Si Zyra na alam niyang mahla niya kahit noon pa man. Ang mga nararamdaman niyang pagka-concern ditto ay hinid lang basta dahil bestfriend niya ito. Hindi. Alam niya sa sarili na may iba pa. Na mas higit pa roon ang nararamdaman niya.
Nagsimula lang naman siyang makaramdam ng kakaiba rito nang minsang manood sila ng romance movie. Hindi naman iyon l***q+ theme ngunit nang Makita niyang naghalikan ang babae at lalaki, wala man lang epekto sa kaniya. Ngunit nang minsang manood siya nang solo sa kaniyang silid tungkol sa dalawang babaeng nagmahalan, nakaramdam siyang kakaibang excitement at tuwa. Na parang na-curious siya kung ano ang pakiramdam na mahalin ka ng kapwa mo babae.
At ang unang pumasok sa isip niya ay si Zyra, walang iba.
NANG MAG-alas diyes nang umaga ay oras na ng kanilang break time. Tumayo siya at nagtungo sa kanilang pantry. Dala niya ang tumbler na may pangalan niya saka naglagay ng mainit na tubig at nilagay ang tea bag. Habang hinahalo niya iyon gamit ang kutsara ang humakbang na siya patungo sa pinto ngunit sakto naming dating ng kaniyang ina.
“M-mommmy!”
Tumingin pa muna ito sandal sa paligid bago siya hawakan sa braso at bahagyang itulak papasok sa loob ng pantry. “Anak, akala mob a ay wala akong alam kung nasaan ka kagabi?” Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Hindi ko lang sinabi sa daddy mo dahil baka magpatawag ng isang batalyon ng mga sundalo iyon kapag nagkataon!”
“A-alam mo po?” tanong niya rito.
Tumango ito. “Anak kapag ganoon, ipapaalam mo sa akin dahil mahirap ang lumalabas nang mag-isa sa idsoras ng gabi. Gusto ko na talagang pagalitan si Ed dahil pinapayagan ka niya.”
“Mommy, walang kasalanan si Manong Ed ditto. Akon a lang ang pagalitan mo kasi nagtatrabaho lang naman po siya at maayos naman po akong nakauwi.”
Ilang sandali siya nitong tinignan bago tumango ulit. “Oo na pero sa susunod, huwag na huwag ka lalabas nang ganoong oras. Hindi ako nakatulog nang maayos kakaisip kagabi tapos hindi naman ako pwedeng magpahalata dahil kilala mo ang ama mo. Kaunting bagay, pinalalaki.”
Siya naman ang tumango. “Yes, mommy.” Namataan niyang suot nito ang bag. Kapag ganoon kasi ay may pupuntahan ito. “May lakad ka, mom?”
“May meeting kami maya-maya ng daddy mo kaya baka hindi kami ditto mag-lunch.” Tumango lang siya pero nagsalita ulit ito. “How’s Zyra? Kahapon ang 5th year death anniversary ng parents niya.”
“Kaya nga po, mommy. Uminom nga iyon para siguro makalimot kahit na paano.” Gumapang na naman ang awa na nararamdaman niya para dito.
“Wala naman kasi tayong magagawa kahit na magmukmok tayo. Limang taon na ang nakalilipas. Dapat ay mag-focus na lang siya sa negosyo.”
“Mommy naman…”
“Okay okay, I’m sorry kung nasasabi ko ang mga bagay na ito.” Huminga ito ng malalim. “Siya lang din kasi ang nagpapahirap sa kalooban niya.” Inayos nito ang suot na damit. “Ayos lang ba ang damit ko?”
“Yes. Saan ba ang punta ninyo ni Daddy?”
“Tatakbo kasi sa susunod na eleksyon si Governor Rivas at tinawagan ako ng asawa nitong si Mildred. Syempre, tayo ang kinuha upang palagi nating ibalita ang mga magagandang nagawa ng asawa para naman malaman ng mga tao at muling iboto.”
Hinid siya kumibo. Pasimple siyang napaisip kung bakit sa dinami-dami ng mga pwedeng publications, sila pa ang napili. Baka kasi mamaya ay kung ano ang isipin ni Zyra.
“Nandiyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap,” wika ng daddy niya sa ina at nang Makita siya ay sumilay ang matamis na ngiti nito sa mga labi. “You’re also here, my princess! Lumapit ito sa kaniya saka pinatong ang isang braso sa balikat niya. “Saktong-sakto dahil may lakad kami ngayon ng mommy mo.”
“Yes, dad. Nabanggit nga po ni mommy.” Ngumiti siya rito.
“Really? Oh that’s great! Ang mabuti pa ay sumama ka na lang sa amin para naman maipakilala kita sa ibang mga kaibigan natin sa industriyang mayroon tayo. Ipapakilala rin kita sa mga ibang negosyanteng gustong mag-invest sa atin. Baka mapapayag natin sila dahil sa ganda ng anak ko!”
“P-po?” Pinamulahan siya ng mukha. “Dad naman, e puro kayo biro.”
“Come on, my princess. Hindi ka na nga sumabay mag-breakfast sa amin kanina dahil sabi ng mommy mo, nauna ka na raw pumasok. Kaya sana naman, samahan mo na kami… but of course, I am just kidding sa sinabi kong baka magandahan sila sa iyo dahil kahit na mangyari nga iyon, bawal ka pa rin na ligawan ng mga kung sino lang diyan. Bawal pa.”
“Ano? But, dad. I’m already 26 years old.”
“And so what?” Inalis nito ang kamay sa balikat niya. “Tara na. Hindi ka pwedeng tumanggi, anak. Magtatampo na talaga ang daddy.” Nagsimula na itong maglakad habang nagkatinginan naman silang mag-ina.
“Mom…”
“Sumama ka na lang, anak. Baka magtampo ang matanda,” anito saka napangisi bago sumunod sa asawa.
Wala na nga yata siyang ibang choice. Bumuga siya ng marahas na hininga. Kaagad siyang bumalik sa kaniyang table. “Vivian, aalis muna ako.”
“Hulaan ko. Gusto ng daddy mo na sumama ka sa kanila, no?”
“Yeah. So, paano ikaw na ang bahala rito.” Dinampot niya ang bag saka nagsimulang landasin ang mahabang pasilyo pasunod sa mga magulang.
SA ISANG tapat ng sikat na restaurant huminto ang kotse na sinasakyan ninyo Casey. Maraming mga sasakyan ang nandoon at mukhang mga bigatin din kagaya ng kanilang kompanya. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit isa ang Good Morning Philippines sa mga nangungunang newspaper publication sa bansa.
“Let’s go,” ani daddy niya kaya naman bumaba na siya habang ito naman ay inalalayan pa ang kaniyang mommy.
Hindi lang naman ito ang unang beses na makikipagharap siya kasama ng mga magulang sa mga soon-to-be investors ng company nila. Ang problema kasi ay may koneksyon ang gagawin nila ngayon kay Governor Rogelio Rivas. Paniguradong mapapaisip at baka magalit pa nga si Zyra kapag nalaman ang bagay na ito.
Isang malalim na buntonghininga muna ang pinakawalan niya bago humakbang pasunod sa mga magulang. Pagkapasok pa lang sa loob ay halatang mayayaman lang ang may kakayahang kumain sa lugar na iyon. Ang ambiance ay tila may pagka-peaceful. Ang music na maririnig ay instrumental lang na tila may nakapagpapagaan ng pakiramdam ng mga customers na kumakain. Ang mga ilaw, hindi masyadong maliwanag.
May kinausap ang daddy niya at narinig niya ang waiter na sumunod daw sila roon. Ang mommy niya ay nakakapit sa isang braso ng asawa habang siya naman sa kabila. Lahat ng mga makasalubong niya ay binabati ng mga magulang niya at ganoon din siya.
Tumigil sila sa isang pinto at nang buksan iyon ng waiter ay bumungad sa kanila ang mga iilang tao na sa unang tingin pa lang ay alam na niang mga bigatin.
“What a beautiful family!” bulalas ni Mildred Rivas—ang asawa ni Governor Rogelio Rivas. Natuon ang atensyon nito sa kaniya. “So ito na pala ang sinasabi mong tagapagmana mo ng kompanya mo. Tama ka nga, Mr. Atonal. Your daughter is so pretty!”
Ngumiti siya rito. Pakiramdam niya ay kasing pula ng kamatis ang mukha niya dahil hiyang-hiya siya. Nasa kaniya rin kasi ang buong atensyon ng lahat ay nasa kaniya tapos ang ganda pa ng nagsasabi niyon sa kaniya. Hindi maitatanggi na dati itong beauty queen. Kutis porselana rin itong gaya niya at hindi yata tumatanda.
“Kanino pa ba magmamana?” Mayabang na wika ng daddy niya kaya naman napuno ng tawanan ang silid na iyon.
“Hindi naman kami aangal diyan,” ani Mildred Rivas na may magandang ngiti pa rin hanggang ngayon. “Maupo kayo.”
Lumapit sila sa mga bakanteng sila at kagaya ng nakagawian, ang daddy niya ay pinaghila muna siya ng upuan at pati a rin ang kaniyang mommy. Bagay na talagang isa sa mga hinahangaan na katangian sa daddy niya.
Nang makapwesto sila ay isa-isa nang nagdadatingan ang mga pagkain. Maaga pa kung tutusin para sa lunch pero ganito talaga magkaroon ng lunch meeting ang mga daddy niya. Makailang beses na siyang sinama nito sa ganoong klase lunch meeting pero ngayon lang siya nakasama dito kay Mildred Rivas.
Kung wala siyang alam nab aka may kinalaman ito sa pagkamatay ng mga magulang ni Zyra, baka magaan din at maayos ang pakiramdam niya rito panigurado ngunit nahahati kasi ang pakiramdam niya dahil sa kaibigan.
Kumakain na sila ng main course nang may kumatok. Ang secretary ni Mildred Rivas ang siyang nagbukas ng pinto upang alamin kung sino iyon. Nang igala niya ang mga mata ay wala na siyang nakitang bakanteng silya.
Tinuon na lang niya ang atensyon sa pagkain kahit pa ang ibang kasalo nila ay abala sa pagtingin kung sino ang nasa pinto. Sandaling bumalik kay Mildred ang secretary nito upang ibulong ang sinabi ng writer. Sumilay ang ngiti ng babae. “Papasukin ninyo siya.”
Sumunod naman ang secretary nito saka binuksan muli ang pinto.
Ganoon na lang ang pagkagulat ni Casey nang makita si Zyra. Sexy na sexy ito sa suot nitong pencil cut skirt at long sleeves polo na naka-tuck-in habang ang buhok nito at nakatali nang mataas. May dala itong handbag habang sa isang kamay naman ay tablet. May suot itong ID ng Gazette Philipines na kitang-kita ang panagalan sa makapal na lace ng ID.
“I am very sorry, Mrs. Rivas. Sobrang traffic po kasi,” matamis ang ngiti ni Zyra. Gusto niya humanga rito dahil walang kabakas-bakas sa mukha nito na may tinatago itong galit at poot sa asawa ng kausap.
“Don’t worry, hija. Actually it’s our pleasure that you have time para sabayan kami mag-lunch kasama ang ibang CEOs ng mga publications dito sa Pilipinas. I heard a lot of things about you.”
Nahihiyang napayuko pa si Zyra habang nakangiti sa babae. “Thank you, Mrs. Rivas.”
“Have a seat please, pasimula pa lang naman kami.” Tumingin ito sa mga silya ngunit wala ng bakante.
Kumabog naman ang puso niya nang magsalubong ang mga tingin nila pero gusto niya matawa nang daanan lang siya nito ng tingin.
“Oh, kaya pala walang vacant seat, sinama nga pala ni Mr. Atonal ang only daughter niya but it’s okay,” anito saka kinausap ang secretary at nagpautos sa mga staff ng restaurant na magpadala sa sa loob ng isang silya.
Nakakunot ang noo niya. ‘Anong trip ng babaeng ito at bakit hindi ako pinansin?’ tanong niya sa isip. Nakatayo na ito ngayon sa likuran niya pero hindi niya ito nililingon.
Maya-maya ay may staff na may dalang silya at nilagay sa tabi niya. Wala naman sanang problema kung pinansin siya nito pero hindi. Gusto niya ito tanungin kung anong ginagawa nito ngayon dito?
Nang makaupo sa kabilang gilid niya si Zyra ay naramdaman ni Casey ang pagkalabit ng mommy niya sa kaniya. Tumingin siya rito at gamit lang ang mga mata at tila tinuturo nito si Zyra pero kagaya nito ay wala rin siyang ideya kung bakit. Siguro ay mamaya na lang niya ito tatanungin sa oras na magkaroon ng libre oras.
NANG MATAPOS ang lunch meeting na iyon ay naging abala ang mga magulang ni Casey sa pakikipagkamay kay Mildred Rivas na tila mga nagkakasiyahan pa. Pagkatapos nilang kumain ay sinimulan na agad nito ang pagpapaliwanag sa kanila kung ano ang nais nitong na gawin nilang mga nasa publikasyon.
Kailangan ilabas ang mga magagandang proyekto ni Rogelio Rivas, ang pakikipag-ugnayan nito sa mahihirap, pagbibigay ng agarang tulong sa mga batang lansangan at kung ano-ano pa. Lahat ay puro pampapabango lang upang makuha ang tiwala ng mga tao.
At gusto na lang niya talaga matawa dahil pasimple niyang pinagmamasdan ang kaibigan kanina. Tila interesado talaga itong makiisa gayong ito ang may pinakamalaking galit kay Rivas.
‘Hindi ko alam kung ano na ngayon ang naiisip mo o ang plano mo pero sana lang ay huwag ka mapahamak, Zyra.’ Napailing na lang siya nang bahagya.
Nakalabas na sila ng pribadong silid nang magpaalam siya sa mga magulang na pupunta lang siya sandal sa powder room. Pagdating naman sa loob ay tila noon lang siya nakahinga nang maluwag. Parang ang hirap kasi huminga roon kanina.
Pumasok siya sa bakanteng cubicle. Nang matapos, ganoon na lang ang gulat niya nang mabungaran si Zyra. Nakasandal ito sa lababo at tila kanina pa siya hinihintay. Nasa sahig ang mga mata nito. Humugot muna ito ng malalim na paghinga bago iangat ang tingin sa kaniya.
Siya naman ay nakabawi rin agad sa gulat. Tiningnan niya ito. “Anong pinaplano mo?” tanong niya rito.
Nagkibit ito ng balikat. “Wala.”
“Anong wala?”
“Look, wala akong pinaplano. Wala kong masamang gagawin, okay?”
“Zyra, baka mapahamak ka kasi—“
“Bakit ako mapapahamak kung wala naman akong gagawin na masama, di ba? Kumalma ka lang kasi, Casey.”
Natahimik siya. May sumundot na kirot sa puso niya. Heto na naman iyong pakiramdam niya na tila nababalewala ang mga concern niya sa kaibigan.
“Magbabanyo lang ako—“
“Bakit hindi mo ako pinansin kanina roon sa loob?” tanong niya nang hindi siya makatiis.
Napahinto rin ito sa paglalakad at dahan-dahan siyang tiningnan. Walang emosyon na ngayon siyang mabasa sa mukha nito bagay na kinaiisan niya. Hindi niya kasi mabasa ang nararamdaman nito kahit sa mga mata, blangko at walang makikitang kung ano.
“Para sa ikabubuti mo iyon.” Tumalikod na ulit ito at pumasok sa pinanggalingan niyang cubicle.
Nalunok ni Casey ang laway kasabay ng pagkirot ng puso niya. ‘Sa ikabubuti ko? O talagang ayaw mo lang ipaalam sa iba na magkaibigan tayo?’