TAHIMIK LANG si Casey habang pabalik sila sa office. Katabi niya ang kaniyang mommy na tila kanina pa siya gustong tanungin pero dahil wala talaga siya sa mood, hindi tuloy ito nagbabakasakali. Ramdam niya ang tiingin nito kahit pa ang atensyon niya ay nasa labas ng bintana.
Tumikhim ang daddy niya kaya naman sinulyapan niya ito. Lumingon ito sa kaniya. “Anak, may alam ka ba kung bakit nagpunta si Zyra kanina sa meeting antin with Mrs. Rivas?”
Huminga siya ng malalim. “To be honest, dad, kahit po ako yay nabigla rin nang makita ko siya kanina.”
“Ang mas nakakapagtaka, anak. Hindi man lang niya tayo binate. Kahit ikaw, Casey.” Bakas sa mukha ng mommy niya ang labis na pagtataka sa inasal ng kaibigan.
Gustuhin man niyang sagutin ang mga tanong nito, wala rin naman siyang maisagot.
‘Para sa ikabubuti mo iyon’
Muling naalala ni Casey sa kaniyang isip ang sinabing iyon ng kaibigan. Mas lalo siyang napatanong king ano ang pinaplano nito at bakit nito nasabing para iyon sa kabubuti niya? Kaya ba pati ang magulang niya ay hindi nito pinansin?
Para tuloy gusto niyang tawagan ngayon si Zyra pero baka nandoon pa iyon sa restaurant kasama si Mrs. Rivas. Mamaya na lang siya dadaan sa unit nito bago umuwi sa bahay.
“Honey, maganda ang offer ni Mrs. Rivas, di ba?”
Narinig ni Casey na nagsalita ang daddy niya upang sagutin ang tinuran ng kaniyang mommy ngunit hindi na siya nakisali pa sa usapan. Lumiplipad ag isipan niya tungkol kay Zyra. Gusto na niyang matapos ang oras ng trabaho kung pwede lang niyang hilahin ang oras ay ginawa na sana niya.
Pagkarating nila sa office ay nauna na siyang magpaalam sa mga magulang. “Mauna na po ako.”
“Anak, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng daddy niya ngunit ngumiti at tumango na lang siya rito. Ayaw niyang sabihin ditto kung ano man ang nasa isip niya dahil baka kung ano-ano pa ang tanungin nito. Sa simpleng ‘ayos ka lang’ nagsisimula ang pag-iinterega nito kung minsan lalo na kung tungkol sa iniisip niya.
Nang makabalik siya sa kaniyang pwesto ay napansin kaagad si Casey na tila problemado ito. Umupo siya sa tabi nito saka binuksan ang laptop na nasa harapan. “Anong problema?”
“Nabura kasi iyong file ng article na sinulat ko ngayon.”
Kumunot ang noo niya. “Wala kang extra copy??”
Umiling ito. “Wala. Hay naku! Cramming ako nito.”
Tinapik niya ang braso nito. “It’s okay. Ako man nagkakaganiyan minsan pero trust me. Mas maganda pa diyan ang maisusulat mo.” Umayos siya ng upo sa tapat ng laptop saka sinimulan ang trabahong nabitin kanina.
ALAS-SINCO nan g hapon nang matapos ang trabaho ni Casey. Kaagad niyang niligpit ang mga gamit sa lamesa. Sandali rin siyang nag-ayos ng mukha. Kaunting retouch ng make-up pati ang pag-ayos ng buhok a medyo nagulo.
“Uuwi ka na?” tanong ni Vivian sa kaniya habang panay ang lagay nito ng mascara sa mga piki-mata.
“Hindi pa. May dadaanan pa ako.” Dinampot na niya ang bag saka nagpaalam sa kaibiagn. “See you tomorrow. Ingat ka,” aniya rito.
Nagmadali talaga siyang makababa sa lobby ng office dahil baka maabutan na naman siya ng daddy at mommy niya. Paniguradong magtatanong na naman ang mga ito at kapag nagkataon, sasabihin na naming sumabay siya sa mga ito kahit pa may sariling siyang sasakyan na dala.
Nakahinga lang siya nang maluwag nang makasakay kay Shimmer. Ang kotse niyang kulay pink. Sinulyapan niya muna ang cellphone upang tingnan kung may mensahe bas a kaniya ang kaibigan ngunit wala pa ring paramdam si Zyra. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya. Ilang sandal pa ay nagmamaneho na siya at binabagtas ang daan patungo sa unit ng kaibigan.
KAAGAD NA pumasok sa elevator si Casey. May dalawang babae ang nandoon sa loob ngunit hindi na niya pinagtuunan iyon ng pansin. Ngunit nang tawagin siya nito, ganoon na lang din ang gulat niya.
“Casey?”
“Britney, ikaw pala iyan,” aniya nang nakangiti.
Bahagya itong lumapit sa kaniya at tumingin sa kasama nitong babae. “Buti nagkita tayo ulit. By the way, this is my best friend—Ava. Ava this is Casey Atonal.” Pagpapakilala nito sa kaniya sa kasama. Maganda rin ito at animo isang modelo pero base sa suot nito ay hindi maipagkakailang isa itong nurse. Naksuot kasi ito ng srubs na kulay asul.
Nilahad naman nito ang kanang kamay sa harapan niya. Nakangiti niyang tinanggap iyon. “It’s nice to meet you, Miss Ava,” bati niya rito.
“Sam to you, Miss Casey.”
Napalingon silang dalawa kay Britney nang tumawa ito. “Bakit ang pormal ninyong dalawa?”
Bakas naman sa mukha ni Ava ang pagkahiya kait pa nakangiti ito sa kaniya. Siya naman ay hindi na lang pinansin ang pagbibiro ni Britney. Tinuon niya ang paningin sa elevator panel at hinintay na makarating siya sa floor kung na saan ang unit ni Zyra.
“Pupunta ka ulit sa kaibigan mo?”
“Oo.” Sakto namang tumunog ang elevator hudyat na nandoon na siya. Humakbang siya palabas at hindi na siya nagulat nang lumabas at sumunod sa kaniya ang dalawa dahil nabanggit naman ni Britney sa kaniya na pareho ng floor ni Zyra ang unit na tinutuluyan nito.
“Saan ba rito ang kaibigan mo?” tanong ni Britney.
“Unit 143 siya.”
“Uy, sa unit 145 lang ako!” Nakangiting wika nito sa kaniya. Kahit siya ay napangiti na lang din. Hindi niya ito masyado makausap dahil okupada ang isipan niya at gusto nang puntahan kaagad ang unit ni Zyra.
Nang malapit na siya sa unit ng kaibigan at napahinto na lang siya nang makitang may lumabas mula sa pinto ng tinitirhan ni Zyra. Hindi niya iyon kilala pero maganda ang babae. May katangkaran ito at halata sa bihis na mula sa mayamang pamilya.
“Aalis na ako. Mag-iingat ka rito.” Narinig niya ng bilin nito sa kausap na sa tingin niya ay si Zyra. Hindi kasi tanaw mula sa kinatatayuan niya ang kung sinong nasa loob ng unit nito. Bumagal ang hakbang nina Britney at Ava habang nakamata sa kaniya ang mga ito. Sinulyapan din ng dalawa ang tinitingnan niya at bakas sa mga mukha ang pagtataka.
“Oo na. Sige na, umalis ka na. Mamaya ay may makakita pa sa iyong nandito ka.”
Umismid ang babae. “Sweet mo naman.”
“Sige na. I will call you later.” Narinig ni Casey ang pagtawa ng kaibigan niya. Maya-maya lang ay naglakad na ang babaeng lumabas mula sa unit ng kaniyang kaibigan. Dinaanan lang siya nito dahil.
Nagkatinginan sila nina Britney at Ava. Maya-maya pa ay nagpaalam na ang dalawa. “Pasok na kami rito. Minsan pasyal ka rito, ah!” ani Britney. Tumango na lang siya at bahagyang ngumiti rito bago nagpatuloy sa paglalakad.
Sarado na ang pinto ng unit ni Zyra nang huminto siya roon at tumayo. Muli ay tumanaw siya sa pasilyong nilakaran ng babaeng kausap kanina ni Zyra. Sa tagal nilang magkaibigan ay ngayon lang niya nakita ang babaeng iyon. Huminga muna siya nang malalim bago niya nilabas ang kaniyang duplicate key. Pumasok siya sa loob at naabutan niya si Zyra na nagluluto sa kusina.
Amoy na amoy niya ang niluluto nitong adobo na talagang nanunuot ang amoy sa kaniyang ilong. Lumingon sa kaniya si Zyra na kaagad namang ngumiti at inalis ang suot na apron.
“Sabi ko na nga ba at pupunta ka rito. Buti na lang talaga at malakas ang pakiramadam ko kaya nagluto ako ng dinner natin.” Lumapit ito sa lababo upang maghugas ng kamay. “Magbihis ka na roon sa loob ng kwarto. Iyan pa iyong suot mo kanina sa meeting, ah. Dumiretso ka rito from office?”
Gusto niyang matawa dahil tila walang nangyaring gulatan kanina sa meeting at parang kalmado lang ito. Parang wala itong ginawang kinaiinisan niya ngayon. Nilibot niya ang buong unit. Tiningnan niya kung may bakas ba roon na naiwan ng babaeng galling dito kanina. Mabuti at wala naman.
Tiningnan niya ang kilos nito na ngayon ay gumagawa ng orange juice. Muli siyang sinulyapan nito nang may ngiti sa mga labi pero nang makitang salubong ang mga kilay niya ay unti-unting sumeryoso ang mukha ni Zyra. Binitiwan nito ang hawak na panghalo ng juice.
Humugot siya nang malalim na hininga bago nagsalita. “Anong pinaplano mo?”
Natawa ito pero alam niyang peke. “Casey, hanggang ngayon ay iyan pa rin ang itatanong mo sa akin? Hindi ba at sinagot ko na iyan? Wala akong pla—“
Tumango siya. “Okay, sige. Kung ayaw mo magsabi sa akin, okay fine. Basta, binalaan kita.”
“Thanks.”
Nag-iwas siya ng tingin. “Bakit pati sila mommy hindi mo pinansin. Nagtataka rin sila sa inasal mo kanina.”
Sandali itong nag-isip. “Ah, iyon ba?” Muli nitong hinawakan ang panghalo ng juice at hinalo ang inumin sa pitsel. “Kagaya lang din ng sinagot ko sa iyo kanina.” Huminto ito at tiningnan siya. “Para sa ikakabuti mo. Ninyo.”
Siya naman ang natawa. “Bakit kasi hindi mo na lang sabihin kung anong pinaplano mo para naman hindi ako nangangapa. Ang hirap kasi sa iyo, basta mo na lang ginagawa ang mga bagay na alam mong sa huli—“
“Ano? Na talo ako? Na wala akong mapapala at mapapahamak lang?”
“Zyra…”
“Look, Casey, alam ko na concern ka sa akin kasi ‘kaibigan’ kita. Pero sana, maintindihan mo rin kung bakit ako nagkakaganito kasi nga ‘kaibigan’ kita, di ba?” Ang mga nito, kitang-kita niyang may dumaang sakit sa tuwing babanggitin ang salitang ‘kaibigan.’
Mabilis na nangilid ang luha ni Casey sa mga mata niya. Pakiramdam niya ay may batong bumara sa kaniyang lalamunan kaya nagsisikip ang dibdb niya.
Bakit sa bawat pagbanggit nito ng salitang 'kaibigan' ay nasasaktan siya? Dahil ba umasa siya na baka mas higit pa roon ang ang nararamdaman nito para sa kaniya?
Napayuko si Casey at pilit na pinigilan ang pagtulo ng mga luha. Muli niyang inangat ang tingin dito maya-maya. "O-oo. Kaibigan kita kaya... Kaya concern ako sa iyo."
Tila natigilan si Zyra ngunit mabilis din na nakabawi. Tumango ito. "Hayaan mo na lang ako sa kung anong mga ginagawa ko. Maniwala ka sa akin, kaya ko ito. Kaya kong itong mag-isa."
Parang may humiwa sa puso niya nang marinig ang huling salita. Hindi naman ito dapat nakakaramdam na tila walang karamay sa mundo. Nandito siya. Handa siyang dumamay sa kaibigan sa paraan na kaya niya. Kung hindi lang sana ito naglilihim sa kaniya.
Lumunok siya ang laway kahit pa tila may batong nakaharang sa lalamunan niya. Huminga siya nang malalim bago nagsalita, "Alam ko. Alam ko na kakayanin mo iyan nang mag-isa."
Umiwas ng tingin si Zyra sa kaniya.
"Pero sana isipin mo, may mga taong willing na tumulong sa iyo kung hindi mo lang sila paglilihiman." Kitang-kita niya ang gulat sa mukha ni Zyra dahil sa sinabi niya. "Uuwi na ako." Kaagad na siyang naglakad palabas ng unit nito. Nagkausap na sila, okay na iyon. Sana lang din ay naparating niya rito na masama ang loob niya dahil nagtatago na ito ngayon sa kaniya.
NANG MAKASAKAY si Casey kay Shimmer ay doon lang niya nilabas ang lahat ng luhang kanina pa niya pinipigilang bumagsak. Ang sama ng loob niya kay Zyra pero naiintindihan din naman niya ito sa isang banda.
'Hindi na talaga maganda itong nararamdaman ko para sa kaniya. Baka mas mahirapan ako kapag mas lalo akong nahulog.'
Ngunit anong gagawin niya? Iiwasan niya ang kaibigan? Hindi. Hindi niya iyon magagawa. Bukod sa hindi naman deserve ni Zyra ang ganoong, mahihirapan din siya. Hindi niya rin kaya.
Ilang sandali pa ay binabagtas na niya ang daan patungo sa kanilang bahay. Siguro ay mas maganda kung ipapahinga na lang muna niya ang katawan at isipan upang hindi makapag-isip ng mga kung ano-ano.
NANG MAKARATING si Casey sa bahay ay dumiretso siya kaagad sa silid niya. Sandali siyang namahinga sa kama pero nang makuntento ay tumayo rin siya upang magtungo sa walking closet. Namili siya ng isusuot na pantulog.
Pumasok siya sa loob ng banyo at nilagyan ng tubig ang bath tub ng tubig na may maligamgam na temperatura. Naglagay din siya ng mga ilang petals ng rosas doon. Kumuha rin rin siya ng bath bomb na amoy lavander at hinulog sa bath tub. Ilang sandali lang ay kumalat na iyon sa tubig kaya naman amoy na amoy na ang lavander scent nito sa banyo.
Tinali niya ang buhok saka naghubad ng damit. Nagsuot siya ng bathrob na silk ang tela. Kulay pink iyon na siyang paborito niyang kulay. Dahan-dahan siyang pumwesto roon. Sinandal niya ang ulo niya sa gilid ng bath tub saka pinikit ang mga mata. Kaagad namang gumapang ang ginhawa sa kaniyang katawan nang maramdaman niya ang maligamgam na tubig.
Sa ganitong paraan niya nilalabas ang kaniyang stress. Ibababad ang katawan nang kulang isang oras sa maligamgam na tubig upang ma-relax siya.
Ngunit kahit nakapikit at tila bumabalik sa kaniyang isipan ang mga nagng usapan nila kanina ni Zyra. Pati ang kirot sa puso ay pabalik-balik din.
Pilit niyang inalis sa isip ang kaibigan. Kailangan niyang kalimutan muna ito pansamantala dahil baka naman siya ang mabaliw kakaisip ditto. Buong buhay niya ay ito lang ang minahala niya nang ganito kaya naman nahihirapan siya kung ano ang dapat na gawin. Gusto niya itong kausapin sa maayos na paraan pero sa huli ay nagtatalo lang sila.
‘Kaya ko naman ito nang mag-isa.’
Kinagat ni Casey ang ibabang labi nang marinig ang boses sa isip. Nagkakaroon tuloy siya ng pagdududa sa sarili niya kung nagiing mabutiing kaibigan ba siya rito o hinid. Dahil kung oo, hindi nito iisipin na nag-iisa ito. Dinilat niya ang mga mata saka sinimulang kuhanin ang mga bula sa tubig upang paglaruan.
Heto na nga naman siya sa labis na pag-iisip. Muli siyang pumikit upang ma-relax ulit ngunit ilang katok ang pumukaw sa kaniyang atensyon.
“Anak, ang mommy ito,” anito sa malakas na sigaw.
“Bakit, mommy? Nasa banyo ako.”
“Anak, kakain na tayo ng dinner. Sumabay ka sa amin. May bisita sa baba.”
Sandali siyang natigilan at napaisip kung sino ang maaaring bisita ang tinutukoy ng mommy niya. “Susunod na lang po ako!”
“Bilisan mo. Hihintayin ka naming sa dining area.”
Nabitin man sa ginagawa ay hindi naman siya maaaring hindi sumunod sa kaniyang mga magulang. Baka mamaya ay magdrama na naman ang daddy niya dahil lang sa hindi siya sasabay mag-dinner sa mga ito.
T-shirt at short na pambahay ang napili niyang isuot. Diretso pantulog na niya iyon at doon siya komportable. Presentable rin naman iyon. Nagsuklay lang siya ng buhok. Mamaya na lang niya iyon ibo-blower kapag natapos sila mag-dinner.
Nasa hagdanan pa lang ay rinig na ni Casey ang tawa ng kaniyang mommy mula sa dining area. Lalo tuloy nagging palaisipan sa kaniya kung sino ang bisita nila ngayon. Naglakad siya papunta sa mga ito at ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang isa sa mga lalaking pinakilala ng daddy niya noong isang araw. Kung hindi siya nagkakamali, Thomas ang pangalan nito. Matangkad ito, maputi at gwapo lalo na kapag ngumingiti.
“Oh, hija, nandiyan ka na pala. Kilala mo na si Thomas, di ba?” tanong ng daddy niya.
Tumayo si Thomas upang lumapit sa kaniya at iabot ang isang bouquet ng mga rosas. Sa gulat at natanggap na lang niya iyon. Nang tingnan niya ang mga magulang ay ganoon na lang kalaki ang ngiti sa mga labi nito. Tila tuwang-tuwa sa nakitang eksena nang pagbibigay ng bulaklak ng bisita nila.
“T-thank you,” aniya na lang dahil medyo nahihiya siya sa mga tingin ng mga magulang.
“Don’t worry, anak, May ganiyan din naman ako,” ani mommy niya sabay turo sa isang gilid. Nandoon ang isang kasambahay nila na siyang abala sa mga bulaklak na bigay ni Thomas na ilagay sa flower vase. “Mercy, pakilagay na lang iyan sa kwarto naming ng sir mo, ha?”
“Opo.”
Natuon naman ang mga mata ni Casey sa hawak na mga bulaklak. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga iyon pero isa lang ang sigurado, hindi niya iyon ilalagay sa kaniyang silid. Hindi naman sa ayaw niya niyon. Hindi lang talaga siya mahilig sa mga bulaklak.
Naupo siya sa kaniyang datihang pwesto. Iyon ay sa kaliwang bahagi ng kaniyang daddy. Sa kanan ang mommy niya at si Thomas, sa tabi niya ito nakapwesto. Kahit hindi niya ito lingunin ay ramdam ni Casey ang mga tingin nito. At sa bawat pagtatama ng kanilang mga paningin, naiilang siya.
Marahil ay dahil wala naman siyang interes sa lalaki kaya ganoon. Pero kung siya ay pinanganak na straight, baka nagkagusto na siya kaagad sa binata.
“Mabuti naman at naisipan mong mamasyal dito sa amin,” wika ng daddy niya kay Thomas sa gitna ng pagkain nila.
“Masyado po kasi akong naging abala sa pag-aaral kaya ngayon lang nagkaroon ng oras,” tila nahihiyang sagot naman ni Thomas at napasulyap pa sa kaniya.
“Nag-aaral ka pa? Ilang taon ka na ba?” tanong niya rito na kinagulat ng mga magulang niya.
“Hija…”
“I’m just curious, mom.” Kasi kung nag-aaral pa ito, baka naman mas matanda pa siya rito. Hindi lang halata dahil sa build ng katawan nito at sa height.
“I’m 27 years old. Actually, graduating na ako. Law ang kurso ko,” anito saka ngumiti sa kaniya.
Siya naman ay napanganga. “W-wow! Seryoso?” Tumango naman ito.
“Alam mo, hijo, maswerte ang mapapangasawa mo kasi bukod sa taglay mong kagwapuhan, matalino ka rin…. Hindi ba, Casey?”
Lumingon siya sa ama niya. Bakit biglang nagbago ang pakiramdam niya. Mukhang may nais na ipahiwatig ang mga salita nito. Ngumiti lang siya rito dahil ayaw naman niyang umalma sa sinasabi nito. Tama ang daddy niya. Swerte naman talaga dahil halos lahat ay na kay Thomas na. Ngunit hindi para sa kagaya niyang babae ang tipo.
Nang matapos ang dinner na iyon ay pinilit pa siya ng daddy niyang ibigay ang number niya rito kay Thomas. Halatang nahihiya rin ang binata. Hindi niya alam kung bakit pero binigay na lang niya para matahimik ang daddy niyang nag-fefeeling kupido na ewan.