CHAPTER 10

1062 Words
CHAPTER 10   MASAYANG BINALITA ni Casey sa mga kaibigan na pinayagan siya ng kaniyang mga magulang lalo na noong sinabi niya kay Jeanm na sagot ng company ang lahat ng gagastusin sa The Alchemist.   “Naku, nakakahiya naman, Casey pero hindi ko iyan tatanggihan ha? Blessing iyan, e!” ani Jean na natawa sa sariling sinabi.   “Oo naman. Gusto ko rin naman mag-enjoy nang bongga kaya naman mamaya, wala tayong iisipin kung hindi ang magsaya,” sagot niya habang nakatingin sa mga kaibigan na bakas ang sobrang tuwa sa mga mukha. Nagpaalam siya sa mga itong tatapusin lang ang trabaho naiwan kanina sa laptop.   Namataan niya ang cellphone niya na umilaw. Naka-silent kasi kaya naman kung hindi niya sa nasulyapan, hindi niya malalaman na marami na pa lang miscalls ang nandoon. Dinampot niya ang cellphone at nakita niyang isang numero lang ang tumatawag sa kaniya. Hindi iyon naka-register.   Kumunot ang noo niya dahil wala namang nakakaalam ng kaniyang number. Sinubukan niya itong i-text ngunit hindi pa niya na-sesend ang mensaheng ginawa para dito ay muli na naman itong tumawag. Sinagot niya iyon kaagad. “Hello? Who’s this?” tanong niya habang hindi nawawala ang pagkasalubong ng mga kilay.   “Hello, Casey. It’s me Thomas,” buong-buo ang boses nito. Kahit boses ay tunog gwapo.   Napanganga siyang literal. “Oh, Thomas. Ikaw pala. Bakit ka napatawag? Pasensya ka na kung hindi ko nasagot calls mo kanina, kausap ko kasi ang parents ko,” bigla siyang nahiya rito. Napasulyap siya sa bulaklak na nasa gilid ng table niya.   “It’s okay. Natanggap mo ba ang bulaklak na pinadala ko?” tanong nito sa kaniya.   “Oh, yes yes. Thank you so much pero hindi mo nman ako kailangan na bigyan ng mga bulaklak.”   Tumikhim ito sa kanilang linya. “Bakit? Aham, may magagalit ba?”   “W-wala naman kaso kakabigay mo lang kasi kagabi ng flowers. Masyado kang napapagastos.”   “It’s okay. Wala naman kaso sa akin kung ibili kita ng mga bulaklak araw-araw.”   Hindi siya kumibo. Sinara niya nang mabuti ang bibig. Pilit niyang pinipigilan ang pagsasabi rito na itigil na. Hindi na muna niya iyon sasabihin dahil may plano pa siya rito. Ngumiti siya maya-maya. “Sige, ikaw ang bahala.”   “Tumawag lang ako para sana iinvite ka mamaya para mag-dinner?” tanong nito maya-maya.   Kaagad siyang napalingon sa mga kaibigan na nag-uusap ng mga maaaring mangyari mamaya sa The Alchemist. Nakapangako na siya sa mga ito kaya naman hindi na siya maaaring umatras. Isa pa, gusto niya muna talag amag-enjoy at mag-relax.   “I’m really sorry, Thomas pero may lakad na kasi ako mamaya. Hindi naman pwedeng hindi ako tumupad sa mga kaibigan ko. Maybe next time?” tanong niya.   “Sure sure. Nagbakasakali lang naman ako kung pwede.”   “Sige. So, ibaba ko na ha? May mga gagawin pa kasi ako,” paalam niya rito bagay na totoo naman talaga. Nang pumayag ito, kaagad niyang ini-end ang tawag. Nakahinga siya nang malauwag nang matapos ang pakikipag-usap niya rito.   Hindi niya balak na paasahin ito nang sinabing next time pero wala kasi siyang ibang maisip na isagot kay Thomas. Saka baka naman sa susunod ay pwede na siya at walang ibang lakad. NANG SUMAPIT ang alas sinco ay kaagad na nagtipon-tipon silang magkakaibigan. Nakakapit sa kaniyang braso si Vivian habang naglalakad sila sa pasilyo patungo sa elevator. Hawak naman ni Casey sa isang kamay ang bulaklak na galing kay Thomas.   “Dadalhin mo ba iyan hanggang sa bar?”   Tumingin di siya sa hawak. “Hindi. Baka iwanan ko na  lang sa sasakyan.”   “Feeling ko talaga liligawan ka na ni Thomas. Ang effort niya magbigay ng flowers.”   “Kaya nga kanina sabi ko, hindi naman niya ako kailangang bigyan. Tumawag siya sa akin,” aniya.   “May number mo ikaw sa kaniya?” nanlalaki pa ang mga mata nito   “Malamang. Natawagan nga ako kanina, di ba?” biro niya kaya natawa silang magkaibigan. Ilang sandal pa ay lulan na silang lima na magkakaibigan sa loob ng elevator.   Kasama niya sina Vivian, Jean, Michelle at Joy. Walang sasakyan ang mga ito kaya naman naisipan niyang ialok na kay Shimmer na lang sumakay papunta sa The Alchemist. Pumayag ang mga kaibigan niya kaya ganoon na nga ang nangyari.   Pagkarating nila sa The Alchemist at halos kakabukas pa lang. May katabing restaurant iyon kaya naman naisipan muna nilang kumain bago mag-party mamaya. Sagot na iyon ni Jean dahil nahihiya raw sa kaniya.   Hindi siya masyadong kumain dahil baka mamaya ay isuka lang niya iyon. Ganoon kasi siya kaya ngayon, mas maganda na hindi niya masyadong punuin ang tiyan. Habang kumakain ang kaniyang mga kaibigan ay nagpaalam siyang magpapahangin lang muna sa labas. Medyo dumidilim na rin kaya naman ang mga ilaw sa mga poste ay nagsisimula na rin bumukas.   Ngayon lang napansin ni Casey na maganda ang kahaan ng kalye na ito sa gabi dahil kabilaan ang mga restobar na tipong mayayaman lang ang may kayang pumunta. Sa pagkakaalam niya ay anak ng isang konsehal sa bayan nila si Jean kaya kaya nitong magpainom sa ganitong lugar.   Napunta ang tingin niya sa babaeng naglalakad. Kulot ang buhok nito at may katangkaran din. Kahit na makapal ang make-up nito sa mukha ay bakas pa rin sa mukha nito ang gandang taglay at kahit na lumaki ito sa hirap, alagang-alaga pa rin nito ang kutis. Nang makita siya nito ay kaagad itong tumaas ang isang kilay saka tumango sa kaniya.   Sanay na siya sa ganoong ugali ni Aubrey. Mataray, may pagkaprangka at mataas ang pride ngunit mabait naman at maasahan. Naglakad ito patungo sa bar na pinagtatrabahuhan. Kahit na ganoon ang pinsan niya, masasabi niyang hanga siya sa taglay nitong tapang at lakas ng loob. Pakiramdam niya ay kaya nitong gawin ang lahat ng naisin na gawin. Hindi kagaya niya.   ‘Ano kaya pakiramdam na wala kang inaalala tungkol sa pagkatao mo?’ tanong niya habang pinagmamasdan ang pinsan hanggang sa makapasok ito sa bar. Humugot siya ng malalim na hininga saka muling ginala ang paningin sa paligid na nagsisimulang mapuno ng liwanag gamit ang mga ilaw sa poste.   Natigil siya sa pag-iisip nang biglang may tumawag sa kaniya. Si Jean iyon at mag-pipicture daw sila sa loob  bago pa sila malasing mamaya. Kaagad naman siyang pumasok sa loob at nakisama sa masayang picture taking nilang magkakaibigan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD