CHAPTER 11

2207 Words
NANG MASIYAHAN sina Casey at ang mga kaibigan niya sa mga kinain ay nagpasya silang lumabas na sa restaurant at magtungo na sa The Alchemist. Alas siyete pa lang ng gabi kaya wala pa masyadong tao sa loob kaya naman nakapili sila ng magandang table. Malapit sa dance floor ang napili nila. Hindi sila kaagad umorder ng drinks dahil nagdiskusyunan pa ang mga kaibigan niya kung anong alak ba nag oorderin nila. Hindi na lang siya sumali dahil kahit ano naman ay okay sa kaniya. Hindi naman kasi siya masyadong tinatablan ng espiritu ng alak. Panay kasi siya punta ng banyo upang magbawas kaya naman nailalabas niya ang alcohol sa kaniyang katawan. Mahihilo lang siya pero hindi malalasing. Ginala niya ang mga mata sa buong lugar. Medyo madilim na sa loob at tanging mga ilaw na iba't ibang kulay at patay-sindi lang ang siyang nagbibigay ng liwanag. Tumingala siya sa second floor ng bar. May mga lamesa rin doon at kapag diniretso, may mga pribado ng pinto. Naalala niya si Zyra noong sinundo niya ito. Kaagad niyang pinilig ang ulo. Hindi ito ang tamang oras para isipin niya ang kaibigan. Nandito siya ngayon para makalimot sa mga dinadala niyang problema. Wala sa loob siyang napalingon sa gawing kaliwa ng second floor. Nandoon si Aubrey. Nakatayo ito roon habang magkakrus ang mga braso. Ngumunguya ito ng bubble gum na minsan pa nitong pinalolobo saka muling ngunguyain. Diretso ang tingin nito sa kaniya. May katabi itong babae na nasa kaniya rin ang atensyon. Ngumiti siya sa pinsan pero hindi ito nag-react sa kaniya. Bagkus at nagsimula itong maglakad hanggang sa makababa. Ngayon ay patungo na ito ngayon kung nasaan siya. Tumayo ito sa harapan nila saka tiningnan isa-isa ang mga kasama niya. Sina Vivian naman ay nagtaka sa paraan ng tingin ng kaniyang pinsan. Ilang sandali pa ay humarap ito sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito?" Nakataas ang isang kilay na tanong nito. Tumingin muna siya kina Vivian. Bakas sa mukha ng mga ito ang labis na pagtataka. Si Jean nga ay medyo nakataas na rin ang kilay. Tiningnan pa ni Michelle si Aubrey mula ulo hanggang paa. "Girls, she's Abrey, my cousin," aniya kaya naman bahagyang kumalma ang mga mukha ng mga kasama niya. Humarap siya sa pinsan. "Aubrey..." Tila nauubusan naman ng pasensya si Aubrey ay hinila siya sa braso patungo sa isang gilid. "Anong ginagawa mo rito?" "Birthday kasi ng kaibigan ko—" "Casey, hindi ito basta disco bar. Alam mo iyan." "Yeah of course I know pero—" "Umuwi ka na. Mamaya mapagalitan ka pa ng daddy at mommy mo." "Pumayag naman sila." Bakas ang gulat sa mukha nito. "Ano!? Pumayag sila? Alam naman nila kung anong klaseng bar ito, Casey." "Aubrey, calm down. Kaya ko naman ang sarili ko." Inikom nito ang sariling bibig saka siya tiningnan nang direkta sa mga mata. Maya-maya pa ay bumuntonghininga ito. "Bahala ka na nga sa buhay mo." Inirapan siya nito saka iniwan. Sinundan lang niya ito ng tingin. Huminga siya nang malalim. Kahit hindi nito sabihin ay alam ni Casey na nag-aalala sa kaniya si Aubrey. Alam din niya kung anong klaseng lugar ang The Alchemist. Ilang sandali pa ay narinig niyang tinatawag na siya ni Vivian. Dumating na kasi ang order na alak ng mga ito. Nakangiti siyang tumabi sa mga ito at kaagad siyang inabutan ng drinks ni Jean. Nagsimula ang maingay na tugtugin kaya naman paindak-indak silang magkakaibigan. Sina Joy at Michelle ay nauna na magtungo sa dance floor. Tequila ang iniinom niya. May lemon at asin na nakagayak sa tapat niya. Ang hawak niyang shot glass ay may laman na tequila. Tinititigan lang niya iyon. Ilang sandali pa, naglagay si Casey ng asin sa likod ng kaniyang palad saka tinungga ang pagkatapang-tapang na alak. Kaagad niyang dinilaan ang asin saka sumipsip ng lemon. Ang mapakla ngunit may kainitang lasa ng alaka ay sumugid sa kaniyang lalamunan kasabay ng asin at katas ng lemon. Upang mabalanse, kumuha siya ng kapisarong karne ng inorder nilang pork BBQ. Natawa si Casey nang mamataan niyang may tinuturo si Joy kay Michelle. Lalaki iyon na nasa counter at mag-isang umiinom. "Gaga si Joy, oh! Binubugaw si Michelle." Natawa siya sa ginamit na term ng kaibigan. "Bugaw talaga?" "Oo." Tapos nag-apir pa silang dalawa. Naging sunod-sunod ang pag-inom niya ng tequila. Nagsisimula na siyang magmanhid at ang pantog niya, napupuno na rin. Tumayo siya at nagpaalam sa mga kaibigan na pupunta lang sa CR. Kaya pa naman niya maglakad. Marami ng mga tao ang mga nagkalat. Ang iba ay abala sa mga pag-inom, sayaw at ang iba, mga gumagawa na ng apoy. Hindi na lang niya iyon pinagtuunan ng pansin. Kaagad siyang pumasok sa CR upang magbawas. Nang matapos ay sandali niya munang kinalma ang sarili. Naghugas muna siya ng kamay bago nagtungo sa pinto. May nakasalubong siya roon kung saan nakabanggaan niya ng braso. Humingi siya ng pasensya sa babaeng iyon saka bumalik sa table nila. Pansin niya na lasing na ang mga kasama niya. Napailing siya. "Nagsisimula pa lang tayo halos!" sigaw niya dahil malakas din ang sounds na yumayanig buong bar. Muli siyang lumagok ng iniinom. Ramdam niya na unti-unti naman siyang nagmamanhid at ang lalamunan niya pababa sa kaniyang tiyan ay nagsisimula na ring uminit. Nalalasing na rin yata siya. Napasigaw siya nang mapagtanto na parang gumaan ang pakiramdam niya. Na parang wala na siyang pakialam sa mga problema niya. Na hindi naman pala masakit at mahirap. Tinaas niya ang baso ng tequila saka nagsimulang sumabay sa maingay na tugtugin. Lumapit sa kaniya si Vivian upang makisaya. Dalawa na silang sumasayaw ngayon sa tapat ng mesa nila. Hindi siya sigurado kung dahil lang ba sa alak o talaga bang may nararamdaman siyang tila nakatitig sa kaniya. Dahan-dahan siyang sumasayaw ngayon at sinubukan na igala ang mga mata sa paligid pero nahilo lang siya. Mabuti at napahawak siya kay Vivian na natawa pa at inasar siya. Muli siyang sumayaw pero ngayon, nagtungo pa siya sa dance floor at doon nakipagsabayan sa mga babae at lalaking umiindak na rin. Ramdam na niyang may tama na siya pero wala siyang pakialam. Tuloy lang siya sa ginagawa hanggang sa may maramdaman siyang tila kumapit sa kaniya beywang mula sa kaniyang likuran. Nagulat man pero ang katawan niya ay sige pa rin sa pagsayaw. Napangiti siya at humarap sa kung sinong humawak sa kaniya. Akala niya kasi, isa sa mga kaibigan niya ngunit ganoon na lang ang gulat ni Casey nang makitang si Zyra iyon. Bahagya rin itong sumasayaw sa harap niya pero ang mga mata, nakatitig sa kaniya. Tila gusto niyang mapaso sa paraan ng tingin nito. Hindi niya alam kung bakit tila hindi naman niya magawang alisin dito ang tingin. At oo. Lasing na nga talaga siya dahil wala na siyang kontrol sa kaniyang sarili. Ang mga braso niya ay pinatong niya sa mga balikat ni Zyra saka ito kinabig. Medyo mataas ito sa kaniya kaya naman bahagya pa siyang tumingkayad. "Oh, it's you!" aniya saka ngumiti nang pagkatamis-tamis. Ang mga mata niya, tila magsasara na halos. "It's you who hurt me earlier." Tumawa siya saka mas nilapit ang katawan sa kaharap. Naramdaman ni Casey ang pagtaas at baba ng dibdib ni Zyra. Narinig niyang nagmura ito. Aasarin niya saka ito ngunit inalis nito ang mga braso niyang nakapatong sa magkabilaang balikat at hinila siya nang basta-basta sa kamay. Dahil nahihilo at nagmamanhid ang katawan niya, wala siyang magawa kung hindi ang magpatianod kay Zyra. Muntik pa siyang matalisod. Mabuti na lang at naging maagap si Zyra at nakabig siya. Kung hindi ay baka nahalikan na niya ang lupa. Natawa siya dahil sa nangyari. Huli na nang mapagtanto niyang sobrang dikit ng mga katawan nilang dalawa. Ang mga mata niya ay halos pasara niya pero kitang-kita niya kung paanong napalunok si Zyra habang nakatitig sa kaniyang labi. Napangisi siya. "I hate you," aniya saka pilit na bumitiw sa pagkakahawak nito. Pilit niyang inayos ang sarili saka huminga nang malalim. "Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang boses na tanong nito. "Obvious ba? Umiinom. Sumasayaw. Nakita mo naman ako sa loob, di ba?" tanong niya. Humawak siya sa kaniyang ulo. Parang umiikot ang paligid niya. "Huwag mo akong pilosopohin, Casey!" "Sinasabi ko lang ang—" Ang likot niya. Muntik na naman siyang matumba. At sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang nahila ni Zyra. Ang buong bigat niya ay napunta rito. Mabuti at may sasakyan sa tabi nito at napasandal silang dalawa. "Napakalikot." Narinig niyang wika ni Zyra pero natawa lang siya. "Malikot ba ako?" Tumawa siyang muli. Muli siyang aayos ng tayo ngunit hindi na siya makawala pa sa pagkakayakap ni Zyra. "Please, be still, Casey." Narinig niyang bulong nito sa kaniyang tainga. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig lalo na nang maramdaman niyang humigpit ang yakap nito sa kaniya. "Z-Zyra..." Mas naestatwa siya sa kinatatayuan nang maramdaman ang mukha nito sa kaniyang leeg na pilit yumuko upang isiksik ang mukha roon. May kung anong kiliti mula sa kaniyang p********e ang naramdaman niya. "I'm sorry, Casey." Napalunok siya. Pakiramdam niya ay nawala ang espiritu ng alam na ininom niya kahit hindi pa siya muling nagpupunta sa CR. Ang puso niya, nagwawala at parang sasabog. Mabilis na nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya kasabay ng pagtulo ng tula niya. Mas humigpit pa ang yakap ni Zyra. Tila ayaw na siya nitong pakawalan pa. At aaminin ni Casey, gustong-gusto niya na ganoon sila. Awtomatikong gumanti rin ng yakap ang mga braso niya rito. Ngayon ay amoy na amoy niya ang mabangong shampoo na gamit nito. Panay ang tulo ng mga luha niya kaya panay din ang pahid niya. Umayos ng tayo si Zyra at tiningnan siya sa mga mata. Hindi siya makatingin nang ng diretso rito. Hinawakan siya nito sa baba saka pinatingala upang magsalubong ang kanilang mga mata. Hinawakan nito ang pisngi niya saka inayos ang ilang hibla ng mga buhok niyang nakasagabal sa mukha niya. "Uwi na tayo, ha?" malambing na tanong ni Zyra. Tumango na lang siya at hindi umimik hanggang sa alalayan siya nitong makasakay ng sasakyan. TAHIMIK LANG silang dalawa habang nasa byahe. Walang gustong kumibo. Abala si Zyra sa pagmamaneho habang siya naman ay nakapikit ang mga mata. Hindi siya makapaniwalang tinablan siya ng alak. Ngunit mas hindi siya makapaniwala dahil sa ginawa ni Zyra kanina. Hindi rin niya sigurado kung bakit may kakaiba siyang naramdaman sa kaniyang p********e. Napalunok siya. Dahil lang ba sa alak kung bakit tila nag-iinit ang pakiramdam niya? Ewan. Baka nga. "Casey, nandito na tayo," bulong ni Zyra sa kaniya. Naramdaman pa niya ang kamay nitong humawak sa kaniyang hita. Mas lalo siyang nakaramdam ng kakaiba lalo na sa kaniyang p********e. Dinilat niya ang mga mata saka hinawakan ang mga pisngi at mahinang sinampali iyon. "Okay ka lang?" "Y-yes," aniya saka umiwas ng tingin. Gusto niyang sermunan ang sarili dahil tila nagiging mahalay na yata siya. 'Kasalanan ng Tequila to!' Bumaba siya ng sasakyan saka pilit na diniretso ang lakad. Ngunit talagang masusumpa niya ang tequila dahil sa pangatlong pagkakataon, muntik na siyang matumba. Naramdam niya ang kamay ni Zyra. Kumapit sa kaniyang baywang habang ang isang kamay niya ay sinampay nito sa balikat nito. "Huwag ka kasing magmadali." Natawa pa ito sa kaniya sa pinisil ang ilong niya. "Zyra!" Ungol niya. Inalalayan siya nitong maglakad hanggang sa makarating sila sa unit nito. Kaagad siyang diniretso nito sa kwarto at maingat na inihiga sa kama. Kaya naman niyang gawin iyon pero yung katawan niya, ang killjoy. Ayaw makisama. "Ang init!" aniya. "Bubuksan ko ang aircon. Sandali lang." Iyon nga ang ginawa ni Zyra. Inalis din nito ang sandals na suot niya sa mga paa upang maisampa niya ang mga iyon sa kama. "Bakit ka ba kasi uminom nang ganyan? Tequila pa ang ininom mo. Akala mo ba kaya mo iyon?" wika nito. Pinilit niyang idilat ang mga mata saka napangisi. "Nagtatanong ka pa." "Ano nga? Bakit nga?" "Kasalanan mo malaman!" Madaldal na ba siya? Hindi na niya alam. Hindi na kontrol ni Casey ang mga sinasabi niya. Natawa siya bigla. "Sira ba ang aircon mo? Tapon mo na iyan!" "Buo. Hintayin mo lang." Naiirita siya. Dala marahil ng alak kaya ganito pa rin ang nararamdaman niya. Naupo siya sa kama saka akmang aalisin ang suot na damit ngunit narinig niya si Zyra. "Anong gagawin mo?" "Maghuhubad ako! Ang init!" "Ano? Siraulo ka ba?" "Hindi. Mainit nga kasi, Zyra! Babae naman tayong pareho, ah!" Inirapan pa niya ito saka akmang itutuloy ang balak pero si Zyra, tumabi sa kaniya saka siya pinigilan. "Ano ba!?" Iritableng tanong niya. "P-Please, huwag." Tila nahihirapan si Zyra nang sabihin iyon. Diretso niya itong tiningnan. "Bakit? Ayaw mo ba makita ang katawan ko?" Inikom ni Zyra ang bibig saka napalunok. Napangisi si Casey. Dahil sa espiritu ng alak, ang lakas ng loob niya ngayon. Muli niyang pinagpatuloy ang ginagawa. Walang inhibisyon na hinubad ang damit hanggang sa bra na lang ang matira. Nakita niyang napalunok si Zyra nang makita ang ibabaw na parte ng dibdib niya. Ngumisi siya. Tiningnan niya ang labi nito saka tila nang-aakit na tiningnan ito sa mga mata. "Zyra... Can I kiss you?" tanong niya rito gamit ang pinakamalambing niyang boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD