SALAMAT SA espiritu ng alak, ngayon ay halos hindi na kilala ni Casey ang sarili. Alam niyang namumula ang kaniyang mukha na animo kamatis pero wala siyang pakialam. Nakakatig lang siya sa mga labi ni Zyra na bahagyang nakaawang. Ang mga mata nito ay nakakatig sa kaniya. Hindi niya mabasa ang emosyon na nandoon dahil masyado na siyang naliliyo. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa upang halikan si Zyra. Kitang-kita niya kung paano siya nito titigan. Naipikit niya ang mga mata ngunit bago pa man dumampi ang kaniyang labi sa laabi nito ay naramdaman ni Casey ang mga kamay nito na humawak sa kaniyang mga balikat. Dinilat niya ang mga mata at sinalubong ang tingin nito. Huminga ito ng malalim saka inabot ang comforter na nasa kama. Maingat nitong binalabal iyon sa katawan niyang halos nakab