CHAPTER 23 PAKIRAMDAM NI Casey ay nasa ilalim siya ng interogasyon.Kabadong-kabado siya kanina pa. Kahit nasa sasakyan sila kanina ay pakiramdam ay ma-hohotseat siya ng nobya. At ngayon na nasa condo na silang dalawa ay hindi niya alam kung paano makakalusot kay Zyra lalo ngayon na ang sama ng tingin nito sa kaniya. Napalunok siya habang nakaupo sa sofa. Ang mga kamay niya ay magkahawak habang nakapatong sa kaniyang mga tuhod. Nakatayo lang si Zyra habang magkakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. Tila hinihintay nito na magpaliwanag siya bagay na hindi niya kayang simulant. “Hindi ka ba magsasalita?” tanong nito sa knaiyang maya-maya lang. Inalis nito ang pagkakahalukipkip ng mga braso. Huminga pa ito nang malalim saka naupo sa katapat niyang sofa. “Anong ginagawa mo k