CHAPTER 24 KAAGAD NA sinabi ni Zyra kay Casey ang ibang mga impormasyon tungkol sa plano nito. Ayon dito, lihim na binuksan ni Zyra ang imbestigasyon tungkol sa pagkakasawi ng mga magulang nito habang pauwi ito galing sa isang meeting. Habang nagkukwento si Zyra ay nakikita niya sa mga mata nito ang galit na nararamdaman. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang galit nito sa mga taong kumitil sa buhay ng mga magulang nito. "Lima ang sakay ng sasakyan na siyang service ng mga nag-ambush sa mga magulang ko. Ang dalawa sa mga iyon ay patay na dahil sa ibang ingkwentro," pagsasalaysay nito. "Samantalang ang tatlo ay buhay pa ay tahimik na namumuhay sa kung saan. Na parang walang kinitil na mga buhay limang taon na ang nakakalipas." Kinuyom nito
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books