LUMABAS NG banyo si Zyra na nakatapis lang ng puting tuwalya. Si Casey naman ay nakaupo sa swivel chair nito sa working area. Nakabukas ang laptop nito at kasalukuyan niyang binabasa ang mga comment sa article na sinulat nito kanina. Maliban kasi sa printed copy ng article, posted din iyon sa site ng Zarette Philippines.
Huminga siya ng malalim at pinagkrus ang mga braso. Pinaikot niya ang swivel chair upang bahagyang mapaharap sa kaibigan na naghahanap ng damit sa built-in cabinet nito.
"Huwag mo na basahin ang mga comments diyan. Magagalit ka na naman," anito nang sulyapan siya na may hawak ng susuoting damit. "May lakad ako today, hindi kita mahahatid sa office ninyo," dugtong pa nito saka dumiretso muli sa loob ng banyo.
"May kotse akong dala," mahina niyang sabi rito.
Bagsak ang balikat niya habang nakatitig sa pinasukan nitong pintuan. Masama ang loob nito or galit sa kaniya, alam niyang alin sa mga iyon ang dahilan. Kabisado na niya ito sa tagal nilang magkaibigan. Humugot siya nang malalim na paghinga bago tumayo. Kumuha siya ng kapirasong papel saka nagsulat doon. Dinikit niya iyon sa screen ng laptop bago iyon patayin.
Tahimik siyang lumabas ng condo unit ito kahit pa ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Babalik na lang siya sa office nila upang magtrabaho.
"CASEY, ALAM mo na hindi natin pwedeng pakialaman si Zyra sa ganiyang bagay," wika ng mommy niya. Nakaupo ito sa swivel chair nito habang si Casey naman ay nakatayo sa harap ng malaki at malapad nitong office table.
"Mom, baka lang naman kasi mapigilan ninyo siya ni Dad once na makausap ninyo siya--"
"Anak, maraming beses na namin siyang sinubukang kausapin at pigilan. Alam mo rin na wala namang nagyari, di ba?"
Naupo siya sa silyang bakante. "Natatakot kasi ako, mommy. Baka mapahamak siya sa ginagawa niya."
Tiningnan siya ng mommy niya. "Kami rin naman, anak kaso wala talaga kaming magagawa kung mapilit ang kaibigan mo. Ikaw, huwag ka rin sanang makisali pa sa ginagawa niya. Baka amdamay ka pa."
Tumingin siya sa mommy niya na salubong ang mga kilay. "Mom, hindi ko pwedeng hayaan na lang si Zyra. Kaibigan ko iyon—"
"Pero nakikinig ba siya sa iyo? Hindi rin naman, di ba anak?"
Hindi siya nakakibo. Totoo kasi ang sinasabi nito gaya na lang nang naging takbo ng pag-uusap nila kanina sa condo unit nito. Matigas at buo ang loob ni Zyra. Gusto nito talaga mapabagsak si Governor Rivas kahit pa alam nito na mahihirapan siya. At kahit na malaki ang tyansang mahuli siya nitong siya ang nasa likod ng mga articles na iyon, alam niyang walang takot na haharapin nito ang kaso.
Sobra siyang nag-aalala rito. Malaking impluwemsya mayroon si Governor Rivas at marami itong kaalyansa. Ano ba naman ang laban ni Zyro doon?
"I'm warning you, Casey. Hangga't wala pang nagyayaring masama, layuan at tigilan mo muna si Zyra. Titigil din naman iyan kapag napagtanto niyang wala siyang laban."
Hindi maiwasan ni Casey na makaramdam ng pagkadismaya sa sinasabi ng mommy niya. Oo nga at maaring walang laban si Zyra pero bakit nararamdaman niyang tila wala itong pakialam dito? Kumunot ang noo niya. "Mom, hindi ba kayo naaawa sa kaniya?"
Lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. "Awang-awa na ako, anak. Sobra. Kaso wala naman kasi tayong magagawa. Kahit pa pagsamahin natin ang mga kompanya natin, wala yatong laban."
Kinagat niya ang ibabang labi dahil sa narinig. Naisip nyang may punto rin naman ito. Sumugid ang kirot sa kaniyang ulo dahil sa stress na nararamdaman. Gumapang ang kaba sa mukha ng kaniyang ina at dali-dali siyang nilapitan.
"Anak, ayos ka lang?"
"Y-yes, mommy," aniya habang nakahawak sa sintido.
"Alam mong bawal ka ma-stress, anak." Paalala nito sa kaniya.
Tumango na lang siya rito. Ganito naman kasi ang palaging nagyayari sa kaniya sa tuwing mapapaisip siya ng problema. Umaatake ang migraine niya na dumadating sa puntong nadadala siya sa ospital upang turukan ng mataas na dosage ng pain reliever.
Nagpaalam siya sa mommy niya na babalik na siya sa kaniyang pwesto at pinayagan naman siya. Nang makaupo siya sa upuan niya ay kaagad siyang nilapitan ng kaibigan na si Vivian. May ngisi ito sa mga labi.
"Oh, bakit sad face ka na ngayon?"
"Bakit? Ano ba iyong kanina?"
"Fierce!" Natawa pa ito. Pinagtinginan sila ng ibang mga kasama nila roon kaya naman kinurot niya ito sa tagiliran.
Muli silang natahimik nang lumabas mula sa conference room ang daddy niya kasama ang mga new investors nito sa kanilang newspaper company. Tumayo sila ni Vivian at nagbigay galang sa mga ito ngunit nang matapat sa kaniya ang daddy niya, matamis itong ngumiti saka humarap sa mga lalaking mga kapwa nakasuot ng business suit.
"By the way, gentlemen. This is my daughter—Casey Atonal. The editor-in-chief's assistant."
"Hello, sir. Please to meet you," aniya sa dalawang lalaki at nilahad ang mga kamay sa mga ito.
Tinanggap ng dalawa ang kamay niya. Sa kaniyang tingin ay tila kaedaran lang niya ang mga ito, kung hindi man ay baka nasa isa hanggang dalawang taon lamang ang btanda sa kaniya. Gwapo ang mga ito at halatang galing din sa may kayang pamilya dahil sa uri ng kutis ng mga balat nito.
"I am Thomas and this is my friend, Carl," bati ng lalaking kahawig ni Mario Maurer habang ang isa naman ay kahawig ni Saint Suppapong. Humarap ito sa daddy niya. "Ang ganda naman po ng anak ninyo, Mr. Atonal."
"Well, kanino pa ba magmamana," anito sa nagyayabang na paraan.
Napangiti na lang din sila ni Viviang hanggang sa magpaalam ang mga ito. Naupo silang muli sa pwesto nila.
"Ang gwapo naman ng mga iyon."
"Hoy! Baka naman marinig ka nila. Nakakahiya!" bulong niya kasabay ng pagsiko sa kaibigan.
"Hindi iyan. Nakita mo ba kung paano katitigan nung Carl? Hay naku! Feeling ko tinamaan iyon sa iyo. Grabe, ang ganda mo naman kasi."
Nahihiya siyang napalingon sa mga kasamahan na halatang naririnig din ang sinasabi ni Vivia.n. "Manahimik ka nga riyan. Mamaya ay marinig ka nila daddy, ma-issue pa ako!"
"Oh, tapos makarating sa secret jowa mo, no?" Pinaningkitan siya nito ng mga mata.
"Huwag ka makulit, wala nga akong boyfriend!" Inirapan niya ito saka muling pinagpatuloy ang trabaho.