CHAPTER 2

1013 Words
NANG MAKARATING sa tapat ng condo ni Zyra si Casey ay hindi siya kumatok. Ilang sandali muna siyang nanatili sa labas ng pinto habang kinakalma ang sarili. Ang lakas na naman kasi ng t***k ng kaniyang puso habang nakatitig sa pintuan. Bahagya niyang tinapik-tapik ang dibdib upang pakalmahin ang puso. Huminga siya nang malalim bago ito kinuha sa bag ang duplicate key na mayroon siya. Si Zyra mismo ang nagbigay niyon sa kaniya kaya. Binuksan niya ang pinto. Pagkapasok niya ay kumunot ang kaniyang noo dahil madilim ang buong sala. Nakababa kasi ang mga kurtina nito dahilan upang walang pumasok na liwanag mula sa labas ng bintana. Kaagad siyang lumapit doon upang hawiin ang mga iyon. Kaagad na kumalat ang liwanag sa loob ng condo at bahagya pa siyang nasilaw dahil sa ginawa. Maaliwalas at malinis ang condo ni Zyra. Halos kulay pula, itim at gray ang makikita sa buong unit habang. Kahit ang kurtina nito ay kulay gray kaya naman kapag nakababa iyon, wala talagang liwanag ang pumapasok sa loob. Kaagad niyang binaba ang bag sa sofa saka nagtungo sa kwarto ni Zyra. Naabutan niya itong nakahiga pa sa kama. Malakas ang bugso ng aircon kaya naman mabilis na gumapang ang lamig sa kaniyang katawan. Huminga siya nang malalim. Madilim din dito kaya naman lumapit siya sa bintana saka hinawi ang kurtina na kulay itim naman. Lumapit siya rito saka nakapameywang ng tumayo sa gilid ng kama. Balot na balot ng makapal na kumot si Zyra habang may unan na nakatakip sa mukha nito. "Nandito na ako," aniya rito. Umungol ito ngunit hindi natinag sa pwesto. Si Casey na ang nagkusang hawakan ang kumot nito at hihilahin niya sana iyo ngunit mabilis na gumalaw si Zyra. Hinila siya nito sa braso dahilan upang mapahiga rin siya sa kama. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Mabilis na pumulupot ang isang braso nito saka siya hinapit palapit dito. "Zyra!" "Hmm?" Muli itong umungol at ang mga mata ay nanatiling nakasara. Gumalaw ito ngunit para lamang isiksik ang mukha nito sa kaniyang leeg. Gumapang ang kiliti siya sa parteng iyon ng kaniyang p********e kaya naman pinalo niya ito sa braso. "We need to talk. Bumangon ka na diyan." Muli siyang nakiliti nang gilgilin nito ang kaniyang leeg. "Mamaya na. Napuyat ako roon sa sinulat kong article." Huminga siya nang malalim saka napatitig sa kulay puting kisame. "Bakit kasi nagpuyat ka? Hindi ba at bawal ka magpuyat?" Nilingon niya ito nang lumayo ang mukha nito sa kaniyang leeg. Tiningnan siya nito gamit ang bahagyang nakapikit pang mga mata. Gusto niyang mangiti niyang makita ang maganda nitong mukha. Kahit gulo ang buhok nitong kulay brown ay lutang na lutang pa rin ang taglay nitong ganda. Ang mala-roundish almond eyes nito ay binagayan pa ng mahahaba at makakapal na pilik-mata. Ang ilong nito na kahit maliit, matangos pa rin ay bagay sa hugis puso nitong mukha. "Wala kasi akong maisulat." Ngumiti ito sa kaniya saka muling siniksik ang mukha sa kaniyang leeg Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Zyra, bakit ka na naman nagsulat ng ganoong topic? Alam mo naman na hindi basta-bastang tao ang binabangga mo." Tiningnan siya nito habang nakakunot ang noo. Tila hindi nito nagugustuhan ang paksa na kaniyang sinasabi. Umalis ito sa pagkakayakap sa kaniya saka naupo sa kama. Hinawi nito ang buhok na mahaba saka inihilamos ang mga kamay sa sariling mukha. "Look, wala namang masama sa sinulat ko." Naupo na rin siya. "Zyra, alam kong wala pero nagbibigay ka ng hint sa mga tao." "E, ano naman? Totoo namang may ginagawang kaanumalyahan ang taong iyon." Hinawakan niya ang isang kamay nito. "Zyra, we both know na hindi lang iyan ang dahilan mo kung bakit ka nagsusulat tungkol sa kaniya." Ang ekspresyon sa mukha nito ay napalitan ng pagkamangha. "So anong gusto mong gagawin ko? Ipakuha lahat ng mga newspaper na na-print na at nabili ng mga tao saka ko punitin lahat?" "Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, Zyra." Pinilit niyang ikalma ang sarili. "Ewan ko sa iyo," anito saka siya inirapan. Umalis ito sa kama saka dinampot ang tuwalya. "Zyra, makinig ka naman sa akin!" Tumayo siya at sumunod dito. Nang akma nitong isasara ang pinto ng banyo, hinarang niya ang katawan doon. "Kailan ka ba makikinig sa akin? Ang tigas ng ulo mo." Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kaniya. "Casey, napag-usapan na natin ang bagay na iyan." Tumango siya. "Oo pero hindi tayo nagkasundo. Hindi ka pumayag na tumigil kahit pa panay na ang pangungumbinsi ko sa iyong hayaan na lang ang nangyari." Natigilan si Zyra. "Hayaan? Gusto mong hayaan ko na lang ang nangyari noon at kalimutan na lang, ganoon ba?" May galit na siyang nababasa sa mga mata nito. "Zyra, please... Huwag ka magalit sa akin kasi ikaw lang din ang inaalala ko." Tumayo ito nang maayos saka pinagkrus ang mga braso. Sumandal pa ito sa hamba ng pinto ng banyo. "Sa tingin mo ba kapag hinayaan ko na lang at kinalimutan ang nangyari, maabot ko ang hustisya?" Iba na ang aura ni Zyra ngayon. Nakikita niyang nagagalit na ito at alam niyang siya ang may kasalanan. Tiningnan siya nito. Iyong tingin na tila hindi makapaniwala. "Alam ko naman na nag-alaala ka sa akin, Casey pero hindi mo kailangan na pigilan ako o pilitin akong kalimutan ang mga nangyari dahil hindi kailanman iyon mangyayari." Namuo ang luha sa mga mata nito ngunit tumingala ito agad upang pigilan ang pagtulo niyon. Tila kinalma rin nito ang sarili. Samantalang siya, naguguluhan na. Gusto niyang pigilan ito dahil hindi madali ang pinapasok nitong gulo ngunit ang kagustuhan nitong maabot ang hustisya para sa mga magulang nitong napatay limang taon na ang nakalilipas, gusto rin niyang makuha. Huminga siya nang malalim saka lumapit kay Zyra. "I'm sorry," bulong niya saka ito niyakap. Naramdaman niyang huminga nang magkakasunod si Zyra saka ito bumitiw sa kaniya. "Maliligo lang ako," anito saka sinara ang pinto. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil nasaktan na naman niyang hindi sinasadya si Zyra. Hinawi na lang niya ang buhok na mahaba saka napabuga ng malalim na hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD