NILAMUKOS NI Casey ang hawak na papel na nasa kamay. Hindi na talaga siya natutuwa dahil sa nangyayari. Kababasa lang niya ng article mula sa kalabang Newspaper Company, ang Gazette Philippines.
"Nakasimangot ka na naman diyan!" Dinungggol ni Vivian ang kaniyang braso at nang makita ang hawak niyang newspaper na nakalamukos, natawa na lang ito. "So, nabasa mo na pala ang bagong article ni Miss Zyra Elrod ng Gazette Philippines?"
Inirapan niya ito. Sa totoo lang ay naiinis siya hindi dahil mas maraming buyers ang newpapers ng kalabang kompanya. Kung hindi dahil maselan ang paksang nakalagay roon at alam niyang baka ikapahamak ng lahat dahil malaking tao ang binabangga ni Zyra Elrod.
Tumayo siya saka binitbit ang sling bag. "Ikaw na ang bahalang magpatay ng computer ko, Vivian."
"Oy, saan ka pupunta? Casey!" sigaw nito.
Nilingon niya ito sandali. "May pupuntahan lang ako."
"Pupuntahan mo na naman ang secret boyfriend mo. Bakit kasi hindi mo pa ipakilala sa buong tropa kung sino iyan!" wika nito.
Tumingin ito sa paligid na animo nag-iingat na baka may makarinig sa sinasabi nito. "Manahimik ka nga riyan. Wala akong boyfriend!" Inirapan niya ang kaibigan. "Ikaw na ang bahala dito."
Iniwan na lang niya ang kaibigan saka siya dire-diretsong nilandas ang mahabang pasilyo. Napahinto siya nang harangin siya ng isang babaeng edad at magkakrus ang mga braso. Noong una ay nagulat pa siya ngunit nang makabawi ay ngumiti siya rito.
"Mommy," aniya.
"Where do you think you are going, huh?" tanong nito habang nakataas ang isang kilay.
Lumapit siya rito saka binigyan ng isang halik sa pisngi ang ina. Humawak pa siya sa magkabilaang mga braso nito. "Mommy, lalabas lang po ako."
"Saan ka nga pupunta?" Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.
"Mom, I need too see Zyra. I need to speak with her," aniya sa mahinang boses.
Tumingin ito sa paligid. "Anak, alam mong—"
"Yes, mom. Alam ko po iyon," aniya na lumungkot ang pakiramdam.
Halatang naapektuhan anman ang mommy niya. Inalis nito ang pagkakakrus ng mga braso nito saka huminga nang malalim. Tumingin ito sa kaniyang mga mata. "Papayagan kita pero kailangan mo ring bumalik dito. Anytime soon ay babalik ang daddy mo galing sa meeting niya. Do you understand?"
Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. "Yes, mommy. Thank you. Babalik din po ako kaagad." Mabilis siyang humalik sa pisngi nito saka ito iniwan.
Nasa elevator siya nang makita ang sariling repleksyon. Salamin ang pinakadingding ng elevator kaya naman kitang-kita niya ang sarili. Nakasuot siya ng blue slack pants habang naka-tuck in ang blouse niyang kulay puti. Ang mahaba at itim niyang buhok ay pinusod lang niya. Ang kutis niyang kulay porselana ay bagay-bagay sa kulay ng kaniyang kasuotan.
Ang lightmake-up na nilagay niya sa kaniyang maamo at mala-anghel na mukha ay mas nakadagdag sa kaniyang ganda na nakuha pa niya sa kaniyang daddy na half american.
Ngumiti siya dahilan upang lumitaw ang pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Lumabas din ang kaniyang dimples sa magkabilaan niyang mga pisngi. Iyon ang kaniyang asset na alam niyang palaging nakakakuha ng atensyon ng iba at nakukuha rin niya ang loob ng mga ito dahil sa ngiti niya na mala-Kyline Alcantara.
Nang bumukas ang elevator, kaagad siyang lumabasupang magtungo sa parking area. Kinuha niya ang cellphone niya mula kaniyang bag saka sinubukan na tawagan ang numero ni Zyra.
Nakailang ring pa lang ay sinagot na nito agad iyon. "Hello?" sagot nito sa kabilang linya sa paos na paraan.
"Where you at?" tanong niya habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.
"Nasa condo," sagot nito na animo tipid na tipid sa pakikipag-usap.
"Pupunta ako diyan ngayon." HIndi na niya hinintay pa ang sasabihin nito atpinatay na ang tawag.
Habang nasa daan ay lumilipad ang kaniyang isip habang nagmamaneho.
Sa iisang unibersidad lang sila nag-aral ni Zyra at matalik na magkaibigan ang mga ama nila. Kilalang-kilala niya ito. Sa lahat ay siya ang lubos na nkakakilala rito mula pa noon.
Kapwa sila nagtapos sa kursong Bachelor in Journalism and Mass Communication. Parehas sila na nagtapos with flying colors at kahit nakapasok na sila sa mga kaniya-kaniya nilang kumpanya ay hindi pa rin naputol ang pagkakaibigan nilang dalawa.
Bahagya pa siyang naipit sa traffic kaya naman nakaramdama siya ng iritasyon. Inalis niya ang pagkakatali ng buhok saka iyon sinuklay habang nakahinto ang kaniyang sasakyan. Inayos din niya ang make-up at ni-retouch ang foundation pati na ang lipstick na nasa mga labi.
Sa edad na bente sais anyos, masasabing succesful na si Casey. Nakapagtapos sa magarang paaralan at ngayon, nagtatrabaho sa isang newspaper company na isa sa pinakapinagkakatiwalaan ng masa na pag-aari ng kaniyang mga magulang.
Ang kompanyang 'Good Morning Philippines ay namana pa ng kaniyang daddy sa lolo niyang Pinoy na ngayon ay nasa America na kasama ang lola niyang Amerikana.
Solong anak lamang siya kaya ganoon na lang ang paghihigpit ng kaniyang mga magulang. Masasabi niyang nasa kaniya na ang lahat. Pinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig at malaki ang pasasalmat niya sa Diyos dahil doon. Close din sila ng kaniyang mga magulang at ramdam niyang mahal na mahal siya ng mga ito.
Ngunit kahit na swerte siyang naturingan sa lahat ng bagay, may isang bagay siyang hindi masabi-sabi sa mga ito. Isang bagay na sobra niyang kinatatakot kung sakali mang malaman ng mga magulang niya ang lihim niyang pilit na tinatago mula pa noon.
Natatakot siya na baka mismo ang mga ito ang hindi ang tumanggap sa kaniya at hindi niya kakayanin iyon sa oras na mangyari iyon. Malaki ang expectations ng magulang niya sa kaniya at hindi niya gustong biguin ang mga ito.
At si Zyra, hindi lang niya ito kaibigan. Hindi lang ito basta kakilala o kaibigan niya sa larangan ng pagsusulat ng mga artikulo dahil may espesyal na puwang ito sa kaniyang puso at alam niyang ganoon din siya rito. Hindi nga lang siya sigurado kung bilang kaibigan lang ba iyon o higit pa roon. Natatakot siyang alamin.
Nang tumigil ang kotse niya sa parking lot kung saan nakatira si Zyra ay huminga muna siya nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Habang naglalakad sya papasok sa building, kaagad niyang tiningnan ang bag kung nandoon ang duplicate key ng condo ni Zyra. Nandoon nga iyon kaya naman binalik niyang muli sa loob ng bag.