BUMIGAT ang paghinga ni Graysen nang maramdaman ang kaniyang pagkalalakí sa loob ng mainit na bibig. Damang-dama niya ang kaaya-kaayang kiliti sa kaniyang pag-aari sa bawat paglabas-masok niyon doon.
'Ohhh. . . !' ungol niya sa pamamagitan ng kaniyang isip ngunit nasundan ng marahas na pagsinghap nang maramdaman ang kirot.
Napamulat siya sabay balikwas ng bangon. Kaagad niyang inalis ang nakatabing na kumot sa ibabang bahagi ng katawan upang makita iyon.
Napapikit siya sabay sapo sa kaniyang noo tapos ay pawisan at humihingal na ibinagsak ang sarili pabalik sa pagkakahiga.
"Buwisit!" inis na anas niya at napasuntok sa kama.
Bakit ba palagi siyang dinadalaw ng ganoong klase ng panaginip?
Ilang sandali siyang nahulog sa pag-iisip. Nasa ganiyang ayos siya nang mapaligid ang mga mata. Noon lamang niya napansin ang maliwanag na niyang silid, umaga na pala.
Nakahawi ang kurtina sa magkabilang dulo ng glass-wall window kaya malayang pumapasok ang liwanag sa kabuuan ng silid.
Tiim-bagang siyang napasinghap sabay hilamos ng kaniyang palad sa mukha.
"Hay, buwisit! Ano ba'ng problema mo Gray, ha!?" Padaskol siyang kumilos at umibis sa kaniyang kama.
Lumakad siya at buntong-hininga na tinungo ang glass door sa kabilang panig ng silid.
Lumabas siya roon at kaagad na lumanghap ng sariwang hangin. Tiningnan niya ang araw na hindi pa ganoon kataas ang sikat buhat sa silangan.
Pasinghap siyang sumimangot. Bakit parang pakiramdam niya ay hindi maganda ang magiging araw niya ngayon?
Hindi sinasadya ay napatingin siya sa kasambahay nilang si Camille na noon ay kasalukuyang ibinababa ang pool cleaner sa swimming pool.
Ang malawak nilang pool ay nasa harapan mismo ng kaniyang bedroom suite. Mahilig siyang maglunoy sa tubig tuwing gabi bago matulog, kaya hindi inilayo ng kaniyang ama ang swimming pool sa silid niya nang ipabago nito ang kanilang mansion kumakailan lang.
"Camille," tawag niya sa kasambahay nang maisip kung bakit ang swimming pool ang inaatupag nito ngayong umaga.
Tumingin ito sa kaniya at agad na lumakad palapit. "Sir Gray, good morning," nakangiting bati nito sa kaniya nang makalapit.
Alam niyang sinisikap nitong manatili ang mga mata sa kaniyang mukha. Topless siya at naka-boxer shorts lang. Nakayangyang ang mala-adonis niyang katawan at halata ang umbok sa kaniyang harapan.
"Good morning," ganting bati niya rito, inignora ang kinikilos nito. "Kaya pala nararamdaman ko na hindi maganda ang magiging araw ko kase ikaw ang una kong makikita," kunwa'y inis na sabi niya rito. "Hindi ba't ikaw ang nakatuka sa kusina ngayon?"
Nasa isang buwang bakasyon ang taga-luto nila, kaya naman pansamatala ay itong si Camille muna ang tatalaga sa kusina.
"Opo, pero sabi po ni Ma'am Emerald siya na raw po muna ang bahala sa kusina ngayong umaga. Kaya po nag—"
"Ma'am Emerald?" patanong na putol niya sa dalaga habang nakakunot ang noo. Kailan pa ba nagkaroon ng ganoong pangalan sa pamamahay na ito?
Napaawang ang bibig ni Camille at napaangat ang mga kilay habang nakatitig sa kaniya. Halatang hindi nito inaasahan ang reaksyon niya.
Napaangat din ang mga kilay niya sabay takip ng kanang palad sa mukha nito. "Huwag mo nga akong titigan ng ganiyan, Camille." Bahaya niya itong tinulak palayo sa kaniya.
"Si Sir Gray naman, masyadong feeling," nakasimangot na sabi nito matapos niyang alisin ang palad sa mukha nito.
Napaawang ang bibig niya at napabilog ang mga mata. "Bakit? Guwapo ako kaya hindi mo ako p'wedeng titigan gaya ng ginagawa mo. Paano kung ma-in love ka? Hindi ako kagaya ng mga lalaking amo sa nobela na palagi mong binabasa, hindi ako mai-in love sa'yo," kunwa'y pagsusungit niya.
"Hmp! Hindi ka guwapo gaya ng mga lalaking bida sa mga binabasa ko, wala—" naputol ito sa sinasabi at napatili nang bigla niya itong daklutin sa baywang at walang anumang bitbitin palapit sa swimming pool tapos ay parang batong inihagis doon.
Tumawa siya nang bumagsak ito sa tubig.
"Pakipalitan ang tubig sa pool, Camille," nakatawang sabi niya rito bago kumindat habang nakadila.
Ganiyan siya ka-close sa mga kasambahay nila, sa hardinero maging sa kanila Ricky at Steve. Sa totoo lang ay mas marami pa nga siyang naranasang kulitan sa mga ito kaysa sa mga kapatid niya.
Tumalikod siya at pumasok sa kabilang glass-wall door patungo sa sitting room.
Doon siya dadaan papunta sa kusina para alamin kung sinong Ma'am Emerald ang sinasabi ni Camille.
•••
PAGSAPIT sa kitchen ay natigilan siya nang makita ang nakatalikod na babae buhat sa kaniyang kinatatayuan. Kaagad niya itong sinuri ng tingin.
Abala ito sa mabangong niluluto sa kanilang electric stove habang nagha-humming. Naka-ternong pajama ito na mayroong design na maliliit na panda bears. Naka-clam ang buhok nitong itim na itim. Maputi at makinis ang mga braso nitong nakalitaw sa maikling manggas ng suot nitong damit na pantulog.
Hindi siya kumibo sa kinatatayuan at iniisip kung kilala ba niya ito?
Ilang sandali rin siyang nanatili sa kaniyang ayos nang mapapiksi dahil sa mainit na palad na bigla ay tumapik ng mahina sa balikat niya.
Lumingon siya sa kaliwa at ang ama niya ang kaniyang nakita.
"You should not be looking at your stepmother in that way," mahinang sabi nito sa kaniya na siyang nagpakunot sa noo niya.
Stepmother?
Muli siyang napatingin sa babaeng iyon na noon ay patuloy pa rin sa pagkanta ng nakatikom ang bibig. Base sa hitsura nito ay masyado itong bata para maging madrasta niya.
Ibinalik niya ang tingin sa ama. "Step-mom?" kunot ang noo na tanong niya sa ama. Hindi siya aware sa pagtaas ng kaniyang boses dahilan para makuha ang atensyon ng tinutukoy niya.
"Oh, hi!" masiglang bati ng babae sa kanila na siyang umudlot sa pagtugon ng kaniyang ama.
Sabay silang tumingin dito at napaawang ang bibig niya nang makita ang mukha ng step-mom daw niya na heto at mukhang hindi man lamang nagulat nang makita siya. Ito ang babaeng muntik na bumali sa nose bridge niya.
"Good morning, good-looking men!" masigla at nakangiti pa nitong bati sa kanilang mag-ama.
"Good morning, my gorgeous!" Malawak ang ngiti ng kaniyang ama na sinabayan nito ng paglakad palapit sa babaeng ito.
Pigil ang inis na sinundan niya ito ng tingin habang lumalakad palapit sa kaniya raw madrasta.
Tiim-bagang at papikit siyang napaismid sa mga ito nang makitang dinampian ito ng halik sa pisngi ng ama niya.
Ganoon ba dapat humalik sa asawa?
Kung sabagay, wala naman siyang ideya. Wala pa siyang asawa, inaasawa lang ang mayroon siya.
Ngunit kung magkaroon man siya ng asawa, hindi ganoong paraan ng halik ang gagawin niya, titiyakin niyang parating gilagid sa gilagid ang halik na pagsasaluhan nila.
Humalukipkip siya. "Oh, hi! Good morning, my sexy, young, pretty wonderful step-mommy!" sarkastikong wika niya habang lumalakad palapit sa mga ito.
Napatingin ang mga ito sa kaniya at bumakas sa kani-kaniyang mukha ang magkataliwas na reaksiyon.
Inilahad niya ang kamay sa harap ng kaniyang madrasta nang ganap siyang makalapit. "Ikaw pala si Emerald? Ako si Gray, ang iyong step-son," sabi niya sa pantay bagama't hindi kaaya-kaayang tono. Hindi siya nailang na hantaran itong hagurin ng tingin. "How young are you anyway?"
Hindi ito sumagot pero nanatiling nakatitig sa kaniya. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito kahit na sa mga mata, bagay na ikinaiinis niya.
"Sana naman, hindi ka na kailangang ipagtimpla ni Daddy ng gatas bago ka lumundag sa kaniyang kama tuwing gabi," nanunuya na sabi niya.
Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga ng kaniyang ama.
"My son.” Hinawakan siya nito sa braso at hinila palayo sa kaniyang madrasta.
Pasimple niyang binato ng matalim na tingin si Emerald na noon ay matamang nakatitig sa kaniya habang papalayo sila rito ng kaniyang ama.
"Gray, go back to your room and fix yourself," pigil ang inis sa tinig ng kaniyang ama habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan niya.
"Maayos ako, bakit kailangan kong i-fix ang sarili ko?" pabalang na tanong niya sa ama.
Napapikit ito at napailing, wari'y nagpanting ang tainga sa sinabi niya.
Nagmulat ito at matamlay siyang tiningnan. "Bumaba ka ulit para mag-almusal," kalmadong wika nito imbes na patulan siya.
Tiim-bagang niyang pinukol ng masamang tingin ang kaniyang ama bago padarag na inalis ang kamay nito na noon ay nakahawak pa rin sa braso niya.
"Sa labas na ako kakain. Kung gaganahan ako, magkita na lamang tayo sa provincial hall mamaya." Tinalikuran niya ito at malalaki ang mga hakbang palayo.
Napasunod ito ng tingin sa kaniya bago lumingon kay Emerald na noon ay nakasunod pa rin ng tingin sa kaniya.
Sinikap ng ama niyang gumuhit ng ngiti sa labi.
•••
PAGLABAS niya sa walk-in closet ay naroon ang kaniyang ama at nakaupo sa gilid ng kama niya.
Napabuntong-hininga siya sabay diin sa mga labi niya dahil sa inis dito.
Nakadarama na siya ng inis dito kahit noon pa, pero iba ang pagkainis na nadarama niya ngayon para rito, hindi niya mapigilan at lalong hindi niya maikubli.
Pairap niyang iniiwas ang tingin dito.
Tumayo naman ito at lumakad palapit sa kaniya.
"Respect her," sabi nito sa mahinahong tono ngunit nagpatiim-bagang sa kaniya.
Tikom ang bibig na ibinalik niya ang masamang tingin dito.
"Hindi ko na iyan dapat pinapaalala sa 'yo, Gray, dahil matanda ka—"
"Sanggol pa akong tingnan sa aking edad," paasik at pamimilosopong putol niya rito. "And don't ask me to respect your wife dahil unang-una ako ang binastos n'yo rito," pantay ngunit madiin ang tonong sabi niya sa ama.
"Gray, hindi ko hinihingi na respetuhin mo siya, but I—"
"Inuutusan mo akong respetuhin siya, ganoon ba!?" medyo tumaas ang tonong putol muli niya sa ama. "Binalewala mo na nga ako eh, tapos uutusan mo pa ako sa bagay na dapat ay pagdi-desisyon ko!" mapaklang sabi niya rito. "Oo't matanda ka na Dad at p'wede mong gawin kung ano'ng gusto mong gawin sa buhay mo, pero ano ba naman ako sa pamamahay na ito?" napaluhang tanong pa niya rito habang nakaturo ang hintuturo niya sa makintab na sahig.
Napakurap ang mga mata nito at bahagyang nahawa sa namamasa niyang mga mata.
"Naiintindihan kita kung masama ang loob mo," mahinahon pa rin ang tonong sabi nito. "I married her without letting you know. . .so, ako ang may kasalanan, and she's doing nothing wrong sa 'yo, Gray. Kaya kung galit ka, sa akin ka magalit hindi sa kaniya."
Hindi siya nakapagsalita ngunit mapaklang napatawa habang nakatitig dito.
Paano ba niya sasabihin dito ang ginawa ng babaeng iyon sa kaniya sa labas ng coffee shop tatlong linggo na mahigit ang nakaraan? Na ang pamamaga ng kaniyang ilong sa loob ng ilang araw ay ang babaeng iyon ang may kagagawan.
Marahas siyang napabuntong-hininga.
"I gotta go, sa isla na ako didiretso," kapagkuwan ay malamig niyang sabi sabay talikod dito.
Matamlay ang tingin na ipinukol nito sa kaniya.
Inilang hakbang lang niya ang pintuan at mabilis na lumabas doon.
Natigilan siya matapos ang kaniyang dalawang paghakbang buhat sa pintuan ng kaniyang silid na kakalapat lang.
"Get out of my way!" madiing utos niya kay Emerald nang makitang nakatayo ito sa kaniyang daraanan.
Ngunit imbes na sundin siya nito ay humakbang pa ito palapit sa kaniya at umaktong hahawakan siya.
Nagsaltik ang mga bagang niya sa galit dito kaya mabilis niya itong hinawakan ng madiin sa tigkabila nitong mga balikat at padaskol na dinikdik sa dingding.
Napapikit ito at napasinghap dahil sa ginawa niya ngunit tila hindi naman ito nasindak.
Iminulat nito ang mga mata tapos ay inangat ang mga kamay at inayos ang kuwelyo ng suot niyang long-sleeved polo habang nakatuon ang tingin doon.
Napatitig siya sa mukha nito habang kalmado nito iyong ginagawa. Parang napahiya siya kaya niluwangan niya ang pagkakahawak sa mga balikat nito.
"Bago ka lumabas ng bahay make sure na titingnan ka ng mga tao dahil sa maayos mong hitsura," malumanay nitong sabi bago siya tiningnan sa kaniyang mga mata.
Napalunok siya at tuluyan itong binitawan. "Wala kang pakialam, hindi kita nanay. Mind your own ass, not mine," pabalang na sabi niya bago ito tinalikuran at iniwan.
Saglit naman itong napapikit at napailing bago siya sinundan ng makahulugang tingin.