1 - Elbow Strike
©️All Rights Reserved 2022
INIHIMPIL ng driver ni Graysen ang kaniyang kotse sa parking lot ng coffee shop na madalas niyang puntahan.
"Ako na ang bahala, Steve," matamlay na sabi ni Graysen sa kaniyang driver nang makitang kumilos ito pababa sa driver seat upang ipagbukas siya ng pintuan ng sasakyan.
Napatingin si Steve sa kaniya maging ang close-in bodyguard na si Ricky na nasa kaniyang tabi sa backseat.
Marahil ay napapaisip ang mga ito sapagkat nasanay ang mga itong palagi siyang puno ng enerhiya sa katawan at malawak ang mga ngiti sa labi.
Gusto niyang mainis sa sarili sapagkat kaaga-aga ay kinukubabawan na siya ng katamlayan ngayong araw.
Kumilos ang close-in bodyguard niya upang bumaba ng sasakyan.
"Ricky," untag niya rito.
Tiningnan siya nitong muli. "Sir Gray?" pamaang na tugon nito sa kaniya.
"Stay in here, Ricky. Gusto kong mapag-isa kahit na sandali lamang, h'wag kang mag-alala't hindi naman ako gaanong magtatagal." Kumilos siya at binuksan ang car door.
Bakas sa anyo ni Ricky ang pagtutol habang nakamasid sa pagkilos niya. Bumababa siya sa kotse nang eksaktong mag-ingay ang kaniyang cellphone. Inilapat niya ang pintuan ng kotse bago iyon dinukot sa kaniyang bulsa.
Si Gezana iyon, ang panganay niyang kapatid na kasama ng kanilang ina sa New York.
Napabuntong-hininga siya bago sinagot ang tawag nito. "Mm?" bungad niya.
"How are things going?" kaagad nitong tanong sa kaniya.
Muli siyang napabuntong-hininga bago humakbang papasok sa loob ng coffee shop.
"Just like the day before, paalog-alog kami sa bahay. Si Daddy nasa last term na ng panunungkulan at nagpahaging sa akin tungkol sa desisyon niyang pagpapakasal muli." Nagkaroon ng bahid ng stress ang kaniyang tono sa huling sinabi.
"Oh, my. . ." mahinang bulalas nito sa kabilang linya kasabay ang malalim na pagbuntong-hininga.
Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang makapasok sa entryway ng coffee shop.
"I told you," pagpapatuloy nito kapagkuwan, "sarili na lang niya ang kaniyang iniisip. Why don't you leave him yet at hayaang mamuhay siya ng mag-isa?" bakas sa tinig nito ang pagkainis sa kanilang ama.
Napahinto siya sa paglakad. "Gez...tumatanda na si Dad, ano na lang ang mangyayari kung iiwan ko siyang mag-isa?" Hindi niya ikinubli ang disgusto sa sinabi nito.
"Graysen, think about it. Everyone's eyes are fixed on him diyan sa lalawigan natin, kung sa mga ginagawa niya ay pag-usapan siya ng publiko, pati ikaw mai-eskandalo."
Napabuntong-hininga siya at napailing. Hindi talaga siya ayon sa mga sinasabi nito.
"Just move here to New York, Graysen. Magiging masaya ka rito at walang pagsisihan kagaya namin. Iniisip palagi ni Mommy ang makakabuti para sa amin. Iwanan mo na si Daddy," mariing sabi pa nito, desididong makumbinsi siya sa buktot na suhestiyon nito.
Saglit siyang hindi nakapagsalita.
Pakiwari niya ay kinilabutan siya sa mga sinabi ni Gezana.
"Pag-iisipan ko," sabi na lang niya bago tinapos ang tawag na walang paalam dito.
Napabuga siya ng hangin bago nagpatuloy sa paghakbang patungo sa bakanteng mesa na naroon sa sulok.
"Excuse me, mister," untag ng babae sa kaniya nang mapatapat siya sa mesa nito.
Huminto siya sa paglakad at tumingin dito.
Obvious na natigilan ang babaeng ito nang makita ang kaniyang mukha. Tinitigan siya nitong maigi na wari ba'y sinusuri siya. Napakunot naman ang noo niya nang maisip na parang pamilyar ang babaeng ito sa kaniya.
"Gusto kong makausap ang manager ninyo," kapagkuwan ay mataray na sabi nito na siyang nagpakunot sa kaniyang noo. "Sinabi ko na gusto kong taste like home ang coffee ko pero. . ." binitin nito ang sasabihin at dinampot ang tasa ng kape sa harap nito. "Marunong pa kayo sa gusto ng customer ninyo!" pasinghal na dugtong nito bago iniabot ang tasa ng kape sa kaniya.
Maanghang siyang napangisi at kunot ang noo na tinanggap ang tasa buhat dito.
Napatitig siya sa kape bago tumingin sa babaeng ito na nang sandaling ito ay matamang nakatitig sa kaniya.
Taga saan ba ang babaeng ito at mukhang hindi siya nito kilala? Hindi ba nito alam na. . .siya ang anak ng Gobernador sa lalawigan na ito?
Kung sabagay, madalas siya sa coffee shop na ito at ang mukha ng babaeng ito ay parang ngayon lamang niya nakita rito.
“Sinasabi mo ba na…tikman ko ang tasa ng kape mo?” tanong niya sa babae.
Hinagod nito ng tingin ang kaniyang mukha imbes na sagutin ang tanong niya. Dumako ang tingin nito sa nakaawang niyang labi at namirmihan ang titig doon.
"Good morning, Sir Gray," bati sa kaniya ng barista ng coffee shop na umagaw ng atensiyon niya buhat sa babae.
Tumingin siya rito at kaagad na napahagod ng tingin sa kabuuan nito bago iyon ginawa sa kaniyang sarili.
'Buwisit!' bulalas niya sa isip nang makita na kapareho ng uniform nito ang kulay ng kaniyang suot na long-sleeved polo maging ang suot niyang pantalon.
Kaya naman pala napagkamalan siguro siya ng babaeng ito na server dito sa coffee shop.
Bakit ba ganito na kulay pa ng long-sleeved polo na ito ang naisip niyang isuot?
“Na-obsessed na yata ako sa coffee shop n’yo.” Sinikap niya tawanan ang biro niya.
Tumikhim ang barista saka manipis na ngumiti. Marahil ito talaga ang dahilan ng pag-iwan nito sa counter para lang lapitan sila. Kaagad nitong kinuha ang tasa ng kape sa kaniya bago binalingan ang babaeng nagri-reklamo upang kausapin sana ito ngunit mabilis na itong nakatayo buhat sa pagkakaupo.
"Nawalan na ako ng gana," pagtataray nito at kumilos paalis doon sa coffee shop.
"Ma'am, sandali lang po—"
"Ayos lang," putol niya sa nag-aalala na barista.
Kinuha niya ang wallet at kumuha ng two thousand pesos. Iniabot niya iyon dito bilang bayad sa kapeng iniwan ng babaeng iyon.
"Keep the change," sabi pa niya bago ito tinalikuran.
"Salamat, Sir Gray!" masigla ang tinig na pahabol nito sa kaniya.
Nag-thumbs up lang siya habang patuloy sa paglakad pasunod sa babaeng umiindayog ang magandang balakang sa bawat paghakbang palabas sa exit way ng coffee shop na ito.
"Miss," tawag niya rito nang maabutan ito pagkalabas sa glass door.
Huminto ito sa paglakad at nilingon siya. Nagtama ang mga paningin nila.
"Have we met before?" kaagad niyang tanong at hindi nahiyang hagurin ng tingin ang mukha nito.
Umangat ang kanang sulok ng labi nito habang nakakunot ang noo. "Yes, we met just a few minutes ago inside this coffee shop," pilosopong sagot nito.
Siya naman ang napangisi. "Ibig kong sabihin. . .maliban sa loob, nagkita na ba tayo dati?" tanong pa niya.
Umiling ito sabay talikod sa kaniya.
"Miss, sandali." Kumilos siya pasunod dito.
"Nagmamadali ako," sabi nito habang patuloy sa paglakad.
Hindi siya tumigil sa pagsunod dito. Matapos ang ilang mga paghakbang ay sinapit nila ang kinaroroonan ng kotse nito.
"Last question," sabi niya nang makitang binuksan nito ang pintuan ng sasakyan nito. "Have you ever played with me?"
Napahinto ito sa pagsakay sa kotse at dahan-dahang tumingin sa kaniya, sa mga mata niya. "You mean, s*x? Tinatanong mo ako if I've ever had s*x with you?" prangkang tanong nito na muntik pumilas ng malawak na ngiti sa labi niya.
'Wow!' natatawang bulalas niya sa kaniyang isip.
May kahinhinan ang babaeng ito subalit hindi natatakot sa mga salitang binibitawan. Hindi tuloy niya kaagad nahagilap ang mga salitang dapat sabihin.
Sarkastiko itong ngumisi. "Don't dare to fvck my mind, cutie boy," mahina pero mariing sabi nito sa kaniya bago tuluyang sumakay sa kotse.
Kinabig nito ang car door at binuhay ang makina ng sasakyan. Hindi siya umalis sa kinatatayuan habang nakatitig sa windscreen ng kotse nito.
Ini-rolled down nito ang car window at dinungaw siya. "Siguro naman hindi mo gustong sagasaan kita," wika nito habang nakatitig sa kaniya ang mga matang tila nasisilaw sa liwanag ng medyo mataas na sikat ng araw nang umagang iyon.
Kumilos siya at lumapit sa bintana ng kotse nito. Binantayan nito ng tingin ang bawat kilos niya.
Yumukod siya at itinuon ang mga siko sa nakabukas na bintana ng kotse nito.
Tinitigan niya ito partikular sa manipis at mamula-mula nitong labi. "I paid for your cup of coffee. . .I'm fine if you come with me to dinner, wonderful lady," mapanukso ang ngiting sabi niya rito na sinundan pa ng pa-cute na pagkindat.
Kumislap ang mga mata nito at manipis na napangiti. Ngunit imbes na magsalita ay umigkas ang siko nito.
Wala siyang kailag-ilag at kapalag-palag. Nasiyapol siya ng elbow strike nito sa kaniyang ilong.
"Fffck!" daing niya sabay sapo ng dalawang kamay sa ilong niya na noon ay mabilis na nagpulas ng dugo.
Pinukol niya ito ng matalim na tingin.
"Bayad ko sa halagang binayad mo para sa coffee ko, keep the change.” Kalmado nitong binawi ang tingin sa kaniya at nag-play ng maangas na musika sa car stereo nito bago siya muling tiningnan. "I warned you. . .don't dare to fvck my mind," sabi pa nito bago mabilis na pinausad ang kotse.
"You're excellent!" gigil na pahabol niya rito bago napadaing.
"Yeah, I'm excellent!" pang-aasar pa nito sa kaniya habang iniru-roll up ang car window.
"Magku-krus pa ang mga landas natin, isaksak mo sa utak mo 'yan!" gigil na habol pa niya rito habang napapangiwi dahil sa matinding sakit na iniinda sa kaniyang ilong. ”Buwisit!”