"OHHMM..." ungol ng babae habang nakadikdik sa malambot na kama ang kabilang pisngi. Tumitirik ang mga mata nito at panay ang kislot ng balakang. Nalamukos nito ang bedsheet habang namamaluktot ang mga daliri sa mga paa at pigil ang hininga.
Iniwan ng dila ni Gray ang clit nito, but he kept his two fingers deep inside her, watching the creamy white flow freely from her.
"Hmmm-uhh..." nasisiyahan na ungol pa nitong muli.
Sinulyapan niya ito at napangiti siya nang makita ang nakatirik nitong mga mata habang matamis na nakangiti. Kagat-labi na dinala nito ang mapusok na tingin sa kaniya. Bumangon ito at itinulak siya. Patihaya siyang nag-bounce sa malambot na kama. Kaagad itong sumakay sa kaniya at humihingal na sinugod ng halik ang labi niya, gigil at sabik.
Tinugon niya ang mapusok nitong halik. Nagsakmalan sila ng mga labi, naglingkisan ng mga dila habang abala ang mga palad niya sa matambok nitong pang-upo, humahaplos doon, pumipisil.
Iniwan nito ang labi niya at bumaba sa kaniyang leeg. Napakagat-labi siya at naipikit ang kaniyang mga mata habang napapasinghap.
Patuloy na gumapang ang mainit nitong labi at dila sa leeg niya hanggang sa humantong iyon sa matipuno niyang dibdib. He sighed deeply when she licked his nip ngunit, kaagad siyang napamulat nang maramdaman ang tila pagmamadali nitong makarating sa kaniyang pagkalalakí.
Pahapyaw na gumapang ang labi nito sa kaniyang sikmura pababa sa malinis niyang puson. Napigil niya ang paghinga bago bumalikwas ng bangon sabay tulak dito palayo sa kaniya.
Nagulat ito at bakas sa mukha ang pagkapahiya nang tingnan siya.
Napalunok siya habang nakatitig dito.
"Ano'ng problema, Gray?"
Muli siyang napalunok at napailing bago iniiwas dito ang tingin. "Mag-check out na tayo," simpleng sabi niya na sinabayan ng pag-ibis sa kama.
"Ano!?" dismayado na tanong nito sa kaniya. "Kakapasok pa lang natin—"
"Aalis na ako," putol niya sa dalaga habang pinupulot ang mga kasuotan na nakakalat sa sahig.
"So, will you leave me here ng ganito, ha!?" Tumaas ang boses nito.
Tiningnan niya ito habang sinusuot ang kaniyang boxer brief. Nakita niya sa mga mata nito ang pagguhit ng galit at pagkadismaya.
"Kapag iniwan mo ako rito, titiyakin kong magsisisi ka," may pagbabanta sa tonong sabi nito habang matalim ang titig sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya. Alam niyang kaya nitong panindigan ang sinabi nito. Anak ito ng Congressman at maraming kamag-anak na mayroong higit na kapangyarihan kaysa sa kaniyang ama subalit, ano ang gagawin niya gayong bigla na lamang umurong ang kargada niya?
"P-pasensiya na, Janelle, pero...kusa siyang nag-shutdown," wika niya na ang tinutukoy ay ang kaniyang pagkalalakí.
Napalaki ang mga mata niya nang makitang paibis ito sa kama upang lapitan siya. Minadali niya ang pagsusuot sa pantalon.
"Nag-shutdown? Ano 'yan, Gray? De baterya?" may panunuya sa tonong tanong nito sa kaniya.
Ngunit imbes na magsalita ay napatakbo siya patungo sa pintuan pero maagap siya nitong nahawakan sa braso bago pa man siya umabot doon.
"Get off me, Janelle!" inis na sabi niya.
Natigilan ito at napamata sa kaniya.
Inalis niya ang kamay nito sa kaniyang braso ngunit napapiksi siya nang bigla ay dumapo ang palad nito sa kaniyang pisngi. Malakas iyon at nabiling ang mukha niya.
"You can't leave me here, Graysen James Gabriel," mariing sabi nito sa kaniya, may pagbabanta.
"I'm sorry," pabuntong-hiningang sabi niya sa mahinahong tono. "Gagamit lang ako ng bathroom sandali." Tumalikod siya at kaagad na nagtungo roon upang hindi na nito magawang umapila pa.
Nang sumapit siya sa bathroom ay kaagad niyang inilapat ang pintuan at ini-lock.
Iniligid niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng bathroom hanggang sa mapadako iyon sa glass window na naroon.
Napalunok siya. Nasa ika-ilang palapag na nga ba sila ulit ng hotel na ito? Sumakay sila sa elevator kanina pero hindi na niya matandaan kung sa ika-ilang palapag sila bumaba, ‘ni hindi na nga niya matandaan ang numero ng hotel room nila.
"Hay, buwisit!" inis na anas niya sa sarili.
Kumilos siya at binuksan ang makipot na glass window, sinikap na umakyat doon. Napaawang ang bibig niya nang makitang mataas pala ang kaniyang babagsakan kapag nagkataon.
Ganoon pa man ay mas pipiliin niyang magbuwis buhay kaysa mapilitan siyang busalsalin ang kaniyang pagkalalakí para lang sa ikaliligaya ni Janelle.
Kumilos siya at pinilit na pagkasyahin sa bintana ang kaniyang sarili. "Hay, buwisit!" inis na anas na naman niya nang maramdaman ang sakit sa kaniyang balat dahil sa pagpipilit niyang mapagkasya ang sarili sa makipot na bintana.
Napapiksi siya nang marinig ang malakas na katok sa pintuan ng bathroom.
"Graysen!" tawag sa kaniya ni Janelle sa tila naiinis na timbre ng boses.
"Buwisit!" namimilog ang mga matang anas niya at minadali ang makalabas doon.
Nagawa naman niya pero muntik na siyang mapahiyaw nang muntik na siyang makabitaw.
Nagpatuloy siya sa mala-spider man na pagkilos sa labas ng bintana hanggang sa makatawid siya sa kabilang bintana ng hotel bathroom. Sinikap niya iyong buksan at masuwerteng nagawa naman niya.
Umakyat siya roon at pinilit na pagkasyahin ang sarili hanggang sa wakas ay makapasok.
Napadaing siya habang tinutunghayan ang namumula niyang balat nang makababa sa loob ng bathroom.
Hindi na siya nag-aksaya ng oras, kaagad niyang tinungo ang pintuan at lumabas doon.
Napakislot pa siya nang sa paglabas niya sa pinto ay mapatili ang hubo't hubad na babaeng gumigiling sa ibabaw ng kapareha, muntik pang mapatalon ang mga ito sa kama nang makita siya.
"I-I'm sorry," kaagad niyang hingi ng dispensa sa mga ito. "Makikiraan lang ako, ituloy n'yo lang 'yan." Nagmamadali niyang tinungo ang pintuan.
Maang ang mga ito na napasunod ng tingin sa kaniya.
Binuksan niya ang dahon ng pintuan bago tiningnan ang dalawa sa kama. "I would've loved to suck those sexy nips," pilyong sabi niya sa magandang babae.
"Suck my díck man, fvck you!" galit na sabi ng lalaki at akmang babangon pa sana ngunit pinigilan ito ng babae na noon ay lumingon pa sa kaniya at pasimple siyang nginitian habang hinahagod siya ng mapagnasang tingin.
Kumilos siya palabas sa pintuan at bago iyon ilapat ay inayos pa niya ang DND sign doon.
"Ricky..." paanas na tawag niya sa kaniyang close-in bodyguard na noon ay nakatayo sa pintuan ng hotel room na inukupa nila ni Janelle.
Tumingin ito sa kaniya at napakunot ang noo nang makitang naroon siya nakatayo sa tapat ng ibang pinto.
Sinenyasan niya ito upang ipahayag dito ang lets go.
Napatingin pa ito sa pintuan ng hotel room nila ni Janelle bago kumilos at nagmamadaling lumapit sa kaniya.
"Bakit nakahubad ka?" tanong nito nang nakalapit sa kaniya.
"Umalis na tayo," madiing sabi niya rito.
"Graysen James Gabrielle!"
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang galit na pagtawag sa kaniya ni Janelle.
Sabay pa silang napatingin ni Ricky sa kinatatayuan nito at napaawang ang kanilang bibig nang makitang tila magsu-super saiyan na ito sa matinding galit sa kaniya.
"Takbo!" sigaw niya kay Ricky.
•••
"I SEE no problem, Mr. VillaLobos," sabi ng urologist na tumingin sa kaniyang kondisyon na labis niyang ipinag-aalala.
Saglit na napapikit si Graysen kasabay ang pagbuntong-hininga at pag-sapo sa noo niya. "Nagkamali ka doktora," pigil ang inis na sabi niya bago nagmulat ng mga mata at tumingin dito.
Oo, babae ang urologist na ito, maganda at bata pa. Pambihira sa urologist ang babae, at sa pambihirang bilang na iyon ay kabilang ito roon.
Napakunot ang noo nito matapos ang kaniyang sinabi. "Paano mo nasabi? I am the doctor—"
"And I am the patient here!" inis na putol niya rito sabay hampas ng palad sa desk nito.
Napapiksi ito at natuog habang laglag ang mga panga na nakatulala sa kaniya.
"I feel the pain, Doktora," madiing sabi niya. "Nararamdaman ko ang kirot sa títi ko kaya paano mo nasabing wala akong problema rito!?" paasik na tanong niya habang nakaturo ang hintuturo sa kaniyang pagkalalakí.
Hindi ito kaagad nakapagsalita bagkus ay napahugot ng malalim na buntong-hininga.
Saglit silang nagtitigan na para bang naghuhulihan ng nasa isip.
"Baka kailangan mo ng Psychologist," sabi nito kapagkuwan.
Napatiim-bagang siya at pinukol ito ng masamang tingin bago tumingin sa dingding.
"Hindi ko kailangan ng panibagong bu-buwisit sa akin!" asik niya.
"s*x therapist, baka maka—" naputol ito sa sinasabi nang padarag siyang tumayo buhat sa silyang kinauupuan niya at bahagya itong napatili nang walang anu-ano'y haltakin niya ito sa kuwelyo ng suot nitong lab coat.
Tinitigan niya ito sa mga mata nitong puno ng pag-aalala sa maaaring gawin niya.
"Tandaan mo ito, Dra. Kayleigh," sabi niya matapos sulyapan ang name tag nito. "Kapag komunsolta ako sa ibang espesyalista at mapatunayan kong nagkamali ka...babalikan kita rito. So shut your lower front door, tightly." Saka ito binitawan.
Habol ang hiningang napahawak ito sa leeg nito habang namamasa ang mga matang nakatitig sa kaniya.
Tinalikuran niya ito na walang paalam at malalaki ang mga hakbang na tinungo ang pintuan.
Napatayo ito at bakas pa rin ang pag-aalala sa mukhang sinundan siya ng tingin.
"Mr. VillaLobos!" tawag nito sa kaniya sa nanginginig na tinig ngunit hindi niya ito pinansin pa. "Mr. VillaLobos ang zipper mo, bukas," pahabol na sabi nito pero hindi na iyon nakaabot sa kaniyang pandinig sapagkat lumapat na ang dahon ng pintuan.