7 - The Consultant

1827 Words
GRAY taps his phone on Dr. Isagani's desk, staring desperately at consultant specialists habang nakikinig sa mga sinasabi nito. Huminto ito sa pagsasalita nang mapansin ang kaniyang ginagawa. Ibinaba nito ang tingin sa kaniyang cellphone na patuloy niyang itinutuktok sa desk nito. Tila inu-obserbahan at ina-analisa nito ang kaniyang ikinikilos. Kapagkuwan ay ibinalik nito ang tingin sa kaniyang mukha. “Have you had a bad s****l experience before, bago mo naranasan ang sa tingin mo ay iyong problema sa iyong pagka.lalaki?" tanong nito habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Hindi niya nagawang sumagot dahil hindi naman niya alam kung ano ang kaniyang isasagot. Wala siyang matandaan na nagkaroon siya ng masamang karanasan pagdating sa usaping seksuwal. Bumuntong-hininga ang doktor. "As I see no problem at all, iri-refer kita sa kakilala kong s*x therapist, baka makatulong siya sa'yo," sabi nito sa kaniya sa masiglang tono. Siguro upang pawiin ang negatibong pakiramdam na lumalamon sa kaniyang pagkatao sa kasalukuyan. Iniiwas niya ang kaniyang tingin dito. Napabuntong-hininga siya at pahinamad na sumandal sa backrest ng silyang kaniyang kinauupuan. Napansin nito iyon kaya muli itong napatitig sa kaniya. "I have many dreams about someone sucking my d!ck, and her method is excruciatingly painful. Hindi ko maintindihan kung bakit labis akong naaapektuhan ng panaginip na paulit-ulit lang naman." Napalunok siya at muling tumingin sa doktor. "I think you need a Psychologist. Malaki ang maitutulong ng Psychologist sa iyong problema," malumanay na sabi nito bagama't nasa tono ang pangungumbinsi sa kaniya. Napaangat ang mga kilay niya habang hopeless pa ring nakatitig dito. Iniisip niya, Psychologist nga ba ang kailangan niya? Napabuntong-hininga siya habang naiisip ang taong dapat niyang puntahan. *** BAKAS sa mukha ni Dra. Kayleigh ang pagkabigla nang makita siya sa kaniyang pagbungad sa pintuan ng consultant office nito. Kung wala marahil itong manipis na make up sa mukha malamang ay masasaksihan niya ang pamumutla nito. However, now that he was in front of her, she couldn't hide the anxiety in her eyes. Humakbang siya palapit sa desk nito. Pakiwari niya habang lumalakad siya palapit sa kinaroroonan nito ay ninanais nitong mapatayo buhat sa pagkakaupo sa silya nito at magtatakbo palabas ng opisinang ito. "Have a wonderful day, Dra. Kayleigh," mahinahong bati niya rito na tila kagyat na pumawi sa pagkabahalang nadarama nito. Nakita niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito sa kabila ng suot nitong lab coat. Tila noon lang ito nakahinga pero habol pa nito iyon. Naupo siya sa silyang kaibayo nito sa desk na talagang nakalaan sa mga kagaya niyang out-patient na kumu-konsulta rito. Ngumiti siya nang ganap na nakaupo. "I'm sorry, I'm sitting my ass here even though you haven't given me your seat," nakangiti at napapailing na sabi niya habang nakatingin dito. Tumangu-tango lang ito at pasimpleng iniiwas ang tingin sa kaniya. Napadako ang tingin niya sa kamay nitong nakapatong sa clipboard na nasa ibabaw ng desk nito at doon ay nakita niya ang engagement ring na nakasuot sa daliri nito. Ikakasal na pala ito, hindi niya iyon napansin nang unang punta niya rito. Binasa niya ng dila ang kaniyang labi na pakiwari niya ay nanunuyo na bago muling tumingin sa mukha ng magandang doktora. "I apologize for my rude behavior last time I consulted you here," malumanay niyang sabi dito dahilan para tingnan siya nito. Ngumiti siya ng manipis ngunit napakagiliw. Mataas ang kompiyansa niya na guwapo siyang tingnan sa paraan ng pagkakangiti niya sapagkat ang ngiting iyon ang bumihag sa puso ng mga babaeng nahibang at patuloy na nahihibang sa kaniya. Nakita niya ang pagbaba ng tingin nito sa kaniyang labi kung saan nananatiling nakaguhit ang kaniyang magiliw na ngiti, at mukhang hindi talaga siya nagkamali. Kagyat na naglaho sa mga mata nito ang pagkabahala at napalitan iyon ng kaaya-kaayang kislap dulot ng unti-unting pagguhit nito ng ngiti sa maganda at maliit nitong labi. "I just had a miscarriage at the time and I didn't think about whether I was still behaving correctly," sabi pa niya habang nakangiti pa rin. Itinaas nito ang tingin sa kaniyang mga mata, at diyan nga ay nagkatitigan sila. "I'd like to have lunch and I'd be glad if you could join me." At sinimulan na nga niya ng mga ganiyang birada. Wala siyang pakialaman kahit may singsing pa itong nakasuklot sa daliri nito. Kung kaniyang nanaisin, hindi naman ang singsing na iyon ang kaniyang huhubarin dito kun'di ang panty nito. *** "KUMUSTA na ang pakiramdam mo?" tanong sa kaniya ni Dra. Kayleigh habang magkaharap sila sa mesang inu-okupa nila roon sa restaurant na malapit lamang sa ospital kung saan ito nagdu-duty. Alam niyang gusto nitong malaman kung komunsulta siya sa ibang espesyalista kaugnay sa kondisyon ng pagka.lalaki niya, gaya nga ng sinabi niya nang nakaraang komunsulta siya rito. Tiningnan niya ito. "Your findings are the same as those of the specialist I consulted for a second opinion," tugon niya sa doktora bago muling ibinaba ang tingin sa pagkaing nasa harapan niya. "Dapat akong mapahiya sa'yo dahil pinagdudahan ko ang kaalaman mo." Ibinaba nito ang tingin sa kaniyang plato at hindi napigil ang mapangiti. "You know, I was so worried about your last words before you left my office that day. I'll admit I didn't immediately get what you meant then, but when I thought about it, I was nervous," nakangiting sabi nito. Napatawa siya ng mahina matapos marinig ang sinabi nito. At nahawa niya ito, kaya naman ang ngiting nakaguhit sa labi nito ay napalitan ng mahinhing pagtawa na siya namang nagpaseryoso sa kaniya. Paano ba naman ay napakaseksi ng dating niyon sa kaniyang taynga. Ibinaba niya ang tingin sa kamay nito kung saan naroon ang daliri nitong may suot na engagement ring. "Mabuti naman at hindi mo ako isinumbong sa fiancé mo, kase kung nagkataon malamang ipina-hunting niya ako," pagpapasaring niya rito. Gusto niyang mabanggit nito sa kaniya ang tungkol sa fiancé nito. Natigilan ito at natahimik bago napatingin sa daliri nito kung saan nakasuot ang singsing. "So, pumapayag ka ng humarap sa Psychologist para magbaka-sakaling maresulbahan ang iyong problema?" tanong nito sa kaniya imbes na mabanggit ang tungkol sa fiancé nito gaya ng nais sana niya. Mukhang iniiwasan nitong mapag-usapan ang tungkol dito. Marahil kung naalala nitong alisin ang singsing baka gaya ng ibang mga babae na nakakaharap niya ay sabihin din nito sa kaniya na certified single ito. Ngumiti siya ng magkalapat ang mga labi bago iniiwas ang tingin dito. Eksaktong napadako ang tingin niya sa naglalakad na waiter, dadaan ito sa tapat ng kanilang table dala sa serving tray ang juice na in-order ng costumer. Umiral ang kaniyang kalokohan. Tiningnan niya si Dra. Kayleigh na noon ay nakatingin pa rin sa daliri nito. Pinakiramdaman niya ang waiter hanggang sa ito ay mapatapat na nga sa kinaroroonan nila. Kaagad niyang iniunat ang kaniyang binti sa daraanan nito kaya naman sa muling paghakbang ng waiter ay napatid ito sa binti niya. Naagapan nito ang bitbit. Hindi iyon bumagsak ngunit lumigwak ang laman at sumaboy sa mismong dibdib ni Dra. Kayleigh. Mabuti na lamang at hinubad nito kanina ang suot nitong lab coat kaya hindi iyon namantsahan, puting-puti pa naman iyon. Kunwa'y namilog ang kaniyang mga mata at bibig. Kaagad niyang dinampot ang table napkin sabay tayo at dumukwang dito. Gamit iyon ay agad niyang tinuyo ang nabasang damit ng doktora sa mismong tapat ng dibdib nito. "Sorry po, Ma'am," kaagad na paghingi ng dispensa ng waiter dito, balot ito ng pagkabahala. "Hindi ko po. . ." binitin ng waiter ang sasabihin at tumingin sa kaniya. "Hindi ko po sinasadya," tapos ay maluha-luha nitong pagpapatuloy sa paghingi ng pasensiya kay Dra. Kayleigh. Tiningnan niya ang waiter at nakita niya sa mga mata nito ang labis na pag-aalala. Nakadama siya ng labis na konsensiya. Dahil sa kagustuhan niyang maka-tiyansing sa doktora ay nadamay pa ito. "Okay lang," wika niya rito. "I-charge mo sa akin ang halaga ng natapon mo at ako na ang bahalang kumausap sa kaniya," malumanay na sabi niya na sinulyapan pa ang doktora. "Pakiulit na lang ang juice para sa order ng costumer." "Opo." Tumalikod ang waiter para gawin ang sinabi niya. Hindi nakapagsalita ang mga ito sa harap niya bagkos ay napatitig sa kaniya. Pasimple niyang iniligid ang tingin sa paligid at napansin niya ang ilan sa mga matang nakamasid sa kanila. Tiningnan niya si Dra. Kayleigh na noon ay nakatingin sa kaniya. "Please let's just ignore the waiter's mistake, sometimes such things really happen," sabi niya rito sa malumanay na tono bago ipinagpatuloy ang pagtutuyo sa dibdib nito sa maingat na kaparaanan bago muling ibinaba doon ang kaniyang mga mata. Ibinaba nito ang tingin sa kamay niyang may hawak sa table napkin na kasalukuyan niyang ginagamit upang tuyuin ang nabasa nitong damit sa tapat mismo ng dibdib nito. Hinawakan siya nito sa pulsuhan at kinuha ang table napkin sa kaniyang kamay. Napatingin siya dito upang alamin kung nakahalata ba ito. "I'll do it myself, thanks," malumanay nitong sabi. Saglit silang nagtitigan bago niya ito hinayaan, kung ipipilit niya ay baka isipin nitong tina-tiyansingan nga lang niya ito. Iniiwas niya ang tingin dito habang ito naman ay ipinagpatuloy ang pagtutuyo sa nabasa nitong damit. "Natutuwa akong makita ang pagiging pasensyoso mo't maunawain," sabi nito bago ibinaba ang tingin sa dibdib nito. Napatitig siya muli sa doktora hindi dahil sa sinabi nitong mga papuri sa kaniya kun'di sa tila katamlayan nito nang sabihin ang mga katagang iyon. Napaisip tuloy siya, bakit kaya? *** "WHO'S that guy?" malamig ang boses na tanong ni Marvin kay Dra. Kayleigh matapos niya itong i-ignora nang salubungin siya nito pagpasok niya sa entrance ng ospital. Doon siya inihatid ni Graysen dahil may duty pa siya. Huminto siya sa paglakad at bumuntong-hininga bago pumihit ng bahagya upang lingunin ito sa kaniyang likuran. Lumakad ito palapit sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya. "Ano'ng dahilan at naisipan mong pumunta rito?" matabang niyang tanong sa fiancé nang ganap itong makalapit sa kaniya. Hindi ito nagsalita bagkos ay hinagod siya ng tingin. "Ano'ng kailangan mo?" tanong pa niya. Itinuon nito ang tingin sa kaniyang mga mata. "Let's talk," maiksing sabi nito. "P'wede na siguro rito." Napakunot ang noo nito. "Iniiwasan mo ba ako?" Hindi nito inaalis ang tingin sa mga mata niya. "Ano sa palagay mo?" balik tanong niya. Iling ang ibinigay nitong tugon sa kaniya sabay baba ng tingin sa daliri niya kung saan ay suot niya ang singing. Marahas siyang napabuntong-hininga. "Ang problema nakikita mo ang problema sa relationship ng iba pero 'yong problema sa relationship natin hindi mo makita," napaluhang wika niya dahil sa inis dito. Napakunot ang noo nito at akmang magsasalita pero kaagad niyang sinigundahan ang kaniyang sinabi. "Matagal na kitang hindi maramdaman Marvin, h'wag mong hintayin na mamanhid ako ng tuluyan hanggang sa pati ang nararamdaman ko para sa'yo eh maglaho na lang." Sabay talikod dito ng walang paalam. Naiwan itong hindi nakatinag sa kinatatayuan habang inihahatid siya ng tingin. Napaluha siya habang mapait na napapangiti. Marriage counselor si Marvin pero wala itong pakinabang pagdating sa kanilang problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD