PAGBUNGAD pa lamang ni Gray sa pintuan ng kaniyang silid ay hinubad na niya ang pang-itaas na kasuotan.
Masyado na siyang naiinitan. Sa bathtub na siya didiretso para magbabad.
Isinunod niya ang kaniyang belt ngunit kaagad na natigilan nang hindi sinasadyang mapadako ang tingin sa direksiyon ng kaniyang kama.
Ilang sandali siyang tumitig doon habang larawan ng kabiglaan.
Hindi niya inaasahan na makikita ang madrasta sa loob ng kaniyang silid.
Nang makabawi ay gumuhit ang pagkainis sa mukha niya.
"Hi," bati nito sa mahinang timbre ng boses habang manipis ang pagkakangiti.
Hindi niya ibinalik ang pagbati rito bagkos ay tiningnan ang beddings na nakakalat sa makintab na sahig.
"Pinalitan ko ang beddings mo, kase—"
"Ginagawa ni Ate Zeny iyan para sa 'kin kaya hindi mo iyan kailangang gawin," putol niya sa madrasta. "Sa susunod, huwag kang basta papasok dito kung wala akong pahintulot. Lumabas ka na," mariing pagtataboy rito.
Kumilos siya upang magtungo sa bathroom pero natigilan din siya agad nang maramdamang hindi ito kumibo.
Muli niya itong tiningnan sa kinatatayuan nito at dahil nakatitig ito sa kaniya ay nagpanagpo ang kanilang mga mata.
"Gray, paano kung kalimutan na lang natin ang nangyari sa coffee shop at. . .doon sa pool kagabi," sabi nito na sinabayan ng paghakbang palapit sa kaniya.
Iniiwas niya ang tingin sa madrasta at marahang napabuntong-hininga.
Hinagod siya nito ng tingin habang wala rito ang kaniyang mga mata.
"Hindi na tayo mga bata, Gray. Why don't we just try to get along with each other?"
Pasinghap siyang napangiti bago ito muling tiningnan. "You're right, hindi na tayo mga bata kaya nga aware ako what's going on around me. Ikaw, are you aware of the situation you're getting into?" Nakaarko ang kilay niya.
"Gray, ang pagpapakasal o ang pag-aasawa eh hindi lang naman tungkol sa isang bagay gaya ng nand'yan sa isip mo. Tungkol—"
"Tungkol sa pera!?" mapanuyang putol niya rito.
Hindi ito nakapagsalita bagkos ay napamata sa kaniya ilang sandali bago pagak na napatawa.
Muli ay pasinghap siyang napangiti.
"Huwag mong sabihin na mali ako." Napangisi siya .
"Gray—"
"What do you want me to think?" putol na naman niya sa madrasta imbes na hayaan itong makasagot sa kaniyang tanong. "Eh sa tingin ko bata ka pa, can you blame me kung ganito akong mag-isip? I know matikas pa si Daddy at his age, but I believe he is no longer that active in bed, unless na lang kung. . .ikaw ang magma-maniobra sa kama, hindi ba?" mapanuyang turan niya.
Kitang-kita niya kung paano gumuhit ang galit sa mukha nito matapos niyang sabihin iyan.
Napapikit ito sa harap niya mismo sa loob ng ilang sandali, wari'y hinahamig ang sarili.
"Huwag mong sabihin na true love ang lumukob sa inyo ni Daddy kaya kahit matanda na siya eh—"
"That's enough, Gray," ito naman ang pumutol sa kaniya sa matamlay na paraan. Burado na ang galit na kanina lamang ay nakita niya sa mukha nitong maganda. "Wala akong masamang intensiyon," pagpapatuloy nito sa mahinahong tono. "Pera? Meron ako noon. s*x? Bakit ako magtitiis sa Dad mo kung marami namang mga balakang na aktibo?" Umiling ito. "Kung anuman ang set up na meron kami sa pagitan namin ng Dad mo, hindi ka na kaabot-usap doon. But since we're under the same roof, we shouldn't treat each other this way," medyo tumaas ang boses nito sa huling sinabi.
Marahas siyang napasinghap sabay iwas ng tingin dito. Disagree siya sa mga sinasabi nito.
"Maging matured ka, Gray, hindi ka na bata. Buksan mo 'yang isip mo. Tanggapin mo na lang ako. . .as your Mom."
"Ganoon ba?" Nakaangat ang mga kilay niya sabay alis sa kaniyang belt.
Napakunot ang noo nito at napasulyap sa ginagawa niya bago maang na napatitig sa kaniyang mukha.
Akala siguro nito ay madadaan o mauuto siya nito sa mga patutsada nito, nagkamali ito.
Patutunayan niya sa kaniyang ama na nagkamali itong pakasalan ang babaeng ito, sisimulan niya iyon ngayon dito.
Isinunod niyang alisin sa pagkaka-butones ang pantalon niya, ibinaba ang zipper tapos ay walang pakundangang naghubo sa harapan nito.
Wala siyang itinara, ultimo pinakahuling piraso ng kasuotan niya ay kaniyang tinanggal hanggang sa ganap na matalupan sa harapan nito.
"Ano'ng ginagawa mo, Gray!?" madiin at naiinis na tanong nito habang nakatitig sa mga mata niya.
"Wala kaming yaya simula't sapol, ayaw kase ni Mommy na iaasa sa iba ang responsibilidad niya sa amin bilang ina, kaya gusto ko siya bilang aking ina."
Napalunok ito, sa tingin niya ay nakuha nito ang ibig niyang iparating.
"Kung gusto mong magustuhan kita, gawin mo ang ginagawa niya noong musmos pa ako, iyon kase ang pinakapaborito kong parte ng buhay ko." Diretso ang tingin niya rito.
Napaangat ang mga kilay niya kasabay ang medyo pamamasa ng kaniyang mga mata, paano ba naman ay bigla niyang namiss ang kaniyang ina.
"Ipaghanda mo ako ng isusuot, tapos ay paliguan mo ako. Pero bago iyan, iligpit mo ang mga hinubad ko," dagdag pa niya sa medyo mababang timbre ng boses upang maiwasan ang pagbakas ng lungkot sa kaniyang tono. "Hihintayin kita sa banyo."
"Gray," wika nito na nais pa sanang tumutol pero nang makita ang paraan ng pagkakatitig niya rito ay kumilos ito upang pulutin ang mga hinubad niya. "Fine, kung iyan ang gusto mo," anito sa kalmadong paraan.
Tiningnan niya ito at ilang sandaling pinagmasdan habang nakayukod at pinupulot ang mga hinubad niyang kasuotan.
Kapagkuwan ay kumilos siya at naglakad na patungo sa bathroom.
***
HINAWAKAN ni Gray ang kamay ni Emerald na may hawak sa panghilod.
Napahinto ito sa ginagawa at tiningnan siya.
"Hinihiluran mo ba ako o kinikiliti lang?" pantay ang tonong tanong niya. "Diinan mo." Padarag niyang binitawan ang kamay nito.
Inis siya nitong tiningnan bago ipinagpatuloy ang paghilod sa kaniyang dibdib.
Inalis niya ang tingin dito at tumitig sa mga bula na nakalutang sa tubig ng bathtub kung saan siya nakababad.
"Hindi ka ba naiilang?" kapagkuwan ay tanong nito kaya muli niya itong tiningnan.
"Hindi naiilang anak na lalaki sa kaniyang ina kailanman," aniya bago muling hinawakan ang kamay nito.
Narinig niya ang pagsinghap nito sabay titig sa kaniya. Nagtama ang mga paningin nila.
"At dapat ganoon din ang ina sa anak niya," dugtong pa niya bago dahan-dahang dinala ang kamay nitong may hawak sa panghilod patungo sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan.
Hindi ito pumugkat sa pakikipagtitigan sa kaniya, kaya naman kitang-kita niya ang pamamasa ng mga mata nito.
Gusto niya itong pagtawanan habang pinagmamasdan ang reaksiyon nito lalo na nang humantong ang kamay nito sa kaniyang pagka.lalaki.
Hindi nito iginalaw ang ulo pero gumalaw ang mga mata nito upang tingnan ang bahagi ng mabulang tubig kung saan nakalubog ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan.
"Sabihin mo, nakadarama ka ba ng pagkailang?" may bahid ng pang-iinsulto ang kaniyang tono ng itanong iyan.
"Gray, ibang usapan na—" naputol nito ang pagsasalita at napasinghap nang masalat nito ang dalawang imbakan niya ng pampunla.
Hindi niya napigil ang mapapikit ng ilang segundo dahil sa kaaya-kaayang pakiramdam na nadama nang maramdaman ang kamay nito roon.
"This is crazy, Gray. I don't know why or how you got me to agree to this, but it's crazy!" Mataas ang boses na sabi nito sa kaniya, medyo nanginginig.
Binawi nito ang kamay at ipinukol sa kaniya ang hawak na body scrub. Tinamaan siya niyon sa mukha kaya napapikit siya bago naihilamos ang palad sa kaniyang mukha.
Nagsaltik ang kaniyang mga bagang dahil sa ginawa nito. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at pinukol ito ng masamang tingin.
Bilang ganti sa ginawa nito ay sinabuyan niya ito ng mabulang tubig.
Napapiksi ito at napapikit nang kasamang mabasa ang mukha nito.
Pinukol din siya nito ng masamang tingin matapos imulat ang mga mata.
Akala niya ay susugurin siya nito sa bathtub dahil tinawanan niya ito pero napatuwid siya ng upo nang kumilos ito at tinungo ang pintuan.
"Saan ka pupunta? Hindi mo pa ako tapos paliguan," nakakalokong sabi niya ngunit hindi siya nito pinansin.
Padabog itong lumabas sa pinto at pabalyang kinabig ang dahon ng pintuan.
***
SA hagdanan ay nasalubong ni Emerald si Gael. Hindi niya naikubli ang pagkagulat habang bakas sa anyo nito ang pagtataka nang makita siya sa ayos niya. Basa ang damit niya pati na rin ang kaniyang mukha.
"Ano'ng nangyari sa'yo?" takang tanong nito.
Ngunit imbes na sagutin ito ay nagpatuloy siya sa paghakbang at dahil nasa ibabang palapag lang ng mansiyon na ito ang silid ni Gray ay umakyat sa hagdanan.
Sumunod sa kaniya si Gael hanggang sa sapitin niya ang pintuan ng kaniyang silid.
Pinigilan siya nito nang akmang pipihitin na niya ang seradura ng pintuan.
Tiningnan niya ito habang nakalinga ito sa dulo ng pasilyong kanilang pinanggalingan.
Nang makita nito na hindi nakasunod si Gray ay ibinalik nito ang tingin sa kaniya habang ito na mismo ang pumihit sa seradura ng pinto.
"Ano'ng nangyari?" tanong ulit nito habang itinutulak pabukas ang dahon ng pintuan.
Sinulyapan niya ito at humakbang papasok sa loob ng silid.
Sumunod ito sa kaniya tapos ay marahang inilapat ang dahon ng pintuan.
Tiningnan niya ito. "Hindi ko gusto ang ugali ng anak mo, Gael!" hindi niya nagawang ikubli ang inis dahil sa labis na pagkapika kay Gray.
"Why? Did he do something stupid to you?" Napakunot ang noo nito.
Hindi siya kaagad sumagot bagkos ay pasinghap na iniiwas ang tingin dito upang hamigin ang sarili.
"Tell me, dahil kung meron I will not tolerate him," anito sa napakahinahong paraan.
Muli niya itong tiningnan pero sa pagkakataong iyan ay hindi niya napigil ang pamamasa ng kaniyang mga mata.
"Wala siyang respeto sa 'kin, he doesn't respect me as a woman. Kinukutya niya ako dahil sa pagpapakasal ko sa iyo, masyadong mababa ang tingin niya sa pagkatao ko. Why don't we just tell him the truth that we only got married because of a deal, huh?" maluha-luha siya dahil sa sama ng loob sa anak nitong walang modo.
Hindi ito sumagot pero napailing-iling.
"Hindi ko na uulitin ang ginawa kong paglapit sa kaniya para lang makuha ang magandang pagtrato sa akin ng immatured mong anak, Gael!"
Hindi ito nagsalita bagkos ay sinapo nito ang dibdib kasabay ang paglarawan ng tila pagkapagal sa anyo nito.
Napakurap siya at napamata dito. "Gael!?" Bumangon ang pag-aalala sa dibdib niya. Lumapit siya rito. "A-ayos ka lang ba?"
Umiling ito kaya naman kaagad niya itong hinawakan sa braso at inalalayang makalapit sa kama upang makaupo.
"Tatawagin ko ang family doctor n'yo para—"
"Sshh..." putol at pananaway nito sa kaniya. "Baka magtaka si Gray kung makita niya ang family doctor namin dito nang wala sa itinakdang araw ng pagbisita," wika nito habang nauupo sa gilid ng kaniyang kama. "I'm fine, I just feel bad for Gray dahil naiisip ko na ginagawa niya ang bagay na sinasabi mo para pasakitan ako," maluha-luhang sabi pa nito.
Hindi siya nagsalita dahil nakadama siya ng lungkot matapos ang sinabi nito. Bigla ay naalala niya ang kaniyang ama, ang pinapasakitan niyang ama.
"Graysen is my favourite son," masama ang loob na sabi nito. "Sa pamilya ko siya lamang ang naniwala at hindi napagod sumuporta sa akin noon sa kabila ng lahat. I hope one day susunod siya sa landas na tinahak ko and finally clean up the clutter I left behind but. . ." Binitin nito ang sinasabi at napailing habang pigil sa mga mata ang kalungkutan. "But I can already imagine. . .that won't happen sapagkat ngayon pa lang, lilihis siya ng daraanan." Umiling-iling ito at nilamukos ang kaliwang dibdib, wari ba'y mas sumasakit iyon habang sinasabi ang nasa sa loob nito. "Gaya ng mga kapatid niya at ng kaniyang ina, iiwanan din niya ako at hahayaang pumanaw ng nag-iisa!" nabasag ang boses nito sa huling sinabi.
Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi upang mapigil ang mapaluha habang iwinawaksi sa isipan ang kaniyang tinalikdang ama.
"Ano'ng malay natin," nawika niya sa kabila ng kaniyang nadarama. "Baka nagkaganiyan lang siya dahil nagpakasal ka sa 'kin, bakit hindi natin sabihin sa kaniya ang totoo na—"
"That won't work," putol nito sa kaniya. "Pinakasalan kita dahil inaasahan ko na aabot ang lahat dito, sana lang, mabago ang lahat ng ito dahil sa pagpapakasal ko sa iyo."
Pasinghap siyang napabuntong-hininga sabay iwas ng tingin dito, hindi niya ito inaasahan.
Mukhang naisahan yata siya nito.
Why doesn't she think there is another hidden scheme behind his deal with her?
Mukhang mahihirapan siyang manindigan sa kanilang napagkasunduan dahil kay Gray.