Tsansing

2282 Words
“Alam mo simpleng manyak ka rin talaga ano?” ani Blessy habang naglalakad sila palabas ng hospital. Iniwan na nila si Erlyn since dumating na ang Tita nito na mag-aassist rito para sa ayusin ang nabali nitong ilong na retokado pala. Sinagot naman ni Saitan ang lahat ng magagastos. “Wag kang assuming, I’m about to protect Erlyn kaso mas nauna s’yang sumubsob sa dashboard.” “Wag ka nga! Ano akala mo sa akin bulag. Nakita ko kaya na lumampas ang kamay mo sa headrest ng passenger seat. Wala kang intension na protektahan s’ya ang intensyon mo dakutin ang dibdib ko.” natawa naman si Saitan. “Doctor ka na, taas pa ng ambisyon mo. Tara na ng mahubad mo na yang gown mo.” “See, hindi mo di-deny!” usal ni Blessy na mabilis ng sumunod kay Saitan na malalaki na ang hakbang. “Hindi tayo close at mas lalong hindi tayo friends pero yung mga galawan mo masyadong obvious.” natawa naman si Saitan na nilingon ang dalaga habang tuloy sila sa pag labas ng hospital. “Obvious, Talaga ba? E bakit parang hindi mo alam ang sekreto ko?” kumunot naman ang noo ni Blessy. “Na ano?” “Tinawag pang sekreto kung sasabihin ko lang din pala sa’yo.” “May crush ka sa akin.” “Tanong ba yun?” tanong ni Saitan ng nasa may sasakyan na sila. “Hindi! Statement yun dahil hindi naman ako manhid. Kung iyon ang sekret na sinasabi mo. Well, news flash! Hindi yun sekret matagal ko ng alam yun. Sa mga titigan mo sa akin at yung mga papansin moves mo. Bukong-buko na kita.” malakas naman tumawa si Saitan habang binubuksan ang pinto ng sasakyan. “Akala ko si Megan lang ang ma angas ang bibig sa inyong mag kakapatid, ikaw din pala.” “Bakit mali ba ako?” usal naman ni Blessy na sumakay na ng backseat. “Excuse me lang, Doc! Engineer ako hindi driver at mas lalong hindi taxi itong.” “Mag bibihis ako, mawalang galang.”kumunot naman ang noo na lumingon si Saitan. “Ano susuotin mo?” “Wala, para tigasan ka at saktan ka ng puson.” simangot ni Blessy na sinimulan na hilahin ang zipper sa likod. “Hoy! Lordblessy. Hindi ako santo at hindi talaga kita sasantuhin subukan mo lang.” banta pa ni Saitan. “Pangalan mo pa lang alam ko ng hindi ka santo.” “Anak ka ng ina mo.” inis na wika ni Saitan na napilitan ng bumaba ng driver habang napapamura. Tawang-tawa naman si Blessy habang nag mamadaling mag bihis. Nakita kasi n’ya ang bag ni Saitan sa backseat na dinadala nito sa headquarters. Kinapa n’ya iyon sandali kanina at tiningnan kung ano laman at nakita n’ya na t-shirt na orange yun na ginagamit nila sa training at jogging pants na itim. Hindi s’ya sure kung gamit na ba iyon pero mukhang mabango pa naman ng amuyin n’ya kanina ng ipasok ni Saitan sa loob ng emergency room si Erlyn. Kaya na n’ya tiisin na isuot ang damit ni Saitan kesa magtagal pa na suot na gown. After ilang minutes binuksan na n’ya ang bintana. “Okay na pasok ka na.” “Hell no!” galit na usal ni Saitan habang naka talikod. “Kanina panay ang nakaw mo ng halik sa akin ngayon pa virgin ka, Kakahiya naman sa’yo.” inis naman na lumingon si Saitan na pipikit pa sana pero napansin ang suot n’yang damit. “Hindi ko pa nalalabahan yan, amoy pawis pa yan.” ‘Ang sosyal naman ng amoy ng pawis mo, perfume.” ani Blessy na itinaas pa ang leeg na bahagi ng damit para amuyin ulit. Wala s’yang na aamoy na pawis kundi pabango. Napailing na lang si Saitan na pumasok na muli sa driver seat. “Oh! Ano pang idadahilan mo ngayon para d’yan ka pa rin maupo.” supladong tanong ni Saitan. “Wala, ito na o lilipat na po Mr. Engineer.” ani Blessy na biglang tumayo sa upuan at humakbang patungo sa unahan ng sasakyan. “What the hell Lordblessy!” bulalas ni Saitan na napaurong para wag mahampas ng balakang ng dalaga ang mukha n’ya. “What! Daig mo pa ang matandang mag memenopause kanina ka pa sigaw ng sigaw.” natatawang turan ni Blessy ng makalipat ng upuan sa unahan. “Parang hindi ka doctor, may pintuan.” turo ni Saitan sa pinto na katabi ng dalaga. “wala naman ako pamaa.” ani Blessy na naka ngisi na itinaas pa ang paa para ipakita sa binata na kulang na lang idikit n’ya sa mukha nito ang paa. “Jesus Christ!”bulalas na lang ni Saitan na itinulak ang paa ng dalaga saka binuhay na ang makina ng sasakyan. “Na kaka turn off na ba ako? This is me. The real me kaya mag dalawang isip ka na kapag kina-usap ka ng parents ko.” kumunot naman ang noo ni Saitan na sandali s’ya nilingon. “bakit naman ako kakausapin nila Tita.” “Kilala ko ang galawan nila Mama at Papa tiyak na isa sa inyong 3 mag papaalam na sa pag kabinta.” “At tingin mo ako yun?” “Oo dahil yang bibig mong matabil naka pag declare ka na agad na doctor ang gusto mo. Abnoy ka rin kasi.” “Sabagay! Wala naman masama kung ipakasal nila tayo.” “Oi! May boyfriend ako.” “Na soon magiging EX mo na rin.” tumaas naman kilay ni Blessy. “Well sorry ka dahil ako na ang mag yaya ng kasal kay Bryan.” tumawa naman si Saitan. “Para kang na uubusan ng lalaki.” “Inggit ka lang kasi walang babaeng mag yaya sa’yo ng kasal.” “Who told you, it’s many to mention. Ako lang talaga ang umaayaw ang gusto ko kasi sa babae yung kulay violet ang ni**le.” malakas naman natawa si Blessy. “Nakakita ka na ba ng babaeng kulay Violet ang ut**g?” natatawang tanong ni Blessy. Napangiwi naman si Saitan na nilingon si Blessy sandali. “Pa sosyalin mo naman ng konti. Ni**les not utong.” tumarak naman ang mata ni Blessy. “Pilipino ako at mahal ko ang sariling wika ko. Ut**g ang tagalog sa ni**le masyado kang maarte ka lalaki mong tao.” hindi na nag kumento si Saitan dahil mukhang hindi s’ya mananalo dito pag dating sa arguement. “Kapag nasa hospital ka at kaharap mo ang mga pasyente mo at mga ko workers mo ganyan ka rin ba?” “Aba, syempre hindi. Flexible kasi ako para akong Iguana nag babagong anyo ako depende sa kausap at katabi ko.” natawa naman si Saitan habang nag mamaneho. “Hindi ako na informed na iguana pala yung nag cocomouflage na reptiles. Hahaha! The best ka doc. Isa kang pride ng Montenegro.” tawang-tawa na turan ni Saitan. “Bakit mali ba ako?” inosente pang tanong ni Blessy na napa-isip pa na kinuha ang purse na nasa likod at kandadatuwad nanaman si Blessy para abutin iyon at ‘di naiwasan na lingunin ni Saitan ang puwetan ni Blessy na naka bakat sa jogging pants n’ya na sinuot din nito. “Nice, ass doctora.” “Yeah! Free to look Mr. Engr but no to touch kung ayaw mong tanggalan kita ng kuko na walang anestisya.” ani Blessy na bumalik na sa upuan habang hawak ang cellphone na mukhang nag google pa. “Ahh! Chameleon at Gecko pala ang well known reptiles na nagiging comouflage. Now I know!” ani Blessy na nilingon si Saitan. “Anong ginagawa mo?” salubong ang kilay at kunot noo na tanong ni Blessy ng makitang parang hawak ni Saitan ang sandata nito at inaayos. “Nag kakambyo.” natatawang sagot ni Saitan. “Kelan pa nalipat ang kambyo sa loob ng pantalon mo.” “Ngayon lang.” “Ikaw na yata ang pinaka guwapong lalaking nakita ko na ganyang baboy.” natawa naman si Saitan. “Thank you.” “Hindi compliment yun.” irap ni Blessy na biglang napangiti ng mag ring ang phone nito na nag mamadaling sinagot. “Babe, I been calling you many times… Yes! Pauwi pa lang… Nope si Kuya ko.” sagot ni Blessy na saglit na nilingon si Saitan na biglang umasim ang mukha na bubulong-bulong pa na parang ginagaya mga sinasabi n’ya. “Yes! Malapit na ang anniversary natin, may plano ka na ba? Ako kasi may plano baka naman puuwede mong bakantihin ang araw mo that day.. Sige na please.” kumunot ang noo ni Blessy ng makitang iginilid ni Saitan ang sasakayan. Nahigit pa ni Blessy ang hininga ng biglang lumapit sa kanya si Saitan na kulang na lang daganan s’ya nito. Mabilis na naituon n’ya ang kamay sa dibdib nito saka ito pinangdilatan. “Ikakabit ko lang ang seatbelt mo.” wika pa nito na talaga naman ikina inis ni Blessy dahil sa mismong phone pa n’ya ito nag salita. “Ang kuya mo ba yun?” tanong pa ni Byran. “Oo, hindi ko kasi maisuot ang seatbelt ko.” wika pa ni Blessy habang inis na inis na pilit na itinutulak si Saitan. Ngunit biglang kinuha na si Saitan ang cellphone n’ya ang tendency n’ya agawin pabalik ang phone pero wrong move pala yun dahil nag lapat ang labi nilang dalawa. Agad naman umatras si Blessy pero mabilis na sinundan ni Saitan ang labi n’ya dapat itulak n’ya ito pero para lang s’yang tuod na hinahayaan itong halikan s’ya. Ibinuka pa n’ya ang bibig para payagan ang dila nito sa loob ng bibig n’ya. Naririnig pa n’ya ang boses ng nobyo sa phone pero nag mamalfunction ang utak n’ya. Ngayon lang s’ya nakipag halikan ng ganun sa isang lalaki. Naka 4 na boyfriend na rin naman s’ya pero karaniwan smack lang ang kiss hindi tulad ng ginagawa ni Saitan na nakakawala sa wisyo. Saka lang s’ya natauhan ng mag flash bigla ang camera ng cellphone n’ya. Kaya mabilis n’ya itong naitulak. Ngumisi naman si Saitan na tiningnan pa ang cellphone n’ya. Inis na pilit na inaagaw ni Blessy ang phone rito pero ayaw talaga nitong ibigay at kulang na lang lumipat na s’ya ng puwesto at daganan. Sa buwisit ni Blessy bigla s’yang yumuko at madiin itong kinagat sa balikat kaya ng hawakan s’ya ni Saitan sa balikat para itulak agad n’yang nakuha ang phone saka nag mamadaling lumayo at derederetsong lumabas ng sasakyan. Medyo napangiwi pa s’ya dahil na limutan n’ya na wala nga pala s’yang suot na pamaa pero hindi na n’ya inalintana at nag mamadaling lumayo. At di na pinansin ang pag tawag ni Saitan sa kanya. Saglit n’ya itong nilingon at nakita n’yang sapo pa nito ang balikat na sumunod sa kanya. “Lordblessy ano ba, wala kang suot na sapatos baka masugatan ka.” sigaw ni Saitan pero nag mamadali pa rin s’yang lumayo. Galit s’ya rito, hindi porket pakiramdam n’ya komportable s’ya kapag ito ang kasama. Wala pa rin itong karapatan na subukin ang pasensya n’ya. He kissed her at s’ya naman si Tanga ninamnam pa n’ya na parang magic sar**. Siguro proud na proud ang kumag na ito na ang dali pala n’yang utuin sa isang halik lang bibigay agad s’ya at mukhang feeling nga n’ya ganun s’ya. “HaHHHH! Go to hell.” gigil na sigaw ni Blessy. Natigil naman sa paglalakad si Blessy ng isang police mobile ang huminto at isang matandang lalaki na payat ang lumabas. “Doc Blessy.” wika pa ng matanda na ikinakunot ng noo ni Blessy pero agad din nawala ng maalala kung sino ang matandang pulis. Ito yung tinulungan n’ya noon sa kalsada na bigla na lang bumagsak dahil sa pag taas ng bP nito. “Naku, Sir buti dumating po kayo may humahabol po sa akin at gusto akong gawan ng masama.” sumbong pa ni Blessy with matching pag-arte na itinuro si Saitan na may 2 dipa na lang ata ang layo sa kanila. Napatingin naman ang matanda sa paa n’ya. Kaya agad itong nag labas ng baril at itinutok kay Saitan na ikinabigla ni Blessy sabay ngiwi. “Pumasok ka na sa loob ng sasakyan doctora.” utos pa ng matanda na hinila s’ya patungon sa likod nito. Agad naman lumabas ang isa pang pulis na inalalayan s’yang makapasok sa likod ng pulis mobile. “Taas ang kamay.” utos pa ng matanda, “Jesus christ Sir, put the gun down baka biglang pumutok yan.” “Itaas mo sabi ang kamay mo. Puputok talaga ito kung hindi ka susunod.” “Kilala ko ang babaeng loka-lokang yan. We’re family friend.” “Hindi ko tinatanong basta taas mo ang kamay mo.” “Look sir ayoko ng sh*T” malakas na anggil ni Saitan na napataas na ang kamay sa ere ng mag warning shot na ang pulis sa taas. Akmang lalabas naman ng kotse si Blessy ng pigilan ito ng isa pang pulis. “Tingnan mo ang ID.’ utos pa ng matanda na mabilis na humingi ng police back-up na akala mo isang drug addict ang huhulihin. “Sir.” inabot ng isang pulis sa matanda ang nakuhang ID kay Saitan bago ito pinosasan. Nun naman dumating ang isa pang pulis mobile at kinuha si Saitan para dalahin sa police station. Ngiwing-ngiwi naman si Blessy na napasunod na lang ng tingin sa binatang tinangay ng mga pulis pati sasakyan nito na ipina-tow naman. Na sisigurado na n’yang ma mumulaklak ng F ang grades n’ya sa training dahil sa ginawa n’yang pag papahamak rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD