F-Failed

1891 Words
Daig pa ni Blessy ang mag nanakaw na patago-tago at palingon-lingon habang papasok sa headquarters. Muka s'yang tanga as if naman hindi friday ngayon. May schedule sila ng training under Saitan at dahil may atraso s'ya rito kinakabahan s'yang mag pakita. Sana mainit ang ulo nito at ayaw s'ya nitong makita, after nitong makulong kagabi dahil sa kasong obstruction of justice and harassment. Mula sa matandang pulis na tinawagan n'ya dahil kinuha n'ya ang number nito para nga makabalita. Hindi daw naka pag bail si Saitan kagabi dahil cut-off na kaya ang ending sa kulungan pala ito natulog kaya tiyak na talaga ang F grade n'ya. Sana rin masama ang pakiramdam nito at napuyat. Nakalingo pa s'ya ng lumiko sa dulong hallway ng bumungo ang mukha n'ya sa isang bulto na ikinatingala n'ya at muntik pa s'yang mapangiwi ng makita si Saitan na naka simangot. "Magandang umaga boss chief amo." bati pa ni Blessy sa binata na wala man lang ka ngiti-ngiti. "Alam mo Sir Tan, bagay din pala sa inyo yung ganyan seryoso look. Ang lakas ng s*x appeal n'yo Sir, bumibilis ang pintig ng puso ko." tumikwas naman ang sulok na labi ni Saitan na bagyang nag bend paunahan habang si Blessy naman ay nag bend palikod baka kasi mang halik nanaman ito. "Don't worry mamaya mas pabibilisin ko ang pintig ng puso mo." wika ni Saitan na umayos na ulit ng tayo saka bahagya pa s'yang pinitik sa noo, "Umalis ka sa dadaanan ko baka 'di ko makapag timpi sa'yo makapag honeymoon tayo dito" pabyulong na wika pa nito na mabilis na ikinagilid ni Blessy para palampasin. Napasunod naman ng tingin si Blessy sa binata particular sa puwet nitong naka hulma sa suot nitong pants. Wala kayang girlfriend ang lalaking ito dahil sa totoo lang kung physical ang pag-uusap abay panalo na ang babae. Ang lambot pa ng labi nito at masarap humalik. Wala tuloy sa loob na nakagat n'ya ang labi ng maalala ang halik nito na hindi rin s'ya pinatulog kagabi. Naka-ilang toothbrush pa s'ya sa pag babakasakaling makalimot s'ya pero bukod sa nag woworry s'ya dahil nakulong ito, hindi pa mawala sa isip n'ya yung pakiramdam ng labi nito sa labi n'ya. Binura n'ya sa gallery n'ya ang picture pero nasa deleted files pa lang at hindi pa s'ya makapag decide kung buburahin ba talaga o hayaan na lang. Mabilis s'ya umiwas ng tingin at nag mamadaling tumalikod ng mahuli pa s'ya nitong nakatingin sa likuran nito. ********* Awang ang bibig ni Blessy habang pinapanood nila ang ibang taga rescue team na itinuturo sa kanila kung paano umakyat sa tali. Nasa loob sila ng GYM ng headquarters habang nakatali ang isang makapal na lubid sa mataas na traces ng gym pero hindi naman ang pag-akyat ang pinapanood nila kung ang magagandang katawan ng mga taga rescue team na hubad baro kaya naman kumukutikutitap ang mga mata ng mga taga medical team. "Yummy ba mga Doc." bungad ng isang britonong tinig na dahilan pag mag kumahog sa pag tayo ng deretso ang mga taga medical team. Napasimangot naman si Blessy ng sinadya pa talaga ni Saitan na iharang ang buong katawan nito sa view sinubukan pa ni Blessy na dungawin ang mga yummy hunk rescuer pero inihaharang ni Saitan ang katawan nito. "Ngayon pa lang ba kayo nakakita ng katawan ng lalaki? Mga doctor kayo and I believe higit pa sa upper body ang nakikita n'yo sa hospital." ani Saitan sabay tingin sa kanya. "Iba yung mga katawan na nakikita namin sa hospital, kapag hindi duguan, wala ng mga buhay." sagot ni Blessy na sinang-ayunan naman ng lahat. "Single ba kayo lahat?" tanong pa ni Saitan. "Mostly taken na Sir Tan pero hindi kasi kasing yummy nila ang katawan ng mga jowabels namin." "Mukhang yummy naman ata ang boyfriend ni Doc Blessy." nakatinginan naman ang mga ka team ni Blessy na kanya-kanyang iwas. "Natural, hindi naman ako pipili ng hindi yummy." "Pero mukhang basahan na dugyot ang mga ideal type mo tama." awang naman ang bibig ni Blessy sa sinabi ni Saitan na pigil naman na mag tawanan ang mga kaibigan. "Sir Tan, ilag." sigaw ng isang taga rescue na nasa taas na nag pupunas ng mga ilaw pero huli na para umilag dahil lagutok na sa ulo ni Saitan ang timba ng tubig. Buti na lang napabuhos na muna rito ang maduming tubig bago pa tumama ang balde sa ulo nito. "Sorry Sir." sigaw pa ng lalaki sa taas. "Karma." bulong na ngisi ni Blessy. Natameme naman silang lahat ng biglang nag hubad ng damit si Saitan. Ang puti ng katawan ni Saitan ang cute pa ng ni**** nito kulay pink. Nakaka pamura ang ganda ng abs at chest nito pero bigla s'yang napa ngiwi ng makita nag bitemark n'ya rito sa balikat. "Sir Tan, mukhang pinang gigilan po kayo ng jowa n'yo?' napatingin naman si Saitan sa balikat sabay ngisi. "Wala akong girlfriend. May alaga akong pusa masyado matapang." sagot lang nito saka tinawag ang isa pa nilang trainor saka ito nag paalam na maliligo lang. "Ang suwerte naman ng pusang iyon, parang bigla akong na wet.'" "Bibig mo kakahiya ka." "Tingnan mo naman ang puti ng katawan ni Sir Tan parang ang sarap dilaan." natawa naman si Blessy na napatingin din kay Saitan. Well, iyon din kasi ang eksaktong iniisip n'ya kapag ganun ka puti ang lalaki parang ang sarap talagang lawayan ang buong katawan. Ano kaya hitusra ng kabute nito mestiso din kaya. Hala s'ya! Hoy! lordblessy... wag mong pagnasaan ang Diblo na yan. Tandaan mo may sinunpaan ka sa Diyos na pakakasalan mo ang lalaking nag ligtas ng buhay mo at si Bryan yun. Saway ni Blessy sa sarili. ******* At dahil hindi naman s'ya mahilig sa adventure, hirap na hirap na maka-akyat si Blessy sa lubid pero ng makita si Saitan na paparating nanaman pinilit na n'yang maka-akyat para naman wag s'yang bigyan nito ng F. Kailangan n'yang makatapos ng training para pag balik n'ya sa hospital sasamaplin n'ya ng training certificate ang hospital Director nila. Kaya naman ganun na lang ang saya n'ya ng sa wakas narating n'ya ang itaas. Abot tenga ang ngiti n'ya na lumingon sa ibaba pero biglan parang nalula s'ya ng marealize na sobrang taas pala ng puwesto n'ya at ito nanaman yung fear of high n'ya na umatake nanaman. Mahigpit s'yang napakapit sa tali, may harness naman na nakakabit sa bewang n'ya pero hindi n'ya magawang bumitaw na tatakot s'ya. "Doc, let go! hindi ka naman babagsak may harness ka." "Ayoko na tatakot ako." sigaw n'ya. "Sa mukha ng boyfriend mo hindi ka ba natatakot." sigaw ng isang tinig na hindi na n'ya kailangan tingnan kung sino. "Kung ako ang babae, gugustuhin ko pang mabagok ang ulo ko kesa araw-araw kong makikita ang mukha ng boyfriend mo." "Hoy! Sumosobra ka na, hindi porket ikaw ang nag bibigay ng grade sa amin may karapatan ka ng laitin ang isang tao. Intayin mo akong makababa, sasampalin kita ng suwelas ng sapatos ko." sigaw ni Blessy na panay na ang inhale-exhale. "Siguro kung ako ang may boyfriend na kasing mukha ng jowa mo, araw-araw akong binabangungot. Tapos kung hahalikan n'ya ako baka lalapit pa lang ang mukha n'ya na susuka na ako." pakiramdam ni Blessy puputukan s'ya ng ugat sa ulo habang na ririnig ang mga sinasabi ni Saitan at kung hindi lang na tatakot sa kanya ang mga kaibigan n'ya baka kanina pa nag tatawanan ang mga ito. "At oo nga pala yung pangit mong jowa, I saw him making out sa kotse n'ya habang tirik na tirik ang araw. Imagine sa ganda at sexy mo na yan nagawa pa n'yang mag loko." napasinghap naman ang lahat ng bigla bumitaw sa tali si Blessy at walang sabi-sabi na tumakbo patungo kay Saitan. Pakiramdam ni Blessy para s'yang si Darna sa lakas, nahila n'ya sa buhok si Saitan pero agad naman umawat ang mga taga rescue team. "Let her go at walang makiki-alam.' bilin pa ni Saitan kaya ng bitawan ito ng mga co-worker agad na muli itong sumugod pero hndi n'ya hinayaan na masaktan s'ya ni Blessy parang ang salag n'ya sa kamay at paa nito pero ng makitang paiyak na ang dalaga, Napahinga na si Saitan at hinayaan na itong saktan s'ya. Suntok, sabunot at sampal ang inabot n'ya rito. Ito lang ang nakita n'yang nanakit na umiiyak habang tuloy ito sa pananakit sa kanya. Kaya inawat na ito ng mga kapwa nito doctor ng mapahiga na s'ya at sakyan pa s'ya sa tiyan ni Blessy itinakip na lang n'ya ang mga braso sa mukha para wag s'yang masyadong mapuruhan ng dalaga. "Wala kang alam kung bakit si Bryan ang pinili ko, wala kang alam kung bakit si Bryan ang pinili kong mahalin. Siguro na mas Yummy ka, mas guwapo ka at mas nakakahigit ka pero kahit anong gawin mong pag papansin sa akin hindi kita papatulan. Because I already vow to love Bryan forever at wala akong paki-alam kung masuka kayong lahat. He save my life at dahil sa kanya buhay ako ngayon at humihinga. Kaya wag kang mayabang dahil wala kang ambag sa buhay ko." sigaw ni Blessy saka galit na tumalikod at nag walk out na. "Bilis kunin mo nurse Tina ang first aid kit." utos ng isang doc. "Sir Tan okay lang po ba kayo." nag-aalalang tanong nga mga taga medical team. "Pag pasensyahan n'yo na po si Doc Blessy, laitin n'yo na po lahat wag lang si Sir Byran.' "Why?" tanong naman ni Saitan. "Noon po kasi 3 years ago po nag karoon ng hostage drama sa hospital at si Doctora po ang malubhang nasaktan. Buti na lang po mabilis po ang kilos ni Sir Bryan noon kaya naligtas ang buhay ni doctora." kumunot naman ang noo ni Saitan ng maalala ang hostage drama sa hospital 3 years ago. S'ya ang lalaking nag ligtas sa buhay nito hindi si Bryan parang gusto pa n'yang mapamura. Mag kamukha ba sila ni Bryan para magkamali ito ng alala at isipin nito na si Bryan ang knight and shinning armour nito. At paano nito nasabi na si Bryan ang nag ligtas rito, e naka facemask s'ya dahil may sakit pa s'ya ng araw na yun. Tumulong s'ya sa mga pag rescue sa mga nasaktang pasahero. Nakita n'ya agad si Blessy at wala s'yang inaksayang oras dahil si Bryan na jowa nito dinadaan pa sa maayos na usapan. Samantalang kita na sa mata ng hostage taker na papatayin talaga nito si Blessy. Kaya nang-agaw na s'ya ng baril. Nasampahan naman s'ya ng kaso dahil sa ginawang iyon pero na absuwelto din. 'Ako dapat ang boyfriend n'ya." bulong pa ni Saitan. "May sinasabi ka ba Sir Tan." umiling naman si Saitan, Kailangan n'yang gumawa ng paraan para ilayo ito kay Bryan. Hindi n'ya puwede sabihin na s'ya ang knight and shining armour nito 3 years ago, bukod sa possibleng hindi ito maniwala. Hindi rin naman n'ya gusto na patulan s'ya ni Blessy dahil lang sa utang na loob. Ngayon alam na n'ya ang dahilan kung bakit jowa nito ang pangit na Bryan na yun, hindi s'ya papayag na may forever sa dalawang ito. Kung hindi lang sana s'ya hinalikan ni Lordblessy noon sa kasal ng Ate Megan nito. Tahimik pa sana ang buhay n'ya hindi sana s'ya naging stalker nito sa loob ng 3 years.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD