bc

The doctor is in love

book_age18+
1.6K
FOLLOW
19.3K
READ
love-triangle
HE
confident
boss
heir/heiress
sweet
bxg
mystery
loser
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Sabi love is blind, stress na stress na kay Blessy ang magulang n'ya dahil sa boyfriend n'yang pulis na ipinakilala n'ya sa mga ito. Kahit ang mga kapatid n'ya gusto na s'yang ipa-albularyo dahil baka daw na gagayuma s'ya. Si Bryan kasi ang exact opposite ng mga asawa ng mga kapatid n'yang nag guguwapuhan at nag mamachuhan. E ano magagawa n'ya e sa na in love s'ya kay Bryan at wala ng nagawa ang parents n'ya kundi tanggapin ang nobyo n'ya na according to Saitan mukha daw masamang elemento na naninirahan sa kagubatan. Saitan is her worst nightmare kapangalan ito ng hari ng purgatoryo ng kadiliman. At wala s'yang paki-alam kung paulanan ng kung ano-anong pang lalait ang nobyo n'ya, her mind won't change pakakasalan n'ya si Bryan oras na mag-alok ito ng kasal sa kanya. Para sa kanya buhay s'ya dahil dito ito ang knight in shinning armour n'ya kaya isukaman ito ng buong angkan nila ipag lalaban n'ya si Bryan. Pero isang katotohanan ang kanyang nalaman mas masakit pala kapag pangit ang nag loko, pakiramdam ni Blessy lahat ng masamang enerhiya sa katawan n'ya lumabas ng mahuli n'ya ang nobyo na may ka s*x na ibang babae. Todo iyak na s'ya at gusto n'ya ng karamay hindi s'ya makapag sabi sa mga kapatid n'ya at tiyak na baka mag paparty pa ang mga ito. Kaya ang ending si Saitan ang kasama n'ya habang nag papakalunod s'ya sa alak dala ng sama ng loob. Todo kanta pa ito sa videoke room na kinuha nila ng mga kantang mapanakit okay lang sana kung puso lang n'ya ang masasaktan pero pati eardrum n'ya dudugo na din dahil sa tunog lata nitong boses na feel na feel pa nito. Ngunit hindi lang pala ang tenga n'ya ang dudugo pati pala ang pe** dahil right there in then she lost her purity sa diablong si Saitan 'di n'ya akalain na my hidden desire pala sa kanya. And worst na huli cam pa sila sa CCTV ng loob ng videoke room. Paano na ang reputasyon n'ya bilang surgeon. Bakit ba kasi sa dami-daming lalaki sa earth na makakaramay n'ya itong si Saitan pa ang kasama n'ya. Umabot na s'ya sa edad n'ya 33 hindi n'ya na isuko kay Bryan ang daan patungong langit pero kay Saitan daig pa n'ya ang namaligno at bumukaka agad s'ya. Paano na? Pananagutan ba ni Saitan ang pag wasak sa pe** n'ya o ipapatahi na lang at itulog na lang kahihiyan na inabot sa isang gabing pag kakamali nila.

chap-preview
Free preview
My knight
"Mama, hindi nga po ako makaka-uwi ngayon kailangan ako ngayon sa ER kulang kami sa doctor." napangiwi si Blessy na nailayo ang cellphone sa tenga ng marinig ang boses ng ina na high pitch nanaman. Na gagalit kasi ito kapag halos hindi na s'ya nag papahinga wala daw itong paki-alam kahit doctor pa s'ya, dahil kailangan pa rin daw ng isang doctor ng pahinga dahil tao pa rin s'ya na kailangan ng pahinga. Intern pa lang s'ya at last term na s'ya at sana makapasa na s'ya dahil gusto na talaga n'yang matawag na isang surgeon. Napalingon pa si Blessy ng biglang nag buzzer ang kulay pulang ilaw sa emergency room ibig sabihin may parating na emergency. "Mama sige na po tawag ako later may emergency po." paalam n'ya sa ina saka nag mamadaling ini-off na ang phone. At nag handa sa paparating na pasyente pero nagulat si Blessy ng marining ang sunod-sunod na tunog ng wang-wang mukhang hindi lang yun simpleng aksidente. Nag mamadali s'yang lumapit sa nurse table para magtanong at nalaman n'yang meron pa lang malaking banggan ang nangyari isang bus at jeep ang involve at halos lahat daw ng sakay ng jeep ay sugatan at karahin din sa sakay ng bus ay injured din. ******* Pakiramdam ni Blessy mangangalas na ang mga buto n'ya sa pagod sa dami ng pasyente sa loob ng ER nila nag kakagulo at nag-iiyakan pa ang mga kasama ng bawat pasyente. Ilan na ang na ideclare na patay at wala na silang magawang mga doctor dahil DOA na ang mga ito at wala na silang kakayanan na iligtas. Napalingon pa si Blessy habang minamasahe ang batok ng makarinig ng malakas na sigaw at pag kalaglag ng isang bagay na parang stainless at mga medicines tools sa sahig. At nakita n'ya ang isang nurse nila na nasa sahig at sapo ang mukha na umiiyak. Nag mamadaling lumapit si Blessy at tinulungan si Gina na itayo at ilayo sa lalaking galit. "Tumawag ka ng pulis bilis." pabulong na utos n'ya sa nurse na umiiyak. 'Doc Blessy." usal pa ng isang doctor at nurse na nasa kabilang side ng kama habang sa kama ay may isang batang naka higa na duguan ang mukha at kita ang pag kabalit ng balikat nito. "Doctor ka rin, tingnan mo ang anak ko. Gamutin mo s'ya." galit na sigaw nito. Umiling naman ang doctor na kasama n'ya ganun din ang nurse na nasa tabi nito. Kung ganun na gagalit ito dahil sa katotohanan na patay na ang bata sa kama na marahil anak nito. "We are really sorry sir pero pata_______ Ahhhhhh!" malakas na sigaw ni Blessy na nagulat iniharang ang braso sa mukha ng biglang itaas ng lalaki ang kamay nito sa pag aakalang sasampalin din s'ya pero meron pala itong hawak na scalpel na humiwa ng mahaba sa braso at doctor's gown n'ya. Malakas na sumigaw ang mga kasamahan n'ya na umagaw ng atensyon ng lahat na ikinalingon sa gawi nilang lahat. "Ulitin mo ang sinabi mo." nakaramdam ng takot si Blessy na sapo ang braso na napa-atras habang nakatutok sa kanya ang scalpel. "Hindi patay ang anak ko, alam mo bang nag-iisa lang namin s'yang anak 15 years namin inintay na biyayaan kami ng anak ng asawa ko tapos sasabihin mo sa akin na patay ang anak ko." sigaw nito habang umiiyak. Napalunok si Blessy wala na s'yang maatrasan. "Mga wala kayong kuwetang doctor dapat sa inyo pinapatay dahil kayo ang pumatay sa anak ko." "SPO1 Mendrez, ibaba mo ang hawak mo." malakas na sigaw ng isang lalaking naka itim na may hawak na baril at naka tutuk sa lalaking umiiyak. "Bryan." usal pa ng lalaki na mukhang kakilala nito. "Ibaba mo ang hawak mo utang na loob wag mong hintayin na pag sisihan ko ang magiging desisyon ko." paki-usap pa ng lalaki. "Pinatay nila ang anak ko Bryan." "Aksidente ang nangyari Mendrez walang may gusto." "Kung inuna lang sana ng mga lintik na doctor dito ang anak ko buhay pa sana si Jr." sigaw pa ng lalaking umiiyak na ikinangiwi ni Blessy na bigla s'ya nitong sinablot at pumuwesto ito sa likuran n'ya habang nakatutok ang scalpel sa leeg n'ya. Ayaw na n'yang mag dilat ng mata na ririnig na lang n'ya ang mga sigawan ng mga tao sa loob ng ER ng hostagin s'ya ng lalaking namatayan ng anak. Sana pala nakinig na lang s'ya sa Mama n'ya na umuwi na lang hindi na sana s'ya na saktan. "Isinusumpa ko Bryan papatayin ko lahat ng doctor." pigil ang hininga ni Blessy ng bumaon ang scalpel sa leeg n'ya pakiramdam n'ya na nigas na ang buong katawan n'ya at nanalangin na sana wag damdamin ng magulang n'ya ang pagkamatay n'ya. Kasabay ng pag alingawngaw ng putok ng baril ang pagbagsak n'ya kasama ang lalaking may hawak sa kanya. Naramdaman n'ya ang pag angat ng katawan n'ya sa ere pero hindi na n'ya magawang mag dilat ng mata, sinubukan n'ya at na aninag n'ya ang bulto ng isang lalaki na hindi malinaw habang mabilis ang mga kilos ito na inihiga s'ya sa kama. Naramdman n'ya na mariin nitong hawak ang leeg n'ya habang sumisigaw ito at nag bibigay ng instruction sa mga kasamahan n'ya sa ER hanggang sa tuluyan ng nag dilim pero na rinig pa n'ya ang sinabi nitong wag daw muna s'yang aakyat ng langit dahil hindi daw totoo na maganda sa langit mas masarap pa rin daw sa earth. - - - - - - - - - "Ayos Bryan saludo na ako sa gandang lalaki mo, anong kandila ba ang gamit mo at nakabulag ka ng magandang doctor." biro ng mga kapwa pulis n'yang naka duty. Simple naman napangiti si Byran na inabangan na makalapit ang nobya na may dalang paper bag na may tatak ng mamahalin brand ng damit. "Hi! Love." mabilis na lumapit si Blessy sa nobyo at humalik sa pisngi nito na ikina-ungol ng mga ka trabaho ito at napamura pa. "Bakit nandito ka wala ka bang duty ngayon." "Nakipag palit muna ang ng duty para sa dinner ng family ko kaya bawal na hindi ka sasama okay and wear this for me okay." "Ano nanaman ito, tigilan mo na sabi ang pag bibigay sa akin ng kung ano-ano kaya ko naman bumili." "Alam ko pero gusto kong ibigay sa'yo lahat." "Hay! Pakasalan mo na yan sir Bry baka mauntog pa yan ikaw rin." natawa naman si Blessy na lumingon. "Puwede ko kayang pikutin na lang s'ya." biro pa ni Blessy. "Doc Blessy sabihin n'yo kapag tingihan kayo ako na mag papakasal sa inyo kahit saan pa tayong simbahan." biro ng isang matandang pulis. "Sira. Sige Love baka kung ano pang marinig po sa mga loko-lokong yan, kita na lang tayo mamaya gabi." tumango naman si Blessy na kumaway pa sa mga katrabaho ng nobyo saka lumabas na ng police station. Napangiti pa si Blessy ng makita ang gray na kotse na iniregalo n'ya sa nobyo nung nag birthday nito. Napangiti s'ya sa dalawang maliit na aso na nasa dashboard ng kotse na marahil binili ng nobyo. Napangiting tinapik n'ya ang hood ng kotse ng nobyo saka tumalikod pero na gulat s'ya ng bumangga s'ya sa isang bulto dahilan para ma out of balance s'ya pero buti na lang nasalo s'ya nito sa bewang bago pa s'ya tumaob. Mahigpit pa s'yang napahawak sa manggas ng damit nito ngunit bahagya s'yang napapikit ng mapatingin sa mukha nito dahil sumakto ang sinag ng araw sa mata n'ya sa likod ng ulo nito. And out of the blue bigla sumikdo ang t***k ng puso n'ya habang naka yakap s'ya ng lalaki. "Excuse me lang po doctora ang bigat mo sa totoo lang." para naman napapahiya na biglang tinulungan ni Blessy ang sarili na umayos ng tayo at agad na umasim ang mukha ni Blessy ng makilala ang lalaki na nakabanggaan n'ya. Si Saitan lang pala pero bakit kanina parang kakaiba ang tingin n'ya rito tapos bumilis pa ang t***k ng puso n'ya habang inaaninag ito kanina. Inayos ni Blessy ang damit na medyo na gulo dahil sa pag kakayakap nito. "Pinuntahan mo nanaman ang engkanto mong boyfriend." usal nito na maasim na nakatingin sa police station. Tumikwas naman ang nguso ni Blessy. "Wala ka sigurong kasing ganda kong jowa kaya napaka bitter mo." "Kung kasing ganda mo lang ang magiging jowa ko, matutulog na lang ako at pag-iisipan ko na lang maging Pari." anito sabay talikod pagak naman na natawa si Blessy, grabe talaga lagi na lang itong may bala panupla sa kanya. "Naku, wag mo ng pangarapin na mag pari, hindi ka tatanggapin sa simbahan pangalan mo pa lang disqualified na biruin mo paano ka igagalang ng mga na sasakupan mo, itatatawag sa'yo father Saitan. Kakalibot kaya yun." ngumisi naman na lumingon si Saitan. "At least sa akin bagay ang pangalan ko kesa sa pangalan mong Lordblessy lakas maka santo, santita naman yung babaeng kilala ko." "May crush ka siguro sa akin ano?" malakas naman tumawa si Saitan. "Let me just remind you, ikaw ang nanghalik sa akin nung kasal ng Ate mo at anong akala mo sa akin musmos para mag ka crush." "Dami sinabi halata naman defensive, sorry hindi ko bet yung ang buong pagkatao mo," irap ni Blessy sabay talikod deretso sa pinag paparkingan ng kotse n'ya. "Santita." sigaw na tawag ni Saitan na ikinamura naman ni Blessy na napalingon bakit ba lagi s'yang nalingon kapag tinatawag s'ya nitong santita. "Bakit diablo!" inis na sagot n'ya. "Parang gusto na kitang gawin reyna ng impiyerno ko." ngisi ni Saitan. "Naku, sorry hindi ako tatangapin sa purgatoryo, off limits dun ang magaganda." "Matanda ka na choosy ka pa." awang naman ang bibig ni Blessy. "Hoy! Sinong matanda?" nag palingon-lingon naman si Saitan. "Meron ka pa bang ibang nakikitang tao dito." "Alam mo ikaw na diablo ka ang init-init na nga panira ka pa talaga ng araw, bawasan mo ang pagiging papansin mo ha. Masyado ng na ngangalingasaw ang love spell mo sa akin." natawa naman si Saitan ang lakas talaga ng bilib ng babaeng ito sa sarili. "siguro tinitira mo sa hospital n'yo ang anestisya bawasan mo baka ma overdose ka na manhid na yata mukha mo e." "Alam mo bili ka na lang ng kausap mo, na sisira na ang skin ko oh! You know so mainit here bayeee." ani Blessy na sumakay na ng kotse n'ya. Napasunod na lang naman ng tingin si Saitan sa papalayong sasakyan ng dalaga. "Ano kaya ang magiging buhay ko kung s'ya ang future ko?" wala sa loob na tanong ni Saitan sa sarili nag kibit balikat na lang si Saitan na tumalikod na at nagtungo na sa police station para sa meeting n'ya sa chief of police. Inabot din ata ng 30 minutes ang pakikipag-usap ni Saitan sa chief of police pabalik na s'ya sa kotse n'ya ng mapalingon sa kotse ng nobyo ni Blessy. Pagak na natawa naman si Saitan ng mula sa unahan na salamin ng kotse na kahit na haharangan pa ng sunvisor hindi man lang ata naisip ng dalawang nasa loob na sinag pa rin ang mga ito sa loob habang may isang babae na naka subsob sa kandungan ng pangit na boyfriend ni Blessy habang sabusabunot nito ang buhok ng babaeng nag tataas baba ang ulo at hindi s'ya tanga para hindi alam kung anong ginagawa ng mga ito. Inis na dinukot ni Saitan ang cellphone at sinadya na lagyan ng flash ang camera para kunin ang atensyon ng dalawa na parang mga dagang na huli at nag mamadaling umayos. Kita pa n'yang pandalas sa pag aayos ng tapaludo ang pulis na nobyo ni Blessy bago lumabas. "Mr. Brichmore." bati pa nito sa kanya gusto pang ma eskandalo ni Saitan at mainis ng mapansin ang nakabukol sa harapan ng pantalon nito. "Alam mo madali sa akin na ipatanggal ka sa trabaho, isang sabi ko lang sa chief n'yo. Pero hindi ko gagawin dahil sa babaeng na babaliw sa'yo na hindi ko naman alam kung bakit." inis na wika ni Saitan na tiningnan pa ang babaeng nasa loob ng kotse na hindi n'ya makita ang mukha. "Sir pasensya na po hindi na po kasi mapigilan." "Gag*! galit na sigaw ni Saitan pero nag timpi pa rin na wag itong sapakin dahil sa sagot nito. "I'm warning you, isang beses pa kitang mahuli na may ginagawang kalokohan mag paalam ka na kay Lordblessy dahil titiyakin ko sa'yo kahit gaano pa kalakas ang gayuma mo at itim mong kandilang ginagamit. Wala kang magagawa oras na ako ang gumawa ng orasyon sa girlfriend mo," galit na banta ni Saitan saka malalaki ang hakbang na iniwan na ito bago pa mapatid ang pisi n'ya at masapak pa ito. Kasamang lalaki nagawa pang mag loko kapal ng mukha. "

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
9.4K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
53.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
262.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
73.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
44.5K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
97.5K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
63.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook