Huli pero di kulong

2298 Words
Na niningkit ang mata ni Megan habang naka tingin sa kapatid na bagong lapit. "What!" bulong na mariin ni Blessy. "Oh! It's nothing parang may naiba lang sa'yo. Bulong rin ni Megan. "Is this Blessy?" wika naman ng ina ni Saitan na katabi ng Mama nila na napatingin sa kanya. Ngumiti naman si Blessy na mabilis na lumapit sa ginang ang nakipag beso-beso sa ginang. "OMG! You're so stunningly beautiful hija. Who made you dress." wika pa nito na tiningnan s'ya mula paa hanggang ulo. "It's my ate's creation po." "Hmmmm! Napagaling mo talaga Megs hija, sayang at hindi ka naging parte ng pamilya namin. Meron na sana akong manugang tulad ko na mahilig sa fashion." biro ni Pipay na sinaway naman ng asawa na katabi nito na napatingin kay Railey na mabilis na hinawakan agad sa bewang ang asawa. "Oh! that was just a joke hijo, don't take it seriously." "Okay lang po." sagot naman ni Railey. "Okay lang daw pero pustahan tayo ako nanaman ang bubuwisitin ng makulit na yan." wika naman ni Ivo. "Ako nanaman po nakita n'yo, Kaya love na love ko po talaga kayo papa. Maya po kiss kita." natawa naman silang lahat. "Mukhang ang batang ito ang favorito mo Ivo sa lahat ng manugang mo.' wika ni Lucas. "Kung meron nga akong pag sasaulian na magulang isinauli ko na." "Papa naman." saway ni Megan. "Wala choice kaya tinggap nanaman kesa maging palaboy." sabay-saby naman napalingon silang lahat sabay-sabay kay Railey ng tumunog ang phone nito at sinagot naman ni Railey, "Yes, okay... How much! Oh... thats good 255Million transfer mo lang sa accout ko thank you." "255M transferring to your account anong bang trabaho mo hijo?" tanong ni Lucas. "Plain house husband po, Taga alaga ng asawa at mga anak ko." kumunot naman ang noo ng mag-asawa. "He's a foreign investor. S'ya ang may hawak ng credit and finance marketing sa newyork." ani Ivo. "Aba, bigatin pala itong manugang mo Ivo, ibig sabihin 255M is a dollar." wika pa ni Pipay. "Yes ma'am." Napa oh naman si Pipay. "Magaling kang pipili kaya naman pala dalawang barako ko ang tingihan mo dahil bukos sa guwapo na itong husband mo e napakayaman pala." "Naku, mayaman pong kuripot. Usually nga po ensemanda lang lagi pang suhol sa akin." malakas na nag tawanan ang mga ito ng lumapit si Saitan at bumati naman sa parents n'ya. Kumunot pa ang noo ni Blessy ng makitang kasama nito si Doc Erlyn ang residencde OBgyne ng hospital nila. Hindi n'ya alam na mag kakilala pala ang dalawa. "Oh! Hello Hija, long time no see. Asan ang parents mo?" "Naku, tita pips. Busy kasi sila kaya ako na lang ang po ang pinapunta since wala naman po akong duty." "Saitan hijo asan ba ang mga kapatid mo. Nandito sila Megan ang ex-fiancee mo hindi mo ba babatiin." "MOm, ako nga ang sumalubong sa kanila kanina e, saka wag n'yo na pong banggitin ang ex-fiancee nakaka hiya naman kay Mr. Razon." "Nag bibiro lang naman ako sayang lang kasi gusto ko lang sana mag karoon ng manugang na mahilig din sa fashion." "Ayan n'yo ba sa doctor Mom." tanong naman ni Saitan sabay tingin kay Blessy na mabilis na umiwas ng tingin at nag kunwaring may binubugaw sa harapan ng mukha. "Hoy! Mr. Brichmore hindi ka pa nga nanliligaw kasal na agad ang inuuna mo." parang kinikilig pang wika ni Erlyn na parang gustong tawanan ni Blessy. Kung sa kapalan talaga ng mukha mananalo talaga si Erlyn, ito kasi ang lagi n'yang ka kompetensya sa pagandahan sa hospital. Nag kakataon lang na anak ito ng major stockholder ng hospital kaya ito ang laging nakukuhang model ng hospital pero kapag dinaanan sa botohan kolelat ito tiyak. Malakas lang talaga ang self-confidence nito dahil nga anak ng isa sa may-ari ng hospital. "Abay walang problema sa aking kung doctor mas maganda nga iyon na may madagdag na doctor sa pamilya natin para naman libre na ang check up namin ng Daddy niyo." biro naman ni Pipay. "But by the way hija, may napansin lang ako, are you using my cosmetic brand para kasing ka shade ng bagong labas kong lipstick yang gamit mo." tanong pa ni Pipay na palunok naman si Blessy na napatingin kay Saitan na nakangiti pa ng nakakaloko sabay kagat labi pa. "Parehas kayo ng shades na gamit ni Saitan." wika pa ni Pipay na nilingon ang anak. Napangiwi naman si Blessy ng maramdaman na kinurot s'ya ng Ate Megan n'ya braso. "Oh! parehas pa kayong naka glitter gloss. Alam mo Luz, itong si Saitan ko madalas na pag bintangan na bakla. I always required him kasi na mag make up at gamitin n'ya ang mga make brand namin kasi s'ya ang brand ambassador ko. Since model din ng company namin si Saitan. Ang mga kapatid lang kasi n'ya ang mga loko-loko na inaasar na bakla itong bunso ko pero hindi ba hindi ka bakla anak, Bibigyan mo naman ako ng apo diba." "Syempre naman Mommy. Gusto mo ako pa ang unang mag bigay ng apo sa'yo." "Mag tigil ka." nandidilat na wika bigla ni Pipay na ikinatawa nilang lahat sa biglang pag taas ng boses nito. "Mukhang ayaw mo pang mag ka apo Pips." ani Luz. "Hindi naman sa ayokong mag ka-apo kaso ang sa akin lang kasi madali naman gumawa ng bata mag s*x lang kayo may baby na agad." "Honey." saway naman ni Lucas sa asawa. "Bakit ba. Totoo lang sinasabi ko saka matatanda naman na tayo." "May dalaga at binata pa tayong kasama." giit pa ni Lucas na nakatingin kay Blessy at anak na si Saitan at Erlyn. "E ano naman yan si Saitan lalaki yan ito naman ating mga dalagang doctor tiyak na marami na kayong nakitang notes na iba-iba ang size." tumawa naman si Erlyn pero si Blessy ay napangiwi lang. Marami na s'yang nakitang notes pero notes lang ng mga batang nag papatuli pero matatanda wala pa s'yang nakikita sa personal. Ni hindi nga s'ya na nonood ng porn. "Kaya makinig kayong tatlo, advice ito habang mga dalaga at binata pa kayo. Ang pag gawa ng bata madali lang yan pero yung resposibilidad na kalakip ng pag buo ng bata oras na lumabas, yun ang mahirap. Hindi madaling mag buntis at lalong hindi madaling manganak. Kapag binubuo ang bata dalawa kayong gumagawa pero kapag lumabas na ang bata mag-isa na ang babae kumakalinga. mali yun. Kaya hindi ko kailangan ang apo kung makikita ko ang manugang kong mahihirapan na mag-alaga ng mga anak nila. Kaya ang akin kung hindi pa kayong handang mag pakatatay at tulungan ang magiging asawa n'yo sa pag-aalaga ng bata ay wag n'yo na akong bigyan ng apo. Tumanda na lang kayong binata." "Ang suwerte ko pala sa mister ko." wika ni Megan na yumakap sa asawa. "At ang suwerte ko naman kung kayo po ang magiging mother-in-law ko tita." wika naman ni Erlyn. "Kami ata mamalayasin dito kay Blessy." "Papa." maktol ni Blessy. "May nobyo ito si Blessy pulis. Ayoko man maging mang lalait pero buntot na lang talaga ang kulang wika ni Ivo na malakas na tiwanan ni Saitan na tuwang-tuwa sa sinabi ng ama. "Kung mahal ng anak n'yo bakit n'yo pipigilan." ani Lucas. "Wala naman problema kung mahal talaga n'ya tatanggapin namin Lucas kaso lang parang s'ya pa yung kriminal." kulang na lang gumulong na si Saitan sa pag tawa. Si Blessy naman gusto ng maiyak sa kahihiyan, gusto na sana n'yang mag walk-out ng pigilan s'ya ng ate n'ya, "Mas malala pa rito ang aabutin mo kapag pinakasalan mo ang Pulis na yun. Kaya mag-isip isip ka ngayon pa lang na hihiya ka na paano pa kung i didisplay mo na s'ya." bulong ni Megan. "Tao pa rin naman si Bry ate." "Oo, alam namin taong mukhang engkanto. Kay Saitan ka na lang." "Ate." "Hindi ako pinanganak kahapon Lordblesy, Sure akong pinapak mo ang labi ng Saitan na yan." ngisi ni Megan. "Hindi kaya, aksidente lang yung kiss namin." mariin na bulong ni Blessy. "Ahhh! So aksidente rin ba na parehas kayong napa subsub sa glitter gloss." "Naku! Hija kapag nag bago ang isip mo at gusto mo ng lumagay sa tahimik, may tatlo pa akong barako dito." biro ni Pipay. "Yan si Saitan kanina pa tawang-tawa mukhang gusto ng mag-asawa." wika naman ni Lucas. "Puwede na ba Dad." "Oo, next time ipakilala mo na sa amin ng Mommy mo." sabay pang natawa si Blessy at Megan ng lakas na makadalagang pilipina ni Erlyn na nag singit pa ng buhok sa likod ng tenga. ****** "Ako na po ang mag hahatid kay Doc Blessy." prisinta ni Saitan ng bigla nanaman itong lumapit at mag paalam sa pamilya n'ya na uuwi na s'ya 11pm na hindi na n'ya kayang mag intay ng another 30 minutes pa at may ilan na rin naman nag-uuwian. "Paano yung date mo hijo." tanong ni Luxme. "Hindi ko po s'ya date tita, bisita po s'ya ni Mommy. Hinahanap lang po n'ya si mommy kanina kaya sinamahan ko." paliwanag pa ni Saitan. "Ganun ba. Sige Hijo kung hindi nakaka hiya sa'yo." "Sabay na lang po pala ako sa inyo." biglang wika ni Blessy. "Akala ko ba sabi mo kinakati ka na s gown mo." wika naman ni Megan. "Kuya Rai, uwi na tayo.' ungot naman ni Blessy sa bayaw. "Asawa ba kita?" ngising tanong ni Railey. "lakad na pasalamat ka may nag volunteer ng mag hatid sa'yo." ani Megan. Napipilitan naman ng tumayo ni Blessy at humalik na sa mga magulang. "Ingat mo ang anak namin hijo, humayo kayo at mag pakarami." "Pa." patili ng wika ni Blessy. Tumawa naman si Ivo. "Tan, wag puro papak, kumain ka din." biro naman ni Megan na malakas naman na tinawanan ni Saitan. "Ayoko na hindi na ako uuwi." maktol ni Blessy na na-upo uli sa upuan. "Okay lang naman kung ayaw mo ng umuwi, dito ka na lang sa akin." ngisi naman ni Saitan. "Mag sasabi na ba kami kay Fhy anak." "AuuuuuhmmP! bakit n'yo ba ako pinag kakaisahan." "Anak tao itong si Saitan puwede mong tirikan ng kandila at sambahin yun nobyo mo gusto kong patirikan ng kandila sa sementeryo." wika ni Ivo. "Saka Bless, parang mas mabango pa ang medyas ko sa pabango ng jowa mo." dugtong pa ni Railey. "uuwi na ako bahala kayo d'yan." inis na wika ni Blessy na nag mamadali ng tumalikod. "Alis na po kami." "Sige na hijo, kahit hindi mo na iuwi sa bahay. Ibinibigay nanamin ang basbas namin sa'yo. Utang na loob pikutin mo na ang anak namin.' wika pa ni Ivo. napangiti naman si Saitan na mabilis ng tumalikod. "Susss! Pa... aminin n'yo gusto n'yo lang talagang magkaroon ng access sa hidden wealth ng mga Brichmore." bulong ni Railey. "Bibig mo, lalamukusin ko yan ng sili e. hindi nga maka-utang sa'yo." ani Ivo. "Hahahah! Hindi ko talaga kayo papautangin kasi dahil pahihingiin ko kayo." "Mag hanap ka ng kausap mo." "Yung 255M dollar sa account n'yo ko ipinasok." ani Railey. Ang bilis naman ni Ivo na dinukot ang cellphone, "Joke lang.' malakas na natawa si Megan ng ngali-ngali nanaman batuhin ng ama ang asawa. "Wag kayong greedy Pa, hati tayo." ani Railey. ******** 'Hi!" sabay pa sila ni Saitan na napatigil sa pag tungo sa parking nakita nila si erlyn na parang kanina pa nag aantay sa tapat ng passenger seat ng sasakyan ni Saitan. "Anong ginagawa mo dito." tanong ni Saitan ng makalapit. "Gusto ko na kasing umuwi kaso nasiraan daw ng kotse yung service ko. Ihahatid mo ba si Doc Bless. Puwede bang makisabay ihatid muna natin si Doc Bless then saka mo na ako ihatid." "Kapal." bulong ni Blessy. "May sinasabi ka Doc Bless." "Tayo na ang kati na talaga ng dede ko.' Irap ni Blessy. "God! Wala talagang breeding." bulong pa ni Erlyn na hindi na lang pinansin ni Blessy at derederetso na sa backseat ng ford ranger na gagamitin ni Saitan at dahil mahaba ang gown n'ya nahirapan pa s'yang sumampa buti na lang tinulungan s'ya ni Saitan na maka-akyat. "Next time kasi wag kang mag suot ng gown kung 'di mo kayang dalahin." ani Erlyn ng maisarado na ni Saitan ang pinto. "Ikaw next time wag kang aattend ng party kung mag papahatid ka lang." "E bakit ikaw nag papahatid." "Correction my car kami kaso si Saitan ang nag prisinta na ihatid ako. Ganda ko kasi e." "Kapal, ako ang gusto ni Saitan hindi mo ba narinig, doctor ang gusto n'ya." "Oo, doctor at doctor din ako baka nalilimutan mo.' sabay pa silang tumahimik ng pumasok na si Saitan. "Ikaw na muna ang ihahatid ko Doc Erl, out of way kasi kung ipang huhuli kita." wika ni Saitan ng buhayin na ang makina ng sasakyan. "Ha! may sasabihin sana ako sa'yo kaya gusto ko sana na ako ang huli mong ihatid." "Sabihin mo na ngayon wala naman paki-alam si Lordblessy sa mga sasabihin mo." ani Saitan ng umandar na sila. "It's personal kasi." "Sabihin mo na wag ka ng mahiya sa akin, kunwari wala akong maririnig." giit naman ni Blessy. Huminga naman muna ng malalim si Erlyn. "Paki-kabit ng seatbelt." utos pa ni Saitan. "Gusto mo ba ako Saitan, ako kasi gusto kita." wika ni Erlyn habang nag susuot ng seatbelt pero sa dahil malakas na napa preno si Saitan marahil nagulat. Kumalso ang mukha ni Erlyn sa dashboard ng sasakyan habang ang kamay naman ni Saitan ay lumampas sa passenger seat napahawak sa dibdib nanaman ni Blessy na muntik na din sumubsob paunahan kung hindi naiharang ni Saitan ang kamay. Inis na pinag papalo ni Blessy ang kamay ni Saitan. "Oh My God I broke my nose." bulalas ni Erlyn na napaiyak na. Nagtinginan naman sila ni Saitan na napakamot ng ulo na napatngin kay Erlyn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD