Blue Gown

2236 Words
"Doctora, goodluck!" umasim naman ang mukha ni Blessy sa pa goodluck ng mga kaibigan, akala ng mga ito na aattend talaga s'ya ng party ng ina ni Saitan, kaya lang s'ya lalabas dahil hindi n'ya ma-contact si Bry. Balak n'yang puntahan ito dahil ilang araw na itong hindi nag tetext. Ang sabi nito mag s-schooling daw ito para ma promote at magiging busy pero hindi naman n'ya ini-expect na literal na magiging busy na ultimo pag tetext hindi na nito magawa. "Doc kung kaya mong pikutin si Sir Tan, gawin mo na once in a while lang kumatok ang tadhana." "May BF na ako Haller d'yan na nga kayo." irap n'ya sa mga ito at derederetso na s'yang lumabas wala s'yang dalang sasakyan kaya mag tataxi na lang s'ya sana may dumaan agad. Pag labas n'ya kumunot pa ang noo ni Blessy ng makita si Saitan sa parking lot at nakasandal sa isang Ford wrangler na kulay gray na parang may inintay. Kaya ng ngumiti ito sa gawi n'ya sumimangot pa s'ya na nilapitan ito. "Iniisip mo ba na sasabay ako sa'yo. Wag kang mag illusyon na papatulan kita dahil malabong mangyari yun." "Bakit ka naman papatulan ng kapatid ko hindi tulad mo ang type n'ya." wika ng isang tinig na ikina-awang ng bibig n'ya na napalingon at nakita pa ang isang Saitan. Nag palipat-lipat ang tingin ni Blessy sa dalawang lalaki na mag kamukha saka alanganin na napangiwi. Akala n'ya si Saitan itong nakatayo sa tabi ng sasakyan mukhang nag kamali s'ya dahil malinaw na si Saitan ang nasa likuran n'ya. "Longtime no see Bless." "Kuya Mon." usal ni Blessy ng makilala ang isa pang kakambal ni Saitan. "What's up!" bati pa ni Damon na pinisil pa s'ya sa pisngi. Alanganin naman na ngumiti si Blessy. "Hindi ka rin papatulan ni Saitan, lalaki din kasi ang gusto n'yan." biro ni Damon na ikinalingon ni Blessy kay Saitan. Para naman imposibleng ang sinabi ni Damon. Si Saitan bakla? napaka-imposible pero kung babasehan ang pag patol nito palagi sa kanya possible ngang 50/50 siguro ito. "Parang gusto mo pa ng confirmation. You can kiss me if you want para subukan kung lalaki ba talaga ako o bakla." hamon pa ni Saitan "hahaha! Style mo bulok." natawa naman ang mag kapatid. "Aattend ka ba ng birthay ni Mommy." tanong ni Damon. "Sorry but No pero sila Mama pupunta." kumunot naman si Saitan na napatingin sa kanya. "Saan ka pupunta? Bakit lumabas ka kung hindi ka pala aattend." tanong pa nito. "May date kami ni Bry." tumarak naman ang mata ni Saitan. "Hindi ka mahal ng engkanto na yun, sinasayang mo lang ang oras at panahon mo dun." "Bakit oras mo ba ang na uubos, Ikaw wag kang epal ha. Makapang lait ka parang ikaw lang ang anak ng Diyos." "Bahala ka! Ako ang unang tatawa kapag iniyakan mo ang isang pangit na lalaki. Let's go Kuya." tinapik ni Saitan ang balikat ng kapatid. "Hindi ba natin s'ya isasabay?" tanong ni Damon. Napatingin naman si Saitan kay Blessy. "No thanks may pang taxi ako." mataray na turan ni Blessy. "Sino naman may sabi sa'yo aalukin kitang sumabay. Masikip na nga ang mundo sa ating dalawa isasakay pa kita sa sasakyan ko e di hindi na ako nakahinga." wika ni wika naman ni Saitan. "Bakla ka nga siguro daldal mo e." "Gusto mo gawin kitang manufacturer ng sanggol." komento naman ni Saitan na malakas na tinawanan ni Damon. "Hindi pa man na linaw ang ihi mo delay ka na agad." habol pang wika ni Saitan. "Ang baboy mo." "Bakit? Anong baboy sa sinabi ko." "Ewan ko sa'yo. Babu!" irap ni Blessy na mabilis na kinawayan ang taxi na paparating na agad naman s'yang hinintuan. Umirap pa s'ya ng sumakap na s'ya ng taxi at ang damuhong si Saitan may pa flying kiss pa. "Type mo ano?" tanong ni Damon na sumakay na sa driverseat habang si Saitan sa passenger seat. "Natutuwa lang akong inisin ang babaeng yun, masyadong magagalitin." "Iba ang nakikita ko." "Bakit anong nakikita mo?" "hindi ka na bakla." biro ni Damon. "Gag*." "May bagong men's breif na lalabas ang company ni Mommy. Humanda ka na tiyak ikaw nanaman ang huhubaran ni Mommy. Pag fifiestahan nanaman ang Billboard mo." "Okay lang akala naman ng lahat si Kuya Luzi yun." ngisi ni Saitan habang nasa daaan na sila. "Infairness, ilang taon ko rin hindi na kita ang kapatid na Megs ang lagi ng iginanda n'ya. Mukhang na hiyang s'ya sa hangin sa loob ng hospital. "Bet mo, ligawan mo?" "Okay lang sa'yo na ligawan ko?" tanong pa ni Damon. "Bilisan mong mag maneho dami ng text ni Mommy." "Hindi mo na sinagot ang tanong ko. Ligwan ko ba?" "Hindi ka papatulan nun." "Paano kung patulan ako anong gagawin mo?" "Itatakwil kitang kapatid." sabay pa silang malakas na nag katawanan dalawa. ******* "Ang kati naman nito Ate Megs." inis na reklamo ni Blessy habang suot ang isang blue gown na ito ang gumawa. "Wag ka ng mag reklamo, sa'yo naka salalay ang future ng shop ko kaya umayos ka." wika naman ni Megan na ikinagabit ang maganda rin maskara na ka partner ng gown na suot n'ya. Hindi talaga n''ya kayang mag suot ng mga gown pero napilitan s'yang sumama at mag suot ng gown dahil sa pangako ng Ate Megan n'ya tutulungan s'yang maka labas ng headquarters ng 1 week dahil balak n'yang sundan sa Nasugbu Batangas si Bryan. Umuwi pala ito sa probinsya nito na hindi man lang nag papaalam sa kanya. Emergency daw dahil na nganak daw ang Ate nito at kailangan ni Bry na mag hatid ng pera sa pamilya nito. "Ganda-ganda mo girl perfect." usal pa ni Megan na bahagyang lumayo para silipin ang hitsura n'ya. Halos kalahati ng hita n'ya labas sa gown na suot habang sa likod naman ay sayad hanggang sahig. Hindi kalakihan ang dibdib n'ya pero lalong hindi rin maliit pero dahil sa style tube ng gown parang lumaki ang dibdib n'ya. Nakakailang nung simula pero ng ipasuot na sa kanya ng kapatid ang accesories medyo naging comfortable na s'ya. Nasa fashion indutry din kay si Fhyross Enriquez Brichmore ina nila Saitan. Tanyag na sa larangan ng fashion world ang ina ng mga ito at gusto ng ate n'yang mag pasiklab para daw mai-reffered ito sa mga fashion critics. "Makes Ate proud okay sissy." "10pm uuwi na ako ha." "Juicko girl 8:30 na, mahihiya naman sa'yo si Cinderella kahit man lang 11:30 ang OA ng 10pm mo." "Wala naman akong gagawin dun e." "Anong walang gagawin, tiyak nandun ang triplets ni Tita Pipay mamili ka ng isa pipikutin natin." "Ate." "Oi! Blessy wag kang ma arte, pikutin mo na ang isa sa triplets wala kaming problema kesa naman ma ulol ka sa jowa mong mukhang shokoy." ******** "Mukhang nakita ko na ang babaeng ihaharap ko sa altar." ani Luzi habang naka sunod ng tingin sa babaeng papasok wearing a beautiful Blue gown. "May the best man win tol." wika naman ni Damon na balak na sanang mag-unahan sa pag lapit si Luzi at Mon sa bagong dating ng biglang sumunod na pumasok ang Tita Luzme at Tito Ivo mga kaibigan ng parents nila kasunod si Megan kasama ang asawa nitong magaling na hacker. Mabilis na dumipa si Saitan para pigilan ang pag lampas ng mga kapatid saka tumingin ng kaliwat-kanan si Saitan. "Humanap kayo ng bulaklak n'yong babakuran dahil na tatakan ko na ang malditang doctor na yan." natawa naman ang dalawa, "Si Blessy yan? Parang hindi naman." ani Luzi. "She's mine to owned mga twiny hanap kayo ng mga flowers n'yo byeeee" wika pa ni Saitan na iniwan na ang dalawa. "Ibang klase mga galawan ni Saitan ngayon parang huling biyahe na ang galawan." natatawang wika ni Damon. "Mukhang tinamaan na talaga ng totoo ngayon." ani Luzi na napasunod na lang ng tingin sa kapatid na bumati pa sa magulang nila Blessy at ganun din kay Megan na dapat ay hahalikan ng kapatid pero ang bilis ng asawa ni Megan na naiharang ang mukha na muntik ng maka lips to lips ni Saitan. ********** "Masyado mo naman pinisa ang mga siomai mo, hindi na magandang tingnan." bulong ni Saitan ng tabihan si Blessy na tumikwas agad ang nguso. "Anong siomai, siopao to no." natawa naman si Saitan akala n'ya sasabihan nanaman s'ya nito ng baboy dahil sa pag puna n'ya sa dibdib nito pero yun pala itatama lang nito. "Gusto ko na nga umuwi. Ang kati na ng nip*** ko." natawa naman si Saitan na muntik ng masamid dahil sa reklamo ni Blessy. "Gusto mo kamutin mo muna samahan kita sa kuwarto ko." masama naman ang tingin nito ng lingunin s'ya. "Ako nag rereklamo ng nararamdaman ko pero ikaw ng diablo ka minamanyak mo pa ako." "Anong minamanyak ikaw tong biglang mag sasabi na makati ang nip**** mo binigyan kita ng solution manyak na aagad." "E bakit kuwarto mo ang sinuggest mo?" "E saan mo gusto sa restroom sa haba ng gown mo baka madumihan kung lalapat sa sahig kapag hinubad mo."may point naman si Saitan pero hindi naman s'ya tanga para mag hubad sa loob ng kuwarto ng isang lalaki kahit meron valid na dahilan. "Siguro may mamatay na intsik." "Ano naman connect nun?" nagtatakang tanong ni Saitan. "Sabi dati ng matandang pasyente ko noon. Kapag daw makati ang nip*** ng isang babae may instik na namamatay.' natawa naman si Saitan sa kalokohan ni Blessy. "Wala ka bang suot na nip*** tape iyon na ang uso ngayon." "Wow! bakit mo alam yun, ikaw lang ang lalaking kilala ko na alam ang n****e tape." tumarak naman ang mata ni Saitan. "Nasa fashion industry ang Mommy ko at nag papart time model din ako ng mga bagong product ni Mommy at minsan sa shop ng Ate Megan m." napatango naman si Blessy. "hay! Anong oras na ba?" "9 pa lang, tara nga sasamahan kita."nagkuli pa si Blessy pero sa huli pumayag na rin s'ya dahil hindi na n'ya kayang tiisin ang kanti. ******* "Ano na! ang tagal mo naman tinatanggal mo na ba ang n****e mo." biro ni Saitan. "Hindi ko masarado ang likod ng gown ko. Hindi ko abot." "Patingin nga." "Pumasok ka na ikaw na mag zipper, wala tong malisya ha." bilin pa ni Blessy ng pumasok si Saitan na natatawa na pumuwesto sa likura n'ya para i-zipper ang likod. Nang ma i zipped na iyon ni Saitan umikot na ito sa harapan ni Blessy para tingnan kung maayos ba ang pag kakasuot ng gown nito. "Medyo tabingi, ayusin natin tong kabilang side." wika ni Saitan na sabay pa nilang ikinagulat at nanlaki ang mata. Malakas naman napa sigaw si Blessy habang si Saitan naman ay napaatras sandali pero mabilis din lumapit at tinakpan ang bibig ni Blessy. "Sorry, hindi ko sinasadya na bigla lang ako. Sorry na wag ka ng sumigaw." wika ni Saitan dahil hinawakan bigla ni Saitan ang tube top n'ya sabay hawak nito sa dibdib n'ya at pinisil papasok sa loob ng suot n'yang. Dahan-dahan naman inalis ni Saitan ang kamay sa bibig ni Blessy pero hindi pa man na ibaba ni Saitan ang kamay muling simigaw si Blessy at sa taranta ni Saitan siniil n'ya ng halik sa labi ang dalagang doctor na lalo ng na shock pero hindi na magawang lumayo ni Saitan parang napa super glue na ang labi n'ya sa labi ng dalaga. "Wag kang sisigaw kapag sumigaw ka higit pa sa halik ang kaya kong gawin." "Sinira mo ang lipstick kong tarantad* ka."inis na bulalas ni Blessy na tinawanan ni Saitan na dahan dahan na lumayo kay Blessy. 'Wala akong dalang lipstick na diablo ka, hindi ako puwedeng lumabas ng sira ng lipstick kong buwisit ka." napapadyak pang wika ni Blessy. "Wait here." ani Saitan na mabilis na tumalikod at parang may kinuha sa isang kabinet pag balik nito isang malaking box ang bit-bit nito na ipinatong sa kama. Napa-awang naman ang bibig ni Blessy ng makita na puro make-up ang laman nun. "lalaki ka ba talaga? grabe wala akong ganyan pero ikaw bongga." "Nag momodel nga ako at ayoko na maki share ng make-up sa ibang model kaya binilihan ako ni Mommy ng sariling make-up set ko. here." kumuha si Saitan ng isang lipstick at tumayo gamit ang tissue pinunasan muna ni Saitan ang palibot ng labi n'ya bago ito pa ang nag-apply sa kanya ng lipstick. "Yang nguso mo din puro lipstick ko. Ayusin mo din baka sabihin kung anong ginawa natin dalawa dito sa kuwarto mo." "Teka lang lagyan kita ng konting lipgloss." anito na inuna pa nitong pahirang ang sariling labi nito ng naturang lipgloss. Natampal naman ni Blessy ang mukha ni Saitan ng literal ng ilapat nito sa labi n'ya ang labi nanaman nito. "tarantad* ka kota ka ng diablo ka." natawa naman si Saitan. "Put your lips together and bite it a little para kumalat yung gloss. "Napaka simple mong mang manyak, Remind mo ko ipag papatayo kita ng rebulto mo sa harapan ng headquarters. iidulohin ka ng karamihan. D'yan ka na nga baka huburan mo na ako ng panty kapag hindi pa ako lumabas." irap ni Blessy na nag mamadaling lumabas ng kuwarto dinig pa n'ya ang malakas na pagtawa ni Saitan na ikinangiwi pa ni Blessy bakit ba kung ano-ano na ang sinasabi n'ya. Tapos yung t***k ng puso n'ya parang galing marathon kaya bago pa s'ya mag collapse lumabas na s'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD