Chapter 8 - TRAUMATIZING

2237 Words
Ibinalik ko ang kariton atsaka nagpunta kung nasaan ang chimera. Buong katawan ko ay nanginginig at hindi ko alam kung ako ba ang unang makakain nila imbes na ang tunay nilang kakainin. "Paano ko ba ito gagawin?" Tanong ko saaking sarili. "Hello! Chimera!" Malakas kong sabi. Paglingon nilang tatlo saakin ay muntik na akong mapaluhod dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. "Nandoon yung pagkain niyo!" Malakas ko ulit na sabi habang nakaturo kung nasaan yung mga bangkay. Tinignan nila akong tatlo ng ilang segundo hanggang sa nagtinginan silang tatlo atsaka pinalibutan ako. "Ahhhh!! Lord!!" Sigaw ko sa takot. "Y-y-yung pa-p-pagkain niyo nando-on." Utal at nanginginig kong turo ngunit hindi pa rin sila gumalaw. At dahil wala na akong maisip na ibang paraan, tinuro ko silang tatlo atsaka umakto na parang kumakain at itinuro kung nasaan yung mga bangkay. "Lord!!" Malakas kong sabi at pumikit ng sobrang diin nang lumapit sila saakin. Ngayon ay ramdam na ramdam ko ang kanilang hininga. Binuksan ko ng dahan-dahan ang aking mga mata nang maramdaman kong umalis na sila saakin na nakapalibot. Nakita ko sioang nakatayo sa gilid at mukhang nag aantay na mauna ako. "Salamat." Pagyuko ko sakanila dahil hindi nila ako kinain. Naglakad ako papunta sa labas at nang humarap ako saaking likod ay wala na sila. Nasaan na sila? "Aish!!" Malakas kong sabi dahil sa gulat nang bumaba sila saaking harapan. Gumalaw pa ang lupang kinatatayuan ko, mabuti na lamang ay napahawak ako agad sa may puno. Naubos nila ito ng mas mabilis sa sinabi kong oras. Tumingin silang lahat saakin kaya ako yumuko.... hindi ko rin alam kung bakit ako yumuko. Nagkaroon ng malakas na hangin nang lumipad sila pabalik sa kinaroroonan nila kanina. Ginawa ko kaagad ang sunod na sinabi ni Rein at sinunod ang paglilinis sa mga kabayo at pagpapakain. Pagkatapos ko'y napaupo ako sa gilid dahil hinang hina na ako. Parang ilang araw pa lang ako doon sa eskwelahan ay nandito nanaman ako. Ayoko na dito. Gusto ko na lang doon manirahan sa mundo ng mga tao. Gusto ko nang mamuhay kasama ng pamilya ko. Ayoko na dito. Napatayo ako agad at napatakbo papunta sa kinaroroonan ni Rein ng makita ko siya. Magdidilim na at kumukulog tapos kumikidlat na. "Gusto kang makausap ng Hari." Oh my gosh. Tungkol saan? "Tungkol saan?" Tanong ko ngunit tinignan niya lang ako ng ilang segundo bago sumagot. "Magpunta ka doon sa silid. Mag antay ka." Wika niya "Pero bago yun, mag ayos ka muna ng sarili mo. Bilisan mo." Aniya atsaka na nagpaalam saakin kaya rin ako nagpaalam. Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan at napatakbo ako agad sa aming silid. Binilisan kong maligo at mag ayos. Pagpasok ko sa loob ng kanilang kastilyo ay pinunasan ko muna ang aking sarili dahil nabasa ako sa lakas ng ulan sa labas. Padiretso na sana ako sa silid na dapat kong puntahan nang may marinig akong kakaiba sa isang silid na nadaanan ko. "How could you not tell me?" Rinig kong tanong ng Hari. "At least just tell me something. Why didn't you told me about my mom." Rinig kong sabi nila na parang sobrang nasasaktan. Oh my God. Alam na nila yung tungkol sa reyna? Paano? Bigla akong napahawak saaking dibdib nang kumulog ng napakalakas. "Stop it. Hindi naman niyan maayos ang lahat." Sabi naman ni Mister Gerald. "If you've told me sooner, I should have done something, Ge." Malungkot at nasasaktan nilang sabi- sa pagkakaintindi ko. Maybe Mister Gerald didn't say it because they can't. Parang noong sinabi ito saakin ng reyna. "Stop it. Nakarami ka na." Wika ni mister Gerald. "Forgive me on this, Hiro." Rinig kong sabi nila at kasunod non ay nakarinig ako ng tunog ng mga bote at parang paggalaw ng marahas ng lamesa at upuan. Biglang bumukas ang pinto kaya ako nagulat. Bumungad saakin si mister Gerald na hawak si Haring Hiro na walang malay. "Ano pong nangyari?" Nagaalala kong tanong. Pulang pula ang mukha, leeg at tenga ng Hari. "He's not himself right now." "Sige. Mauna na kami. Aasikasuhin ko muna siya." Pagngiti nila saakin atsaka na umalis. Ano bang sasabihin dapat saakin ng Hari? At dahil wala naman na akong mapapala dito ay babalik na sana ako sa aking tutulugan ngunit sobrang lakas pa rin ng ulan kaya hindi ako makalabas. Naupo ako sa gilid at pinanood na lamang ang ulan. Pag medyo tumila na ito ay tatakbuhin ko na lang. Sobrang lakas kasi talaga nito ngayon. Atsaka ito na lang ang damit na natira saakin dahil nasa mundo ng mga tao lahat. Yung suot ko naman kanina ay nilabahan ko kaya sigurado akong basa pa rin ito. Mabuti na nga lang ay may iniwan akong isang pares ng damit noong umalis ako. Habang pinapanood ang ulan ay nakuha ng atensyon ko ang isang babaeng nasa may gate. Napadapa siya at parang hirap makatayo. Napatayo ako nang makitang siya yung babaeng may mahabng buhok, si Tala. Hindi ko siya gaano makita dahil sa lakas ng ulan at dahil na rin sa dilim. Tumayo siya at humakbang ulit papunta dito ngunit napadapa nanaman. "Shit." Mura ko. "Bahala na yung damit ko." Aniko at tumakbo papunta sakaniya. Tangina talaga. Ang layo ng kinaroroonan niya kaya medyo natagalan bago ako makarating. Paglapit ko ay naaninag ko ang pulang likido na nakapaligid sakaniya. "Blood." "Oh my God." Sambit ko at hinawakan siya upang maitayo. "Please, help yourself. Hindi ko kayo mabubuhat." Pag amin ko. Ang tangkad niyang babae kaya hindi ko siya makakaya. Pinilit niyang tumayo habang ako ay nakaalalay. Inilagay ko ang kaniyang braso saaking balikat at niyakap ang kaniyang beywang. Naglakad kami papunta sa kastilyo at nang magawa naming makarating ay napahiga at napadaing siya sa sahig. "I can't anymore." Hirap niyang wika. Sobrang dami niyang sugat at ang dami niya ring saksak. I've never dreamed of witnessing these kinds of things. My God, why? This is traumatizing. Tumakbo ako sa loob at nadulas pa dahil sa basang basa ako. "Mister Gereald!" Tawag ko ngunit wala akong makitang kahit na sino. "Putangina. Nasaan na ba ang mga tao dito?" Madiin ngunit hindi malakas kong sabi. "Mister Gerald!" Tawag ko ulit at napamura. "Anybody! Please!" Tumakbo ako papunta sa silid kung saan sa tingin ko'y pumasok sila ng Hari kanina. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang pinupunasan ng basang tela ang hari. "You need to see this. Please. She needs you." Hingal kong sambit. Agad siyang tumayo kaya ako tumakbo papunta sa babae. Pagkarating namin ay sinabi niya saakin na balikan ko ang hari dahil kailangan niyang punasan ng basang tela. "Paano po sila?" "Ako na ang bahala. Sige na. Please, do it. He also need someone." "Saan mo pala siya nakita?" "Sa may gate po." "Good. Thank you. You saved her." "Wala ba siyang kasama?" Tanong nila ulit. "Wala po akong napansin." Tugon ko kaya sila tumango. Umalis naman na ako agad gaya ng sabi nila. Pagkarating ko ay hindi ko pa alam kung paano ko ito gagawin. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Kinuha ko ang tela atsaka na inumpisahan na punasan ang kaniyang mukha-dahan-dahan at maingat. Even if he's asleep, he looks so sad. Ngayong nakikita ko siya ng malaya at malapitan ay masasabi kong hindi pangkaraniwan ang kaniyang kagwapuhan. Sunod ko namang pinunasan ang kaniyang braso hanggang sa umabot ako sakaniyang kamay. "Bakit ganito ang kamay mo, mahal na Hari?" Mahina kong tanong sakaniya. There are many scars-a cut from something. Tinignan ko rin ang isa niyang kamay at meron din ito ngunit ito ay hanggang braso niya. Pinunasan ko ito at bumalik sa isa. Ang iba ay halatang galing sa malalim na sugat, ang iba naman ay mababaw lang. Hinaplos ko ang mga ito at naramdaman ko ang kaniyang balat. Ibang-iba ang kaniyang balat sa kamay sa lahat ng kutis niya. Parang grabe ang paghihirap o pagtatrabaho niya dati. Natigil naman ako dahil sa mga ugat sakaniyang braso. Ang hot niya. s**t, kinikilig nanaman ako. Nang bibitiwan ko na siya ay bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak saaking kamay kaya ako nagulat. "Ahh." Pagsinghap ko. "Why are you here?" Tanong niya ng may boses na naantok pa. "Ahh, sabi po kasi ni mister Gerald punasan ko raw kayo." Naramdaman ko ang pagpisil niya ng bahagya saaking kamay atsaka napatingin dito. "Ahhh... pasensya na po. Mauuna na po ako." Pagbawi ko saaking kamay nang hinahaplos niya na ito. Baka magduda siya sa kamay ko. Hindi pa naman yata mukhang lalaki ang aking kamay kaya baka pagdudahan na niya ako. Hindi pwede. "Wait. Can you give me that drink?" Tanong niya kaya ako napalingon. Tinuro niya ang boteng nasa may lamesa malapit saakin kaya ko ito kinuha at iniabot sakaniya. Dahil nahihirapan siyang makatayo ay tinulungan ko na lang siya. Hindi naman na tumutulo ang aking damit at buhok kaya hindi siya nababasa. "Bakit basang basa ka?" Tanong niya pagkaupo niya. "Tinulungan ko po kasi yung kapatid niyo doon sa may gate." Aniko at naitiklop ang aking labi dahil dito. Am I allowed to say that? Wala naman sinabi si Mister Gerald na hindi ko ito pwedeng sabihin, diba? "Kapatid?" Tanong nila. "Opo. Si Miss Tala po." "Tala?" "Opo." "Anong nangyari sakaniya? Nasaan na siya?" Nagaalala nilang tanong. "Inaasikaso na po ni Mister Gerald." "Huwag na po sana kayong tumayo dahil hindi pa po kayo ayos." Sabi ko nang tatayo na sana siya. "Where's my brother? Did you saw him?" Tanong niya matapos magpakawala ng malalim na paghinga. "Hindi ko po sila nakita, mahal na hari." "May kailangan pa po ba kayo?" Tanong ko para sana makaalis na dahil grabe na ang pagwawala ng aking puso. "Oo. Kailangan kong lumabas." Wika niya at pinipilit tumayo kahit nanghihina pa. Wala na akong nagawa dahil wala naman akong karapatan na pagbawalan siya kaya ko na siya tinulungan. "Pasensya na po, basang-basa po kasi yung damit ko at baka mabasa rin po kayo kung lalapitan ko pa kayo." "It's okay. Go. Magbihis ka na doon at baka magkasakit ka pa." Pagyuko ko ay lumabas na rin ako agad. Bigla akong napangiti at pulang pula dahil sa sinabi niya. Napahawak ako saaking dibdib na grabe ang pagwawala. Shit. Kinikilig ako. He's worried about me. Ay, oo nga pala. Lalaki ako at hindi niya alam na nagpapanggap lamang ako. Sinabi niya lang yun dahil isa ako sakanilang hukbo. Pero kahit pa. Kinikilig pa rin ako. Bigla akong napatalon at napalingon nang bumukas ang pinto saaking likuran. "Woahhh." Paghawak ko sakaniya nang matutumba na sana siya. "Why are you still here?" Kasi kinikilig ako at hindi ko naalala na lalabas ka rin pala kaya mo ako naabutan dito. "Hindi pa po talaga kayo ayos, mahal na hari. Bumalik na lang po kayo doon sa loob." Wika ko nang makaiwas ako ng tingin. "Sige na po. Baka pagalitan din po kasi ako ni Mister Gerald kung papayagan ko kayo." Nagpakawala muna sila ng malalim na paghinga bago pumasok sa loob kaya ko sila sinamahan. "Sige na. Makakaalis ka na." "Hindi ko po magagawa yun, mahal na hari. Kung gagawin ko po ay baka umalis kayo at puntahan sila." "I am the king. You should be the one to obey me." "Pasensya na po talaga. Para rin naman po sa ikabubuti niyo." Sagot ko habang nakayuko. "Alright. I won't go. Now get out." Medyo maawtoridad na niyang sabi na medyo nagpasikip saaking dibdib. Yumuko na ako at nagpaalam. "Ouch." Mahina kong sambit habang naglalakad. Pagkalabas ko ay medyo tumila na ang ulan ngunit umaambon pa rin. "Now what?" "Wala ka ng maisusuot." "Ano nang gagawin mo?" Nagpunta na ako sa aking tulugan upang maligo ngunit naabutan ko ang mga kasama kong naliligo. Great. Just great! Pagkalabas ko ay napatalon pa ako ng bahagya dahil kay mister Gerald na may dalang payong at parang mga damit at tuwalya. "I think you need this." Anila. Napatingin naman sila sa loob at nakitang nandoon ang mga lalaki. "Sige po. Salamat po." "Use the castle's shower room. You can use it." "Sige po. Maraming salamat po." "May kukunin lang po ako sa loob." Wika ko. Shit. Yung mga sinampay ko. Mabuti na lang ay nasa may bandang dulo at nasa itaas ang aking higaan. Mabuti na rin ay medyo madilim sa parte ko kaya hindi nila nakita yung mga hindi nila dapat makita. Pagkakita ko ay agad kong tiniklop. Palabas na sana ako nang may tumawag saakin. "Michael. Saan ka pupunta?" Tanong ng isang lalaki na tuwalya lang ang suot. Bigla akong napalunok dahil dito. Nakita ko naman ang malaki niyang braso at abs. Shit. Wag kang kikiligin! Lalaki ka. Lalaki ka. Lalaki ka dapat. "Hindi ka ba sasabay? Sabay ka na kaya. Ikaw na lang yata ang hindi namin nakakasabay dito." Aniya. "Ahh.. ehh. May gagawin pa ako." "Tara na. Para masukat din natin kung sino ang mas malaki." Sambit niya at inalis ang tuwalyang nakabalot sakaniya. Nanlaki ang aking mga mata at hindi inalis ang tingin sakaniyang mga mata. Hindi ako makagalaw. Para akong naging tuod sa kinaroroonan ko. Biglang may nagtakip ng tuwalya saaking ulo na tumakip saaking mga mata atsaka ako hinila palabas. Oh my God. This person is my saviour. Pagkaalis ko nito nang makalabas kami ay biglang namilog ang aking mga mata. "Here. Now, go. Take a shower. You might catch cold." Naibukas ko lang ang aking bibig dahil sa halo-halong bagay ang tumatakbo saaking isipan. "I won't say." Pagngiti nila saakin atsaka na ako iniwanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD