Prologue
"Ano bang kailangan mo saakin?" Inis kong tanong sakaniya kahit pa ako'y natatakot.
Ang tangkad niya. Lintik na'to.
Sabi ng mga tita at tito ko'y ang tangkad-tangkad ko na, pero 5'4 and a half lang naman ako. Itong gwapong lalaking nandito ay nasa 6 foot 4 siguro.
Baka palad niya pa lang ay pwede na niyang masakop ang buong mukha ko.
"You know, you have many questions—"Anong kailangan mo saakin?" "Nasaan ako?" "Anong ginagawa ko dito?" "Sino ka?"— Isa isa lang."
"Okay. First question. Go on." Wika niya pag-upo niya sa parang kaniyang trono atsaka ipinag krus ang mga paa atsaka ipinagdikit ang mga kamay na halatang nag-aabang saaking katanungan.
Ang gwapo niya kahit natatakpan ng maskara ang kaniyang kalahating mukha. Teka, umayos ka nga, Katharine. Siya ang nagkidnap sa'yo. Umayos ka!
"Sino ka?" Tanong ko.
"The name is Takashi Dio-Leahcim . Prince Takashi Dio."
Medyo malalim ang boses. Naloloka ako sa sarili ko.
Takashi? Diba Japanese yun? Ibig sabihin ay apelyedo niya iyon?
So, that means his name is Dio and his surname is Takashi. But wait...
"Lay-kim?" Tanong ko.
"Lay-kim or Liya-cim." Tugon niya.
"Nasaan ako?"
"Apparently, you're in my castle. Next."
Castle? Bakit "prince"? Diba dapat ay "king"?
"Anong kailangan mo saakin?"
"Your blood."
"Anong kailangan mo sa dugo ko?"
"I need it so I can step outside your world, exposing my sacred and beautiful skin to the sun."
Hindi na ako nagtanong pa dahil nasagot naman na niya ang lahat ng katanungan ko sa ngayon.
Magsasalita pa lang ako para sana tanungin kung ano na ang gagawin niya saakin nang dumating ang dalawang lalaki na parang mga binata–halos magkaedad lang kami sa tingin ko.
Ayy. Ang papangit. Di ko sila gusto. Tumaas kasi agad yung standards ko dahil dito sa prinsipeng ito.
"Lord Dio, we found the armies of the Hale and Welker clan, they killed all the monsters you've awoken."
"Wha—" Hindi pa niya natatapos ang kaniyang sasabihin nang magsalita naman ang isang lalaki.
"And, the tree have been destroyed as well."
"The tree?" Paglinaw niya.
"Yes, my lord. The peach tree."
Bigla na lang nagyakapan ang dalawang binata habang nakatingin sa prinsipe kaya rin ako napatingin sakaniya. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras katulad ng dalawang lalaki.
Sa pagyuko naming tatlo ay kasabay ng pag sabog ng nagbabagang apoy galing sa katawan ng prinsipe.
"Nani!"
"Okay, okay. I'm cool, I'm cool. I'm calm. I'm fine." Bigla niyang sabi kaya ako napangiwi habang nakatingin sakaniya na bumalik na sa dating tindig at itsura.
Napatingin naman ako sa paligid na lusaw at sunog ang mga kagamitang naririto.
Huh. This guy has some temper issue.
Ang gwapo niya sana lalo kung alisin niya yung maskara niya. Sayang, kung hindi sana masama at kaya niya sanang kontrolin ang timpi niya, ako na mismo ang manliligaw sakaniya.
"Get her out here." Utos niya sa mga binata kaya naman nila ito agad sinunod.
Dinala nila ako sa malaking silid.
"Ito ang magiging kwarto mo."
"Kwarto ba yung tawag doon?" Tanong niya sa isang binata.
"Silid yata?" Balik naman sakaniya ng isa.
Nagtatalunan silang dalawang umalis at nang hindi ko na sila marinig ay tinignan ko ang malawak na silid. May napakalaking higaan at makapal na kutson sa gitna, kulay puti lahat ng makikita ko dito magmula sa punda ng unan hanggang sa bedsheet.
May halong kalumaan at moderno ang disenyo ng kaniyang palasyo. Hindi ko maintindihan ang awra ng paligid dahil parang naglalaban ang mga ito katulad na lamang ng mga kulay. Mayroong madilim at maliwanag na kulay, ngunit hindi ko masabing balanse ang nakikita ko. May kakaiba talaga dito.
Nakakatakot siya, ang prisensya niya, siya. Pero bakit may maliit na parte saakin na nakakaramdam ng kaligtasan sakaniya?
This is weird. I see evil but I feel angel.
Lumipas ang ilang oras at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa napaka lambot na higaan. Pagtingin ko sa bintanang maliit sa may bandang taas ay mataas na ang sikat ng araw.
Biglang kumalam ang sikmura ko kaya ko napagdesisyunang lumabas.
Napakahaba ng hallway at napakalawak ng paligid. Hindi ko alam kung saan ako didiretso upang makapunta sa kusina o sa labas, kung saan may makakain.
Sa halos ilang oras kong paglilibot ay nahanap ko rin ang sa tingin ko'y kusina. Hindi ito mukhang kusina dahil para itong bahay ng isang pamilya na kakasiya ang pitong miyembro.
Ang lawak at ang laki.
Biglang dumating ang isang matandang babae na bahagya pang nagulat dahil saakin.
"Iha. Mabuti at nagising ka. Nagugu—"
"Old Lady. Where are my foods?" Biglang rinig namin sa boses ng prinsipe.
"I'm sorry, my lord. I'm coming."
"I can't eat your sorry. Just give it to me, now!" Malakas at alam kong galit nanaman siya.
"Pasensya ka na iha, ihahatid ko muna sa prinsipe ang kaniyang makakain--" tumigil sila atsaka lumapit saaking tenga upang may ibulong.
"Bugnutin pa naman." Anila atsaka tumawa ng kaunti bago nagmadaling dalihin ang mga pagkaing nakalapag sa mahabang lamesa saaking gilid.
"Ang gwapo ngunit bugnuting prinsipe." Napatawa naman ako ng bahagya sa naisip ko.
Halos puti na lahat ang kanilang buhok at kulubot na rin ang kanilang balat ngunit nakakatayo at nakakapag lakad pa sila ng maayos. Maayos rin ang kanilang itsura, naka kulay pula pa nga silang lipstick na hindi ko maisip kung ano ba talagang papel nila dito.
At dahil nagugutom na ako, naghanap ako ng pwedeng mailuto at nagisip ng gusto kong makain.
Nagumpisa na akong maghati ng mga kakailanganin at ilang minuto ay natapos rin ako agad dahil minadali ko ito. Susubo pa lang ako ng marinig ko ang boses ng prinsipe saaking likuran.
"Who told you that you can cook here and eat my foods?" Tanong niya kaya ako napalunok.
"What is that? It doesn't even look like a food." Paginsulto niya sa pagkain ko– sa pagkain na ginawa ko.
"Nagugutom na ako." Sambit ko.
"So? I'm full. I just finished my lunch." Aniya atsaka kinuha ang plato at kutsara saakin.
"Dispose it. She might've put some poison or something in it." Utos niya sa matanda pagkarating nila dito. Pagkaalis nila ay hinarap ko ang lalaki.
"Kailangan mo ng dugo ko, diba? Pwes ako, kailangan ko ng pagkain mo."
"I would allow you whole heartedly to get some of my blood in exchange of your food." Aniko.
"Kung hindi ka lang gwapo ay baka kanina pa ako tumakas dito." Madiing bulong ko ngunit alam kong hindi niya naman narinig.
Naningkit naman ang kaniyang mga mata na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"It's a win-win situation here. What do you say?"
"Basta dugo lang ang kukunin mo saakin. Wala ng iba." Dagdag ko.
"Why not we make our blood as one, you know, my blood in your body and vice versa in exchange of my food?" Wika niya atsaka naglakad papunta sa kabilang gilid ko.
"Why do you really want my blood? My blood is no difference from other people."
"You know, you're already here and you need me for your food to eat, and I need your blood to make me half mortal."
"And yes, I am immortal, obviously, huh, and I have powers which you've had witnessed."
"So, anyway, deal or no?"
"What if I choose no?"
"Well, then, I gotta give you to my guards so that they can taste alive food. They will rip your throat, cut your head and arms and legs out, eat every bits of you until the very last strand of your hair."
"If you don't believe me, take risk. I give you the courage to take the risk."
"So what's your decision?" Tanong niya ng makalapit saakin habang magkadikit ang kaniyang mga daliri na pansin kong mannerism niya.
"Deal." Aniko.
"Great!" He exclaimed. Nakipag kamay siya saakin at biglang umilaw ang kamay namin.
"The deal is sealed."
"Paano kapag hindi ako sumunod sa usapan?" Tanong ko.
"You can't. You're bound to do it even if you don't want to. The deal is the deal."
"Let's go start the deal." Wika niya at bigla na lamang akong nandito't nakaupo sa dulo ng lamesa habang may mga pagkaing nakahanda saaking harapan, samantalang siya ay nakaupo sa kabilang dulo at umiinom ng sa palagay ko'y red wine.
"Did we just teleport....?"
"Yeah, if you think so. Just eat so I can start my part."
"Yamero!" Malakas at nagbabanta niyang sabi nang magtatanong pa ulit sana ako. Kahit hindi ko ito naintindihan ay parang ibig sabihin nito'y tumigil na akong magtanong.
Pagkatapos kong kumain kay dinala niya ako sa isang silid na parang pang ospital. Inutusan niya akong humiga sa parang higaan sa gitna katabi ang sa tingin ko'y hihigaan niya rin.
Habang may inaayos siya ay hindi ko maalis ang paningin ko sakaniyang mukha. Malakas ang kutob kong gwapo talaga siya kahit pa natatakpan ng maskara ang kalahati niyang mukha.
"The hand." Utos niya saakin kaya ko ibinigay ang kaliwa kong kamay.
Hindi pa ako handa nang itusok niya ang napaka-haba at napaka-kapal na parang tubo saaking katawan kaya ako napapikit at napakagat saaking labi. Ramdam na ramdam ko ang pagpasok ng tubo saaking braso at sa paglalim nito saaking katawan ay para itong nagliliyab na nagpapa-manhid ng aking kaliwang braso.
Paunti-unti ay ang kalahating parte ng aking katawan ay namamanhid na.
Napatingin ako sakaniya at nakita kung paano niya ipasok ang katulad ng tubong itinusok niya saakin sakaniyang braso.
Ilang minuto ang lumipas ay unti-unti, nararamdaman ko ang pagpasok ng kaniyang dugo saaking katawan. Tumagal pa ng ilan pang minuto ay malinaw na malinaw na ang pakiramdam ko kung paano nagiging isa ang aming dugo, nararamdaman ko rin ang pagsikip ng aking dibdib.
Kahit anong pigil ko sa pagsarado ng talukap ng aking mga mata ay hindi ko magawa. Pati ang buong katawan ko ay hindi ko na magawang maigalaw. Ang dating pagtunog ng parang makina na ginagamit namin upang maayos na mapagsama ang aming dugo ay hindi ko na marinig. Wala na sa kahit anong pakiramdam ko ang gumagana—ang pandinig, pakiramdam, panlasa, pagtingin, at pang amoy.