Chapter 7 - THE FRUIT

2675 Words
Pagkalapit ko ay narinig kong natawa ang babae sa sinabi yata ng Hari. "I don't want to call you 'Jack' as much as I do." Wika ng babae. "Why?" Tanong naman ng Hari. "Because Jack is my bestfriend, and James is my love." Aniya. "But I am both of them." Sabi ng Hari atsaka lumapit sa babae. "I am both of them, mon amour." Ulit niya atsaka hinawakan ang gilid ng mukha ng babae atsaka niya hinalikan. Bigla akong napatalikod habang nakaawang ang aking bibig. Oh my God. Diba magkapatid sila? I can't believe this. I can't believe my eyes. "You're still my love that I know." Rinig kong sabi ng babae. "I am." Sagot ng Hari atsaka nanaman sila naghalikan kaya na ako tumakbo palayo para hindi ko sila marinig o makita. "Oh my gosh. My virgin eyes." Sambit ko atsaka naghugas ng mukha. "My virgin ears." Sambit ko nanaman atsaka hinawakan ang aking tenga. "I can't believe this." "I think that's... that's.... what do you call that word?" Tanong ko sa hangin. "Consanguinamory." Aniko. "Anong ginagawa mo dito?" "Ayy, tangina!" Malakas kong sabi dahil sa biglang pagsulpot ni Jasper. Humalakhak siya dahil sa naging reaksyon ko kaya ko siya iniwanan ngunit sumunod din siya. "Kung sana ay pwedeng ulit-ulitin yung reaksyon mo kanina, baka matawa ka rin." Wika niya ngunit hindi ko siya pinapansin. "Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya nang kumalma na siya. Hinarap ko siya atsaka siya tinignan ng masama at naglakad ulit. "Akala ko ba pinapunta ka ng hari doon sa mundo ng mga tao? Bakit ka nandito?" "Paano ka nakapunta dito?" Tanong niya nanaman. Hindi ako pwedeng hindi sumagot dahil magtataka na siya. Kung sasagot naman ako ay kailangan kong ayusin at ingatan ang sasabihin sakaniya dahil matalino ang lalaking ito. "Tumakas kasi ako doon sa kalaban." Pagsinungaling ko atsaka napakagat saaking labi at umiwas ng tingin. Ayoko mang magsinungaling ay kailangan ko. "Oh? Nakatakas ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Paano?" "Anong 'paano'?" Tanong ko naman. "Kasi kanina, nagpunta dito si Dio. Ang dami niyang napatay na sundalo tapos dinala niya sa kung saan." "Hindi mo ba napapansin na kumonti ang mga nandito?" "Hindi." Tugon ko. "Kaya kita tinatanong kung paano ka nakapunta dito at kung paano ka nakatakas sakaniya." "Ahh. Kasi doon sa eskwelahan na pinapasukan ko, may isinulat siya gamit ang dugo. Siguro yung ginamit niya yung dugo ng mga kawal dito." Sambit ko. Siguro nga dugo nila ang ginamit niya. "Pwede. Malaking posibilidad iyon." Sagot niya. Tinignan niya ako ng mapagdudang tingin pagkatapos atsaka lumapit saakin ng paunti-unti. "Anong ginagawa mo?" Kinakabahan at taranta kong tanong dahil ang lapit niya saakin. Kung tunay akong lalaki, masasabi kong bakla ang lalaking ito. Sira na ang ulo niya. "Paano mo nalaman na siya ang nagsulat non?" Tanong niya. "Atsaka, kilala mo siya? Ibig sabihin ay nakita mo na siya?" "Kailan? Noong bago pa kita makita?" Sunod-sunong niyang tanong. Shit. Sabi na nga ba. Ano nanaman ang ipapalusot ko? "Sino ba namang may kayang gumawa non? Hindi ba'y siya? Atsaka, base sa sinabi mo, inisip ko na lang na siya yun dahil yun lang ang naiisip kong posibilidad na sagot." Wika ko atsaka napakagat saaking labi. "Umayos ka nga. Ang lapit mo. Kulang na lang eh magkapalit na tayo ng mukha." Paglayo ko upang maputol ang pagtingin niya saaking mga mata. "Ano ba ang sinulat niya? Nakita mo ba?" Tanong niya kaya ako bahagyang nabigla. Ayoko ng magsinungaling pa. Nakailangang sabi na ako ng kasinungalingan ngayong araw pa lang. "Katharine." Pagsabi ko ng totoo kaya siya napatingin saaking mga mata. "Katharine?" Ulit niya kaya ako tumango. Ipinitik niya ang kaniyang daliri na parang may nakumpirma. "Ano yun?" Tanong ko. "Dalawa lang ang alam kong dahilan kung bakit niya iyon ginawa." "Ano?" "Una, siguro nalaman niya na pagmamay-ari ng Hari ang eskwelahan na iyon. Pangalawa, siguro ay nandoon si Katharine." "Kung ganon, hindi siya patay?" Shit. Ang talino talaga ng lalaking ito. "Kasi kung yung una ang dahilan niya, katanggap-tanggap din naman dahil noong nagpunta siya dito ay hinahanap niya si Haring James. Si Jack. Ngunit nakapagtataka lang dahil bakit alam niya ang pangalan ni Haring Hiro at alam niyang hindi si Haring James ang kausap niya." "Kung ganon, paunti-unti ay nalalaman na niya ang mga detalye natin." "Hindi pwede 'to. Malaking gulo ang mangyayari at sigurado akong kahit pagsama-samahin natin ang ating pwersa ay hindi tayo mananalo sakaniya." Sambit niya. "May tanong ako." Aniko kaya siya humarap saakin. "Paano mo nakilala si Katharine? Kilala mo siya? Nakita mo na?" "Hindi ko pa siya nakita at hindi ko rin siya kilala bilang isang tao. Pero nakilala ko siya dahil siya ang dati pa naming hinahanap kay Dio. Ngunit dahil malakas nga si Dio ay inisip na lang namin na patay na siya." "But I think King Hiro still believe that she's alive." "Oh, right. Samahan mo nga ako." Pagiiba niya. "Wow. Hindi talaga yun tanong?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Oo. Sige na kasi. Para mabilis kong mahanap." "Bakit saakin? Pwede naman sa iba na lang." "Ikaw lang naman kasi yung pwede. Bakit, may ginagawa ka ba? May gagawin ka ba? Wala naman, diba? Kaya tara na." Wika niya. Tinignan ko lang siya dahil sa kairitahan. "Ang liit-litt mong lalaki tapos ganiyan ka." "Nangaasar ka ba?" Gigil kong tanong. Porket matangkad siya dahil tunay siyang lalaki. Nakakainis. "Ikaw nga ang tangkad mong lalaki duwag ka naman." Balik ko kaya naningkit ang kaniyang mga mata. "Ano ulit yun? Sayo talaga nanggaling yung salitang 'duwag'?" "Kakainin mo rin yang sinabi mo. Makikita mo." Mapagbantang sabi niya. "Sige na kasi. Para mabilis mahanap." Pagbalik niya sa dati at pinilit ako ng pinilit hanggang sa nairita ako kaya ako pumayag. "Ano bang hahanapin natin?" "Prutas siya. Para siyang mansanas. Basta, halika." Sumunod ako sakaniya at pumasok kami sa loob ng kastilyo. "Dito ka muna. Magpapaalam na ako sa reyna o sa hari." Aniya kaya ako tumango atsaka na siya umalis. Biglang kumalam ang aking sikmura kaya ako dinala ng mga paa ko sa kusina. Pagkarating ko ay naabutan ko ang reyna na naghahati ng gulay. Hindi ko ito inaasahan kaya ako nakatayo ng ilang segundo sa pwesto ko. Kung hindi nila ako tinawag ay hindi ako makakagalaw. "Diba ikaw yung- ahh." Napalapit ako agad at tinignan ang kanilang sugat. Naghanap ako ng tela at naalala ang aking panyo kaya ko ito agad kinuha saaking bulsa at ipinantakip sa kanilang sugat. "Ako na po dito." "Marunong ka?" Tanong nila. "O-opo." "Gusto ko kasing magluto para sa mga anak ko. Minsan na nga lang kaming magkakasama kaya gusto kong sulitin." "Sulitin?" Tanong ko agad dahil parang maling impormasyon ang naintindihan ko. Ngumiti sila ng maliit atsaka yumuko. "Bakit po, mahal na reyna?" Tanong ko. "Ako na po. Baka masugat pa po ulit kayo." Pagkuha ko ng kutsilyo sakanila nang kukunin nanaman nila ito. "Hindi ko inaasahan na maiintindihan mo ang totong nais kong sabihin, iho." Pagngiti nila ng maliit. "Nararamdaman kong humihina na ako. Hindi man halata sa itsura ko ay nararamdaman kong malapit na akong mamatay." Sambit nila habang ako'y naghahati. Hinugasan ko ang mga ito pagkatapos ko atsaka ihinulog sa kumukulong tubig na kanilang isinalang kanina. Sinabi nila kung anong luto ang gusto nilang lutuin kaya ko ito sinusunod. "Pasensya na po, pero pwede ko ba pong malaman kung may sakit po ba kayo o ano? Baka po may gamot pong makatulong sainyo." "Wala, iho. Alam ko at kahit saan ako magpunta ay wala ng lunas na makakapag pagaling saakin." "Bakit po? Ano pong ibig niyong sabihin?" "Kung sasabihin ko ito sa'yo ay kayong dalawa lang ni Gerald ang nakakaalam." Sabi nila kaya ako tumingin saaking niluluto upang iwasan ang kanilang mga tingin dahil alam kong nabibilang ako sa kalaban ng pamilya nila. "I have a red stone inside of my chest." Wika nila kaya ako kunot noong napaharap sakanila. "It's hot. Like a fire. It's like a burning charcoal that will never die, sitting inside of my chest." "Hindi na po ba ito maalis?" Tanong ko. "Hindi na. Nasa loob na kasi ito ng puso ko." "Saan po ba ito galing? Bakit nasainyo?" Tanong ko. Nagpakawala naman sila ng malalim na paghinga. "Ayos lang po kung hindi niyo sabihin. Naiintindihan ko po." Aniko kaya nila ako nginitian. "Gusto niyo po bang kayo na ang magtimpla?" Tanong ko. Lumapit sila at sila na ang nagtuloy. "There you are." Rinig kong sabi ni Jasper sa labas. Binati niya ang reyna atsaka na kami nagpaalam na dalawa. Hindi lang man ako nakakain. Nagugutom na ako. "Michael." Tawag saakin ni Rein paglabas namin kaya nauna na si Jasper papunta sa mga kabayo. "Protect him as well. He's a prince." "Prince?" "Yes. Hindi ko dapat ito sinasabi ngunit mahalaga siya, Michael. And our job is to protect them." "Ano ba siya?" Tanong ko. "He is the last prince of their family. He's an elf." "Elf?" Ulit ko. "Yes. He's The Last Elrodelli. Now go. Remember what our job is." Aniya atsaka na ako iniwan. He's a prince? He's the last prince of their family? He's an elf? The Last Elrodelli? Ibig sabihin ay ang totoong itsura niya ay yung nakita ko dati doon sa baba ng tulay? Ganon ba ang itsura ng elf? "Aww." Sabi ko nang mapaupo ako dahil sa aking nabunggo. Hindi ko kasi napansin kakaisip ko sa sinabi ni Rein. "Your majesty." Aniko nang makatayo ako atsaka yumuko sakaniya. "I heard your reason why are you here." Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Sinalubong ko ang kaniyang mga mata at hindi ko mapigilan ang sarili kong huwag titigan ang mga ito. Ilang segundo ang lumipas nang ako na ang pumutol. "Pasensya na po. Mauuna na po ako." Pagyuko ko atsaka dumiretso kay Jasper na nagaantay saakin habang nakataas ang isang kilay. "Siguro type mo siya, ano?" Tanong niya habang natatawa kaya nanlaki ang aking mga mata at nabitawan ang tali ng kabayo nang paakyat na sana ako. "Bakla ka siguro." Pagtawa niya. Pagkaalis namin ay patuloy siya sa pangungulit saakin kung gusto ko ba ang hari at kung bakla ba ako. Hindi ko siya pinapansin dahil hindi pa rin mawala ang mga sinabi ni Rein saakin kanina. Kung prinsipe siya, bakit siya nandito? Bakit imbes na pamilya niya ang kaniyang kasama ay sila ang kasama niya? Hindi kaya't ang ibig sabihin ni Rein na siya na ang nagiisang naiwan sa pamilya niya ay siya na ang natitira sa angkan nila? Napatingin naman ako sakaniya at nakaramdam ng lungkot. . Ilang oras ang naging biyahe namin hanggang sa nakarating kami sa sinabi niyang kaharian. Hindi ko na matandaan dahil sa dami ng kaniyang sinabi at sa dami ng aming napagusapan. Kung hindi lang siguro tunay na lalaki itong si Jasper ay pwede ko na siyang matawag na babae dahil sa kadaldalan niya, tulad ko. "Kaya wag mo akong sinusubukan dahil mas mataas ang marka ko sayo." Mayabang niyang sabi. "Ang yabang mo talaga." "Dibale. Sayo lang naman. Wala kasi akong laban sa iba." Aniya atsaka tumawa. "Ang lamig na ng simoy ng hangin dito. Bakit?" Tanong ko. "Norte kasi ito. Tapos kung didiretsohin mo pa ay mapupunta ka na sa kahariang Wintrayada." "Okay." "Hindi ba ito yung prutas na sinasabi mo?" Tanong ko nang makita ko ang halaman na may mga prutas na parang sa sinabi ni Jasper kanina saaking gilid. "Para saan ba ito?" "Para kay Dio. Susubukan lang nila kung gagana ba sakaniya ito." Tugon niya kaya ako tumango. Pumutol siya dahil ang tataas ng mga ito at hindi ko kayang abutin, ibinigay niya saakin ang iba at ang iba naman ay nasakaniya. "Ayos na ito?" "It could suffice the thirst." Sambit niya kaya kahit hindi ko naintindihan ay tumango na lang ako. Nang papaalis na kami ay nakarinig ako ng parang pagaspas ng pakpak ng malaking ibon. Bigla na lang akong napatingin sa kung sino na nasa aming harapan atsaka binitiwan ang tali ng kaniyang pana. Nang tatama na saakin ito ay biglang humarang si Jasper. "Ang gulo ng buhok mo." Aniya atsaka inayos ito. Bigla siyang umubo at naglabas ng dugo. "Ang liit mo kasi tapos ang gulo pa ng buhok mo." Wika niya at napahiga saakin. "No. No." "Hoy. Bumangon ka. Wag kang mamamatay. Sira na ba ang ulo mo?" Naiiyak kong tanong habang pinipilit siyang itayo. Hinanap ko ang tumira sakaniya at nakitang ngumisi ito atsaka lumipad paalis. Kulay puti ang kaniyang pakpak at nakasuot din siya ng kulay puting mga damit. "Hoy. Bumangon ka jan." Paggising ko ulit sakaniya. Anong gagawin ko? Pinilit ko siyang iayos sakaniyang kabayo atsaka ko na sila pinatakbo. Hindi ko alam kung malalaglag ba siya o hindi ngunit hindi naman yata. Ang dami ng dugong umaagos dahil sa tama niya. Halos isang oras yata ang dumaan nang makarating kami sa harapan ng gate. "Open it!" Sigaw ko at mabilis naman nila itong binuksan. Pagkarating namin sa harapan ng kastilyo ay agad na tumakbo si Rein papunta sa pwesto namin nang makita kami. "What happen?" "May bigla na lang dumating at papanahin sana ako ngunit humarang siya." Nanginginig na boses kong sabi. Binuhat niya si Jasper at dinala sa loob ng kastilyo. Nakita kami ng reyna kaya mabilis niyang pinatawag ang Hari at sila Mister Gerald. Halos maputol ko na ang buto ng aking mga daliri dahil sa kaba at pagpipigil ng aking mga luha. "He's been poisoned." Wika ni Mister Gerald pagtingin niya sa pinagtamaan ni Jasper. "Kaya mo ba siyang gamutin?" Tanong ng reyna sakaniya. "Michael, let's go." Tawag saakin ni Rein ngunit hindi ako makaalis dahil sobra ang pagaalala ko kay Jasper. "Michael." Ulit niya. "Sige na. Kami na ang bahala sakaniya. He's going to be fine." Sabi saakin ni Mister Gerald habang ginugupit ang kasuotan ni Jasper. Dahil sa sinabi niya ay medyo kumalma ako ngunit hindi pa rin maalis ang sobrang takot ko. "What happen to what i've said?" Galit na tanong niya saakin nang makarating kami sa gilid ng kastilyo. "Diba sinabi ko sayo na protektahan mo siya, hindi yung siya ang poprotekta sayo. Ano ka, babae?!" Malakas at galit na galit niyang sabi kaya ako napapikit habang nakayuko "Give me 100 push-ups. Now!" Kahit na ayoko ay wala akong magawa. Mabuti na lang, kahit papano'y nag e-exercise ako noon ngunit mahirap pa rin ito. Alam ko sa sarili kong hindi ko ito kakayanin ngunit susubukan ko lang. "Yan lang ay hindi mo magawa!" Galit niyang sabi nang mapahiga ako pagdating ng pang labing dalawa. "Hindi kita masyadong binibigyan ng mabibigat na gawain dahil alam kong mahina ka. Sa liit mo at sa liit ng katawan mo'y hindi mo kayang humarap sa digmaan. Pero ang simple lang ng sinabi ko sayo, Michael." Wika niya ng may kalmado ngunit madiing tono. "Kung hindi mo kayang protektahan ang isang katulad niya gamit ang katawan mo, gamitin mo ang isip mo. Pwede naman iyon, hindi ba?" "Kuhanin mo ang mga katawan doon sa labas at ipakain mo sa alaga ng emperatris." "Pagkatapos mo'y iayos mo lahat ng mga armas at kagamitan ng ating mandirigma." "Linisan mo rin ang kanilang mga kabayo." "Tapusin mo ito lahat ngayong araw dahil gagamitin ang mga ito bukas." "Yun na po?" Tanong ko. "At.... magpunta ka dito pag natapos mo lahat dahil may ipapagawa pa ako sayo." dagdag niya atsaka na umalis. "Ang dami. Kaya ko kaya ang mga iyon?" Tanong ko saaking sarili at biglang naalala si Jasper. Simula ngayon ay kailangan ko ng dumistansya sakaniya- sakanila. Ano nga bang iniisip ko bakit ko siya kinakausap ng ganon-ganon na lang? Isa ako sa kanilang mga hukbo, at hindi dapat ako nakikisama at nakikipag usap sakanila ng ganon. Nagumpisa na ako agad dahil tumatakbo ang oras. Pagkadating ko ay hindi ako agad nakagalaw at nakapag isip dahil sa dami ng mga bangkay. They're so many that they can fit into the football field. How will I do this? Hindi ko ito makakaya ng ganon kaliit na oras. BIgla kong naisip ang sinabi ni Mister Gerald noong tinuturuan niya ako sa Math. "Work smart, not work hard."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD