Kinaumagahan ay nagising ako ng orasan at nag-ayos na upang pumasok.
Nagpunta ako sa kwarto kung saan sinabi nila Miss Wen kahapon.
Pagkatapos kong magpakilala ay pinaupo nila ako sa may likod ni Ken.
Nakilala ko siya dahil nakita ko ang pangalan niya sa papel na nasa kaniyang lamesa.
Sino kaya dito yung Lauren?
Nang natapos ang aming klase ay nakita ko siya sa may roundtable kasama ang dalawang babae.
Naagaw ng babaeng may kulay puting buhok ang aking atensyon.
"Bakit puti ang buhok niya?"
Ang kilala kong may malapit sa puting buhok ay ang hari na si James Welker. Ibig kayang sabihin ay anak niya ang babaeng ito?
"May anak na siya?"
"Sayang naman. Gwapo pa naman siya tapos siya pa yung nasa unahan sa crush list ko." Sambit ko at napatawa ng bahagya dahil saaking mga iniisip at sinasabi.
"Lalaki nga pala ako."
Paano ko sila malalapitan?
Kailangan ko silang kaibiganin para magawa ang pinapagawa saakin ng hari. But how the hell will I able to befriend with them if I'm shy?
Ano na lang ang gagawin ng prinsipe kung malaman niyang nandito ako at malayo sa mga dapat kong obserbahan? Hindi ko kasi nasabi sakaniya noong huli kaming nagkita ang tungkol dito.
I'm in trouble. I can't believe I am stuck in here and I can't believe that I'm being a dog with that beguiling evil and that, king.
At dahil nahihiya ako, nagpunta na lamang ako saaking locker para ilagay ang mga gamit ko at palitan ng iba. Pagsara ko nito ay napatalon ako dahil sa lalaking nakatitig saakin.
"You're new here, right?"
"Y-yes, sir."
"What year are you?"
"Ahm, freshman, sir."
"You're height is quite good. Gusto mo bang sumama sa lacrosse?"
Lacrosse? Hindi pwede. Tama na. Ang dami ko ng responsibilidad, at ayoko ng dagdagan pa ito.
"Ahhh.... pagiisipan ko po, sir."
"How about archery?"
"Pagiisipan ko rin po." Pagngiti ko sakanila.
"Sige. Kung magbago ang isip mo, puntahan mo na lang si Ken. Ipasulat mo ang pangalan mo sakaniya."
"Ken?"
"Oo. Sige. Mauna na ako."
"Sandali po! Sir. Sige po. Sasama na po ako. Saan ko po ba siya mahahanap?"
"Sa field. Nandoon siya at nagsasanay."
"Sige po. Salamat po." Aniko.
"Yes!" Sambit ko dahil mas mapapalapit ako sakaniya.
Bigla naman ako napatawa ng bahagya dahil sa kaalamang maga-archery ako pero malabo ang mga mata ko.
Yung Lauren kaya? Nasaan na kaya iyon? Isa kaya siya doon sa dalawang babaeng kasama ni Ken?
Gaya ng sinabi ni Sir ay nagpunta ako sa field at naabutan ang ilang estudyante na nagsasanay sa pagpana.
"Hindi ko kinakaya ang pagpana noong pinapagawa saakin ni Rein, pero ngayon ay sasali ako para lang dito?"
"I can't believe this." Wika ko saaking sarili.
Hinanap ko naman siya at nakitang naglalakad siya papunta dito sa field.
"All those students who wants to join the archery, fall in line, please." Sabi niya pagkarating niya sa may table kung nasaan ang pana.
Ang mga katulad kong estudyante na gustong sumama ay sumunod sa sinabi niya. Hindi ito naging mabilis dahil marami yatang kailangan isulat, o matagal lang talaga silang magsulat.
Nang susunod na ako ay biglang kumabog ng mabilis ang aking puso. Tama ba itong papasukin ko?
"Next, please." Aniya.
Pagkatapos naming lahat ay sinabi niyang maguumpisa na kami ngayon dahil nalalapit na ang kompetesyon.
"I am Ken and I'm gonna be your coach until you all know how to shoot."
"Coach Chester will train us for the competition after I am done teaching you. He is our coach."
"Okay. Line your body up perpendicular to the target. Hold the bow. Get the arrow and pull the bowstring." Utos niya kaya namin ito ginawa. Hindi ko alam ngunit ginagaya ko na lang yung iba.
Isa-isa niya kaming nilapitan atsaka inayos. Habang inaayos niya ang posisyon ng braso ko ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na amuyin siya dahil sakaniyang bango.
"Dapat matigas ito." Aniya at tinukoy ang aking braso.
"Your back shoul-"
"Don't." Pigil ko agad nang pataas na sana ang kaniyang kamay saaking likod.
Baka makapa niya ang nakabalot saaking dibdib at magduda pa siya saakin.
And by the way, mas matangkad siya saakin. Hanggang ilong niya lang ako.
Hindi kaya sila magduda dahil sa height ko? Ang liit ko kasi para sa isang lalaking first year student.
"Hold it firmly. If you don't, you might end up hitting yourself instead of your target." Sabi niya saaming lahat.
"Remember this." Malakas niyang sabi upang marinig namin ito.
"Stance. Grip. Finger. Draw. Aim. Exhale. Release."
"After you pull the bowstring, what's next?" Malaks niyang tanong.
"Finger." Aniya.
"Iayos niyo ang inyong mga daliri para kapag binitiwan niyo ang tali ay hindi tatama ang palaso sainyo."
"Finger should be the first than Draw. But because we are just starting, let's pass that."
Inisa-isa niya ulit kami. Bago at habang papalapit siya saakin ay hindi maputol ang aming pagtingin.
"Your fingers should be like this." Wika niya at naramdaman ko ang hininga niya saaking leeg.
Habang inaayos niya ito ay nagsalubong ang aming mga mata. Nakikita ko sakaniya ang parang pilit na pagkilala at kalituhan.
"Do I know you?"
"No." Tugon ko dahil hindi ko pa naman siya nakita dati. Ngayon ko nga lang siya nakilala at nakita.
"What's your name again?"
"Michael." Sagot ko.
"Okay, Michael. Your fingers should be like this." Pagayos niya saaking daliri.
"The next is Draw. Pull the bowstring and aim for your target."
"Okay. Then, release." Sambit niya atsaka namin ito binitiwan.
Ang iba ay umabot sa kahoy na aming target ngunit hindi tumama sa gitna, at ang iba naman ay tumama sa lupa katulad ko.
"Ang mga hindi nakaabot ang palaso sa target ay kinulang sa paghila. I told you to pull it. Your arms should straighten up."
"Again." Utos niya.
Nakailang ulit kami hanggang sa lahat kami ay natatamaan na ang kahoy ngunit hindi pa rin sa mismo o kahit malapit sa gitna.
"Tomorrow, let's meet again here. Dapat pag dating ko ay ayos na kayo. You guys should be done warming up."
"Need pang mag warm up?" Tanong ng isa.
"Of course. Bakit, hindi niyo ba ginawa?"
"Hindi." Sabi niya.
"Then expect your body especially your upper body to hurt."
"Sige na. Magkita na lang tayo bukas."
Umalis na rin ako at didiretso na sana saaking kwarto nang makita ko si Ken na naglalakad papunta sa itim na kotse sa labas.
Naka-kotse siya?
Bago pa siya tuluyang makalapit dito ay bumukas ito at iniluwa ang isang lalaking kalbo. Halos magkasing-tangkad lang sila, ngunit mas matangkad ng kaunti yung kalbo.
"Where's Wil?" Rinig kong tanong ni Ken nang makalapit ako. Hindi nila ako makikita dahil nasa bandang gilid ako at natatakpan ako ng mga halaman.
"I don't know. Ako dapat ang nagtatanong niyan." Sagot ng lalaki.
"Listen, Ken. I overheard my mom talking about the dead guy in his apartment. He was shot in the head by a gun. They said it was a murder, and some said it was a suicide."
"Okay?"
"And that dead guy was the Father of Patricia."
"Patricia?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ken.
"Oo."
"Diba patay na sila matagal na panahon na?"
"I thought so. Pero nakumpirma nilang papa talaga ito ni Pat."
"How?"
"Let's just go, shall we? Ang dami mo pang tanong."
Habang naguusap pa sila ay may bigla akong naalala. Noong nakita ko yung pangalan niya, napansin ko ang kaniyang apelyedo.
"Weker?" Tanong ko
Baka Welker talaga? Hindi ko lang napansin yung letter "L" dahil mas tinignan ko ang kaniyang pangalan.
Kung ganon, kapatid niya yung babaeng may puti ang buhok. Hindi kaya si Lauren iyon?
Siguro siya nga talaga iyon. Siguro siya si Lauren
Kung ganon, papa talaga nila ang hari dahil, una, malapit lang ang kulay ng buhok niya doon sa babae na alam kong si Lauren. Pangalawa, ang apelyido ni Ken ay Welker at ang buong pangalan ng hari ay James Welker. Tapos pangatlo, kaya siguro pinababantayan saakin ni Haring Hiro sila Ken at Lauren kasi gusto niya silang protektahan. Bakit? Dahil mahalaga sila sakaniya, dahil anak sila ng kaniyang kapatid.
"Hmmm. Ang galing ko talaga." Mahina kong sabi saaking sarili.
Pero diba, dapat ang mas mag-alala ng ganito ay ang kanilang papa, si Haring James? Bakit si Haring Hiro ang nagaasikaso?
Kung ganon, bakit niya iniwanan dito ang dalawa niyang anak? Hindi kaya mas malalagay sila sa kapahamakan dahil malayo sila sakaniya? Nandoon naman yung reyna, ang lola nila kung sakaling nandoon sila.
Atsaka, bakit mas nagaalala ang reyna doon kay James na kakambal ng hari kung ang umaako sa responsibilidad na dapat si James ang gumagawa dahil siya ang may anak, ay siya pa ang kahinaan nila?
Nako, nako. Ang nangunguna tuloy ngayon sa crush list ko ay si Haring Hiro.
Sino kaya ang kanilang ina? Buhay pa kaya siya?
Pagkaalis nila ay nagpunta na ako saaking kwarto at nag-ayos upang makapagluto na ako at makakain.
Mabuti na lang ay ayos lang saakin mag-isa kaya kinakaya ko ang katahimikan dito.
Pagkatapos ko ay natulog na ako ng maaga dahil wala naman akong magawa, atsaka inaantok naman na ako.
...
Pagkarating ko sa may maraming estudyante ay naririnig ko ang pinaguusapan nila tungkol sa pangalan at dugo. Bigla akong nakaramdam ng kaba at hindi ko alam kung bakit.
"Sa field." Rinig kong sagot ng isang babae sa lalaki kaya dali-dali akong nagpunta sa field. Pagkarating ko ay marami pa ring estudyante at guro na pinapaalis ang ibang estudyante.
Sumingit ako upang makita ito.
Parang gamit ang dugo ng kung ano ang ipinangsulat sa.....
"Oh my God." Salitang lumabas saaking bibig nang makita ko ang aking tunay na pangalan na malaking nakasulat sa lupa gamit ang dugo.
Napatingin ako agad sa gilid at nakita doon ang mga katawan ng taong nakahandusay at pakalat kalat. Sa pagkakakita ko ay sila ang ginamit niya upang makapag sulat.
"Oh my God." Ulit ko.
There's a big chance that he's still here. Oh my God. Baka galit siya?
Nagmadali akong umalis at didiretso sana papasok ng aking kwarto ngunit pagkurap ko ay nandito na ako agad sakaniyang kastilyo.
Yumuko ako at pumikit ng mariin atsaka tinanggap na lamang ang mangyayari.
"Kailangan ko pa talagang gawin iyon para magpakita ka?" Madiin at nakakatakot niyang sabi.
"May pinapagawa kasi sila saakin."
"May pinapagawa rin ako sayo." Balik niya.
"Hindi ko naman kasalanan na wala akong kakayahan magpunta dito ng ganiyan sa kapangyarihan mo. Kahit naman gusto ko ditong magpunta para magsabi ng nalaman ko sayo, hindi ko magawa dahil tanging ikaw lang ang may kakayanan non." Mahaba kong sabi matapos ang ilang segundong katahimikan.
"Atsaka ikaw nga itong hindi nagpakita saakin ilang buwan na ang lumipas."
"So it's my fault?" Nakakatakot niyang tanong atsaka siya tumayo at naglakad dahan-dahan papalapit saakin.
"I've work for a thousand decades. I have many works to do. I've only met you for not more than eight months. And, I own you. Should you be the one who's figuring out how will you get here and tell me the damn informations?!" Malakas niyang sabi.
"You're just one of my assets and I own you, Katharine! It is not my obligations to get you here and inform me." Aniya. Nang mahahawakan na niya ako ay biglang pumasok yung dalawang lalaki na parang hingal na hingal.
"My lord. Gabriel and his other friends are here again." Sambit nila.
Biglang sumabog sa galit at inis ang prinsipe kaya kami yumukong tatlo.
"Get that useless person out of my sight!" Utos niya sa dalawang lalaki atsaka lumabas.
Tinignan naman ako ng dalawang lalaki ng masama atsaka ako hinila papunta sa likod yata ng kastilyo. Naglakad kami ng naglakad hanggang sa nakalayo kami ng tuluyan sa kastilyo ng prinsipe.
"Dito ka na." Wika ng lalaking boses ko ang aking naririnig.
"Don't even dare follow us." Pagbanta ng isa saakin.
Nang makaalis sila ay nilibot ko ang aking paningin at sinusuri kung nasaang lugar na ba ako. Naglakad ako upang tignan ang paligid at nakitang dito ako parati iniiwan ng prinsipe.
Oo nga naman. Bakit ba hindi ako ang gumawa ng paraan para magpunta sakaniya.
Teka, bakit ko gagawin iyon? Siya ang may kailangan saakin. Hindi ko naman siya kailangan. Ginagawa ko lang naman ang mga ito dahil kayang-kaya niyang saktan ang pamilya ko.
Nakakainis siya. Muntik pa niya akong mapaniwala na ako ang may kasalanan.
Wala na akong ibang alam na mapupuntahan kaya ako nagpunta sa kastilyo ni Haring Hiro. Pagkarating ko ay agad akong hinarang ng mga gwardya dahil iba nga pala ang aking kasuotan kaya hindi nila ako makilala.
Ilang minuto akong nagpupumilit na kasama nila ako nang dumating si Mister Gerald habang nakasakay sakaniyang kabayo.
"Michael?"
"Mister." Pagbati ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ahh... ehhh..."
Shit! Wala akong maisip na dahilan.
"Ahhh..."
Tangina, wala talaga.
"Hindi ko rin po alam." Sabi ko. Napakunot naman ang kanilang noo atsaka rin ngumiti.
Hindi ko rin naman alam na bakit sa daming lugar ay dito ako dumiretso.
"He's with me." Aniya sa mga gwardya kaya na nila ako pinapasok kasama si Mister Gerald. Bumaba siya sakaniyang kabayo atsaka kami sabay na naglakad papasok.
"Hindi ko rin alam kung bakit ka nandito, pero dito ka na muna siguro dahil kailangan kong makausap ang reyna."
"Sige po. Salamat po." Aniko atsaka na sila pumasok sa loob ng kastilyo.
Ang bait naman niya. Nagiging crush ko na tuloy siya.
Una na siya sa crush list ko. Tapos susunod si Haring Hiro.
Ay, hala. Oo nga pala, siya ang nag-utos saakin na magpunta doon sa mundo ng mga tao. Paano pag nakita niya ako dito? Ano na lang ang sasabihin at gagawin ko?
Kung magtatanong naman ako kay Mister Gerald kung may daan ba o alam ba silang paraan para makabalik ako sa mundo ng mga tao, baka magtaka siya.
Nasapo ko na lamang ang aking noo dahil dito.
Maglalakad na sana ako papunta sa silid na tinutulugan ko noon nang makita ko ang babaeng may mahabang buhok kasama ang Hari katabi ang kaniyang kabayo. Pasimple akong lumapit kung nasaan sila.
Nagiging tsismosa ako sa ginagawa ko. Pero kailangan ko para sa pamilya ko.
Hindi ko alam na ang pagiging tsismosa pala ay nakakapag ligtas ng buhay ng pamilya.