Chapter 5 - THE TASK

2819 Words
Sa huli ay kaming tatlo ng hari at ni Jasper ang nagpunta sa kaharian ng reyna dahil may kaniya-kaniya rin daw silang dahilan. Dito ko nalaman na ang apelyedo ng hari na nagligtas saakin ay Welker, at kapatid niya si James Welker na kilala rin sa pangalang Jack na kasalukuyang hari ng mundong ito. Ibig sabihin, siya yung pinuntahan namin ni Rein noong nakaraang araw yata iyon, at kapatid nila yung babaeng may mahabang buhok na hindi ko pa sigurado kung Tala ba talaga ang kaniyang pangalan. Tapos ina nila yung reyna na nag-utos na ibigay yung kahon sa kaharian ni Reyna Agnes. This is interesting. Ngayon, nakokyuryos tuloy ako kung ano ba talaga ang dahilan ng paghihiganti ng prinsipe. Pero, para saan kaya yung sobrang lumang librong iyon? Ang creepy. Kung hindi siguro nalaglag yung kahon na iyon at nabuksan yung asul na tela ay hindi ko makikita yung laman. Pasensya na, Rein. Pero hindi ko sinasadya. Hindi ko naman kasalanan kung bakit iyon nabuksan. Kasalanan nila. Pagkarating namin ay naligo ako agad. Nilalamig na kasi ako dahil natuyuan na ako ng basang damit. Mabuti na lang talaga ay medyo makapal ang damit na isinuot ko kanina, kung hindi ay baka nahalata nila ang nasa aking dibdib. Paano na lang yung hari? Sana ay hindi niya ito naramdaman. Oh, my God! He.... our lips.... oh my gosh. This can't be happening. Well, it might not be taken as a kiss, right? Because it's for emergency purposes. "Ang dami mong alam. Gusto mo din naman yun eh." Nakangiti kong sabi saaking sarili at napatili sa banyo pagpasok ko. Shit. Ang weird pakinggan ng boses kong tumitili. Pagkatapos kong maligo ay papunta na sana ako para kunin ang aking mga damit nang nasa kastilyo na ako agad ng prinsipe. Oh my God! What the hell? "So?" "Ahhhhh!!" Sigaw ko dahil sa gulat at nabitiwan ang aking tuwalya. "For Hades' sake, cover those sins!" Aniya atsaka mabilis iniwas ang tingin atsaka ihinarang ng bahagya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga mata. "What the hell?!" Wika ko pagkatapos kong maisuot ng maigi ang aking tuwalya. "Well? Ano na?" He asked and cross his legs again and do his mannerism. "I didn't find, yet, their weaknesses. But. I found something that might interest you." Sambit ko ngunit hindi man lang nagbago ang tingin niya saakin. "James Welker, also known as Jack. He is the king of this world, well, they said. He has a twin brother, Hiro Welker, which is a king as well, but in a kingdom. They have a sister, I guess? Her name is Tala." Paguumpisa ko. "Matte, matte, matte." "He has a what?" "A twin brother." Aniko atsaka ulit nagpatuloy. "And their mother is a Queen in a kingdom where Hiro Welker is reigning." "Wait. Please." "Alright. What is it?" Tamad kong tanong at hinigpitan ang tuwalyang nakasuot saakin. "James Welker doesn't have a twin brother. He has only one brother, and is dead." "Okay? And?" "And this is going to be fun and exciting." Sabi niya atsaka ipinatong ang dalawang hita sa kamay ng kaniyang trono. "Tapos.... may nakita akong libro." Sambit ko na nagpalingon sakaniya saakin. "Luma na siya. Creepy. Tapos parang iniingatan nila ito." "I wonder what is it." "Have some thought of that? Baka magamit mo." Aniko ngunit iniwas niya lang ang tingin saakin at hindi na ako kinakausap. "Oh. And James Welker, Jack, said that you'll gonna wish you did not wake up from your death sleep." "He wish!" Madiin at sarkastiko niyang sabi. "So?" Tanong ko. "I want you get that book and give it to me. Yes more, no less." "No. What I meant is, my questions which you will be answering because I've done what you want?" "Oh? You didn't give me what I want." "But I still gave you something that you need." Sagot ko. Naupo naman siya ng maayos at bumalik sa dati. "Then what will be your question?" Should I ask about owning-me thing, or how long did I "died", or my real name, or what's the reason why he's taking his revenge on them? "What's my real name?" "Katharine." Pagsalubong niya saaking tingin. Umiwas naman ako dahil nakakapanlambot ito. "What do you mean you own-" napatigil ako nang mapagtanto ang sinabi niya. "Katharine?" Pagulit ko. "Okay. What do you mea-" "Enough. Second task again." "Sandali. Bakit?" "Anong "bakit"?" "I mean, you didn't answer all my questions." "As far as I remember, I told you that I will answer your question if you find each and one of their weakness. But you didn't! Instead, you gave me something we didn't talk about and asking for more!" "How could you?!" Galit niyang tanong at naguumpisa nanaman. Pagkabukas ng pintuan kung saan papasok na sana ang matanda ay biglang sumabog ang prinsipe kaya kami sabay napayuko. "Okay. I'm fine. I'm calm. I'm cool." "My lord, here's your drink." Pag-abot sakaniya ng matanda. Ngumiti kami sa isa't isa ng matanda atsaka na sila umalis. "So? Where were we?" Tanong niya atsaka naupo ulit sakaniyang trono. "Okay. Anyway, you need to give me that book first and I will answer your question." "All of my questions." "All of your questions if you can also give me all their weaknesses. So? Deal?" Tanong niya. "Paano kung isa lang doon ang kaya kong ibigay?" Tanong ko. "Two. Give me two. There are no negotiation." "If you only gave me one, then there's no all answered questions. But if you give me two, then I'll answer them honestly." "Honestly? So you're not honest when you answer my first question?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "No." Pagngiti niya saakin kaya ko siya sinamaan ng tingin. Napangiti na lang ako nang may maalala ako na hindi ko pa pala nasasabi sakaniya. "Then, I won't say something worth spilling either." Sabi ko kaya niya ako tinignan ng kakaiba. "Ano iyon?" Tanong niya. "Wala lang." Aniko atsaka tumawa. Naningkit naman ang mga mata niya habang umiinom ng kaniyang inumin. "Ano? Deal na ba?" "Alright." Wika niya atsaka naglakad papunta saakin upang makipag kamay. Binawian niya rin ako ng ngiti at hindi ko man aminin ay nakakatakot ito. Hindi ang ngiti niya ang nakakatakot kundi ang kung ano mang tumatakbo sa utak niya. Gaya ng dati ay umilaw ang aming kamay. Pagkurap ko ay nandito na kami kung saan niya ako iniwanan dati. "Oh, please. What is it?" Tanong ko dahil kyuryos na kyuryos na ako kung ano ba ang nasa isip niya kaya siya bahagyang napatawa. "Nothing." Sarkastiko at madiin niyang sagot saakin bago tumawa atsaka maglaho. Nanlaki naman ang aking mga mata nang mapagtanto kong tuwalya lamang ang aking suot. Paano na lang kung makita nila akong ganito? Paano ako makakapasok doon ng hindi nagpapakita? He is really, really, really, evil! . Mabuti na lang at nakalusot ako kahapon dahil kay Rein. Hinahanap niya kasi ako dahil may kailangan siyang ipagawa saakin. Hindi na siya nagtanong kung anong ginagawa ko sa labas ng tuwalya lang ang suot, at mabuti iyon. Nandito kami sa kaharian ni Reyna Agnes dahil sa hindi ko alam na dahilan. Basta isinama ako ni Rein, pero sa tingin ko ay isinama niya ako upang bantayan ang hari. "Oo. Nanganganib sila. Hindi pa nga natin nahahanap yung babaeng kinuha niya." Rinig kong sabi ng babae sa loob. Nasa labas kasi kami ni Rein at nagbabantay sa pinto. "Kailangan nating magpapunta doon upang tumingin at bantayan sila." Rinig ko namang sabi ng isa pang babae. "What about Rein?" Tanong ng isang babae. "He's incharge of my armies." Sagot ng hari. "How about Maynard?" "He's also incharge of my armies." Sagot ng babae sa hari. "Agnes. How about you?" Tanong ng babae. "Wala rin, ate." Tugon niya. Ate? Sinong ate? "I have a suggestion." Aniya. "What if someone who is kind of the same as their age? Ang ibig kong sabihin ay kung magpapapunta tayo doon ng magbabantay sakanila, dapat yung parang katulad lamang nila." "She has a point. Maybe someone who looks like a student." Ani ng isang babae. "Yung kasama kaya ni Rein?" Tanong niya kaya namilog ang aking mga mata. "He look like a student." "Michael." Sambit ng hari kaya ako napatingin kay Rein. "Okay. I'll talk to Wen and Sarah." Rinig kong sabi ng hari at pagkatapos ay nakarinig na ako ng yabag papunta sa pinto kung nasaan kami. "Rein. Do what I ask you to do. Focus on training them." "As of you, Michael. You should pack your things and go to the room so I can discuss what you need to do." Maawtoridad niyang sabi kaya kami sumagot ni Rein at sumunod sakaniya. Pagkarating namin sa kanilang kaharian ay agad din akong nag ayos gaya ng sinabi niya atsaka nagpunta sa silid kung saan nila kinakausap si Rein tuwing may ipapagawa sakaniya na hindi maaring malaman ng marami. Pagkarating ko ay wala pa doon ang hari. Nag antay ako ng ilang minuto at nang dumating siya ay sinabi na niya ang dapat kong gawin na katulad ng narinig ko kanina. "But. You should study here first. You need to be one step ahead of them." "Yes, your majesty." "You will start now." Aniya atsaka tumayo kaya rin ako tumayo. "Your things will be in your room. Don't think anything else and focus on studying so you can do your job well." "Yes, your majesty." Pagyuko ko. Pagkaalis nila ay may pumasok na lalaking may maladagat ang mga mata. Ang gwapo niya.... pero hindi ko siya crush. Bakit ba ang gagwapo ng mga ito? Ang prinsipe, ang dalawang haring kambal, ito, atsaka si Jasper kahit nakakainis siya. "Hi. My name is Gerald." "Hello po." Pagbati ko. "Your name is?" "Michael." Tugon ko atsaka inabot ang aking kamay sakaniya. Habang magkahawak kami ay napatingin siya saakin ng parang may kakaiba. Kumunot pa ang kaniyang noo ngunit nawala rin. "Michael. So, let's start." Pagngiti niya saakin kaya rin ako ngumiti. Mas bagay niyang nakangiti. ... Makalipas ang ilang buwan ay gusto ko ng sumuko dahil sa hirap ng tinuturo niya at dami ng kaniyang pinapagawa. Ilang linggo pa lang dati ay parang gusto ko ng sumuko, ngunit dahil sa pagkausap saakin ni Rein ay natutulungan niya naman ako kahit papaano. Si Jasper ay madalas nandito at minsan ay tinuturuan ako, ngunit mas madalas ang panonood niya saaking mahirapan. Hindi ko alam na matalino pala siya. Ang akala ko ay isa lamang siyang mahilig mang-inis. Sa kabila ng pagaaral ko ay nakakasagap pa rin ako ng mga balita at nagagawa ko pa rin ang ipinapagawa ng prinsipe saakin. Mas mabilis kong naoobserbahan ang pamilya nila lalo na't nandito na ako sa loob ng kanilang kastilyo. Nalaman ko na ang kahinaan ng reyna dito ay ang anak niyang si James Welker. Ngunit bakit ganon? Hindi ba dapat ay silang dalawa dahil pareho niya silang anak? Oh dapat nga ay si haring Hiro dahil siya ang nanjan palagi at siya ang kasama palagi ng reyna. Ang kahinaan naman ni Haring Hiro ay ang kaniyang ina, ang reyna. Grabe kasi ang pagaalala niya sa reyna lalo kung malaman niyang nanghihina ang kaniyang ina, kaya in-assume ko na ito. Si James Welker kaya? Ano o sino ang kaniyang kahinaan? Si Mister Gerald naman ay hindi kaano-ano ng hari ngunit tinatawag siyang "kuya" nung babaeng nagngangalang Tala. Pero tinatawag nung Tala na "mom" ang reyna, ibig sabihin ay anak nila siya at kapatid niya ang magkambal na hari. Pero bakit "kuya" ang tawag niya kay Mister Gerald kung hindi nila siya kaano-ano? Hindi kaya pinsan niya si Mister Gerald? Kung ganon, dapat "kuya" din ang tawag ng hari sakaniya, pero hindi eh. Baka mas matanda sila kaysa sakaniya? Masakit sila sa ulo kaya sa susunod ko na lang sila iisipin. Ang gumugulo sa isipan ko ngayon ay ang tungkol saamin ng prinsipe. Dahil sa pagaaral ko ay natutunan ko ang tungkol sa dugo. Kung naghalo ang dugo namin o sa madaling salita ay naging isa ang aming dugo, ibig bang sabihin non ay magkapatid na kami? Kung ganon, kapatid ko na siya? Kung oo, kailangan ko na siyang alisin sa crush list ko. Pero ang sabi din ay maaring maging tatay ko siya sa kaso namin. Kung sakaling mabago ang DNA ko at matulad sa DNA niya, ibig sabihin ay tatay ko na siya. No. Imposible. Mas malaking porsyento na magiging kapatid ko siya. Napatigil naman ako sa pagiisip nang makita ko ang mga nakasulat sa notebook ko. Ang labo nila. Hindi ko ito mabasa. Kinakabahan kong inilapit ang notebook upang mabasa ang mga nakasulat dito at napahinga ng maluwag nang mabasa ko naman. Pero bakit ganito? Nasa lamesa ko lang naman ito at hindi malayo saakin pero ang labo nito? Lumalabo na ba ang mga mata ko? . "Okay?" Wika niya habang nakaupo sakaniyang trono. Sinabi ko naman lahat ng nalaman ko kaya siya napangiti. "Good. Tell me about the book. Where is it?" "I don't have it. Gaya ng sabi ko sayo dati, masyado nila itong iniingatan." Aniko. Nagpakawala naman siya ng malalim na paghinga atsaka hinawakan ang sintido. Habang nagiisip siya ay hindi ko maiwasan isipin kung ano bang itinatago niya sa likod ng maskarang nakasuot sakaniya. May peklat ba ito? Ano? Anong dahilan at hindi niya alisin ang kaniyang maskara? "So that means, you will not going to answer my questions?" Pagtanong ko kaya niya isinalubong ang aking paningin. Bigla siyang naglaho at naramdaman ko na lang na nasa likuran ko siya. "I was honest." Sambit niya sa gilid ng aking tenga at pagkurap ko'y nandito na ako sa pinaghahatidan niya saakin dati pa. Honest? What does he mean? Napaawang ang aking bibig nang maalala kong tinanong ko pala siya dati tungkol sa sagot niya noong nagtanong ako ng aking pangalan. "So, he was telling the truth? Tsk. Manloloko talaga iyon. He tricked me." "So my real name is Katharine." ... Pagkatapos ng halos limang buwan ay natapos din ang pagpapahirap saakin. Hindi ko pa alam kung may natira ba sa utak ko. Pagkatapos ng pagkikita namin dati ng prinsipe ay hindi ko na ulit siya makausap dahil hindi niya pa rin ako dinadala sakaniyang kastilyo. "Pack your things. I will take you to the human world." Utos ng hari saakin. Pagkatapos kong mag ayos ay may sumalubong saaming lalaki na isa ring gwapo... pero hindi ko type. Sa ngayon, dalawa lang silang magkambal sa crush list ko. Ang una ay yung James, tapos susunod si Hiro. Kung hindi sana arogante itong lalaking ito, siya na sana ang pang-una. Pero, kahit anong gawin ko'y siya na ang aking first kiss. "Valentine." Sabi ng hari. "Valentine, this is Michael." "Michael, this is Valentine." Pagkilala niya saaming dalawa. Nagngitian naman kami. Naging mabilis ang mga nangyari at nandito na kami ngayon sa parang eskwelahan. May dalawang babae siyang kausap sa loob at hindi ko na ginustong pakinggan kung ano ang kanilang pinaguusapan. Pagkatapos nila ay iniwanan na ako ng hari at nung Valentine sa dalawang babae. "Iho, Michael, dito ang magiging tulugan mo." Wika ng sa tingin ko'y pangalan ay Wen pagkarating namin sa isang kwarto. Kumpleto na ito. Paglapag ko ng aking gamit ay nilibot nila ako sa buong paaralan. Nakabisado ko naman ang halos lahat dito. "Ang pangalan ng babantayan mo ay Ken at Lauren Welker. Dibale, magiging kaklase mo sila dahil iaayos namin ang pangalan mo." "Isa kang transferee, Michael. Kung tanungin ka man kung saan ka galing na paaralan, sabihin mo ay sa Central University of West, para hindi ka na nila tanungin ng kung ano-ano pa." "Central University of West?" "Oo. Paaralan ito sa kanluran na kung saan ang mga batang wala ng magpapaaral ay doon nag aaral. Sagot ito ng isang makapangyarihang tao na may ari din ng eskwelahan." "Bilang kapalit ng pagaaral nila ay nagtatrabaho sila sa kaniyang negosyo." Paliwanag nila kaya ako tumango. Ang tutulugan ko ay dito lang mismo sa paaralan at malapit sa may library na ikinatuwa ko. Pagkatapos nila akong ilibot ay pinabalik na nila ako saaking kwarto dahil may kailangan pa silang gawin. "Marunong ka bang mag luto ng makakain mo?" "Opo." Sagot ko agad dahil marunong naman ako... marunong ba ako? "Kung ganon, sige. Mauuna na kami, iho." Paalam nila. "Salamat po." Aniko. Pagalis nila ay nahiga ako saaking magiging higaan at tumingin sa kisame. Napatingin naman ako sa kalendaryo na malabo nanaman saaking paningin kahit na malapit lang naman ito saakin at malalaki ang sulat. Sa paglipas ng panahon ay mas lumalala na ang pagkalabo ng mata ko. Hindi ko alam kung bakit ganito. Kumakain naman na ako ng gulay at iniiwasan ko na ang mga nakasasama sa mata ko, pero patuloy pa rin ang paglabo nila at ang mas malala ay parang bawat linggo ay mas tumataas ang grado nito. Ayoko at natatakot ako na baka umabot sa puntong mabulag ako. Bigla ko namang pinunasan ang mga luhang kumawala saaking mga mata. Ayokong mabulag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD