Pagkatapos kong magsibat ng kahoy na inutos ni Rein ay dinala ko ang mga ito papunta sa mga kagrupo kong gagawa ng kani-kanilang armas gamit ito.
"Collect all the bodies there and give it to the chimera."
"C-c-chimera? Ano yun?"
"It's the pet of the empress."
"Empress?"
"Yes. Sige na." Medyo malakas nilang sabi kaya na ako umalis.
Grabe. Pagod na ako. Parang bibigay na ako.
I know that my strength is good, but my cardio is weak.
Pagkarating ko sa malapit sa gate ay nakita ko ang maraming katawan ng mga sundalo. Nasuka ako dahil sa amoy at itsura nila.
Naghanap ako ng maari kong gamitin para madala sila ng mabilis at nakakita ng kariton.
Sandali. Ito kaya yung kariton na tinutukoy nung dalawang lalaki dati na ginamit ni James Welker? Ibig sabihin ay nandito lang yung James Welker? Nasaan siya? Sino siya? Nasaan siya dito?
Yung hari kaya nila dito? Yung nakausap ko kagabi? Siya kaya yung James Welker?
Kailangan kong malaman kung siya ba iyon.
But wait. Diba nabawi ng prinsipe itong kariton kasama nung mga inumin niya?
Atsaka, bakit ko naalala ang mga iyon ngunit ang sarili kong pangalan ay hindi?
Sinubukan ko itong hilain at itulak ngunit sobrang bigat nito. Ang laki laki kasi.
Kung ito ang gagamitin kong pandala sa mga bangkay ay baka ako ang mahila nila hindi sila ang mahihila ko. Sobrang bigat nitong kariton, paano pa kaya kung nandito na yung mga bangkay?
At dahil wala na akong Plan B ay pinilit ko na lamang itulak ang kariton. Kahit mabagal ay nagtiyaga na ako para matapos ko na ito.
Pagkarating ko ay problema ko ang paglagay ng mga bangkay sa kariton.
Hindi ko sila matignan dahil natatakot ako.
Paano ko ito gagawin?
Habang nagiisip ay biglang may bangkay na nalaglag at nakaharap saakin kaya ako napatalon at napasigaw ng malakas dahil sa gulat.
"Ahhhhh!!"
Napatingin ako sa humahalakhak at nakitang yung lalaking nagngangalang Jasper ang may pakana nito.
"You should see your face." Aniya atsaka ulit tumawa.
Inalis niya ang taling nakatali sa bangkay atsaka ito itinapon na para lamang basura kasama ng ilang katawan.
"Ano bang problema mo?" Inis kong tanong.
"Nananahimik yung tao tapos ka mananakot."
"Bakit ba kasi palagi kang mag-isa? Sa lahat ng nakikita kong sundalo dito ay may kasa-kasama palagi. Ikaw, bakit wala?" Tanong niya atsaka sumandal sa may gate.
"Bakit ba? Pakialam mo?"
"Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag kang nandadamay ng iba dahil may ginagawa ako."
"Bakit ka nagagalit? Parang tinakot lang." Wika niya kaya mas uminit ang aking ulo.
"'Lang'? Para sayo 'lang' lang iyon pero para saakin hindi."
"Umlis ka na nga. Ginugulo mo lang ako." Sambit ko atsaka nilapitan ang mga bangkay ngunit hindi ko sila matignan.
"Hmmm... I see what's happening here."
"You're afraid of corpse!"
"No." Madiin kong sagot.
"Yes you are. That's why you're really angry because you are afraid of corpse. And you can't even look at them."
Hindi ako sumagot dahil totoo naman ang mga sinasabi niya.
"So, you need help?" Pagngisi niya saakin.
"Ano bang kailangan mo? Bakit mo ba ako pinapakialaman? Ganiyan ka na ba talaga kabagok at pati akong nananahimik dito ay pinagtitripan mo?"
"Ohh. You sounded like a girl, dude." Aniya kaya ako bigla kinabahan.
"Just stop bothering me. May mga gagawin pa ako."
"Okay." Wika niya atsaka sumandal ng tamad sa gate atsaka ako pinapanood.
"Bakit ka pa rin nandito?" Irita kong tanong.
"Yes, I am bored and I need something to ease my boredom."
"And I think by watching you do your task can help it."
Hindi ko na siya sinagot dahil wala naman na akong mapapala sakaniya. Tinignan ko ang mga bangkay ngunit mabilis din akong umiwas dahil nakakatakot sila.
"So? How're you gonna do that?" Pagtawa niyang tanong.
"I don't know so can you stop laughing? You're bothering me."
Nakita ko naman ang taling ginamit niya sa oananakot saakin kaya ako nakaisip ng magandang ideya.
Itinali ko ito sa isang bangkay ng may nanginginig na kamay atsaka hinila ang dulo ng tali.
"You're gonna take forever by doing that."
"I will gonna take forever if you keep bothering me." Tugon ko.
Pagkatapos kong mailagay ang isa ay napangiti na lamang ako. Sinunod ko ulit ang isa at isa pa hanggang sa tinigilan ko na dahil magtutulak pa ako.
Hirap na hirap akong itulak ang kariton samantalang ang lalaking ito ay pinapanood lamang ako. Bawat hakbang ko'y kailangan kong ibigay ang buo kong pwersa para gumalaw ang kariton.
"Saan mo ba iyan dadalihin?" Tanong niya saaking gilid kaya ako napairap.
"Chimera."
"Chimera? Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya kaya ako napaharap.
"You are really something." Wika niya.
Pinabayaan ko na siya at nagpunta na lamang kung saan ang tinuro kanina ni Rein. Nakarating ako sa tagiliran ng kastilyo at biglang kinabahan ng makarinig ng kakaibang tunog.
Napalunok ako ng makita ko ang chimerang tinutukoy nila. Ito yung halimaw na nasa himpapawid dati noong umatake sila sa kastilyo ng prinsipe dati. Tao pala ang pinapakain sakaniya... sakanila.
Paano kung kainin din nila ako?
"Easy. Easy. Ito na yung pagkain niyo." Nanginginig kong tulak sa kariton palapit sakanila.
Hindi ko sila magawang tignan dahil nakakatakot sila. Narinig ko ang pagkain nila sa mga bangkay na inilapit ko at napapikit na lamang ng madiin.
"Meron pa doon. Sandali lang." Takot kong sabi atsaka hinila ang kariton.
Pagkatapos ko'y ibinalik ko na ang kariton sa pinanggalingan nito matapos ko itong linisan. Nakita ko naman yung Jasper na pinapanood ako kaya ko siya binigyan ng masamang tingin.
Hindi ko pa rin makalimutan ang itsura nung bangkay na ginamit niyang panakot saakin.
Habang naglalakad ay bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Medyo madilim na kaya hindi ko napansing maitim na ang langit.
Tumakbo ako papasok saaming tulugan atsaka nagpalit ng aking damit upang maligo sa ulan. Kailangan kong magpalit ng iba dahil manipis ang suot ko kaninang damit, baka makita nila ang nakalagay saaking dibdib.
Pagkalabas ko'y mabilis akong nabasa dahil sa lakas ng ulan. Mabuti na lamang at umulan para naman maramdaman kong hindi ako nagiisa.
Hindi ko alam kung bakit ngunit sa tuwing umuulan ay para ako nitong niyayakap.
Napangiti ako at napatawa dahil sa gaan ng aking pakiramdam.
Ilang minuto pa lang ako naliligo ay huminto na ito. Nagpakawala na lamang ako ng malalim na paghinga dahil sa kadismayahan at pumasok upang maligo.
...
Pagkagising ko'y nagmadali akong nag-ayos atsaka lumabas upang puntahan si Rein. Tuwing umaga kasi ay may ipinapagawa siya saakin.
"You're 45 minutes late."
"I apologize."
Kung hindi dahil doon kay Jasper ay makakatulog sana ako ng maayos. Hindi ko kasi malimutan yung ginawa niya saakin.
"Ihanda mo ang kabayo ng mahal na hari. Gagamitin nila ito maya-maya."
"Linisan mo. Paliguan mo, at gusto kong maayos ito."
"Masusunod." Tugon ko atsaka na nagpunta kung nasaan ang kabayo ng hari at reyna.
"Bakit ba palaging kayo ang trabaho ko?" Tanong ko dito.
Nag-igib ako ng tubig pampaligo dito atsaka na nagumpisa. Inayos ko pa ang kailangan ayusin at patapos na ako nang mapansin ko ang hari na pinapanood ako.
"Ahhh, pampaligo!" Malakas kong sabi dahil sa gulat. Muntik ko pang mabitiwan ang timba na may lamang tubig dahil dito.
"Ano pong ginagawa niyo dito? Kailangan niyo na po ba ang kabayo niyo?"
"Oo." Tipid niyang sagot kaya hindi ako agad nakaimik dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot.
He's too handsome that I am speechless.
Iwinaksi ko ang mga pinagsasabi ng isip ko at ibinaling ang atensyon sa trabaho ko. Mahuhuli talaga ako dito kung ganito ako.
"Tapos naman na po ako. Pwede niyo na po siyang kunin." Wika ko atsaka inilagay ang timba sa gilid.
"Hiro." Tawag ng babaeng may mahabang buhok na matangkad, sa hari.
Hiro pala ang pangalan niya. Hmm... sino kaya yung James Welker?
"I'm going to James, you stay here, besides, I need to talk to him."
Para akong nakarinig ng kung ano kaya ako napatingin sa babae.
She knows who's James. Pero... si James Welker kaya ang tinutukoy niya? Paano kung kapangalan lang pala iyon ng hinahanap ko?
"Hiro." Pagtawag sakaniya ng reyna.
"Mom." Bati niya at ng babae sa reyna.
Mom? Magkapatid sila?
"Give this to Queen Agnes'."
"Excuse me po." Pagyuko ko upang umalis.
"I can't, mother. Hindi doon ang pupuntahan ko." Rinig kong sabi ng hari.
"Mom, I have to go." Paalam naman ng babae atsaka na umalis.
Nakita ko pa kung paano lumipad ang chimera na pinakain ko kahapon hanggang sa nawala na sila saaking paningin. Naalala ko naman ang bangkay na pinantakot saakin.
"What about Rein?" Tanong ng reyna.
"He's going with me."
"Okay. Then go to James's castle after your...whatsoever thing to do, and after you give this to Agnes." Anila kaya ako bigla napabalik upang makinig pa.
Nakita ko ang pagkain ng mga kabayo kaya kahit maayos naman sila ay inaayos ko ulit upang marinig ang tungkol kay James.
"Mom."
"Rein." Tawag ng hari kaya ako napatalikod at pinupunasan ang mga pwede kong punasan.
"Yes, your majesty?"
"Your majesty." Pagbigay pugay niya sa reyna.
"Can you give this to someone else? Tell them to bring it to Queen Agnes's castle." Wika ng hari.
Biglang nagkasalubong ang paningin namin ni Rein kaya niya ako tinawag.
You've got to be f*****g kidding me. Paano ko malalaman yung tungkol sa James na sinasabi nila?
"Yes, your majesty." Pagyuko niya ulit.
Bago pa ako makarating ay nagpaalam na ang reyna atsaka pumasok sa kastilyo.
"Ako na po ang bahala, mahal na hari." Sambit niya atsaka ulit yumuko at lapitan ako ng tumango sakaniya ang hari.
"Magba-biyahe kang mag-isa. Kaya mo ba ito?"
"Oo at kailangan mong kayanin. Magpaka lalaki ka." Sagot nila bago pa ako magsalita.
"Tutal medyo malapit lang naman ang kaharian ni Reyna Agnes, dumaan ka na lang doon sa tulay."
"Tulay? M-m-m-may tulay dito?" Tanong ko.
"Oo. Sige na. Do not fail me- ano nga ba ang pangalan mo?"
"Ahh.... ehh..." Bigla akong kinabahan nang makita ko ang hari na nakatingin saamin na parang binabasa ang sasabihin ko sa pamamagitan ng aking labi.
Anong pangalan ko? Ano? Anong pangalan ko?
"Michael." Sabi ko nang maalala ko ang pangalang ito saaking panaginip.
"Good. Michael, do not fail me."
"Opo." Aniko atsaka na nila inabot ang kahon na nakabalot sa asul na tela.
"And don't ever dare try to open that or anything they asked you to give to someone. Don't peak or look. It's a matter of respect, Michael." Pagharap nila saakin, pinalo nila ako na madalas gawin ng dalawang magkaibigang lalaki atsaka tuluyan ng umalis. Dahil hindi naman ako lalaki, halos mapasubsob pa ako kasi ang lakas niyang manghampas.
Bumalik ako saaming tulugan upang magbihis at agad ding umalis.
Saan ko mahahanap yung tulay dito?
Paano ko malalaman kung sino yung James na sinasabi nila kung nandito ako at naipit nanaman sa ganitong sitwasyon?
Ilang minuto akong naglakad hanggang sa makarinig ako ng tubig na nagraragasa kaya ako nabuhayan. Sinundan ko ito at natunton ko ang tulay na sa tingin ko ay tinutukoy ni Rein.
"Nakakatakot naman ditong tumawid." Bulong ko sa hangin.
Pagkaapak ko dito ay hindi ko sinubukang tumingin sa ibaba dahil alam kong mawawalan ako ng balanse. Ang nipis kasi nito at wala man lang hawakan.
Breathe. Breathe. Relax. You're gonna be fine. Don't look down. You're just need to cross this damn death-bridge and you're done.
"Don't look down. Don't ever look DOWN!"
Muntik na akong mawalan ng balanse ng humangin ng malakas na nagpauga ng kaunti sa tulay.
"Breathe. Breathe. You're okay. You're fine. You're relax. And you're cool."
"God! You're so damn cool." Aniko saaking sarili.
"What are you doing here?" Rinig ko sa gilid ng aking tenga kaya ako napasigaw at nawalan ng balanse. Itinapon ko ang kahon sa kabilang parte ng tulay at tuluyang nalaglag.
Narinig ko pa ang pagtawa ni Jasper bago ako kainin ng tubig. Pinilit kong umahon upang makahinga ngunit sobrang lakas ng agos nito. Para ako nitong hinihila pababa atsaka ipinapaikot-ikot.
Hindi ko na masabi ang dapat kong sabihin dahil ang dami ko ng nainom na tubig.
.
"I'm sorry. I didn't want this to happen." Rinig ko.
"Come on. Breathe. Open your eyes, Michael." Panibagong boses na aking narinig.
Bigla akong napaubo at napabangon. Napahawak din ako saaking ulo dahil sa sakit nito at ng aking ilong.
"Are you okay?" Tanong saakin ni Jasper kaya ko siya tinignan.
"Ahhhh!!" Sigaw ko nang makita ko siya na nagpasigaw din sakaniya ng malakas.
"Ahhh!!"
"Bakit-bakit-bakit-bakit ganiyan ka?!" Taranta at takot kong tanong dahil sa nakikita ko.
May mahaba siyang tenga at kulay berdeng mga mata at mga pangil na nakalabas. May kulay puti na hindi ko maintindihang kulay siyang buhok na mahaba.
"Bakit ganito ako?!" Taranta, takot at hindi makapaniwala niya ring tanong sakin.
Pagkurap ko ay bigla na lamang nagbago ang itsura niya at bumalik sa dati. Maikli ang buhok, walang mga pangil, at parang "normal" hindi katulad sa nakita ko kanina.
Kunot noo ko siyang tinitigan at kumurap kurap bago ko maalala ang ginawa niya.
"Ano bang ginawa kong kasalanan sayo? Bakit palagi mo na lang akong pinakikialaman?" Galit kong tanong atsaka tumayo.
Magsasalita pa lang ulit ako nang makita ko ang hari na masamang nakatingin saaming dalawa.
"K-k-k-kayo po... k-kayo po ang nagligtas saakin?"
"Yes." Tipid niyang sagot habang nakatingin saakin.
Bigla akong yumuko upang magbigay ng pugay.
"Pasensya na po." Wika ko atsaka tinignan ng napakasakit yung lalaking nasa gilid ko.
Mali. Mali talaga ito. Paano niya na lang.... teka. Lalaki naman pala ako sa mata nila kaya ayos lang gumawa ng kahihiyan. Hindi naman nila malalaman na babae ako.
Hindi niya, nilang dalawa ng isang hari, pwedeng makita ako ng parang ganito kung babae na talaga ang itsura ko dahil baka ma-turn off sila.
Tangina. Ano ba itong mga iniisip ko?
Umayos ka nga. Ikaw itong muntik ng malunod dahil dito sa Jasper na ito, tapos ikaw pa itong humaharot? Get a grip, girl. Hari sila, isa ka lamang tao na pagmamay-ari ng isang crush mo-ang may masamang ugaling prinsipe.